Nananatiling nakatayo si Arya sa harapan ng mesa nila Angelo at Dominic. Natutuwa siyang ngumiti. Masaya siya na naalala ni Angelo ang pangalan niya. “Mabuti naman at naalala mo pa ang pangalan ko,” malumanay na sabi niya. Bumalik sa sarili si Angelo. Tipid itong napangiti. “Oo naman. Bakit ko naman makakalimutan ang pangalan mo?” aniya. Nagbaba nang tingin si Dominic. May bahagi sa kanya ang nasaktan sa sinabing iyon ni Angelo. Ewan ba niya kung bakit siya nasasaktan, kung tutuusin, wala namang mali sa sinabi nito. Tama lang naman na hindi niya ito makalimutan dahil naging bahagi ito ng buhay ni Angelo. Aminado si Dominic na maganda talaga ang babae. Sopistikada ito pero kakikitaan ng pagiging mabait. Mukha itong anghel sa kanyang paningin dahil sa maamo nitong mukha. Ayaw man niyang i