CHAPTER 53

1293 Words

Magkatabing nakaupo ng pa-indian sila Dominic at Angelo. Nasa rooftop silang dalawa at matamang nakatingin si Angelo sa kanyang nobyo. “Bakit ang tahimik mo kanina?” pagtatanong ni Angelo kay Dominic. Napansin niya iyon kanina. Tiningnan ni Dominic si Angelo. “Ha?” nagtatakang tanong niya kahit narinig naman niya ang itinanong nito sa kanya. Napangiti si Angelo. “Hindi ka lang tahimik, nabingi ka na rin,” pabirong wika niya sa nobyo. Nag-aalinlangan namang ngumiti si Dominic. “Narinig ko naman ‘yung tanong. Nagtaka lang ako kasi bakit mo ako tinanong ng ganyan,” sabi nito. “Hindi naman kasi ako kasali sa usapan ninyong dalawa kaya bakit ako sasali, ‘di ba?” tanong niya pa saka nagbaba nang tingin. Ngumiti nang maliit si Angelo. “Dapat nakisali ka,” aniya. “Pwede ka namang mag-kwento p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD