Chapter 13

1839 Words
PASADO ALAS siete ng umaga nang lisanin nina Autumn at Blaze ang rest house. Gamit ang vampire speed ng binata ay nakarating agad sila sa Luna Building. Nabungaran nila roon sina Burn at Lightning na naghahanda sa pagpasok sa eskuwela. Hindi na rin nagtagal pa si Blaze at nagpaalam na aalis na. Hindi raw ito makakapasok ngayong araw dahil mayro'n itong importanteng gagawin kaya hinabilin siya nito kay Burn. Ihatid daw siya ng babae sa kanilang bahay kung kinakailangan. Tuwang-tuwang naman si Burn sa narinig at agad na sumang-ayon. “You have a hickey,” nakangising wika ni Lightning habang nakatitig sa kanyang leeg. Katatapos lang niyang maligo at dahil nakaipit pa rin ang tuwalya sa kanyang buhok ay agad nitong nakita ang markang iniwan ni Blaze kagabi. Para namang sinilaban ang puwet ni Burn sa narinig at agad siyang nilapitan. “Ano'ng ginawa ni Blaze sa 'yo? Ginalaw ka ba niya?” seryosong tanong nito habang nakatitig sa kanyang leeg. “No,” mabilis niyang sagot at agad na inilugay ang kanyang buhok. Sinuklay niya ito at naglagay ng kaunting pulbo sa mukha. Sunod siyang nagsuot ng sapatos. “Woah!” Nag-angat ng tingin si Autumn nang marinig ang paghiyaw ni Lightning. Mula sa kamay ni Burn ay naglabas ito ng puting usok. Nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang lumabas mula sa kawalan ang mga ginawa nilang dalawa ni Blaze kagabi. “Stop that!” sigaw niya kay Burn pero parang hindi siya nito narinig. Halos takpan niya ang kanyang mukha nang makita ang sarili na nakikipaghalikan kay Blaze. Tuwang-tuwang naman si Lightning sa pinapanood at ilang beses pa siyang kinantiyawan. Nang masigurado ni Burn na wala ngang nangyari sa kanilang dalawa ni Blaze ay nawala na rin ang usok ito. Nanatiling nakayuko si Autumn, hiyang-hiya sa mga nangyari. “Autumn, 'wag mong hayaang may mangyari sa inyong dalawa ni Blaze. Alam kong mag-mate kayong dalawa pero hindi mo pa kakayanin ang makipag-isa sa kanya. You might die, Autumn.” Natigilan siya at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Sinalubong niya ang nag-aalalang mukha ni Burn. “What do you mean I might die?” nagtataka niyang tanong. “Look, isang bampira si Blaze at kahit sabihin nating gano'n ka rin pero iba ang situwasyon ngayon, Autumn. Tao pa rin ang katawan mo kaya kapag ginawa mo ang bagay na 'yon kasama siya, mahihirapan kang sabayan ang lakas niya,” paliwanag nito. “That's okay, Burn. She's still a vampire. Paunti-unti na rin namang lumalabas ang kapangyarihan niya. In no time, baka tuluyan na 'yang maging bampira. Just let her experience what heaven really feels like, para tuluyan na 'yang maging isang babae,” sabat ni Lightning na agad na kinontra ni Burn. Nagbangayan ang dalawa kaya tinapos na ni Autumn ang ginagawa at agad na lumabas ng dorm. Dumiretso siya sa Cafeteria at nag-umagahan. Sinadya niyang magpahuli bago pumasok sa kanilang silid dahil medyo naririndi na rin siya sa boses ng dalawang babae. Saktong magsisimula na ang klase nang makarating siya kaya hindi na siya nagawa pang kausapin ng mga ito. Ilang oras na walang ginawa si Autumn kundi ang makinig sa guro. May mga pagkakataon na bigla na lamang siyang mapapatingin sa bakanteng upuan ni Blaze at magpapakawala ng malalim na paghinga. Kahit ilang oras pa lamang silang naghihiwalay ng binata ay namimiss na niya agad ito. She already wants to see him and be with him. Dahil sa iniisip ay hindi na namalayan pa ni Autumn ang paglipas ng oras. Tapos na ang morning session kaya nag-unahan na sa pagtakbo palabas ang kanyang mga kaklase. Dahil sa araw ng Biyernes ay half day lamang ang kanilang pasok. Uwian ito ng mga estudyanteng ilang araw ring hindi nakita ang kanilang mga mahal sa buhay. Kahit si Autumn ay hindi rin naikubli ang sayang nararamdaman dahil makalipas ang ilang araw ay makakauwi na rin siya sa kanilang bahay. “Uuwi ako sa kaharian,” wika ni Lightning na abala rin sa pagliligpit ng mga gamit. Nananghalian lang sila sa Cafeteria at agad na tumungo sa dorm para mag-ayos ng mga gamit nila. Kahit si Burn ay mukhang uuwi rin. “Ikamusta mo na lang ako kay Tito Hell. Tell him, dadalaw ako roon kapag puwede na,” sabi ni Burn sa pinsan. Tumango lang si Lightning at agad na nawala sa kanilang paningin. Binilisan na rin ni Autumn ang pagliligpit dahil baka maiwan na siya ng bus. Hindi pa naman niya natawagan ang kanyang Tiyo Spring para sunduin siya. Batid din naman niya na abala ito sa pagtatrabaho. “Are you ready? Baka nakakalimutan mo, pupunta tayo sa Hecate Building.” Natampal ni Autumn ang kanyang noo nang maalala ang ipinangako ni Blaze sa kanya. Sa sobrang sabik niya na makauwi agad ay nakalimutan niya ang tungkol sa Hecate Building. “Can we go there on Monday? Baka kasi wala na akong mahabol na bus,” aniya. “Don't worry, ihahatid kita,” natatawang sagot nito. Kung sa bagay, isang bampira si Burn. Sa isang kisapmata lamang ay makakarating agad siya sa kanilang bahay nang walang kahirap-hirap. Ang mahalaga sa ngayon ay malaman niya ang lihim na nakakubli sa abandonadong gusali. “Okay,” tipid niyang sagot saka ito tinalikuran. Bitbit ang kanyang mga gamit ay lumabas siya ng Luna Building. Hindi na niya hinintay pa si Burn gayong alam niya na kaya nitong makarating sa Hecate Building sa isang iglap lang. Tahimik ang buong lugar nang makarating siya. Sinuyod ng kanyang paningin ang mataas na gusali. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya naakyat ang Hecate Building. “So, ano'ng gusto mong malaman?” Muntik nang magpatalon sa gulat si Autumn nang marinig ang boses ni Burn na nagsalita sa kanyang tabi. Para itong hangin na bigla na lamang sumulpot. “Everything,” sagot niya. “Okay.” Umangat ang mga kamay ni Burn. Muli itong naglabas ng puting usok at sa pagkakataong ito ay pinalibutan nito ang buong gusali. Ilang minuto pa ang itinagal bago ito tuluyang naglaho. Ang kaninang mataas na gusali ay biglang napalitan ng isang madilim at mataas na tarangkahan. “What's that?” kunot-noo niyang tanong saka sinilip ang loob. Masyadong madilim at wala siyang maaninag na kahit ano. “Ang Veracastrum, kaharian ng mga masasamang bampira. . . ang lugar kung saan kami ipinanganak.” Nabaling ang tingin niya kay Burn. Bahagya itong nakangiti pero bakas sa mukha nito ang lungkot at sakit. “Ibig sabihin, mga masasama kayong bampira?” tanong niyang muli. “Oo, noon. Pero lahat naman nagbabago, kahit mga bampira,” nakangiti nitong sagot. She hissed. Muli niyang pinagmasdan ang madilim na lugar. Hindi niya akalain na nakakubli sa loob mismo ng Crescent University ang kaharian ng mga masasamang bampira. Marahil, ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga estudyante ang nawawala sa lugar na ito. “Ang Hecate Building ang nagsisilbing lagusan papunta sa kaharian ng Veracastrum. Kaya nilagyan ko ng spell ang buong gusali para walang mortal ang makakapasok sa kaharian. Kung hindi sila naaksidente ay nakakakita naman sila ng mga ligaw na kaluluwa o kaya'y mga demonyo, nang sa gano'n ay matakot na silang bumalik ulit sa lugar na ito,” paliwanag nito. “May mga nakita akong pumasok dito noong nakaraan. Mga kalahi n'yo ba sila?” Tumango ito. “Tanging mga Veracastrian lamang ang malayang nakakapasok sa lagusan. Mga piling bampira na binigyan ng pagkakataong mabuhay gaya ng mga normal na tao. Si Blaze ang namumuno sa kanila. At bilang kapalit ng kalayaang tinatamasa nila ay ipinagbawalan silang pumatay ng tao. Ang sinumang Veracastrian na lumabag sa batas ay papatawan ng mabigat na kaparusahan at hinding-hindi na ulit pa makakatawid sa lagusan.” “Akala ko ba mga masasama kayong bampira? Paano n'yo nasisiguro na hindi nga sila papatay ng mga tao?” tanong niyang muli. “Tiwala. Kailangan mo lang magtiwala, Autumn. Besides, laging binabantayan ni Blaze ang mga Veracastrian na nandito sa loob ng Crescent University. Kaya madalas siyang wala dahil sinisigurado niyang ligtas na namumuhay ang mga kalahi namin at maayos na nasusunod ang mga batas. Siya ang Prinsipe ng mga Veracastrian at kahit kailan, hindi niya kami pinabayaan.” Hindi nakapagsalita si Autumn. Natutuwa siya sa mga nalaman. Kahit na galing sa lahi ng mga masasamang bampira si Blaze ay nanatiling mabuti at busilak ang puso nito. Sino ang mag-aakalang maaari pa lang mangyari ang bagay na 'yon? “I understand. Ginawa n'yo lang ang lahat ng 'yon para protektahan ang mga mortal na nag-aaral dito sa Crescent University. Gaano na ba karami ang mga Veracastrian na nag-aaral dito? Maliban ba sa inyo ay may mga natitira pang masasamang bampira?” tanong niya. “Halos kalahati na rin sa mga Veracastrian ang umalis sa kaharian. Ang iba, nasa kaharian n'yo at ang iba naman, nandito sa Crescent University.” “Wait, kaharian namin? Ano'ng ibig mong sabihin?” “Ang Veracastrum ay pinamumunuan ni Savage Veraguaz, ang ama ni Blaze. Hindi sang-ayon si Blaze sa pamumuno ng kanyang ama kaya kinalaban niya ito. Ilang mga Veracastrian ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong na makaalis sa kaharian. Sa tulong ng iyong ama ay inilipat sa kaharian n'yo ang lahat ng mga Veracastrian na gustong mamuhay nang tahimik at malayo sa kaguluhan. Gaya ng sinabi ko, lahat ay nagbabago kahit ang mga masasamang bampira. Tinanggap kami ng mga kalahi n'yo kahit na ibang-iba kami sa inyo. Sa Benicastrum namin nahanap ang totoong pamilya. Kayo ang nagturo sa amin kung paano magmahal at maging mabuti. Sa paglipas ng mga taon, tuluyang nabura sa puso ng mga Veracastrian ang kasamaan. At lahat ng 'yon ay dahil kay Blaze at sa ama mo, Autumn,” mahabang paliwanag nito. Hindi alam ni Autumn ang sasabihin. Parang may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang biglang nasugatan. Siya ang kinikilalang Prinsesa ng mga Benicastrian pero parang siya pa ay may tinataglay na kasamaan sa lahat. She never trusted anyone dahil alam niyang lolokohin lamang siya ng mga ito. Madalas din siyang galit at hindi pinapansin ang sinumang lumalapit sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat na maging Prinsesa ng mga mabubuting bampira. “Thank you for telling me this, Burn. You made me realize how selfish I am. Pakiramdam ko, wala akong kuwentang Prinsesa,” aniya. “Don't say that, Autumn. Naiintindihan ko na hindi ito ang klase ng buhay na kinagisnan mo. Lumaki kang malayo sa mga kalahi mo kaya marahil ay naninibago ka lang. Maghintay ka, darating din ang araw na matatanggap mo ang lahat. Mapapatunayan mo rin sa sarili mo na isa kang tunay na Prinsesa, lalo na ngayong papalapit na ang araw ng mating ritual ninyong dalawa ni Blaze, gano'n din ang propesiya.” “Propesiya? Ano'ng propesiya?” nagtataka niyang tanong. Sa halip na sumagot ay inabot ni Burn ang kanyang kamay saka ngumiti nang bahagya. “Wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo ang tungkol doon. Halika, sasamahan kita pauwi. Hayaan mong ang iyong ama mismo ang magkuwento sa 'yo tungkol sa propesiya,” sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD