Chapter 12

1732 Words
HINDI mabura-bura ang ngiti ni Blaze habang nakatitig sa natutulog na si Autumn. Pagkatapos ng mga nangyari sa rooftop ay nagpasya siyang iuwi ito sa rest house kung saan siya namamalagi. Sinigurado niyang ligtas ang lugar laban sa ibang mga immortal at sa tulong na rin ni Burn ay nagawa niyang lagyan ng pangharang ang buong rest house. Kaya kahit may mga bampirang nagliligalig malapit sa kinaroroonan nila ay hinding-hindi sila maaamoy ng mga ito. "Ang aking Prinsesa," mahinang turan ni Blaze sa sarili. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang dahan-dahang hinahawi ang mga nagkalat na buhok sa gilid ng pisngi ng dalaga. Maingat niyang inipit ang mga ito sa likod ng tainga ni Autumn bago ipinagpatuloy ang pagtitig dito. Inabot niya ang kopita na nakapatong sa ibabaw ng side table saka ito ininom. Naipikit niya ang kanyang mga mata nang manuot sa kanyang lalamunan ang lasa ng paborito niyang inumin, ang dugo. Tuwing linggo ay may dumarating na supply ng dugo sa rest house. Binibili niya ang mga ito sa iba't ibang ospital malapit sa kinaroroonan niya. Halos tatlong taon na rin niyang ginagawa ang ganitong klase ng transaksyon at hindi naman siya nagkakaproblema dahil katulad niya ay mga kapwa bampira rin ang kanyang mga kasusyo. Kailangan niyang magpalakas lalo na't nalalapit na ang araw ng mating ritual nilang dalawa ni Autumn. Sa araw na 'yon ay matutupad ang pangarap niyang maangkin nang tuluyan ang dalaga, gano'n din ang araw na kailangan niyang patayin ang kanyang ama. Alam ni Blaze na hindi 'yon magiging madali para sa kanya pero kailangan niyang gawin, para sa kapakanan ng nakararami. Naagaw ang kanyang pansin nang marinig ang mahinang pag-ungol ni Autumn. Wari'y nasa gitna ito ng masamang panaginip at kailangang gisingin. Inubos na niya ang inumin bago nagpasyang sumampa sa ibabaw ng kama saka ito tinabihan. Hindi siya nagdalawang-isip na yakapin ito. Isang mahigpit na yakap din ang iginanti ni Autumn sa kanya kaya hindi niya napigilan ang mapangiti. Bakas sa kanyang mukha ang sayang nararamdaman nang mga sandaling iyon. "Mahal kita, Autumn," bulong niya sa gilid ng tainga nito. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ng dalaga sa kanya na wari ba'y narinig nito ang kanyang sinabi at 'yon ang naging tugon nito. Naipikit ni Blaze ang kanyang mga mata. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito kaya naipilig niya ang kanyang ulo at pilit na pinakalma ang sarili. Hawak-hawak niya ngayon sa kanyang mga bisig ang babaeng matagal niyang hinintay at pinangarap. At dahil sa papalapit na ang araw ng kanilang pag-iisa ay naghahanap na rin ang kanyang katawan. Alam niyang gano'n din ang nararamdaman ni Autumn. Hindi magtatagal ay hindi na nila mapipigilan pa ang kanilang mga sarili at kusa nang isusuko ang isa't isa. NAALIMPUNGATAN si Autumn nang maramdaman ang pamamanhid ng kanyang binti. Ginalaw niya ito nang bahagya bago muling niyakap ang unan na nasa tabi niya. Kakaibang halimuyak ang kanyang naamoy kaya mas lalo pa niyang siniksik ang kanyang sarili rito. Kumunot ang kanyang noo nang mapansing masyadong matigas ang unan na kanyang yakap. Naimulat niya ang kanyang mga mata at agad na nag-angat ng tingin. Saglit siyang natigilan nang makita ang nakapikit na mukha ni Blaze. Sunod na naglakbay ang kanyang paningin sa katawan nito na yakap-yakap niya. "D*mnit!" bulalas niya at agad na bumangon. Ininspeksyon niya ang kanyang sarili at laking pasasalamat niya nang mapansing gano'n pa rin ang suot niyang damit. Wala rin siyang nararamdamang kakaiba sa sarili kaya napabuga siya ng malalim na paghinga. "You're awake." Napasigaw siya nang marinig ang malalim na boses ni Blaze na nagsalita sa kanyang tainga. Humarap siya sa binata ngunit gano'n na lamang ang kanyang gulat nang tumama ang labi niya sa labi nito. Agad siyang dumistansya ngunit naging maagap din ito na hulihin siya at siniil ng halik. Parang lantang gulay na nawalan ng lakas ang buong katawan ni Autumn. Kusa niyang naipikit ang kanyang mga mata at sinabayan ang paggalaw ng mga labi nito. This is her first kiss pero parang alam na alam niya kung paano gantihan ang bawat halik na iginagawad ni Blaze sa kanya. Hindi rin niya ito magawang itulak palayo na wari'y gustong-gusto niya ang ginagawa nito. Lumalim ang halik na 'yon hanggang sa natagpuan na lamang ni Autumn ang sarili na nakahiga sa ibabaw ng kama at nasa ilalim ng katawan ni Blaze. Pinakawalan nito ang kanyang labi at halos mapasinghap siya nang maramdaman ang labi nito sa kanyang leeg. Nag-iwan ito ng marka roon bago siya pinakawalan at dali-daling tumayo. Nasapo ni Autumn ang kanyang dibdib at ramdam na ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang bumangon at inayos ang kanyang sarili. Nakita niya si Blaze na nakatayo sa maliit na counter habang umiinom ng. . . dugo. Napalunok si Autumn. Parang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan habang pinapanood ito. Gustong-gusto niya itong lapitan at agawin ang hawak nitong kopita. Gusto rin niyang tikman ang iniinom nito. "Blaze," tawag niya sa binata nang maramdaman ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Nilingon siya nito at sa isang kisapmata lamang ay sumulpot na agad ito sa kanyang harapan. "Are you thirsty?" tanong nito. Tumango siya nang hindi inaalis ang paningin sa kopitang may lamang dugo. Sa bawat paglipas ng mga segundo ay mas lalo siyang nananabik na tikman ito. "Hindi ka pa puwedeng uminom ng dugo ng tao, Autumn." "Pero—" "Gusto mo bang pumatay ng tao?" Natigilan siya sa narinig. Parang ngayon lang niya napagtanto ang gusto niyang gawin. She's craving for a blood. Kahit ayaw man niyang aminin, pa unti-unti ay lumalabas na ang pagiging bampira niya. "Kapag uminom ka ng dugo ng mga tao, hahanap-hanapin mo na ito hanggang sa mapipilitan ka nang pumatay. Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?" malumanay nitong tanong sa kanya. "Pero ano'ng gagawin ko, Blaze? Nauuhaw talaga ako," aniya. Alam niyang hindi magagamot ng tubig ang uhaw na kanyang nararamdaman. Dugo ang hinahanap ng kanyang katawan. Gustong-gusto niya ng dugo. "Have mine instead," sabi ni Blaze saka inangat ang kamay nito sa kanyang harapan. "Mas matamis ang dugo ng mga bampira kaysa sa mga tao. Mas mainam na rin ito para dugo ko lang ang hahanap-hanapin mo. Go on, bite me," utos nito. "Pero wala naman akong pangil. Paano kita kakagatin?" tanong niya. "You're craving for blood, right? Ibig sabihin, lumalabas na rin ang pangil mo. Besides, mayro'n ka naman talagang pangil simula noong isinilang ka. Nawala lang pansamantala pero nasa loob mo pa rin 'yon," paliwanag nito. Hindi nagsalita si Autumn. Nabaling ang kanyang tingin sa palapulsuhan ni Blaze. Dahan-dahan niya itong hinawakan at inilapit sa kanyang bibig. Nang tapunan niya ng tingin ang binata ay ngiti lamang ang naiganti nito sa kanya. Ilang beses siyang napalunok bago ibinuka ang kanyang mga labi. "Hindi ko kaya," aniya bago binitawan ang kamay nito. Agad siyang tumalikod at pilit na iwinaglit sa isipan ang tungkol sa dugo. Hangga't maaari ay kailangan niyang kontrolin ang kanyang sarili na manabik sa dugo kung gusto pa niyang manatili ang pagiging tao niya. "Okay. Ang mabuti pa'y magpahinga ka na. Ihahatid na lang kita bukas sa Crescent University," sabi ni Blaze. Hindi na nagsalita pa si Autumn at agad na nahiga. Naramdaman niya ang paglagay nito ng kumot sa kanyang katawan bago lumabas ng silid. Nang lingunin niya ang counter kung saan nakapatong ang kopita na naglalaman ng dugo ay wala na ito roon. Napabuga siya ng malalim na paghinga bago umayos ng higa. Matagal na nakatitig lamang siya sa puting kisame. Malapit nang mag hating-gabi kaya mas lalong hindi siya makatulog. Saan kaya pumunta si Blaze? Puwede kaya siyang lumabas at magpatama sa sinag ng buwan? Nang hindi na nakatiis pa ay dahan-dahan siyang bumangon at binuksan ang sliding door. Agad na tumama sa kanyang pisngi ang sinag ng buwan. Mula sa terasa ay natanaw niya ang nakaupong si Blaze. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaharap sa malawak na karagatan. Nilapitan niya ang binata at tahimik na naupo sa tabi nito. "Hindi ako makatulog," sambit niya nang biglang mabaling ang tingin nito sa kanya. Ngumiti ito at inangat ang kanang kamay. Naglabas ito ng maliit na apoy na bahagya nitong inilapit sa kanya. "Alam kong walang epekto ang hampas ng hangin sa 'yo but I want to warm you up," tanging sambit nito. "Nasaan nga pala tayo? Bakit mo ako dinala sa lugar na ito?" tanong niya. "This is my home, Autumn. Dinala kita rito para siguraduhing hindi ka matutunton ni Blast kahit ngayong gabi lang. Lately, madalas ka niyang ginugulo. Kahit si Lucent, hindi na rin panatag ang loob na nasa Crescent University ka." She let out a deep sigh. Simula nang magkaharap silang dalawa ni Blast ay hindi na siya nito tinigilan. At palaging dumarating ang Kuya Winter niya para ipagtanggol siya mula kay Blast. Dapat hindi na lamang siya pumunta sa Crescent University. She once had a simple and happy life. Pero simula nang makatungtong siya sa Unibersidad na 'yon ay nagsimula na ring maging magulo ang kanyang buhay. "Ano ba ang gusto ni Blast? Bakit palagi niya akong pinupuntirya?" tanong niya kapagkuwan. Narinig niya ang pag buntong hininga ni Blaze bago ibinaling ang tingin sa malawak na karagatan. "I'm sorry, ako ang may kasalanan ng lahat. Galit si Blast sa akin dahil ako ang napiling pumalit sa aming ama oras na lisanin na nito ang kaharian. Siya ang unang Prinsipe ng Veracastrum kaya hindi niya 'yon matanggap. Maraming beses na kaming naglaban at kahit kailan ay hindi pa niya ako nagawang talunin. Bilang mate ko ay wala na siyang maisip na ibang paraan para talunin ako kundi ang gamitin ka. Alam niyang mababalian ako ng pakpak oras na may nangyaring masama sa 'yo. Ito rin ang dahilan kung bakit pinag-iingat kita nang husto sa kanya, Autumn. Kasi balot na balot na siya ng inggit at desperado na matalo ako," paliwanag nito. Hindi nakapagsalita si Autumn. Ngayon ay batid na niya kung bakit gano'n si Blast. He's just using her against Blaze. At hinding-hindi siya papayag na magtagumpay ito sa binabalak. "Don't worry, Blaze. Walang magagawa si Blast sa akin. Mahina man ako ngayon pero lalaban ako kung kinakailangan. 'Wag mong kalimutang ako si Autumn Anderson, ang Prinsesa ng mga bampira," nakangisi niyang sabi. Natawa si Blaze sa sinabi niya at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Sunod-sunod itong tumango bago muling ibinaling ang tingin sa maliwanag na buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD