bc

Vampire Series 2: Autumn Anderson

book_age16+
268
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
powerful
brave
twisted
bxg
vampire
another world
kingdom building
war
like
intro-logo
Blurb

Crescent University, ang nag-iisang lagusan papunta sa mundo ng Veracastrum, ang kaharian ng mga bampirang pinamumunuan ni Savage Veraguaz. Isang masama at ganid na bampira si Savage. Sa kagustuhan niyang maging pinakamalakas na bampira sa lahat ay pinagtangkaan niyang patayin ang anak na si Blaze Veraguaz at ang Prinsesa ng Benicastrum, ang mga punla ng Diyosang si Hecate.

Sa pagpasok ni Autumn Anderson sa Crescent University ay makikilala niya si Blaze Veraguaz, isang bampira na pinagbintangan siyang isang kriminal. Ngunit paano kapag natuklasan ni Autumn na katulad ni Blaze ay hindi rin siya isang ordinaryong tao? 

Ano ang kaya niyang gawin oras na matuklasan niya ang tunay na dahilan nang pagkamatay ng kanyang ina? Handa nga ba siyang ibigay ang kanyang sarili kay Blaze kapalit ng katahimikan at hustisya para sa mga bampirang pinatay ni Savage? Saan sila dadalhin nang paghihiganti at pag-ibig? 

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NANG huminto ang minamanehong sasakyan ni Spring Anderson sa tapat ng Crescent University ay agad na ininspeksyon ni Autumn ang buong eskuwelahan. Dismayadong napabalik siya sa kanyang upuan. Hindi nalalayo ang Unibersidad na ito sa lugar na pinanggagalingan niya. Magulo, maingay at boring. Ang buong akala pa naman niya ay magiging exciting ang paglipat niya sa bagong eskuwelahan pero mukhang nagkamali yata siya. “Autumn, ito ang unang araw mo sa Crescent University. Please don’t get yourself into trouble,” ang bilin ng kanyang Tiyo Spring bago inabot ang kanyang bag. Ngumiti si Autumn bago nagpasya na lumabas ng kotse. Muli niyang pinagmasdan ang malaking eskuwelahan. Agaw-pansin ang malaking logo sa gitna ng mataas at bakal na gate. Kulay pula ito at may nakaukit na hugis buwan sa gitna. Ipinilig ni Autumn ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan pero iba ang pakiramdam niya sa eskuwelahang ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng gate. Agad siyang hinarangan ng mga guwardiya kaya wala siyang nagawa kundi ang huminto. “Transferee ka ba, Miss? Patingin ng mga dokumento mo.” Inabot ni Autumn ang brown envelope na hawak niya. Binasa ito ng guwardiya at nang makumbinsi na bagong lipat lamang siya ay saka lang pumayag ang mga ito na pumasok siya sa loob ng Unibersidad. Nagpatuloy si Autumn sa pagmamasid sa paligid. Umikot ang mga mata niya nang makita ang suot na uniporme ng mga ito. White long sleeves at pulang coat, black mini skirt, black shoes at puting knee sock. Mukhang mga koreana ang damit ng mga babae. Sa mga lalaki naman, typical white sleeves at black coat, black pants at black shoes. Nagkibit-balikat si Autumn saka nagpasya na hanapin ang Registrar’s Office. Kailangan pa niyang kunin ang kanyang class schedule pati na ang uniporme na isusuot niya. “Welcome to Section Selene, sana tumagal ka. Ito ang class schedule pati na ang bagong uniform mo. Goodluck,” sabi ng Registrar bago inabot sa kanya ang isang supot na may lamang dalawang pares ng uniporme. Laking pasasalamat na lamang niya na dalawang pares ang ibinigay sa kanya, dahil wala siyang balak na maglaba araw-araw. Nilisan na ni Autumn ang Registrar's Office. Nagpasya siya na huwag na munang pumasok ngayong araw sapagkat hahanapin pa niya ang kanyang dorm building. Ideya ng kanyang Tiyo Spring na kumuha siya ng dorm lalo na’t malayo sa Crescent University ang kanilang bahay. Isang businessman ang kanyang Tiyo kaya hindi siya nito mahahatid sundo araw-araw. Nag-aaral naman sa isang all boys school ang pinsan niyang si Winter at tuwing weekend lang din kung umuwi Hindi napigilan ni Autumn ang matawa nang mabasa ang pangalan ng dorm building na ibinigay ng kanyang Tiyo Spring. Luna Building. Ngayon lamang niya napansin na mahilig sa buwan ang may-ari ng eskuwelahang ito. Crescent, Selene at ngayon naman ay Luna. Hindi na siya magtataka kung pati pangalan ni Artemis ay mayro’n din sa eskuwelahang ito. Makalipas ang halos limang minutong paghahanap ay natagpuan din ni Autumn ang kanyang dorm. Nasa third floor ang kanyang silid, room 169. Hindi na masama. Autumn loves rooftop. Tahimik at malaya niyang nakikita ang mga nasa ibaba habang siya ay hindi nakikita ng mga ito. Pumasok siya sa gusali at agad na hinanap ang kanyang silid. Gaya ng inaasahan ay magulo ang lugar. Puro babae ang mga kasama niya kaya mas lalong maingay. Paakyat na siya sa hagdan nang maramdaman ang paghila sa kanyang braso. Lumingon siya at agad na tinaas ng kilay ang babaeng nakahawak sa kanya. “Are you new? I’m Lala, ang head dito sa dorm. Mayro’n kaming sinusunod na tradition. Initiation. Kapag nagawa mo ang pinapagawa namin, then part ka na ng Lunatics,” paliwanag ng babae. “Not interested,” walang kabuhay-buhay na sagot ni Autumn saka hinila nang malakas ang kanyang braso mula sa pagkakahawak nito. Ipinagpatuloy niya ang pag-akyat sa hagdan nang muli niyang naramdaman ang paghila ni Lala sa kanya. Nilingon niya ang babae at kitang-kita niya ang inis na rumihestro sa mukha nito. Subalit walang pakialam si Autumn. Nagbayad ang kanyang Tiyo Spring para sa pananatili niya sa dorm kaya bakit pa niya kailangang dumaan sa initiation? Wala siyang pakialam sa paniniwala ng mga ito. Gagawin niya ang lahat ng gusto niya. “Lala.” Nabaling ang tingin ni Autumn sa unahan nang marinig ang malumanay na boses. Nabitawan ni Lala ang braso niya nang makita ang nakatayong babae sa gitna ng hagdan. Agad itong yumuko at gano’n din ang ibang mga babae na nakapaligid sa kanila. Tinapunan ni Autumn ng tingin ang babae. Wala siyang nakikitang kahit na anong espesyal dito, kaya nakapagtataka na gano’n na lamang ito kung respetuhin ng iba. “Pagbigyan mo na ang bagong kasama natin, Lala. Ako na ang bahala sa kanya,” nakangiting sabi ng babae na biglang ikinagulat ni Lala. Tinapunan siya nito ng masamang tingin bago ngumiti at tumango nang dalawang beses. “Kung ‘yan po ang gusto niyo, Miss Burn. Masusunod po,” sabi ni Lala saka niyaya ang mga kasama na bumalik na sa kani-kanilang silid. Naiwan sina Autumn at ang babaeng nagngangalang Burn sa gitna ng hagdan. Hindi niya ito pinansin at ipinagpatuloy ang pag-akyat. Nakarating siya sa ikatlong palapag. Agad na umikot ang paningin ni Autumn. Hinanap niya ang room 169. “Autumn, dito.” Nabaling ang tingin niya sa unahan. Kumunot ang kanyang noo nang makita si Burn na nakatayo sa tapat ng isang pinto. Hindi niya alam kung paano ito nauna sa pagdating sa kanya gayong ang alam niya ay nilagpasan niya ito sa gitna ng hagdan. Naglakad si Autumn palapit kay Burn. Nakatayo ito sa tapat ng room 169, ang magiging silid niya. Ibig sabihin, magiging roommate niya ito. “Paano mo nalaman na Autumn ang pangalan ko?” seryosong tanong niya. “Dumaan kasi kahapon dito si Mr. Anderson. Chineck niya ang room at mukhang okay naman daw para sa pamangkin niya kaya ito na ang pinili niya na magiging room mo. Sinabi rin niya na ikaw si Autumn Anderson na medyo mainitin ang ulo. Naiintindihan ko na—” “Uncle Spring, dumaan ba kayo rito sa dorm kahapon?” Naputol ang sasabihin ni Burn nang dukutin ni Autumn ang kanyang cell phone saka tinawagan ang kanyang Tiyo Spring. “Oo, dumaan ako sa dorm mo kahapon.” “And you met someone named Burn?” tanong niya ulit. “Ah, oo. Mabait ‘yang si Burn kaya makipag kaibigan k—” “Iyon lang po. Bye.” “Wow! Hindi ko akalain na segurista ka pala,” gulat na sambit ni Burn. Nagkibit balikat siya saka ito nilagpasan. Wala siyang tiwala kahit na kanino. Marami na siyang mga kilalang traydor kaya mas mabuti nang nag-iingat siya. “The f*ck, Burn! Bakit may kasama kang mortal?! Palabasan mo ‘yan dito sa kuwarto ko!” Umarko ang kilay ni Autumn nang matanaw ang nakahubad na babae sa pinakadulong kama. Mabilis itong bumangon saka siya nilapitan. Umigting ang panga nito at akma siyang hahawakan sa braso ngunit naunahan ito ni Burn. “Lumayas ka sa kuwarto ko, mortal. Hindi ka nararapat dito,” galit na sabi ng babae. Bahagyang natawa si Autumn saka ito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Tanging manipis na damit panloob lamang ang suot nito pero mukhang wala itong pakialam sa itsura nito. “Lightning, relax. Magpapaliwanag ako mamaya. Pero sa ngayon ay hayaan mo na munang magpahinga si Autumn. Pagod siya sa biyahe.” “Siguraduhin mo lang na maiintindihan ko ang paliwanag mo, Burn. Dahil kung hindi, ako mismo ang maglilibing sa mortal na ito,” asik ni Lightning bago naglakad pabalik sa kama nito. Mortal. Kanina pa siya nito tinatawag na mortal. “Pagpasensyahan mo na ang pinsan ko, Autumn. Nasanay lang kasi siya na kaming dalawa lang ang magkasama rito sa room. Pero huwag kang mag-alala. Hindi magtatagal ay masasanay rin ‘yan sa ‘yo. Nga pala, ito ang kama mo. Nandoon naman ang sa akin. Kapag may kailangan ka, lapitan mo lang ako. Okay?” nakangiting sabi ni Burn. Naglakad na rin ito pabalik sa sarili higaan nito. Nasa magkabilang sulok ang mga kama nila. Nakapuwesto malapit sa pinto ang kay Burn samantalang nasa gilid naman ng bintana ang kay Lightning. Nakadikit sa pader ang kay Autumn pero wala siyang problema roon. Mayro’n silang sariling closet kaya magiging komportable siya sa silid na ito. Ang pinaka-ayaw lang naman niya sa lahat ay ang may nakikialam sa mga gamit niya. Kapag hindi naging malikot sina Burn at Lightning ay wala siyang magiging problema sa mga ito. Nagsimulang magligpit ng kanyang mga gamit si Autumn. Ipinasok niya sa loob ng kabinet ang mga damit niya saka nagpasya na magtungo sa banyo. Malinis din ang banyo kaya nakahinga siya nang maluwag. Nagpalit lang siya ng pajama saka bumalik din sa kama niya. Inaantok na siya kaya mamaya na lamang siya kakain. Gusto muna niyang matulog at magpahinga. NAGISING si Autumn nang marinig ang boses ng mga babae at mga lalaki malapit sa puwesto niya. Nag-uusap ang mga ito at mukhang nagtatalo. Gustong imulat ni Autumn ang kanyang mga mata subalit nilulunod siya ng antok. Hindi niya magawaang magmulat at bumangon upang alamin ang mga nangyayari. “Sasabihin ba natin kay Blaze ang tungkol sa kanya?” “He should at least know the truth.” “Huwag na. Hayaan niyong si Blaze mismo ang makatuklas ng tungkol sa kanya. Besides, they’re connected. Malalaman at malalaman din nila ang tungkol sa isa’t isa.” “Okay. Pero mangako kayo na wala kayong pagsasabihan tungkol dito. Tandaan niyo, sa atin umaasa ang pinuno ng mga Benicastrian. Hindi natin siya puwedeng biguin.” “We promised.” “Sige na, umalis na kayo. Nagigising na siya.” Muling tinanggay ng antok si Autumn. Marahil ay nananaginip lamang siya. Imposible naman kasi na magkaroon ng mga lalaki sa kanilang silid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
134.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
42.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
72.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
42.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
117.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
166.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook