Chapter 6

1971 Words
“SHE’S OUT of control,” bulong ni Blaze habang pinapanood ang nagwawalang babae. Hindi niya ito kilala at ngayon lang din niya nakita pero batid niyang sa umpisa pa lamang ay may kakaiba na rito. Una, hindi niya malasahan ang dugo nito. Kung kapwa bampira niya ito ay malalaman niya agad iyon dahil higit na mas matamis ang dugo ng mga bampira kaysa sa mga tao. Pangalawa, may kakaiba sa mga mata nito. Purong abo ang kulay ng mga ito at makatawag pansin. Parang nagsusumigaw ang mga ito sa kapangyarihan at tapang. Nagpatuloy sa pagwala ang babae kaya mas lalong lumakas ang ihip ng hangin. Kapag nagpatuloy ito ay malaki ang posibilidad na masisira nito ang buong gubat. Kahit ang buong Crescent University ay hindi rin makakaligtas sa hagupit nito. Ngunit ano ang gagawin ni Blaze? Yelo ang kapangyarihan nito na salungat sa kanyang kapangyarihan. Kung ngayon lamang lumabas ang kapangyarihan nito ay mas lalo siyang mahihirapan. Higit na mas malakas ang mga bampirang kalalabas lamang ang kapangyarihan kaysa sa mga katulad niya na simula paslit pa lamang ay kaya nang kontrolin ang mga kakayahan. Batid niyang mahihirapan siyang pakalmahin ito. Napaurong si Blaze nang maglabas ulit ng yelo ang babae. Kilala niya ang lahi ng mga Benicastrian. May kakayahan ang mga ito na pakinangin ang sarili bilang proteksyon sa mga kalaban ngunit iilan na lamang sa mga ito ang kayang maglabas ng yelo. Isa si Lucent sa kilala niyang may gano’ng kakayahan dahil galing ito sa pamilya ng mga Maharlika. Posible kayang isa ring Maharlika ang babaeng ito? “Lucent. . .” sambit ni Blaze nang muling maramdaman ang presensiya nito. Mabuti at dumating ito. Isa si Lucent sa mga royal blood vampire sa kaharian ng Benicastrum. Batid niyang may kakayahan itong kontrolin ang babae. “Bakit nakatayo ka lang diyan, Blaze? Dapat pinipigilan mo siya,” angil nito sa kanya. “Lucent, alam mo namang—” “Oo, alam ko. Alam kong hindi mo pa rin na-pe-perpekto ang pagkontrol sa kapangyarihan ng yelo,” sabat nito. Elemento ng apoy ang kapangyarihang ipinagkaloob kay Blaze. Kabisado niya ang paggamit dito ngunit dahil Prinsesa ng mga yelo ang kanyang kapares ay pinag-aralan niya kung paano mapapantayan ng kanyang apoy ang kapangyarihan nito. Halos ilang taon na rin siyang nag-aaral ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito magawa nang perpekto. “Just calm her down, Lucent bago pa masira ang buong Black Forest pati na ang Crescent University,” utos niya. Hindi na ito nagsalita pa at agad na nilapitan ang babae. “Autumn, kumalma ka. Ako ‘to, ang Kuya Winter mo. Bunso, tumingin ka sa akin. Gan’yan nga, kalma lang.” Dahan-dahang kumalma ang paligid kasabay ng pag-aliwalas ng mukha ng babaeng tinawag ni Lucent na Autumn. Unti-unti na ring nawala ang yelo na bumalot sa buong lugar hanggang sa tuluyang nagpakita ang lupa. Agad na nawalan ng malay ang babae pagkatapos ng mga ginawa nito. Binuhat ito ni Lucent bago naglakad palapit sa kanya. “Don’t tell me, hindi mo siya kilala?” tanong nito. “Who is she?” tanong niya pabalik at sinilip ang payapang mukha ng babae. “Naman, Blaze!” angil nitong muli bago ibinigay sa kanya si Autumn. Kunot-noo niya itong pinagbalingan ng tingin. “Bakit mo siya binibigay sa akin? Is she someone I know?” nagtataka niyang tanong. “Siya, akin na ang kapatid ko. Huwag na huwag mo na ulit siyang kukunin sa ami—” “Teka, ano’ng sabi mo? Kapatid mo? Si. . . Crystal?” hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango si Lucent kaya saglit na napipi si Blaze. Dumako ang kanyang paningin kay Autumn na wala pa ring malay sa kanyang mga bisig. Makalipas ang maraming taon, hindi siya makapaniwala na matatagpuan na rin niya ang kanyang kapares. Si Crystal Benignus, Prinsesa ng mga Benicastrian at ang kanyang mate. “Kailangan mo siyang bantayan sa ngayon. May natitira pang enerhiya mula sa buwan ang nasa katawan niya. Kapag nagalit siya ulit ay malaki ang posibilidad na lumabas ang kapangyarihan niya. Hindi niya ito kontrolado kaya kailangan mong mag-ingat,” bilin nito. “I’ll take care of her,” sagot niya at gamit ang kanyang vampire speed ay narating niya agad ang silid ng kanyang mga pinsan sa Luna Building. Naroroon ang apat at pareho pang nagulat nang makita ang walang malay na si Autumn. “Ano’ng nangyari sa kanya?!” bulalas ni Burn at agad siyang tinulungan para ihiga ito. “Nakita namin ang nangyari sa Black Forest. Don’t tell us, si Autumn ang may gawa no’n? Mukhang effective nga ang ginawa nilang pagpapatama ni Lucent sa buwan kaninang hatinggabi,” wika ni Lightning. “Titingnan ko muna siya.” Mula sa kamay ni Burn ay lumabas ang putting liwanag. Nagsimula itong mag-usal ng latin at sinuyod ng putting liwanag nito ang buong katawan ni Autumn. Nawala rin agad ito nang masigurado ni Burn na ayos na ang lagay ni Autumn. “Nagkaharap ba silang dalawa ni Blast? May nakuha akong kapangyarihan ni Blast sa katawan niya.” “Ouhm. Ginamitan siya ni Blast ng mga trick niya. Sa tingin ko, hinahabol pa rin siya hanggang ngayon ni Lucent dahil sa ginawa niya kay Autumn,” sagot ni Blaze. “Pupuntahan ko si Lucent,” sabi ni Burn at agad na tumayo. Pinigilan ito ni Lightning. “Duh, Burn. Kayang-kaya ni Lucent si Blast. Magpirmi ka nga rito.” “Kailangan ko pa rin siyang tulungan. He’s my mate. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.” Hindi na nagpapigil pa si Burn at agad na nawala. Sumunod na rin si Flames gano’n din si Lightning. Naiwan si Thunder na agad na lumapit kay Blaze. “Bro, walang malay si Autumn. Kayong dalawa lang ang nandito dahil paniguradong makikipag lambingan agad si Burn kay Lucent kapag nagkita sila kaya sulitin mo na ang pagkakataong ito. Tutal mate mo naman siya, gawin mo na ang dapat n’yong gawin sa araw ng mating ritual. Paligayahin mo siya at—” Biglang tumilapon si Thunder palabas ng bintana at kung tama ang kalkula niya ay aabot ito hanggang Russia. “Binabalaan kita, Blaze. ‘Wag na ‘wag mong gagalawin si Autumn. Hindi pa niya kakayanin ang makipag-isa sa ‘yo.” “Burn, hindi ako katulad ni Thunder kaya ipanatag mo ang loob mo. Wala akong gagawin sa kanya.” “Mabuti naman kung gano’n.” Muli itong nawala kaya napaupo si Blaze sa gilid ni Autumn. Hindi niya napigilan ang mapangiti habang nakatitig sa mukha nito. ‘She’s beautiful,’ usal niya sa sarili. MABIGAT ang pakiramdam ni Autumn. Masakit ang kanyang katawan at parang pinukpok ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Ayaw na sana niyang bumangon pa kung hindi lamang niya nasilip sa bintana ang palubog na araw. “Hindi ka na muna dapat bumangon.” Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na nagsalita sa kanyang likuran. Mabilis siyang lumingon at halos mapunit ang kanyang kumot nang agaran niya itong hilahin at itakip sa kanyang katawan. “WHAT ARE YOU DOING HERE?!” bulyaw niya kay Blaze na nakaupo sa ibabaw ng kama ni Burn at matamang nakatingin sa kanya. Muli niyang nasapo ang kanyang ulo nang sumariwa sa kanyang alaala ang mga nangyari kanina. Wala sa sarili na napatitig siya sa kanyang mga kamay. “Muntik mo ng masira ang kalahati ng Black Forest dahil sa pagwawala mo. Mabuti na lang at dumating si Lucent para pakalmahin ka,” sabi ni Blaze bago naglakad palapit sa kanya. Naupo ito sa kanyang tabi ngunit dahil ukopado ang kanyang utak sa nangyaring kababalaghan kanina ay hindi niya ito nabangasan agad. “Lucent? Sinong Lucent?” tanong niya. Kung gano’n ay utang niya sa nilalang na iyon ang kanyang buhay. Kahit siya ay hindi rin alam kung paano kokontrolin ang sarili kanina. Akala nga niya ay tuluyan nang kakain ng kapangyarihang ‘yon ang buo niyang pagkatao. Masarap. Gan’yan kung ilarawan ni Autumn ang nararamdaman habang naglalabas ng yelo sa katawan. Wari’y matagal siyang nasabik sa gano’ng klase ng mahika at nang muli niyang maramdaman ay hindi na niya napigilan pa nang lukuban nito ang buo niyang pagkatao. “Your brother.” “What?” Nilingon niya si Blaze dahil hindi niya agad nakuha ang ibig nitong sabihin. Doon lamang niya napansin na nasa tabi na pala niya ito. Agad na nag-init ang kanyang ulo at sinuntok ito sa mukha ngunit mabilis pa sa kisapmata na nahuli nito ang kanyang kamao. “Bakit ka ba kasi nandito sa loob ng room namin? Kuwarto ng mga babae ‘to kaya lumabas ka. Nasaan ba sina Burn at Lightning?” asik niya. “Bakit ka ba natatakot na nandito ako? Apektado ka ba sa presensiya ko?” “Excuse me?! Bakit naman ako magiging apektako sa PRESENSIYA mo?! Just go, umiinot ang ulo ko sa pagmumukha mo,” angil niya bago hinila nang malakas ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Lucent. . . He’s your brother.” Sa halip na talikuran si Blaze ay muling natuon ang pansin niya rito. Kapatid? Wala siyang kapatid. Nag-iisa siyang anak ng kanyang ina sa pagkadalaga at wala na rin siyang balak na hanapin pa ang kanyang ama. Buhat noon ay halos ang kanyang Tiyo Spring na ang tumayo niyang ama at kapatid na rin ang turing niya sa kanyang Kuya Winter na pinsan niya. Sila lamang ang kanyang pamilya at wala ng iba pa. “Step out of my room, Blaze.” “As much as I want pero ayoko, Autumn. Ito ang unang beses na nakasama ko ang babaeng inilaan para sa akin and I want to savour this moment. Hayaan mo muna akong manatili rito. Besides, umalis sina Burn at Lightning. Hindi sila makakabalik ngayong gabi kaya kailangan mo ng kasama.” “What the f*ck! Don’t be stup*d! Hindi ko kailangan ng kasama! You’re not my type so get lost! Babaeng inalaan my a*s!” Dali-dali siyang tumayo at agad na lumapit sa pinto. Hindi pa man siya tuluyang nakakalapit dito nang maramdaman niya ang biglang pag-ikot ng kanyang paningin. Nawalan siya ng balanse at muntik nang sumalampak sa sahig kung hindi lamang niya naramdaman agad ang mga kamay na biglang umalalay sa kanya. Alam niyang si Blaze iyon dahil ito lang naman ang kasama niya sa silid. Tinanggal niya ang kamay nito sa magkabila niyang braso ngunit hindi na naman ulit niya kinaya ang lakas nito. “Huwag mo nang hintayin na magalit pa ako, Blaze. Bitawan mo ako—” “Tingin mo ba, magagamit mong muli ang kapangyarihan mo, Autumn? Imposible ‘yon. Para pigilan ka sa pagwawala ay napilitan ang kapatid mo na higupin ang naipon mong enerhiya mula sa buwan kaninang hatinggabi kaya matatagalan pa bago mo ‘yon mailabas ulit. Sa susunod na buwan pa ulit ang full moon kaya kailangan mong maghintay hanggang sa araw na ‘yon. Unless, pupunta ka sa kaharian n’yo para doon magpalakas.” Natahimik si Autumn sa narinig. Ibig sabihin, hindi niya matatakot si Blaze na layuan siya ngayon dahil wala na siyang kapangyarihan. Ang malas naman! Kung kailan niya gustong-gustong tirisin ang lalaki ‘to ay saka pa nawala ang yelong ‘yon. “Kaya pinababantayan ka ni Lucent nang mabuti sa akin. Alam niyang mahina ka na ulit—” “Sino ba ang Lucent na paulit-ulit mong sinasambit?! Wala akong kapatid for heaven’s sake!” galit na galit niyang sabi bago bumalik sa kanyang kama. Hindi na ulit niya binalak pang tumayo dahil baka umikot lang muli ang kanyang paningin. “I know. Iba ang alam mo sa totoo,” sambit nito bago lumapit sa bintana. Binuksan iyon ni Blaze at prenteng naupo. Gusto nga sana niya itong lapitan at itulak kung hindi lang masama ang kanyang pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD