Chapter 7

1873 Words
ISANG MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ni Autumn habang pinapanood ang paggalaw ng kamay ng orasan na nakapatong sa ibabaw ng side table. It’s already past eleven o’clock in the evening pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Hindi dahil sa nakatulog siya kaninang hapon kundi dahil sa may kasama siyang lalaki sa loob ng silid. Humarap siya sa kabilang direksyon at agad na bumungad sa kanya ang nakapikit na mukha ni Blaze. Nakaupo pa rin ito sa nakabukas na bintana at bagamat hindi ito nagsasalita ay batid niyang gising ito. Ilang beses niyang pinagtulakan si Blaze kanina palabas ng kanilang silid pero masyado itong matigas. Sa tuwing nahuhulaan nito na naiinis na siya ay maglalaho ito bigla pero babalik din mayamaya. Sinubukan na rin niyang isara ang bintana at ni-lock nang mabuti ang buong kuwarto ngunit nakapasok pa rin ito. Kahit sa Cafeteria ay sumunod ito sa kanya. Kahit hindi ito sumabay sa kanya sa pagkain pero natatanaw pa rin niya ito na nakatingin mula sa dulo ng Cafeteria. Sa sobrang inis niya ay halos tirisin na niya ito ngunit sa huli ay wala rin siyang nagawa. Kaya nang makabalik sa kanilang silid ay hindi na lamang ito pinansin ni Autumn. Masama pa rin ang kanyang pakiramdam matapos ng mga nangyari sa loob ng gubat kaya nagpasya na lamang siyang magpahinga. Ngunit ayaw rin naman siyang dalawin ng antok. Of course, paano siya makakatulog gayong may kasama siyang lalaki sa iisang silid? Kahit wala itong ginagawa o sinasabi at nakaupo lang din naman sa bintana ay kailangan pa rin niyang ihanda ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Blaze kaya mas mabuti nang dilat ang kanyang mga mata. Mahirap na at baka bigla siya nitong gapangin at kagatin. Nasa gano’ng isipin si Autumn nang biglang magmulat ng mga mata si Blaze. Tumingin ito sa labas ng bintana na wari’y may nakita itong kakaiba sa gitna ng dilim. Biglang nabahala si Autumn sa ikinilos nito kaya agad siyang bumangon at naglakad palapit dito. “What’s going on?” Sumilip siya sa labas ng bintana pero bukod sa mga bituin na kumikinang sa kalangitan ay wala na siyang iba pang nakikita. Wala rin naman siyang night vision kaya kahit palakihin pa niya ang kanyang mga mata ay hindi pa rin niya makikita ang nakikita nito. “Sh*t!” bulalas niya nang makita ang papalapit na malaking agila sa kanilang direksyon. Mabilis na napaatras si Autumn habang nanatili naman sa kanyang puwesto si Blaze. Alam niyang mababangis na mga hayop ang agila pero wari’y wala pakialam doon ang lalaki. “Aquila,” sambit ni Blaze at hinayaang dumapo ang agila sa braso nito. “Is he your pet?” tanong niya at bahagyang sinilip ang mukha ng ibon. “Isa siyang babaeng agila, kaibigan ko,” sagot nito. Tumango si Autumn at hindi na muli pang nagsalita. Pinanood niyang himasin ni Blaze ang pakpak nito habang nakatitig sa mga mata ng agila. “May hinala na ako tungkol d’yan. Salamat sa pagbabalita, Aquila.” Itinuwid ni Blaze ang braso nito kung saan dumapo ang ibon saka hinintay na lumipad ito palayo. Sinundan ito ng tingin ni Autumn hanggang sa hindi na niya ito nakita pa. Who would have thought na may kakayahan pala ang lalaking ito na makipag-usap sa mga ibon? “What?!” bulyaw niya nang mapansing nakatingin si Blaze sa kanya. Hindi ito sumagot kaya umikot ang mga mata niya bago tumalikod. Maliban sa wala siyang naintindihan sa pinag-usapan ng mga ito ay nagmukha pa siyang chismosa. Malay ba naman niya at isang ibon lang pala ang paparating? Akala niya sumugod na ulit si Blast o kaya ay dumating na sina Burn at Lightning. “Ibinalita ni Aquila ang tungkol sa lalaking natagpuan mong wala ng buhay kanina sa loob ng Black Forest.” Tumigil si Autumn sa paglalakad saka ito nilingon. “Ayon sa mga hayop na nakasalamuha niya ay nakita ng mga ito ang ginawang pagpatay sa lalaki. Tama ka, he was chased last midnight. . . ng isang bampira.” “Then?” “It was Blast. . .” “See? Sinabi ko na sa ‘yo, wala akong kinalaman sa pagkamatay niya. Masyado ka kasing judgemental at turo nang turo kung kani-kanino. Sa susunod, alamin mo muna ang buong kuwento bago ka mambintang. Stup*d!” asik niya at padabog na naupo sa kanyang kama. Naghalukipkip siya at ilang beses na humugot ng malalim na paghinga. Pakiramdam niya ay muling nag-init ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito. “Autumn. . .” Napasinghap si Autumn nang bigla na lamang sumulpot si Blaze sa kanyang tabi. Agad siyang umatras palayo ngunit mabilis nitong nahawakan ang kanyang braso. “Get away from me, a**hole! Hinayaan kitang manatili rito sa room but it doesn’t mean na puwede mo na akong lapitan. Just go!” pagtataboy niya rito. Hindi nagsalita si Blaze, sa halip ay inabot nito ang kanyang kamay at hinawakan nang mahigpit. Her eyes awed in disgust. Malakas niyang hinila ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak nito but obviously, wala siyang nagawa nang magmatigas ito na bitawan siya. “What’s your problem, Lunatic?! Bitawan mo nga ako!” sigaw niyang muli. Wala siyang pakialam kung magising man ang katabing silid dahil sa lakas ng kanyang boses. Mas mainam nga ‘yon para pasukin siya ng mga ito at makita ang ginagawa ng bast*s na lalaking ito sa kanya. “Let me go!” Muli niyang hinila ang kanyang kamay mula rito. Alam niyang hindi gano’n kalakas ang pagkakahila niya pero napasama si Blaze at muntikan nang dumikit sa kanyang noo. Mukhang kalkulado rin naman nito ang lahat at naglaan lamang nang kaunting distansya sa pagitan nilang dalawa. “Ilang taon kitang hinintay, Autumn. Kahit gustong-gusto kitang hanapin noon pero pinigilan ko ang sarili ko dahil nangako ang iyong ama na siya mismo ang maghahatid sa ‘yo papunta sa akin. At ngayon na nandito ka na, gagawin ko ang lahat para makuha ang loob mo. I will love and protect you every day. Hindi ako titigil hangga’t sa matutunan mo rin akong mahalin.” Malumanay at sobrang baba ng boses nito. His words brings shiver to her whole being. Hindi niya alam kung nandiri ba siya sa mga binitawan nitong salita o naapektuhan kaya gano’n na lamang ang pagtaas ng kanyang balahibo. “You are really a lunatic. Wala akong ama at wala na akong balak na kilalanin pa siya,” wika niya. “’Yan ang inaakala mo, Autumn. Pero matagal ko ng kilala ang ama mo, even your brother, Lucent. At pareho ka nilang ipinagkaloob sa akin.” “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Just get away from me. Gusto ko nang magpahinga,” aniya at agad itong tinalikuran. Muli siyang nahiga at nagtalukbong ng kumot. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang paggalaw ng kama senyales na umalis na si Blaze. Mariing naipikit ni Autumn ang kanyang mga mata. She feel betray. Maliban sa alam ni Blaze ang tungkol sa lahing kinabibilangan niya ay mukhang mas marami pa itong alam sa kanyang pamilya kaysa sa kanya. ‘He’s maybe lying,’ bulong niya sa sarili. Kung kilala nga nito ang kanyang pamilya, bakit walang sinabi tungkol dito ang kanyang ina o kahit ang kanyang Tiyo Spring at Kuya Winter? Alam rin kaya ng mga ito ang tungkol sa kanyang kapangyarihan? O tulad niya ay wala ring kamuwang-muwang ang mga ito? Autumn let out a deep and long sigh. Mas lalo lamang sumasakit ang kanyang ulo sa mga naiisip. Muli niyang ipinikit ang kanyang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng antok. “AUTUMN. . .” Naimulat ni Autumn ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Burn na nagsalita sa kanyang tabi. Sinalubong siya ng malawak nitong ngiti at tinulungan pang bumangon. Nang dumako ang paningin niya sa nakabukas na bintana ay maliwanag na ang buong paligid. Wala na rin doon si Blaze kaya hindi niya napigilan ang mapaismid. ‘Mabuti naman at umalis na siya. Masisira lang ang araw ko kung mukha niya agad ang mabubungaran ko,’ usal niya sa sarili. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong ni Burn kaya pinagbalingan niya ito ng tingin. “None of your business,” tanging sagot niya at agad na tumayo. Kinuha niya ang tuwalya niya at agad na tumungo sa banyo. Kailangan pa niyang maghanda sa pagpasok. Naghubad na siya. In-on niya ang shower ngunit laking gulat niya nang hindi tubig ang lumabas mula rito kundi purong gatas. Napasigaw si Autumn at dali-daling naglagay ng tuwalya bago lumabas ng banyo. “Burn, ‘yong shower! Hindi tubig ang nilalabas niya kundi—” “Gatas? Gan’yan ang ginagamit ng mga Maharlika para kuminis at gumanda ang kanilang mga balat,” pagputol nito sa sasabihin niya. Kumunot ang noo ni Autumn sa narinig. “Hindi ko maintindihan. Paano nangyaring naging gatas ang lumabas doon? Alam mo ba ang tungkol dito?” naguguluhan niyang tanong. Ngumiti si Burn at dahan-dahang lumapit sa kanya. Yumuko ito nang bahagya ngunit agad ding umayos ng tayo. “Isang malaking karangalan na pagsilbihan ang Prinsesa ng mga Benicastrian. Kapag may kailangan ka pa, Prinsesa, sabihin mo lang sa ‘kin at nakahanda akong gawin ang kahit na anong hihilingin mo,” pormal nitong sabi. Mas lalong kumunot ang noo ni Autumn. Hindi niya alam kung bakit ito umaakto nang ganito o kung ano ang nais nitong iparating. Hanggang sa naalala niyang muli si Blaze. Isa itong bampira at magpinsan ang dalawa. Malaki ang posibilidad na isa rin itong bampira. “Burn, tapatin mo nga ako. Isa ka rin bang bampira?” tanong niya. Ngumiti ito at sunod-sunod na tumango. Napailing si Autumn. Tama ang hula niya, mga immortal nga ang mga ito. “Half vampire at half witch.” “Witch? Isa kang witch?” hindi makapaniwala niyang sambit. Tumango si Burn kaya hindi napigilan ni Autumn ang matawa. Mas lalo pa yatang nagiging exciting ang lahat. “Bampira ang ama ko at mangkukulam naman ang ina ko. Samantalang isa namang pure vampire si Flames. Babae lang kasi sa pamilya ang puwedeng magmana ng pagiging mangkukulam,” paliwanag nito. “How about Lightning? Is she also a vampire?” “Half vampire at half demon naman si Lightning.” Muntik nang masamid si Autumn sa narinig. “Are you kidding me? As in literal na demon? ‘Yong may sungay at may hawak na fork?” bulalas niya. Natawa naman si Burn nang makita ang kanyang reaksyon. She can’t blame her. Kahit naman sino ay magugulat kapag nalamang isa pa lang demonyo ang kasama nitong natutulog sa iisang kuwarto. “Yeah, gano’n nga siya. Kaya naghuhubad si Lightning ‘pag natutulog dahil may mga pagkakataon na bigla na lamang siyang umaapoy. But don’t worry, nilagyan ko ng spell ang kama niya. Hindi niya tayo masusunog.” Bahagya itong tumawa bago inabot ang kanyang mga kamay. “Huwag mo sanang katakutan o kamuhian ang lahi ng mga bampira, Autumn. Katulad ng mga tao ay gusto lang din naman nating mamuhay nang tahimik at simple. Oo, kasama ka. Dahil katulad namin ay isa ka ring bampira. . . Prinsesa ng mga bampira.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD