Chapter 11

1893 Words
HALOS TATLONG oras din na nakatulog si Autumn. Lunch break na nang magising siya at agad na nabungaran ang mag-pinsang Burn at Lightning na nakaupo sa tabi ng kanyang kama. Unang hinanap ng kanyang paningin si Blaze na mukhang nakaalis na. Kahit nakaramdam ng kaunting pagkadismaya ay hindi na lamang niya ito pinahalata sa dalawa, bagkus ay minabuti niyang bumangon. Agad niyang napansin ang dalang pagkain ng mga ito. “Para sa akin ba 'yan?” tanong niya at inginuso ang maliit na supot na nakapatong sa ibabaw ng side table. “Ah, oo. Ipinagluto kita kasi sabi ni Blaze, hindi raw maganda ang pakiramdam mo. Natingnan na rin kita kanina habang natutulog ka at mukhang okay ka naman,” natatawang sabi ni Burn. Agad niyang nahulaan ang ibig nitong sabihin. Isang mangkukulam si Burn at marahil ay may kakayahan ito sa panggagamot. “Playing sick to get everyone's attention,” sambit naman ni Lightning. Kahit hindi ito nakatingin sa kanya ay alam niyang siya ang pinariringgan nito. “Lightning, 'wag mo nang simulan. Baka magkainitan na naman kayong dalawa ni Autumn,” pag-awat ni Burn sa pinsan. Autumn simply rolled her eyes heavenward. Kahit gustong-gusto niya itong patulan ay pinigilan na muna niya ang kanyang sarili. Kapag pinilit niyang makipag-away kay Lightning ay paniguradong matatalo lamang siya. She'll wait until she gets her power back. May tamang panahon din ito sa kanya. “I'm freak*ng hungry, Burn. Can I have that food?” “Oo naman. Teka, aayusin ko muna ito.” Nagkasalubong ang mga paningin nilang dalawa ni Lightning. Umikot ang mga mata nito at hindi rin siya nagpatalo kaya pinagulungan din niya ito ng mga mata. Mabuti na lang at hindi nakatingin si Burn dahil paniguradong makakatanggap silang dalawa ng malakas-lakas na batok mula rito. Lightning is very immature, at gano'n din si Autumn. Pareho pang mainitin ang mga ulo at mataas ang pride. “Thanks,” sabi ni Autumn nang iabot ni Burn sa kanya ang dala nitong pagkain. Hindi na siya nag-abalang yayain ang mga ito at tahimik na lumamon. Alam din naman niyang tapos na ang mga itong kumain. “Kinausap ako ni Blaze kanina. Samahan daw kita bukas sa Hecate Building. I can't believe na talagang aabot sa ganito ang pagiging curious mo,” nakangiwing sabi ni Burn. “We can actually go there after this. Marami akong oras—” “Are you stup*d? Narinig mo, 'di ba? Bukas?” singit ni Lightning. Pinagbalingan niya ito ng tingin. “I'm not asking your opinion, demon. Manahimik ka r'yan—” “There you go again. Bakit ba palagi kayong nag-aaway, ha?” Halatang pikon na rin si Burn sa walang katapusang bangayan nilang dalawa. Pareho silang natahimik at tinalikuran ang isa't isa. Tinapos na ni Autumn ang pagkain at agad na nagpaalam sa nars na nag-asikaso sa kanya kanina. “Are you sure you're okay? Hindi na ba masama ang pakiramdam mo? Puwede kang magpahinga o kaya'y umuwi sa dorm n'yo. Naipagpaalam na naman kita sa adviser mo.” “No, it's okay. I'm really fine,” aniya at agad itong tinalikuran. “Don't worry, Miss Pennie. Kami na po ang bahala sa kanya. We'll look after her.” Hindi na hinintay ni Autumn na makalabas sina Burn at Lightning. Nauna na siyang maglakad papunta sa kanilang silid. Hindi niya napigilang maikuyom ang kanyang mga kamay habang padabog na naglalakad. 'Wag sana siyang salubungin ng mga malalandi niyang kaklase. Baka hindi na siya makapagpigil pa at masipa nang tuluyan ang mga ito oras na makita niyang may mga nakasabit na naman sa braso ni Blaze. Natatanaw na niya ang kanilang silid kaya mas lalo niyang binilisan ang paglalakad. Halos mabuwag ang pinto ng kanilang klasrum nang sipain niya ito nang malakas. Natigilan ang lahat at gulat na napatingin sa kanya. Unang sinuyod ng kanyang paningin ang puwesto ni Blaze. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang mag-isa lamang ito at walang haliparot na nakasabit. Bahagya pang tumaas ang kilay niya nang makitang nakangiti ito habang nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha ng binata ang pagkamangha. “Miss Anderson, akala ko ba nasa infirmary ka at masama ang pakiramdam? What are you doing here in my class?” Lumingon si Autumn at tinapunan ng tipid na ngiti ang guro na nakatayo sa gitna ng pisara. Kaya naman pala walang haliparot na nakasabit sa braso ni Blaze dahil nagsisimula na ang klase. Hindi niya ito napansin agad dahil masyadong ukopado ang kanyang utak. Kung alam lang niya na nagtuturo na ito, hindi na sana siya pumasok pa. “I'm fine,” sagot niya at agad na naglakad papunta sa kanyang upuan. Napabuga siya ng malalim na paghinga bago nilingon si Blaze. Nakangiti pa rin ito kaya tinaasan lang niya ito ng kilay. “I already told you, hindi mo kailangang magselos.” “I'm not jealous!” inis niyang bulyaw at agad na tumayo. Sa ikalawang pagkakataon ay nabaling ang tingin ng lahat sa kanya. Huli na nang mapagtanto niyang nagsalita lamang si Blaze sa kanyang isipan. “Mukhang nagdedeliryo ka, Miss Anderson. Are you sure you're okay?” nag-aalalang tanong ng guro. “Yeah.” Pabagsak siyang naupo at ilang beses na napabuga ng malalim na paghinga. Pilit niyang pinakalma ang kanyang sarili. Gustong-gusto niyang bangasan si Blaze dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa kanya pero pinigilan niya ang sarili. Baka isipin ng mga kaklase niya na tuluyan na siyang nabaliw. Hinayaan niyang lumipas ang mga oras. Nang magpaalam ang kanilang guro ay agad siyang tumayo at pinagbalingan ng tingin si Blaze. Wala na ito. Talagang mahusay sa pagtakas ang lalaking 'yon. “Let's go, Autumn,” pagyayaya ni Burn sa kanya. Nauna nang maglakad ang mga ito kaya tahimik siyang sumunod. Hanggang sa makarating sa kanilang dorm ay hindi siya umiimik. Agad siyang naligo at ginawa ang kanyang mga takdang-aralin. Nang bandang six pm ay tumungo siya sa Cafeteria para maghapunan. Bumalik din agad siya sa Luna Building pero sa halip na dumiretso sa room nila ay napagpasyahan niyang umakyat sa rooftop. Naupo lang siya roon at nagpalipas ng oras. Halos nakatulugan na niya ang pagmamasid sa mga kumikinang na bituin. Nang maramdaman niyang lumalalim na ang gabi ay nagpasya na siyang bumalik sa kanilang silid. Mahirap na at baka maabutan na naman siya ni Blast. Napahinto si Autumn sa paglalakad nang matanaw ang isang lalaki na nakatayo sa kanyang harapan. Si Blast ang unang pumasok sa kanyang isipan. Ngunit dahil iba ang presensiyang nararamdaman niya ngayon ay ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa makarating siya sa harapan nito. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki. Umawang ang kanyang labi nang masilip ang kabuuan ng mukha nito. “Kuya Winter!” bulalas niya at agad na tumakbo payakap dito. She missed him so much. Kahit ilang araw pa lamang silang hindi nagkikita pero ramdam niya ang sobrang pananabik dito. “Bunso,” tanging sambit nito habang marahang hinahaplos ang kanyang buhok. “Kuya Winter, ano'ng ginagawa mo rito? Paano ka nakaakyat dito sa rooftop? Dumaan ka ba sa dorm?” sunod-sunod niyang tanong. Sa halip na sumagot ay niyaya siya nitong maupo para makapag-usap sila nang maayos. “Namiss kita, Bunso,” nakangiti nitong sabi. “Namiss din kita, Kuya,” sagot niya at muli itong niyakap. Saglit na natigilan si Autumn nang makita ang biglang pagsulpot ni Blaze sa likuran ng kanyang pinsan. Pasimple niya itong sinenyasan na umalis muna dahil hindi ito puwedeng makita ng Kuya Winter niya. Ngiti lang ang naisagot ni Blaze bago naglakad at naupo sa kanyang tabi. Nabitawan ni Autumn ang pinsan at malakas na sinuntok sa sikmura si Blaze. Mahina itong tumawa at kunwari ay nasaktan sa ginawa niya. “Don't mind him, Kuya. Baliw ang isang 'to,” aniya. Simula noong bata pa lamang ay naging over-protective na ang pinsan niya sa kanya. Ayaw lamang niyang makipag-away ito kay Blaze dahil paniguradong matatalo lamang ang kanyang pinsan sa bampirang ito. “Kuya Winter, kumain ka na ba? Gusto mo bang pumunta sa Cafeteria? Ililibre kita,” malambing niyang sabi at kumapit sa braso nito. “Huwag na, Bunso. Pumunta lang talaga ako rito kasi sabi ni Blaze ay gusto mo akong makilala,” nakangiti nitong sabi. Namilog ang mga mata ni Autumn at agad na pinagbalingan ng tingin si Blaze. Hindi niya akalain na magkakilala ang mga ito. “Sandali lang, Kuya Winter. Ano'ng ibig mong sabihin na gustong makilala? Don't tell me, ikaw si. . .” Hindi niya nagawang sambitin ang pangalan ni Lucent. Imposible naman kasi na ito ang sinasabi ni Blaze na kapatid niya. Magpinsan silang dalawa, 'yon ang totoo. “Ako nga. Ako si Lucent Benignus, ang Kuya mo.” “No!” mariin niyang sabi at agad na naglakad papunta sa dulo ng rooftop. “Magkapatid sina Mama at Uncle Spring kaya paanong naging magkapatid tayong dalawa? You're lying, right? Tell me you're lying, Kuya Winter!” malakas niyang sigaw. Napapitlag siya nang mawala ito sa kinauupuan at bigla na lamang sumulpot sa kanyang harapan. Hindi makapaniwalang nabaling ang kanyang tingin sa kumikinang nitong katawan. “You're a vampire?!” gulat na gulat niyang tanong. Tumango ito bilang tugon. Nasapo ni Autumn ang kanyang noo. Hindi niya alam kung paano niya paniniwalaan ang natuklasang ito. “Bunso, hinihintay ni Dad ang pag-uwi mo. Sa bahay na niya ipaliliwanag ang lahat.” “Pero, Kuya Winter—” “Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo, Autumn. Magpahinga ka na at hintayin mong makauwi ka bukas. Sa ngayon, makinig ka muna sa lahat ng mga sinasabi ni Blaze. He's here to protect you. Kaya 'wag matigas ang ulo, okay?” “Kuya!” impit niyang iyak. Akala niya ay maliliwanagan siya oras na makilala niya si Lucent pero mukhang mas lalo lamang naging magulo ang lahat. “Ang gandang pagmasdan ng inyong pagkikita.” Sabay silang napalingon. Biglang sumulpot si Blaze sa tabi ni Autumn nang makita ang nakangising si Blast sa hindi kalayuan. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanila kaya bahagya silang nilingon ni Winter. “Ikaw na ang bahala sa kapatid ko, Blaze. Bunso, magkita tayo bukas sa bahay,” bilin nito bago sinugod si Blast. “Kuya Winter!” malakas na sigaw ni Autumn bago ito sinundan. Agad siyang natigilan nang biglang mawala ang dalawa sa kanyang paningin. “Blaze, sundan mo siya!” utos niya kay Blaze. Hindi puwedeng mapahamak ang kanyang kapatid. Paano kung may mangyaring masama rito? “Lucent can handle himself, Autumn. Just calm down,” wika nito at agad siyang hinila payakap. Marahan siyang umiling. “Kailangan mo siyang tulungan, Blaze. Hindi siya puwedeng mapaham—” Nasapo ni Autumn ang kanyang noo nang maramdaman ang pag-ikot ng kanyang paningin. Agad na nawalan ng lakas ang kanyang katawan at mabuti na lamang dahil hawak siya ni Blaze kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya hanggang sa namalayan na lamang niyang buhat-buhat na siya nito. “Kami na ang susunod kay Lucent. Hindi siya puwedeng magwala dahil paniguradong mahihirapan tayong pakalmahin siya. Dalhin mo na muna siya sa lugar mo, Blaze. Ibalik mo na lang siya bukas dito kapag okay na ang lahat.” “Salamat, Burn.” Tuluyan nang pumikit ang mga mata ni Autumn. Paunti-unti na ring humihina ang kanyang pandinig hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD