Chapter 10

1794 Words
“MISS. . .” Agad na naimulat ni Autumn ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ng nars na tumawag sa kanyang pangalan. Nakatayo ito sa kanyang harapan at kunot-noo siyang pinagmamasdan. “What?!” inis niyang tanong at agad na iginala ang kanyang paningin. Wala nang bakas ni Blaze ang naroroon. Parang gusto niyang magwala dahil sa pagsulpot ng babae. Hindi man lamang naglapat ang mga labi nilang dalawa ng binata. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng inis. “D*mnit,” mahina niyang bulong nang napagtanto ang laman ng kanyang isipan. Bakit ba niya iniisip ang bagay na ‘yon? At saan nanggaling ang inis niya? She’s getting weird. Hindi niya dapat maramdaman ang pakiramdam na ito lalong-lalo na para sa lalaking ‘yon. “Masama ba talaga ang pakiramdam mo? Namumula ka,” wika nito at bahagyang sinapo ang kanyang noo. “Mainit ka rin. Heto ang thermometer, ilagay mo sa kili-kili mo. Kailangan nating malaman ang taas ng lagnat mo para ma-adjust ko ang dosage ng gamot na ibibigay sa ‘yo,” paliwanag nito. She let out a deep breath saka inabot ang hawak nitong thermometer. Tahimik niya itong inilagay sa kanyang kili-kili. Nang tumunog ang aparato ay agad niya itong sinilip. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang makitang lampas sa thirty-nine degree Celsius ang kanyang init. Nang makita iyon ng nars ay namilog rin ang mga mata nito. “Sobrang taas ng lagnat mo. Mukhang kailangan mo nang itakbo sa ospital. Tatawag ako ng ambulansya.” Hindi na niya hinintay pa na tumalikod ito at agad na pinigilan sa braso. “Huwag na, okay lang ako. Baka sira lang talaga itong thermometer mo kaya gano’n ang resulta,” aniya. Hindi naman talaga masama ang kanyang pakiramdam. Kung mainit man siya ngayon, marahil ay epekto lamang ito ni Blaze sa kanya. Apoy ang kapangyarihan nito at hindi imposible na nag-init din ang kanyang katawan nang dahil dito. “Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Magsabi ka nang totoo. Ako ang liable rito kapag may nangyaring masama sa ‘yo kaya huwag kang magsinungaling,” may himig ng pambabanta ang boses nito. “Medyo puyat lang ako. Itutulog ko lang ito and I’m good,” sagot niya. “Sige, pero kumain ka muna at uminom ng gamot. Ipapaalam ko sa class adviser mo ang tungkol sa kalagayan mo, gano’n din sa School Head. I’ll check you from time to time. Kapag hindi pa rin bumaba ang lagnat mo after an hour, isusugod na kita sa ospital,” sabi nito. Tumango na lamang si Autumn bago nahiga at nagtalukbong ng kamot. Umalis na rin ito at nang makabalik ay may bitbit na itong pagkain at gamot. Sinunod ni Autumn ang utos nito kahit na okay lang naman talaga ang pakiramdam niya. Hinayaan na rin siya nitong magpahinga kaya muli siyang natahimik. She closed her eyes. Parang pelikula na biglang sumariwa sa kanyang isipan ang mga ginawa niyang kahibangan kanina. Nakikita pa rin niya ang kanyang sarili habang nakapikit at nakahawak sa batok ni Blaze. Mahina siyang napamura at sinampal nang magkabilaan ang kanyang pisngi. Kailangan niyang umayos. Mayamaya pa ay nasapo niya ang kanyang noo. Mainit pa rin siya hanggang ngayon. Mukhang wala naman talagang epekto ang ibinigay na gamot sa kanya. Kapag nagpatuloy ang ganitong temperatura niya hanggang mamaya, paniguradong mapupunta talaga siya sa ospital. Napabuga ng malalim na paghinga si Autumn bago muling ipinikit ang kanyang mga mata. Yelo ang kanyang kapangyarihan at kailangan niya itong ilabas sa ngayon. Kailangang may magbago sa kanyang temperatura. Nanatili siyang nakapikit habang pilit na kinakalkal sa kailaliman ng kanyang pagkatao ang nakakubling kapangyarihan. Inalala niya ang araw na nasa loob siya ng gubat at dahan-dahang kumikinang. Napangiti siya nang maalala ang masarap na pakiramdam na ‘yon. Wari’y unti-unti niyang nararamdaman ulit ang bagay na ‘yon. Napamulagat si Autumn nang maramdaman ang pagtigas ng kanyang mga kamay. Agad siyang napabalikwas ng bangon nang makitang naglabas ulit siya ng yelo. Mabilis niya itong pinunasan at laking pasasalamat niya nang tumigil agad ito. Muli siyang nahiga. Ayon kay Blaze ay wala nang natitirang kapangyarihan sa kanyang katawan. Hindi pa naman full moon kaya saan niya nakuha ang mahikang iyon para maglabas ulit ng yelo? Could it be the moon? Lumabas siya kagabi kaya posible kaya na muli siyang nakapag-ipon ng enerhiya mula rito? Sumilay ang manipis na ngiti sa kanyang mga labi. Mukhang mali si Blaze sa inaakala nitong mahina siya sa ngayon. Kapag gabi-gabi siyang magpapatama sa sinag ng buwan, malaki ang posibilidad na muling bumalik ang kanyang kapangyarihan. May magagamit na siyang muli laban dito. “Hi, pasensiya na sa istorbo, titingnan ko lang ang lagay mo.” Muling bumalik ang nars at tsinek ang kanyang temperatura. Bigla nitong nabitawan ang hawak na aparato nang tumunog ito. Agad na bumangon si Autumn at pinulot ang nahulog na bagay. “B-bakit sobrang baba ng temperatura mo?” hindi makapaniwalang sambit nito. Sunod nitong sinapo ang kanyang noo. “Imposible! Sobrang lamig mo! Parang kalalabas mo lang sa freezer sa sobrang lamig. Umalis ka ba rito?” “No,” diretso niyang sagot. “B-bakit—” “I’m really good. Gusto ko lang talagang magpahinga kahit sandali. Puwede ba?” Agad itong tumango at wala sa sarili na iniwan siyang mag-isa. She let out a deep sigh. Huwag na sana itong bumalik pa. “Masyado siyang nag-aalala para sa ‘yo.” Nag-angat ng tingin si Autumn at agad na bumungad sa kanya ang nakahalukipkip na si Blaze. Ramdam niya ang biglang pag-init ng kanyang pisngi nang makita itong nakaupo sa paanan ng kama. Nang tumayo ito para lumapit sa kanya ay agad siyang napaurong. Isang malaking kahibangan ang ginawa niya kanina at ayaw na niyang maulit ang pangyayaring iyon. As much as possible ay hindi niya hahayaang makalapit ito sa kanya. “Leave me alone, Blaze. Kailangan kong magpahinga,” wika niya. “I know you’re okay. Gusto lang kitang kausapin tungkol sa ginawa mo kagabi.” Hindi nakaimik si Autumn. Wala sa sarili na nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam niya ay isang malaking kasalanan ang ginawa niyang iyon. “Sa susunod na lapitan ka ni Blast, call me immediately. Kahit ano pa ang ginagawa ko, darating agad ako para sa ‘yo,” sabi nito. “Duh, Blaze. Baka bago ko pa madukot ang cell phone ko ay na-hypnotize na ako ng kapatid mo. Don’t be stup*d,” nakataas ang kilay na sabi niya. Natawa si Blaze sa sinabi niya. Saglit siyang natigilan habang pinagmamasdan ang maganda nitong ngiti. Hindi niya maipagkakailang magandang lalaki si Blaze. Maganda ang mga mata nito at may matangos na ilong. Pantay na pantay ang mapuputi nitong ngipin maliban na lang kung lumalabas ang nga pangil nito. Matangkad rin ito at malaki ang pangangatawan. Hindi na siya magtataka pa kung bakit maraming babae ang nagkakandarapa rito. “Autumn, hindi mo ako kailangang tawagan gamit ang cell phone mo. May tinataglay tayong kakayahan na makipag-usap sa kapwa natin bampira gamit lamang ang ating isipan. Subukan mo,” sabi nito. “How can I do that?” tanong niya. Muling ngumiti si Blaze at walang paalam na inabot ang kanyang kamay. “What—” “Mag-concentrate ka. Madali lang ‘to dahil may koneksyon tayo sa isa’t isa,” utos nito. Ipinikit ni Blaze ang mga mata nito kaya gano’n din ang ginawa niya. Ano ba ang dapat niyang isipin? “Just call me.” Agad na naimulat ni Autumn ang kanyang mga mata nang marinig ang boses ni Blaze na nagsalita sa kanyang isipan. Bahagya itong ngumiti kaya alam niyang hindi lamang iyon isang guni-guni. “Come on, Autumn. Subukan mo,” wika nitong muli sa kanyang isipan. Naipikit niyang muli ang kanyang mga mata. Nag-concentrate siya at ilang beses niya itong tinawag ngunit walang nangyari. “It’s not working, Blaze. Let’s just stop this nonsense, okay?” aniya at agad na hinila ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak nito. “Fine, hindi na kita pipilitin kung talagang hindi mo pa kaya. Pero mali pa rin ang ginawa mong pagsugod sa Artemis Building kagabi. Tandaan mo, hindi mo kilala kung sinu-sino sa mga estudyanteng nag-aaral dito sa Crescent University ang mga mortal at immortal. Kailangan mo pa ring mag-ingat kahit papaano. Ayaw ko lang na mapahamak ka kaya makinig ka, maliwanag?” mahinahon nitong wika sa kanya. “Gusto ko lang namang makilala si Lucent. Kasi simula nang sabihin mo sa akin na may kapatid ako ay naging curious na ako na makilala siya. Hindi ba puwede ‘yon?” inis niyang tanong. “Of course, puwede ‘yon. Sige, ganito na lang. Kakausapin ko si Lucent at sasabihin ko sa kanya na magpakilala sa ‘yo para hindi ka na ma-curious. Okay na ba ‘yon?” Marahan siyang tumango. ‘Yon lang naman ang nais niya, ang makilala ang kanyang kapatid. “I guess we’re good. Inaasahan ko na hinding-hindi ka na ulit gagawa ng mga hakbang nang mag-isa. Nandiyan si Burn, you can always approach her if you need anything. Nagkakaintindihan ba tayong dalawa, Autumn?” Umikot ang mga mata ni Autumn at walang kabuhay-buhay na tumango. Hindi mga normal na tao ang mga kalaban niya at hindi rin gano’n kalakas ang kanyang kapangyarihan para ipagtanggol ang kanyang sarili. Mas mainam nga sigurado na makinig na muna siya sa mga sinasabi nito kahit hanggang sa bumalik lang ang taglay niyang mahika. “Good,” nakangiting sabi ni Blaze at bahagyang ginulo ang kanyang buhok. Gusto niya sana itong bangasan ngunit hindi na lamang niya ginawa. It would be useless kung papatulan pa niya ito. “Mayro’n pa pala akong gustong malaman. At sagutin mo nang maayos ang mga tanong ko kung ayaw mong mag-imbestiga ulit ako nang mag-isa,” nakahalukipkip niyang sabi. Hindi nagsalita si Blaze at nanatili lamang na nakatingin sa kanya. “Ano’ng mayro’n sa Hecate Building?” “That is not a good question, Autumn. Hindi ka dapat pumunta sa lugar na ‘yon.” “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Blaze. Ano’ng mayro’n sa Hecate Building?” pag-uulit niya. Narinig niya ang pagbuga nito ng malalim na paghinga. “I told you, kapag hindi mo sinagot ang tanong ko, I’ll conduct my own investigation. At alam mo kung gaano katigas ang ulo ko, kaya magsalita ka na kung ayaw mong ma—” “Pasasamahan kita bukas kay Burn sa gusaling iyon. She’ll explain everything.” Sumilay ang manipis na ngiti sa mga labi ng dalaga dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na magagamit niya talaga ang kanyang sarili laban dito. Sa ngayon, mukhang isa nga siya sa mga kahinaan ni Blaze. “Thanks,” nakangiti niyang sabi bago bumalik sa pagkakahiga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD