Chapter 9

1958 Words
HUMINTO si Flames sa tapat ng Luna Building. Agad na lumayo si Autumn sa binata dahil talagang hindi maganda ang kanyang pakiramdam kahit ilang segundo lamang na magkalapit ang kanilang mga katawan. Hindi rin mawala-wala si Blaze sa kanyang isipan at mas lalo siyang naiinis dahil hinahanap-hanap niya ito ngayon. “Pumasok ka na. Huwag ka na ulit lumabas nang mag-isa. Magpasama ka kay Burn o kaya kay Lightning kapag may importante kang lakad,” sabi nito. “Stop telling me what to do. I exactly know what I am doing,” inis niyang sabi bago naglakad papasok ng dorm. Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay mga pakialamera at pakialamero. She can manage herself. Hindi niya kailangan ang pag-aalala ng mga ito. Pagpasok sa kanilang silid ay agad niyang nabungaran sina Burn at lightning na kapwa nakapameywang habang nakatayo sa gilid ng pinto. Mapanuri ang tinging ipinukol ni Burn sa kanya, samantalang isang malaking ngisi naman ang nakaukit sa labi ni Lightning. “What?” inis niyang tanong bago dumiretso sa kama niya. Agad siyang sumalampak at ibinaon ang mga unan sa kanyang mukha. “Hindi ka dapat sumugod nang mag-isa sa Artemis Building. Wala si Blaze doon ngayon kaya paano kung napahamak ka?” sermon ni Burn sa kanya. Hindi siya sumagot, bagkus ay itinaas niya ang kanyang kamay saka humampas sa hangin. Narinig naman niya ang pagtawa ni Lightning na wari’y nagustuhan nito ang kanyang ginawa. “Keep it up, Mortal. Hindi rin naman masama ang maging matigas ang ulo paminsan-minsan. Correction, matagal na pa lang matigas ang ulo mo. Kawawang Blaze, sa halip na magtulungan kayong dalawa, magiging dagdag pasanin ka pa sa kanya,” turan ni Lightning. Nagpanting ang tainga ni Autumn sa sinabi nito. Agad siyang bumangon saka nilapitan ang nakangising si Lightning. “Excuse me? Wala akong balak na maging pasanin sa Blaze na ‘yon. Siya nga itong dikit nang dikit sa akin na akala mo naman ay gustong-gusto ko. Kung mayro’n ka mang dapat na pagsabihan, siya ‘yon at hindi ako!” singhal niya rito. “Autumn, tama na.” Inawat silang dalawa ni Burn. Pero dahil parehong mainitin ang dalawa ay hindi rin nagpatalo si Lightning saka malakas na hinablot ang kuwelyo ng damit ni Autumn. “At sa tingin mo, kaya mo na ako? Isang beses pa lang na lumabas ang kapangyarihan mo kaya ‘wag mo akong bangasan, Mortal. Wala akong pakialam kahit Prinsesa ka pa ng mga bampira. I am a demon at wala akong kinikilalang mas mataas kaysa sa akin except myself. Now, kapag hindi ka pa umayos at nakinig sa mga sinasabi namin, ako mismo ang maghahatid sa ‘yo sa impyerno.” Pulang-pula ang mga mata ni Lightning at bahagyang nakasilip ang mga pangil nito habang binibitawan ang mga salitang iyon. Hindi nagsalita si Autumn, sa halip ay sinilip niya ang ulo nito, hinintay na lumabas ang mga sungay nito ngunit hindi iyon nangyari. Hindi nagtagal ay binitawan din siya nito. Lumabas ang itim na usok mula sa katawan ni Lightning at kasabay nang paglaho nito ay ang paglaho rin ng babae. “Pagpasensiyahan mo na si Lightning, masyado lang talagang mainitin ang isang ‘yon. Pero sana, huwag ka na ulit gumawa ng mga hakbang na ikapapahamak mo, Autumn. Kasi lahat kami rito ay nag-aalala para sa ‘yo. Lalong-lalo na si Blaze, masasaktan ‘yon nang sobra kapag may nangyaring masama sa ‘yo,” malumanay ang boses na paliwanag ni Burn. Inis na bumalik si Autumn sa kanyang higain. Sumunod naman ito at agad na naupo sa kanyang tabi. “Sana maintindihan mo, Autumn. Ginagawa namin ang lahat para siguraduhin ang kaligtasan mo. Malaking epekto rin para kay Blaze kapag may nangyaring masama sa ‘yo.” “But why?! Bakit n’yo ba palaging pinapasok ang lalaking ‘yon sa usapan?! Ano ba ang pakialam ng Blaze na ‘yon sa akin?!” agad niyang angil. Narinig niya ang pag buntong hininga ni Burn bago sinalubong ang kanyang tingin. “Because he’s your mate.” “What?” bulalas niya. “Ibig mong sabihin, siya at ako? Kaming dalawa. . .” Hindi niya natuloy ang sasabihin at kusang ipinagdikit ang kanyang mga hintuturo. Mabilis na tumango si Burn nang makuha ang ibig niyang sabihin. Malutong siyang napamura sa naging tugon nito. “Kahit kailan ay hindi ko naisip na ibibigay ko ang sarili ko sa isang bampira. Bakit ako, Burn? Bakit kailangang ako pa?” reklamo niya. “Dahil kayong dalawa ang itinakda para sa isa’t isa. Autumn, ikaw ang Prinsesa ng mga Benicastrian at si Blaze naman ang Prinsipe ng mga Veracastrian. Matagal nang nakasulat sa propesiya ang tungkol sa inyong dalawa—” “Just shut up, Burn. Pagod na pagod na ako. Gusto ko na munang magpahinga.” Agad siyang nahiga. Ayaw na muna niyang marinig ang sasabihin nito. Masyado nang magulo ang lahat para sa kanya. Sa loob lamang ng ilang araw ay ang dami ng nangyari at ang dami na rin niyang nadiskubre. Hahayaan na muna niyang lumipas ang mga araw. Kapag hinayaan pa niyang guluhin ng mga ito ang utak niya ay baka lumiban lang ulit siya bukas sa klase bagay na ayaw na niyang mangyari pa. Lumipat siya ng eskuwelahan para mag-aral at para maliwanagan ang kanyang utak, hindi para mas lalong maguluhan. Hindi na siya kinulit pang muli ni Burn kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata. Hindi nagtagal ay agad din siyang nakatulog. KINABUKASAN ay maagang pumasok si Autumn. Agad siyang inismiran ni Lightning nang magtama ang kanilang mga paningin pagpasok pa lamang nito sa loob ng silid. Kahit hindi man magsalita si Burn ay alam niyang nakikiramdam rin ito sa kanilang dalawa. Wala rin naman siya sa mood na patulan si Lightning kaya wala itong dapat na ipag-alala. “He’s here. Pumasok na ulit siya.” “Kyah!” Nag-unahan sa pagtakbo palabas ang mga kaklase nila. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari pero napuno ng tilian ang buong hallway. Hindi na lamang ito pinansin ni Autumn at wala sa sarili na nabaling ang tingin sa labas ng bintana. Muli niyang natanaw ang Hecate Building. Malapit nang matapos ang linggo pero hindi pa rin nasasagot ang tanong niya tungkol sa gusali. Kung hindi lang sana nangyari ang pangyayaring iyon doon sa gubat, baka nagawa na niyang akyatin ang Hecate Building. Pero kung sa bagay, malaki rin naman ang naitulong ng pangyayaring iyon dahil unti-unti niyang natuklasan ang lihim na nakakubli sa buong Akademiya. Nalaman niya ang tungkol sa mga bampira, mangkukulam, demonyo at lalong-lalo na ang tungkol sa tunay niyang pagkatao. His brother, Lucent at si Blaze. Lahat ng iyon ay nagsimula nang pasukin niya ang ipinagbabawal na gubat. At hindi pa tapos ang adventure niya. Isusunod niya ang Hecate Building. Malinaw na naisambit ni Thunder sa kanya kagabi ang tungkol sa palasyo. At hinding-hindi siya titigil hangga’t hindi nasasagot ang lahat ng mga katanungan niya. “Saan ka ba nanggaling, Blaze? Bakit isang linggo kang hindi pumasok?” Agad na nagpanting ang tainga ni Autumn nang marinig ang pangalan ng lalaking labis niyang kinaiinisan pero kagabi pa niya hinahanap-hanap. Mabilis niyang iginala ang kanyang paningin sa buong silid hanggang sa matanaw ang puwesto ng mga nagkukumpulang babae sa dulong bahagi ng klasrum. Nagtagpo ang mga paningin nilang dalawa ni Blaze. Sumilay ang manipis na ngiti sa labi nito kaya biglang tumaas ang kilay ni Autumn. “Blaze, namiss mo ba ako?” malanding tanong ng isa sa mga babae niyang kaklase at yumakap pa sa braso nito. “Namiss ko kayong lahat. May mahalaga lang akong ginawa kaya ako nawala ng ilang araw,” abot-tainga ang ngiting sagot nito. Halatang gustong-gusto nito ang nakikipag-usap sa ibang babae. “Sana ‘wag ka nang umalis ulit. Nakakawalang-gana kayang pumasok kapag hindi kita nakikita,” sabat ng isa pa. Naikuyom ni Autumn ang kanyang mga kamay. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit na biglang gumapang sa kanyang dibdib. Pero habang tumatagal na naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito ay mas lalo siyang naiinis. Parang gusto niyang sugurin ang mga kaklase at sipain palayo kay Blaze. “This is not good,” mahinang sambit niya bago tumayo sa kanyang upuan. “Autumn, saan ka pupunta?” agad na tanong ni Burn nang magtuloy-tuloy siya palabas ng silid. Hindi niya ito pinansin, sa halip ay tinungo niya ang daan papuntang infirmary. Nabungaran niya roon ang babaeng nars na agad na tinanong ang kanyang pakay. “Masama ang pakiramdam ko. Gusto kong magpahinga,” sagot niya at agad na naghanap ng mahihigaan. Sa pinakadulong kama niya napili. Matapos niyang ayusin ang kurtina ay agad siyang nahiga. She let out a deep breath. Wala sa sarili na nasapo niya ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya sa kanyang mga inasta. Bakit ba gano’n na lamang ang galit niya nang makita ang mga babaeng iyon na nakikipag landi*n kay Blaze? Selos ba ang kanyang nararamdaman? “No.” mahinang sambit niya. Napaigtad siya nang biglang lumipad ang kurtinang nakatakip sa kanyang higain na wari’y may dumaan na kung ano. Agad siyang naalarma at mabilis na bumangon. “What—” Naputol ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang takpan ni Blaze ang kanyang bibig. Sumampa ito sa ibabaw ng kama at agad na tumabi sa kanya. “Bakit ka umalis ng room? Talaga bang masama ang pakiramdam mo?” tanong nito. Napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito kaya hindi niya napigilan na paggulungan ito ng mga mata. Sunod niyang itinabig ang kamay nito na nasa bibig niya at umusog nang kaunti. Hindi lang talaga siya kumportable na masyado itong malapit sa kanya. “As if you care,” tipid niyang sagot. “I really care, Autumn. Mahalaga ka para sa akin kaya hindi mo ako mapipigilan na mag-alala sa ‘yo,” wika nito. Hindi nakapagsalita si Autumn. Hindi niya alam pero bigla siyang napipi sa sinabi nito. “Kung nagseselos ka dahil sa mga babaeng ‘yon—” “Excuse me? At bakit naman ako magseselos sa mga haliparot na ‘yon?” inis niyang tanong. Kahit na may katotohanan ang sinabi nito ay kailangan pa rin niyang ikubli ang kanyang nararamdaman. It was too sudden. Kahit siya ay hindi rin sigurado kung talaga bang selos itong nabubuo sa kanyang dibdib. “It’s obviously written on your face, Autumn.” “Don’t fool me, I know it wasn’t. Masama lang talaga ang pakiramdam ko matapos nang nangyari roon sa gubat. I think, I need more time to rest,” palusot niya. She’s really okay. Mabuti na ang kanyang pakiramdam pagkatapos ng mga nangyari noong nakaraang gabi. Wala lang talaga siya sa mood na kausapin ito ngayon. “Bakit mo ba pinapahirapan ang sarili mo, Autumn? Kahit anong tanggi pa ang gawin mo, I already know the truth. At hindi mo iyon habang-buhay na maitatago sa akin. Maghintay ka, sa mga susunod na araw, hahanap-hanapin mo ako at mababaliw ka sa pakiramdam na ‘yon,” bulong nito at dahan-dahang inilapit ang mukha nito sa kanya. Agad siyang napatitig sa mga labi nito. His lips are inviting her. Parang may kung anong puwersa ang humahatak sa kanya na ilapat ang kanyang mga labi sa mga labi nito. Marahan siyang umiling. Kailangan niyang itigil ang kahibangang ito. “It’s okay, Autumn. I’m all yours,” bulong nito at mas lalo pang inilapit ang sarili sa kanya. Tuluyan nang umawang ang mga labi ni Autumn. Dahan-dahang gumapang ang mga kamay niya papunta sa batok nito at sunod na ipinikit ang kanyang mga mata. Wala na siyang ibang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi ang maramdaman ang tamis ng halik nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD