Chapter 8

2056 Words
MATAPOS marinig ang kuwento ni Burn ay hindi na pumasok si Autumn nang araw na ‘yon. Napagpasyahan niyang manatili na lamang sa kanyang silid para makapag isip-isip. Hindi naman siya ginulo ng dalawang babae dahil batid ng mga ito na bumabawi pa rin siya ng lakas pagkatapos ng mga nangyari sa kanya roon sa gubat. Buong araw na nakahilata lang siya habang nakatitig sa kanyang cell phone. Gustong-gusto niyang kausapin ang kanyang pamilya at ikuwento sa mga ito ang nangyari sa kanya, subalit wala siyang lakas ng loob. Natatakot siya na baka hindi siya paniwalaan ng mga ito. Hindi rin siya sigurado kung sinong pamilya ang tinutukoy ni Blaze na kakilala nito. Maaring ang pamilyang nakagisnan niya o iba. Ayaw rin niyang isipin na baka ampon lamang siya at galing sa ibang pamilya. Nang mapagod sa kaiisip ay nagpasya siyang umakyat sa rooftop. Gabi na rin kaya agad niyang natanaw ang mga kumikinang na bituin sa kalangitan. Bigla niyang naalala ang kanyang Kuya Winter pati na ang mga kuwento nito noon tungkol sa isang Prinsesa. Unti-unti ay nagiging malinaw ang lahat sa kanya. Mukhang hindi nga talaga kuwentong pambata ang tungkol doon sa Prinsesa na madalas ikuwento ng pinsan sa kanya. Mukhang siya nga talaga ang tinutukoy nitong Prinsesa na nawalan ng kapangyarihan. Ibig sabihin, matagal nang alam ng mga ito ang tungkol sa taglay niyang mahika? “Kailangan kong makausap si Kuya Winter,” aniya at agad na dinukot ang kanyang cell phone. Hindi pa man niya ito nabubuksan nang bigla na lamang natigilan dahil sa mga mumunting ungol na lumamon sa katahimikan ng buong rooftop. Mabilis niyang iginala ang kanyang paningin at hinanap ang pinanggagalingan ng ingay na ‘yon. “D*mnit!” sambit niya at agad na tumayo mula sa kinauupuan. Dahan-dahan siyang naglakad hanggang sa mapahinto sa isa sa mga bench. Sinilip niya ito at malinaw niyang nakita ang dalawang taong naghahalikan habang nakahiga sa mga nakalatag na karton. Tumaas ang gilid ng kanyang labi nang makilala ang babae, si Lala. Wala na itong suot na damit pang-itaas, gano’n din ang lalaking kahalikan nito. Ngayon ay batid na niya kung bakit naiiwang nakabukas ang pinto ng rooftop, ‘yon ay dahil may ginagawang kababalaghan ang mismong head ng dorm. Kung sa bagay, tahimik ang rooftop at halos wala ring mga estudyante ang nagpipirmi rito. Magiging malaya nga ito kapag dito nito ginawa ang ganitong klaseng bagay. Naghalukipkip si Autumn at ipinagpatuloy ang pagtitig sa dalawa. Hindi man lamang naramdaman ng mga ito ang kanyang presensiya. Halatang liyong-liyo na rin si Lala at napapakagat-labi pa habang mariing nakapikit. Nang mapansin niyang bumaba sa baywang ni Lala ang kamay ng lalaki at balak na nitong tanggalin ang damit pang-ibaba ng babae ay roon na malakas na tumikhim si Autumn. Parehong nagulat ang dalawa at sabay na nabaling ang tingin sa kinatatayuan niya. “Thunder?” bulalas ni Autumn nang mapagsino ang lalaki. Hindi siya puwedeng magkamali, kakambal ni Lightning ang lalaking kasama ni Lala. Kitang-kita ni Autumn kung paano namutla ang mukha ni Lala nang makita siyang nakatayo sa gilid ng mga ito. Mabilis nitong itinulak palayo ang nakadagang si Thunder at agad na bumangon. Gamit ang braso nito ay tinakpan ng babae ang dalawa nitong dibdib habang hinahanap ang mga pinag hubaran nito. Bumangon na rin si Thunder at tinulungang magbihis ang natatarantang si Lala. “Mauna ka nang bumaba, kakausapin ko muna si Autumn. Susunod din agad ako sa ‘yo,” malambing na sabi ni Thunder bago muling siniil ng halik ang labi nito. “No way! Kilalang-kilala kita, Thunder. Kahit yata poste ‘pag dinamitan, titirahin mo.” Nabaling ang tingin ni Lala kay Autumn. Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Hinding-hindi kita iiwan nang mag-isa kasama ang babaeng ‘yan!” nakaduro nitong sabi sa kanya. Umikot ang mga mata ni Autumn. Thunder is not her type at hinding-hindi siya papayag na mahawakan nito kahit ang maliit na hibla lamang ng kanyang buhok. Mapapatay niya muna ito bago ito magtagumpay sa binabalak nitong gawin sa kanya. “Hinding-hindi ko magagawa ang bagay na ‘yan kay Autumn, Lala. Mapapapatay ako ni Blaze,” paliwanag nito. “W-what?! Blaze? Don’t tell me, siya ang. . . Prinsesa?!” gulat na gulat na sambit ni Lala. Tumango si Thunder kaya mas lalong nanlaki ang mga mata nito. Tumaas ang mga kilay ni Autumn. Kahit si Lala ay alam din ang tungkol sa kanya. Marahil ay naikuwento ni Thunder ang lahat dito. “P-Prinsesa, p-patawarin n’yo po ako sa kapangahasan ko. Simula nang pagdating n’yo rito, hanggang ngayon. Hindi ko po alam. Patawad, Prinsesa.” Napaatras si Autumn nang bigla na lamang lumuhod si Lala sa kanyang harapan. Pinagbalingan niya ng tingin si Thunder at nakita niyang sumenyas ito na patayuin niya si Lala dahil hinihintay nito ang kanyang utos. “Tumayo ka, Lala.” Pagkasabi niyang iyon ay agad na tumayo si Lala. Muli itong humingi ng paumanhin bago tinapunan ng tingin si Thunder. “Mauna ka na sa Hecate Building, susunod agad ako,” sambit ni Thunder at muling hinagkan si Lala. Agad itong tumango at nagpaalam na aalis na. Sunod na pinulot ni Thunder ang suot nitong T-shirt. Hindi iyon sinuot ng lalaki bagkus ay naglakad ito palapit sa kanya. Saktong pagtapat nito sa liwanag ng buwan ay nanlaki ang mga mata ni Autumn. Biglang lumiwanag ang mga guhit na nakaukit sa katawan ni Thunder. Para itong mga marka o lengguwahe na hindi niya maintindihan. Mula sa katawan ni Thunder ay umakyat ang paningin niya sa ulo nito. Hindi niya napigilan ang mapaatras nang makita ang dalawang mahahaba at matutulis nitong mga sungay. Sa puwet naman nito ay ang mahaba nitong buntot na bahagya pang gumagalaw. Malakas siyang napamura at muling napaatras. Ngayon lang niya naalala ang kuwento ni Burn tungkol sa kambal na Thunder at Lightning. Mga demonyo ang mga ito at hindi niya maipagkakailang talagang nakakatakot ang itsura ng mga ito. Idagdag pa na parang umaapoy si Thunder, pakiramdam niya ay nasa impyerno siya dahil sa presensiya nito. “Huwag kang matakot, Prinsesa. Hindi kita sasaktan,” natatawa nitong sabi bago sinuot ang hawak nitong T-shirt. Kaagad na nawala ang mga sungay at buntot nito. Wari’y sinadya lamang ni Thunder na ipakita ‘yon sa kanya. Autumn let out a deep sigh. “How about Lala? Isa rin ba siyang immortal?” tanong niya. Imposible namang isa itong normal na tao gayong alam nito ang tungkol sa kanya. “Hindi. Isa lamang siyang ordinaryong tao,” sagot nito. “Really? Pero alam naman niya ang tungkol sa ‘yo, ‘di ba? Alam niyang isa kang bampira at demonyo yet nagawa pa rin niyang makipag-ano sa ‘yo? Hindi ba siya natatakot?” nagtataka niyang tanong. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa bago naglakad papunta sa dulo ng rooftop. Sumilip ito sa ibaba at agad nilang natanaw ang naglalakad na si Lala. “May mga taong ipinapanganak para maging katuwang ng isang demonyo. Isa sa kanila si Lala, a demon’s companion,” sagot nito. Marahang tumango si Autumn. “Is she your companion? O talagang naglalandian lang kayong dalawa?” tanong niya. “She’s my companion. At tungkulin niyang punan ang mga pangangailangan ko, especially my s*xual desire. Alam mo namang hayok ang mga demonyo sa gano’ng bagay kaya ‘wag mo siyang husgahan. Mahal na mahal ko ‘yon kahit na minsan nasasaktan ko siya. May mga pagkakataon lang talaga na hindi ko mapigilan ang sarili ko at nakagagalaw ng ibang babae,” pagkukuwento nito. “’Buti naman at hindi ka hinahabol ng mga nagagamit mo,” aniya. “Bakit naman nila ako hahabulin? Ginagaya ko lang naman ang itsura ng mga boyfriend nila saka sila gagamitin,” malawak ang ngiting sabi nito. “Stup*d,” hindi makapaniwalang sambit ni Autumn. “Bakit? Kahit si Lightning ginagawa rin naman ‘yon, eh.” Umikot ang mga mata ni Autumn. Ano pa ba ang aasahan niya sa mga demonyong ito? “Nga pala, ano’ng gagawin n’yo sa Hecate Building? Akala ko ba delikado ang lugar na ‘yon?” tanong niya bago sumandal sa railings. Medyo malayo-layo na ang nalalakad ni Lala pero natatanaw pa rin niya ito. “Naistorbo mo ang ginagawa namin, Prinsesa kaya sa Palasyo na lang namin itutuloy ‘yon,” nakangising sagot nito bago tumalon pababa. Agad na dumungaw si Autumn. Malinaw na nahagip ng kanyang paningin ang paghapit ni Thunder sa baywang ni Lala papunta sa Hecate Building. Thunder ran in a speed of a light pero malinaw niya itong nakita. Marahan siyang umiling. “This is not good,” bulong niya sa sarili bago tumalikod. “D*mnit!” malakas niyang sigaw nang paglingon niya ay mukha agad ni Blast ang bumungad sa kanyang harapan. Agad na napaatras si Autumn ngunit nasa dulo na siya ng railings. Sumilay ang manipis na ngiti sa labi ng binata at halos mapapitlag siya nang bigla nitong hawakan ang magkabila niyang braso. Agad na ipinikit ni Autumn ang kanyang mga mata nang maalala ang sinabi ni Blaze kahapon. Huwag na huwag daw siyang tumingin sa mga mata ni Blast kung ayaw niyang maulit ang mga nakita niyang halusinasyon na halos nagpasindak sa kanya kahapon. Dahan-dahan siyang pinaikot ni Blast. Naramdaman niya ang pagdikit ng katawan nito sa kanyang likuran kaya halos mapugto ang kanyang hininga sa lakas ng presensiya nito. “Idilat mo ang iyong mga mata, Prinsesa. Ayaw mo bang makita ang iyong kapatid?” bulong nito sa gilid ng kanyang tainga. Agad niya itong sinunod na wari’y nasa ilalim siya ng kapangyarihan nito at wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sundin ang lahat ng iuutos nito. Itinuro ni Blast ang katapat na gusali, ang Artemis Building, dormitoryo ng mga lalaki. Mula sa rooftop ay nahagip agad ng paningin ni Autumn ang lalaking nakatayo roon. Hindi man niya maaninag ang mukha nito pero ramdam niya ang pagbigat ng paligid. Wari’y galit na galit ito habang nakatitig kay Blast na nakatayo sa kanyang likuran. “Who is he?” tanong ni Autumn. “Ang kapatid mong si Lucent,” sagot ni Blast. Mahina itong tumawa ngunit agad ding natigilan nang makita ang dahan-dahang pag-angat ng kamay ng lalaki. Mula sa mga palad nito ay lumabas ang yelo na inilabas din kahapon ni Autumn. Hindi na nasundan pa ni Autumn ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lamang nawala si Blast sa kanyang likuran at agad na sinugod ang lalaki. Naglaban ang mga ito sa ibabaw ng rooftop. Hindi na umimik pa si Autumn at mabilis na tumakbo pababa ng rooftop. Kailangan niyang puntahan ang mga ito sa kabilang gusali. Kung talagang kapatid nga niya ang Lucent na ‘yon ay kailangan niya itong makilala. Hingal na hingal siya nang makababa sa Luna Building. Huminga lang siya saglit bago ipinagpatuloy ang pagtakbo papunta sa Artemis Building. Mabuti na lang at bukas pa ang main door ng building kaya nakapasok siya agad. “Uy, bakit may babae rito?” “Wow, chicks!” “Saan ang punta mo, Miss? Nasa room 78 ang kuwarto ko.” Hindi pinansin ni Autumn ang bulungan at kantiyaw ng mga ito. Hinanap niya ang hagdan at agad na tumakbo paakyat. Natigilan lamang siya nang maramdaman ang malakas na kamay na humila sa kanyang braso. “Ano’ng ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ni Flames. “Nasa rooftop sina Blast at Lucent, kailangan ko silang puntahan,” sagot niya bago hinila ang kanyang braso. Ngunit sa halip na bitawan ay kinabig ni Flames ang kanyang baywang at sa isang kisapmata lamang ay nakarating na sila sa rooftop. Agad na iginala ni Autumn ang kanyang paningin. Wala na ang mga ito. “Hindi sila puwedeng mag-away rito, maraming mortal ang madadamay,” wika nito bago siya binitawan. Napabuga ng malalim na paghinga si Autumn. Sayang at hindi niya naabutan si Lucent. Gustong-gusto pa naman sana niya itong makilala. “Halika na, ihahatid na kita sa dorm n’yo,” sabi ni Flames at muli siyang kinabig. Napahawak si Autumn sa balikat nito at dahan-dahang nag-angat ng tingin. Nagtagpo ang kanilang mga paningin. Hindi niya alam kung bakit pero bigla na lamang sumagi sa kanyang isipan si Blaze. Bigla siyang nakonsensiya. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ito. She must be crazy. Bakit naman niya mararamdaman ang bagay na ‘yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD