(Anthony's P.O.V)
Nagutom ako bigla kaya pumunta muna ako sa kusina para kumain. Sigurado naman ako na naghanda ng pagkain si manang dahil alam niyang kumakain ako nang patago. ‘Di nga lang nila alam dahil hindi kasi ako mahilig sumabay kumain, parang may takot ako sa loob ko na sa tuwing may kasama ako kumain.
Naaalala ko kasi ‘yong ginawa ni daddy sa akin noong kumain kami kasama ‘yong babae niya na ipinalit niya kay mommy. Ayaw ko kasi sa babae niya at hindi ko kayang tanggapin na papalitan na ni daddy si mommy. I love my mom and I don't want anyone else to replace her. Pakiramdam ko kasi . . . mababastos ang ala-ala ni mommy pag ginawa ‘yon ni daddy.
Kaya hindi ko nirerespeto ‘yong babae ni dad, resulta nang pagtapon ni daddy sa akin ng isang baso na naglalaman ng malamig na tubig. Napahiya ako sa harap ng babae niya at hindi ako makapaniwala sa ginawa ni daddy. He defended his mistress over his own son. Kaya umalis ako ng hapagkainan at pumunta sa kwarto ko. I locked the door for weeks and no one I talked to or admitted to my room.
Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng tubig galing sa refrigerator. Pagkatapos no’n, babalik na sana ako ng kwarto ko para makapagpahinga na, but something's bother me when I saw something na nakaupo sa sahig malapit sa kwarto ko. Nakilala ko agad kung sino marahil tatlo lang naman kami rito sa bahay palagi.
Si Fatima ang babaeng nakahiga sa sahig, kaya agad kung tinungo ang kinaruruonan niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, tulog nga. Gugulatin ko sana ang feeling maganda kong kapatid pero naawa ako bigla. Kaya hindi ko na lang pinagpatuloy ang plano kong asarin siya. Binuhat ko siya ng dahan-dahan para dalhin sa kwarto niya pero malayo pa ‘yong kwarto niya at tiyak bali na lahat ng buto ko sa likod pagdating namin sa kwarto niya.
Kaya napagdesisyonan ko na dalhin na lang muna siya sa kwarto ko para makapagpahinga siya. Malapit lang din naman ang kwarto ko kaya ipinasok ko siya at dahan-dahan kong inilagay sa kama. Pagkatapos ay lumabas muna ako ng kwarto para ‘di ko siya madisturbo. Kasi pag nasa loob ako baka makaisip ako ng hinding magandang bagay, baka bigla akong masaniban ng pang-aasar. Pumunta na lang muna ako sa swimming pool sa may likod ng bahay para magpahangin.
Pagdating ko sa pool ay tumambad agad sa aking mga mata ang makikislap na bituin sa langit. I remembered that time na kasama ko pa si mommy while we are sitting under the night, full of glazing stars, and fresh air. Kinikwento pa ni mommy sa akin ‘yong fairytale na gustong-gusto ko.
Umupo ako sa gilid ng pool para tanawin ang mga bituin sa langit. Iniisip ko ang mga memories namin ni mommy. I missed her so much and I don't think that we can fix this family again. I don't want daddy to get married by a gold digger woman.
Then, parang matagal na ‘ata ako sa pool at nakakaramdam na rin ng hapdi ang puwet ko kaya napagdesisyonan kong bumalik sa kwarto ko. And right exactly pagbukas ng pintuan, tumambad sa akin ang gising na pagmumukha ni Fatima na may hawak-hawak na chocolate. Nagulat ako ng sobra at saka natakot dahil bakit niya kinain ang mga chocolates ko.
Also, she knows that she is allergic to chocolates. "Bakit mo kinain ang mga chocolate ko? At ‘di ba bawal ka d’yan?" sigaw ko sa kanya habang inagaw ang chocolate na hawak-hawak niya, and I also cleaned up her hands using my sleeping shirt.
After a few minutes, she collapses and out of her life temporarily. Hindi na ako nagulat ng sobra dahil alam kong mangyayari naman talaga ‘to sa kanya pag kumain siya ng chocolates. Pero nababahala ako na baka hindi niya kayanin, kaya agad ko siyang dinala sa labas patungo sa sala para tawagin si manang Elsa.
"Manang Elsa!" sigaw ko ng sobrang lakas para madinig agad ni manang dahil baka nakatulog na siya sa mga oras ngayon.
"Manang Elsa!" sigaw ko ulit. Ilang minuto ang lumipas at dumating naman si manang habang nagmamadali.
"Anong nangyari kay Fatima, Anthony?!" tanong ni manang na sobrang nag-alala kay Fatima.
"Kumain siya ng chocolate kaya nahimatay siya!" sagot ko, habang palabas ng bahay. Agad kong dinala sa kotse ko si Fatima para dalhin siya sa hospital. Sumakay si manang sa likod kasama si Fatima. Doon ko na siya iniligay sa backseat para may umalalay sa kanya.
"Dad, something happened to Fatima." I called dad about what happened to Fatima. But at first, hindi si daddy ang sumagot sa phone niya. His assistant answered the phone kaya pinasabi ko sa assistant ni daddy na ibigay sa kanya ang phone niya dahil emergency ang sasabihin ko.
Then, daddy's assistant obeyed me, kaya nakausap ko agad si daddy.
"What happened to Fatima, Anthony?" Daddy was very curious and nervous. It was very obvious the way his voice sounded like.
"She accidentally ate chocolate . . . I don't know if it was an accident or she did it on purpose." I answered dad. "See you on the hospital." I added as I ended the call. Ete-text ko na lang kay daddy ang address pag nakahanap na kami ng hospital na pagdadalhan ni Fatima.
"Sir, ano pong nangyari?" tanong agad sa akin ng babaeng nurse na sumalubong sa amin na may kasamang dalawang lalaking nurse.
"Nag-collapse siya after eating chocolate. Allergic kasi siya sa chocolate." Mahinahon kong sagot sa nurse na may mapulang labi at medyo hindi gaanong katangkaran, mga nasa hanggang leeg ko lang siya sa aking pagtatansya.
Pagkatapos, inilapag ko na si Fatima sa bed cart na dala ng mga kasama niyang nurse. Dinala nila si Fatima sa isang kwarto at hindi ako pinayagang pumasok.
"Wait lang po kayo rito sa labas, sir, hah!" tugon ng babaeng nurse sabay sirado ng glass door.
(Hara's P.O.V)
"Ano ba kasing nangyari sa ‘yo? ‘Di ba alam mo naman na may allergy ka sa chocolate!" Pinapagalitan ako ni Icymie. Dumating na pala siya. May dalang isang basket na naglalaman ng iba't-ibang prutas. Pagkatapos niyang ilagay sa mesa ang dala niya ay umupo siya sa kama. "Explain it to me!" aniya.
"I don't know. Basta hindi ko alam kung bakit ko ‘yon kinain. Siguro nagugutom lang ako that time." I’ve tried to explain. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong pangangatwiran. Eh, totoo naman talaga na hindi ko alam na may allergy pala si Fatima sa chocolates.
"So paano ‘yan? Hindi ka makakapunta sa party?" Malungkot na pagkakasabi ni Icy habang nakasimangot ang mukha niya.
"I'm sorry. Hindi ko naman din kasi ginusto ‘tong nangyari, eh. At saka, you can still go to the party without me, ‘di ba?!"
"Yes, I can still go pero . . . how can I get close to Jorge kung hindi ka kasama. Hello?! Close kayo and ikaw ang magiging tulay ko para mapalapit sa kanya." She said. So ako pala ang gagawin niyang bridge para malapit kay Jorge. Talaga ba? Kaibigan niya ba ako or she is just taking our friendship for granted. I don't think so.
"So, ako ang gagawin mong tulay? Gano’n?" pranka kong tanong sa kanya.
"Hindi, I mean . . . parang gano’n na nga. ‘Di ba, we're friends and friends are helping each other, ‘di ba?" She replied holding my hands na parang nagmamakaawang tulungan ko siya. Pero wala akong magagawa dahil nandito nga ako sa hospital at hindi ako makakapunta.
"So paano nga kita matutulungan kong nandito ako sa hospital?" I asked her, and I was expecting na susuko na siya sa pangungulit sa akin.
Pero nagkamali pala ako, dahil kanina pa pala siya nag-iisip ng paraan para matulungan ko siya. Halatang-halata na nakaplano na ang lahat ng gusto niyang mangyari. Pinaghandaan niya talaga ang party na 'to.
"May naisip na kasi ako kung paano mo ko matutulungan kahit nandito ka." Excited niyang sabi.
"Pa’no?" maikli kong sagot.
"Madali lang. Call Jorge na hindi ka makakapunta pero . . . I'll be representing you as your substitute." Naka-smile niyang sabi. Parang prepared na talaga at desidedo na siya sa plano niya.
"Okay." sagot sa kanya habang hinahanap ko ang phone number ni Jorge sa phone ko.
Click ang contacts, then tinype ko ang name ni Jorge sa search box para madali kong mahanap. Bumungad sa akin ang tanging nag-iisang Jorge Hugo na pangalang nakalagay contacts ko. Kaya pinindot ko and it automatically call. Nag-ring ang phone ko, tanda ng na reach ko siya. Ilang segundo rin ang umabot na hindi lumagpas ng isang minuto sa aking pagtatansiya.
"Hello, Fatima? Napatawag ka?" Parang gulat ‘ata si Jorge nang tumawag ako bigla dahil sa tono ng boses niya.
"Ahm, alam mo na ba na may nangyari sa aking masama?" sabi ko. Tumahimik ng ilang segundo bago siya ulit nagsalita.
"Ah, sorry kung nawala ako bigla. May nagpapa-picture kasi. Ano nga pala sinabi mo?" tanong niya.
"Hindi ako makakapunta mamaya sa party dahil nasa hospital ako at ‘yong bestfriend ko na lang muna pupunta at sana you take good care of her!"
Bilin ko sa kanya and I hanged out the phone call. Binaba ko na agad ang tawag para hindi na siya makapagtanong pa ng marami, mastre-stress lang ako at para hindi na siya makatanggi kung tatanggi man siya.
"Anong sabi niya?" tanong ni Icy na lumaki ang mata at naka-smile na sobrang lawak. Parang batang naghihintay ng kendi.
"Okay daw." tanging naisagot ko na lang sa kanya habang inilalagay ko ang phone ko sa mesa, at saka kumuha na rin ng isang apple na kulay red na may halong pagka-green.
"Talaga? OMG!" reaction niya na sobrang ikinagulat ko.
Dahil bigla siyang sumigaw at hinablot pa ang dalawa kong kamay ng paalon-alon na para akong gulay na pinaglalaruan niya. Nakalimutan niya siguro na mahina pa ako. ‘Di naman siguro halata sa ginagawa niya ngayon.
"Aray! Icy papatayin mo ba ako?!" sigaw ko sa kanya para mahimasmasan siya marahil hindi tumabla sa kanya ang reaction ng mukha ko sa ginagawa niya.
"Ay, sorry girl. I'm just so happy and excited. Finally, I can get close to Jorge and it won't be happening if without you." She smiled and hugged me. Masarap naman sa feeling na nakakatulong ka sa kapwa mo lalo na sa friend mo. I am getting close na ‘yong damdamin ko kay Icy Mie. Para bang sobrang gaan na na pakiramdaman ko sa kanya.
It's like, sobrang saya niya talaga kasama except noong nangyari sa mall na nagseselos lang pala siya. For the past years na nagkaroon ako ng kaibigan na isang bakla, si Christian na halos araw-araw ay makikita mo siyang masayahin, fix ang black curly hair niya, sobrang linis ng damit, may suot na eyeglasses everytime, at maharot nga lang.
Pero sa kanya ko lang naramdaman na may taong handang tanggapin ako kahit nerdy type akong babae. Dahil ‘yong iba kasing kaklase at students sa school namin ay palagi akong pinag-uusapan dahil daw sa sobrang tahimik ko at talino.
Sabi nila na . . . pag tahimik daw ‘yong isang tao ay may malaking tinatago at mabangis daw ang kaloob-looban. Sabi pa nga rin nila na mabubuntis daw ako before this School year, noong panahong buhay pa ako bilang si Hara. And now, with Icy Mie, it feels like I'm alive again.
Tinanggal na ni Icymie ang kamay niya sa pagkakayakap mula sa akin sabay sabi, "Talaga bang hindi ka makakaalis ngayon?"
"Gustohin ko man pero hindi puwede, eh. Wala pa akong sapat na lakas para makapag-party. Kung pipilitin ko naman sarili ko baka maging lantang gulay lang ako roon. I can't even enjoy the party at baka ma-bored ka lang pag sumama pa akong ganito." I said, stating my excuses to her.
"Okay. Aalis na ako para makapag-ayos pa ako ng sarili ko." She said and hugged me again with a kiss on my cheek. Kinuha niya ang bag niya sa kama at saka lumabas na ng room ko.
Sa paglabas niya ng kwarto ay nakasalamuha niya si kuya Anthony sa labas ng pintuan. Hindi ko na nakita kung ano ang reaction nila at pumasok na agad si kuya sa loob ng kwarto ko.
"Saan ka ba galing?" tanong ko sa kanya habang kumagat ako ng isa sa hawak kong apple.
"Bakit? Close ba tayo?" sagot niya na nag-iinarte.
"Hala! Hoy, ‘wag mo kong ma-drama d’yan, hah! Ikaw kaya nag-umpisang mang-asar sa akin kanina." bulyaw ko sa kanya.
“Hindi mo nga pinasalamatan ang taong nagsagip sa buhay mo." He murmured.
Hala, nagdra-drama na talaga ang werdo. Akala ko nagbibiro na naman siya. May pa sad face pa siyang nalalaman na tila parang iiyak ang mukong. Freak talaga.
"Thank you for saving my life kuya. I am forever grateful." sabi ko sa kanya habang pinapa-cute ko ‘yong mata ko sabay lapat ng dalawang kamay ko na kunwari nagdadasal ako. Hindi niya talaga ako pinansin at binaliwala niya lang ako. Wow. Ang O.A na talaga ng mukong.
"Hoy, kuya! Sorry na. Please." Pagmamakaawa ko sa kanya. Humiga siya sa couch na malapit sa pintuan at hindi niya pa rin ako kinibo. Kaya hindi ko na siya pinilit na pansinin pa ako. Bahala siya sa buhay niya. Bumalik na lang din ako sa pagpapahinga para madali akong maka-recover.