Prologue
Ang buhay ay parang isang apoy. Kapag maliit, madaling patayin. Kung malaki, mahirap patayin. Pero hindi gan’on ang buhay, dahil ang tunay na buhay ay kahit maliit ka man o malaki madali ka pa ring patayin. Hindi mo namamalayan na unti-unti ka na pa lang pinapatay ng iyong konsensya at pagmamaliit ng ibang tao.
Hindi natin pagmamay-ari ang buhay na meron tayo ngayon pero sadyang may mga taong handang wakasan ang kanilang buhay para sa inaasam-asam na kapayapaan sa sakit na nararamdaman. Meron namang binawian ng buhay na hindi naman nila ginusto, lalo't na ang pagkitil ng isang buhay na hindi mo naman pagmamay-ari. May mga taong gusto mabuhay, pero hindi nabigyan ng pag-asang mabuhay.
Alam nating lahat na ikaw at ako ay magkaiba. Dahil tayo ay ginawa ayon sa gusto ng Diyos, ngunit tatanggapin mo ba ang buhay na hindi naman dapat sayo? O pababayaan mo na lang dahil hindi mo ito gusto at pagmamay-ari? O gagamitin mo ito para sa iyong paghihiganti?
Isang araw na akong walang tulog dahil sa mga pangungutya ng mga kaklase, guro at mga tinuring kong mga totoong kaibigan. Nangyari kasi ang hindi ko inaasahang mangyayari ito sa akin. Usap-usapan na kasi ang pangalan ko at ang nangyari sa akin kahapon sa paaralan. Hindi lang dahil sa akin, dahil din sa nangyari sa amin ni Julie Mier kagabi.
Yesterday, my friends told me to do the dare. Sabi nila katuwaan lang, I don't know kung bakit ginawa ko ang katangahang bagay na ‘yon. Even though alam kong magiging masama ang kalalabasan nang gagawin ko. Gusto ko lang naman kasi may magmamahal sa akin like everyone does need love and attention, compared to my parents na ang alam lang ay magtrabaho nang magtrabaho for my future raw.
"Hara, you must do the dare. I promise, he truly like you. Sabi niya sa akin kanina, kaya go na!" paglalanding sabi ni Christian sa akin. Ang kaklase ko na isa sa mga inakala kong tunay kong kaibigan. I do the dare like everyone wants me to do it.
Nahihiya akong gawin ang dare kasi malalaman nila na meron pala akong tinatagong nararamdaman sa isa sa mga gwapong, magaling, at babaerong sikat na MVP Basketball player sa Cor Jesu College. Sino naman kasi ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya na, everytime mo sya na makikita ay ngumingiti siya ‘tapus add mo pa ‘yung mapupula niyang labi at ‘yung thick eyebrows niya.
"Okay, I'll do the dare but make sure na hindi ‘to malalaman ng iba. Tayo-tayo lang nito, hah!" I was feeling nervous and scared that time, kasi pa’no kung e-reject ni JM yung dare nila sa akin. Mapapahiya ako ‘tapus baka akalain niyang p****k ako, na wala akong pinagkaiba sa mga babaeng naghahabol sa kanya sa campus at baka sugurin ako ng mga JM Army niya.
Sila ‘yung mga babaeng grupo sa school namin na nagkaisa para takutin ang mga babae at bakla sa school namin na ‘wag lalapitan o kausapin ang kanilang prinsipe raw.
Nakita ko si JM sa labas ng room namin kung saan siya lang mag-isang nakaupo sa isang white plastic chair habang hawak-hawak niya ang kanyang cellphone. Nasa harap ko na siya pero ang mga kamay, paa, at katawan ko ay parang ayaw nang humakbang papalapit sa kanya pati na ‘yung anino ko gusto nang umurong.
"Sige na Hara!" boses ni Christian sa likod ko na nagtatago sa may pintuan ng room namin. Lumingon ako at sininyahasan ko na gagawin ko na ang dare nila.
"JM, ahm . . . ano k-kasi,” nauutal ako. Hind ko na tuloy alam kung ano ang sasabihin sa kanya. Ang mga bibig koy tila parang may nakadikit na glue na parang ayaw na nitong bumuka. Pero nilakasan ko ang aking loob para matapus na ito.
"Bakit Hara?" tanong ni JM sa akin na halatang naguguluhan sa kilos ko.
"Dare lang ‘to, hah. Sana ‘wag mong masamain. Can I kiss you?" nasabi ko na ang dare pero para na akong binuhusan ng isang baldeng punong-puno ng ice cube at tubig na sobrang lamig. Kailangan ko pang hintayin ang sagot niya.
Hindi ko namalayan na ang pinkish, smooth, attractive lips ni JM ay nakadampi na pala sa inosenteng labi ko. I can feel his lips touching my lips at ang bawat tagingting nang pagpatak ng ulan galing sa langit ay para akong nasa isang Ferris wheel na para bang ang tiyan ko ay malalaglag na hindi ko maintindihan. Sobrang nag-iinit ang katawan ko mula sa paa hanggang sa batok ko, na ang maginaw na panahon ay napalitan ng sobrang init at tensiyon ng mga katawan namin.
Natapus ang gabi na halos wala akong matandaan sa lahat ng nangyari. Kinabukasan ay hindi ko na matandaan kung ano ang nangyari kagabi. I woke up like an empty bottle. I barely wore any clothes because what I was wearing was teared into pieces. Para akong dinumog ng mga mababangis na hayop sa kalagayan at itsura ko. Punong-puno ng mga scratch marks at pasa-pasa sa mukha at katawan ko na halatang-halata marahil sa maputi kong balat.
That's the only word I can describe myself that moment na natagpuan nila ang katawan ko sa likod ng abandonadong school comfort room. Habang tinitingnan ko ang aking katawan, unti-unti akong naglalaho at napunta sa isang katawang hindi ko naman pagmamay-ari.
Makalipas ang ilang taon na wala ng balita at wala na ring nag-uusap tungkol sa pagkamatay ko marahil sa pinasara na ang kaso dahil wala silang nakitang ebidensiya at walang makakapagsabi kung sino ang pumatay sa akin. Ang ipinalabas na lamang ay suicide ang ginawa ko marahil daw sa naging drug addict ako, resulted from my stressed days sa school at sa bahay daw.
But now I'm back. Magbabayad sila for treating me like a toy, who they can always play around and control whenever they want, whenever they like. It is not my intention to do bad things at lalo na ang paghihigante, but I think it's time for a little break show time.