WHEN the time comes, where the sun starting to spread his divine shining light all over the hospital building's window refracted inside my room. Paggising ko ay naaninag ko na agad ang nakakabuhay na ilaw ng araw at ramdam ko rin ang dalang bitamina nito sa aking katawan.
Bakit walang tao rito? Asan kaya sila. Nilingon-lingon ko ang buong paligid ng kwarto ko at sinugurado kong tama ang aking nakikita. Wala nga, ayon sa pag-uusisa ko. Kaya bumangon ako para tingnan sa C.R. kung meron bang tao. Kinuha ko ang dextrose gamit ang kaliwang kamay ko at benetbit ito papuntang C.R.
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit wala akong narinig na sumagot. I grabbed the doorknob and open the door slowly, baka kasi merong tao sa loob na nagtatago, lalo na si Anthony baka gugulatin niya lang ako.
Pero nang mabuksan ko na ang pinto ay tumambad sa akin ang kabuoan ng C.R. at nakompirma kong wala ngang tao sa loob.
“Asan ba kasi sila.” Tanong ko sa aking sarili. Habang ako'y pabalik sa kama ko ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng puting uniporme ng isang doctor at naka-face mask ito sabay sirado ng pinto ng siya ay tuluyang nakapasok sa loob ng kwarto.
"Ahmmm . . . dok? Alam n’yo ba kung saan ang nagbabantay sa akin?" Tanong ko sa doktor na kaharap ko ngayon.
"Siguro sila ‘yong lumabas kanina lang na dala-dala ang mga gamit n’yo siguro papunta sa labas." sagot ng doktor na napaka-gwapo. Malalaman mo kasi pag-gwapo o hindi ang isang tao kahit sa boses pa lang. O baka ako lang.
Kahit hindi ko man makita ang buong itsura ng doktor'ng ito ay alam kong gwapo siya. Add mo pa ang macho niyang pangangatawan na hulma marahil sa pantalon niyang sout. Halatang tambay ito sa gym, paminsan-minsan pag wala sigurong duty sa hospital.
"Gano’n ba, dok?!" sagot ko sa kanya habang tutok ako sa mga mata niyang sobrang linaw. Ibig kong sabihin, ‘yong mata niya na tila parang hindi kailan man na pasukan ng alikabok o na puwing. Gano’n siguro talaga pag-doktor. Ang linis.
"Yes. The reason I am here is that I want you to know since your father wasn't around. So, ikaw na lang ang sasabihan ko nito about instructions of taking your medicines." tugon niya sabay turo sa mga gamot na nakasulat sa isang puting papel na may tatlong pahina. Ang isa ay resita na may nakasulat na mga gamot. Pangalawa ay bills namin sa hospital na umabot ng twelve thousand. Hindi naman nakapagtataka dahil nga sa private room ito at medyo mamahalin nga ang private hospital na ito. Kasama na rin kasi ang gamot na iinumin ko na dala-dala ng doktor ngayon.
Pagkatapos niya akong kausapin at bigyan ng instruction ay inabot na niya sa akin ang mga gamot na nasa loob ng isang transparent na bag ‘yong may plastic na maliit na parang zipper.
"So, aalis na ako and maybe pabalik na ‘yong nagbabantay sa ‘yo." Paalam ng doktor sa akin sabay talikod at diretso sa doorknob, pagkatapos ay tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto.
Bumalik ako sa kama at inilagay ang dextrose. Saka umupo ng dahan-dahan. Hinintay kong makabalik muna si Anthony at habang naghihintay ako ay inaliw ko muna ang aking sarili. Kinuha ko ang telepono ko sa ibabaw ng mesa na nasa tabi lang ng kama.
I checked my inbox dahil may mga unread messages pa kasi rito. Binasa ko muna ito dahil nga wala pa naman kasi akong ginagawa.
Text Message:
From: Jazelby Reyes
“Tim, alam mo naman kung ano ang nakita mo, ‘di ba? H’wag na h’wag kang magsasalita . . . o mamatay ka!”
Nang nabasa ko ang message na ‘yon ay biglang guminaw ang buo kong katawan na tila'y para akong inilagay sa isang bathtub na puno ng yelo. Ang balahibo mula sa aking batok ay tumayo ng bahagya at ang mga balahibo ko sa buong katawan ay tumayo na rin.
Ramdam ko ang pangbabanta sa buhay ni Fatima. Hindi ko alam kung ligtas pa ba ako o hindi na. Maraming tanong ang nag-uumikot sa isip ko ngayon.
"Ano kaya ang nakita ni Fatima?" Ang mas nangibabaw na katanungan sa aking isip. Naudlot ang aking pag-iisip ng biglang nagbukas ang pinto at nagsanhi ito ng aking lubusang pagkagulat.
Napasigaw ako, “Oh, my God!” at nagulat din si Anthony sa biglaang pagsigaw ko.
"Anong nangyari sa ‘yo? Ba’t ka sumigaw?!" Gulat niyang tanong habang palakad siyang papunta sa kinaruruonan ko. Ngunit hindi ako makasagot at ng siya ay tuluyang nakalapit na sa akin ay agad kong niyakap siya nang sobrang higpit.
Sa higpit nang aking pagkakayakap ay ‘di ko na inisip kung nasasaktan na ba siya. Pero alam kong nagulat din siguro siya sa aking mga kilos, ngunit sa aking pagkakayakap ay parang hindi ko pa rin ramdam na safe ako, hindi ko alam kung bakit.
May dalawang maiinit na kamay ang dumampi sa bandang likuran ng aking ulo. Kamay ito ni Anthony na unti-unting niyayakap na niya rin ako sabay kilos ng pababa at paitaas. Hinahaplos niya ako na tila gusto niya akong maging komportable at huminahon.
"Tapos na kaming mag-impake ng gamit natin. Uuwi na tayo. H’wag kang mag-alala." tugon ni Anthony. Naramdaman ko ang pagka-secured that time na hinaplos na niya ang aking likuran at ng ako'y tuluyang huminahon ay kinalas ko na ang aking pagkakayakap.
Ilang sandali ay bumukas ulit ang pintuan at pumasok ang isang babae na nakasuot ng puting maikling palda at puting pang-itaas na uniform ng isang nurse. Siguro narito siya para tanggalin ang dextrose na nakakonekta sa aking kamay.
Pagkatapos niyang tanggalin ay lumabas na agad kami ng kwarto patungo sa labas ng hospital at naiwan ang nurse sa loob upang ayosin ang kuwarto. Habang palabas na kami ay nakita ko muli ang doktor na kausap ko kanina na nakatalikod at nakatayo sa reception. May kausap siyang nurse at ang tanging narinig ko ay ang pangalan ko. Fatima. Ay! Hindi ko pala ‘yon pangalan.
Parang nasasanay na akong tawaging ‘Fatima’. Pati ba naman sa ibang tao ay parang ako na tuloy ang tinutukoy nila, pero bakit kaya nila binanggit ang pangalan ko.
"Tara na. May appointment pa kasi si Dad. Baka nagtataka na ‘yon kung bakit natagalan tayo." wika ni Anthony sabay hawak sa balikat ko para alalayan.
Tumingin ako sa mukha niya para ipakita ang pagsang-ayon ko sa gusto niya. Kaya lumabas na kami diretso sa harap ng hospital sa right-side kung saan nando’n naka-park ang car ni Dad.
Pagdating namin sa harap ng pintuan ng sasakyan ay binuksan agad ni Anthony sabay alalay sa akin papasok sa loob. Pagkatapos ay sinirado agad niya ito.
"Dad, saan pa pupunta si kuya?" tanong ko kay daddy na nakaupo sa driver seat.
"Magmamaniho siya ng sarili niyang sasakyan. I'll take you home para safe kang makauwi." Daddy said while turning on the car. "Alam mo na ‘yong kuya mo . . . sobrang bilis kung magpatakbo." dugtong pa niya.
Nang makaalis na kami ay ‘di ko mapigilang makatulog dahil na nga sa sobrang traffic sa may mall at Jollibee drive thru. Nang makita ko ‘yong Jollibee ay nakaramdam ako ng gutom kaya sinabihan ko muna si dad na puwede ba kaming dumaan muna sa drive thru para bumili.
Mabuti na lang at nag-agree si daddy. Kaya lumiko kami agad para hindi kami maipit sa gitna ng traffic. Nang nakapuwesto na kami sa drive thru at may tatlo pang sasakyan na naka-una sa amin, kaya naghintay muna kami ng ilang minuto bago dumating ang turn namin.
"What's your order sir?" tanong no’ng babae. Lumingon sa likod si dad para tanungin ako kung ano gusto kong kainin.
“Ano na lang dad, ahmm . . . dalawang burger at dalawang fries!”
Sinabi ni daddy sa babae kung ano ‘yong order ko at pagkatapos ay binigay ng babae ang receipt. Dumiretso na kami sa waiting window. Then ibinigay ni dad ang receipt. Ilang minuto pa ay fix na ang order ko. Inabot no’ng lalaking staff kay dad at inilagay ni dad sa front seat ang order ko.
Pagdating namin ng bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga na. Pagpasok ko ay inilapag ko muna ang pagkain sa mesa para makapagbihis muna. After I've done changing my clothes ay umupo ako sa chair kung saan nakapwesto sa harap ng mesa at kinain ang nabili naming pagkain sa Jollibee. Habang kumakain ako ay naalala ko bigla ang nabasa kong message sa inbox ng phone ni Fatima. Napatigil ako sa pagkain ng burger at inilagay ko muna sa lagyanan.
Kinuha ko muna ‘yong phone para basahin pa ang kasunond na mga message ngunit wala ng sumunod nito. Although may mga message pa pero hindi related sa threat message galing kay Je . . . Jelby? Ano nga ‘yon? Binalikan ko ‘yong message kanina para e-check kung sino nga ulit ‘yon. Ay! Jazelby Reyes pala. Tapos ay agad kong pinatay ang phone at inilagay sa hunos ng mesa.
When I've finished eating the last burger had left ay humiga na ako sa kama at natulog ng mahimbing dulot na rin ng sobrang pagod.
Kina-umagahan ay bumangon ako ng maaga dahil sa nagising ako sa ingay ng phone ko. May tumatawag kasi ng paulit-ulit na nagsilbing alarm clock ko. Tiningnan ko kung sino ang parang excited na makausap ako. Tumawag pala siya ng ilang beses dahil may ten missed calls na. Sa huling pagkakataon ay sinagot ko na ang tawag niya.
"Good morning, Fatima!" malakas na sigaw ang tumusok sa tainga ko.
Sobrang saya ng babaeng nasa kabilang linya. "Urgh . . . ang sakit naman no’n sa tainga Icy!" bulyaw ko pabalik sa kaniya.
"Thank you talaga. Sobrang thank you!" Paulit-ulit niyang pasasalamat sa akin. Nagtaka ako kung bakit siya nagpapasalamat.
"Para saan?"
"For helping me with Jorge."
Ah . . . kaya pala sobrang saya ng babaeng ‘to, dahil successful ang plano niya kagabi.
"I think we should meet. I'll go to your place and let's talk about what happened last night."
Gustohin ko mang ‘wag muna siyang papuntahin dahil medyo pagod pa rin ang katawan ko. Eh, binabaan na ako kaya push ko na lang din.
Muling tumunog ang phone ko while I'm fixing myself in front of a big round mirror. Kakatapos ko lang kasi maligo. Naligo na lang din ako dahil hindi na ako makatulog kanina dahil nga tumawag si Icy. Tapos pupunta raw siya ng bahay, kaya I have decided na maligo na lang at baka may plano siyang lumabas. Mabuti na ‘yong prepared.
"Hello?" I answered the call while brushing my hair.
"Nasa guest room ako. I'm waiting for you here." sagot ni Icy. Bilis naman makarating ng babaeng ‘to.
Binilisan ko na rin ang pagbihis para makababa na ako. Baka mainip na ‘yon at puntahan pa ako rito. I wanted to wear typical clothes ‘yong pang-bahay lang pero baka aalis din kami. Kaya ang sinuot ko na lang ay puting dress. I like wearing dress kasi. It's like a real lady talaga, para sa akin. I put little slighty pink lipstick para di ako magmukhang dugyot.
Pagakarating ko sa guest room ay agad akong sinalubong ni Icy ng napakabonggang yakap.
"Halika rito at marami akong sasabihin sa ‘yo!" Sobrang energetic at ang gana ng umaga niya sabay tayo galing sa pagkakaupo niya. Niyakap niya ako ng sobrang napakahigpit. Pagkatapos ay umupo na kami ng magkatabi.
"So, what is that you wanted to share?" I asked her directly.
"Nang dumating ako sa venue ng party, bringing my invitation email na nasa phone ko. At nang makapasok ako ay sinalubong ako ni Jorge and he brought me on the table in front of a little stage." Pagsasalaysay niya.
I listened to her story for almost two hours and parang mapupunit na rin ang tainga ko marahil sa kakasigaw niya sa kilig. Dahil daw sa isinayaw siya ni Jorge and what made it so much kilig was . . . she was Jorge's first dance that night. Kaya sobrang kilig niya.
After naming mag-usap ay nagdesisyon akong pumunta muna kami sa float house para tumambay muna sandali dahil medyo boring sa loob ng bahay and she agreed naman. Akala ko siya ang mag-aaya na lumabas pero it turns out na ako pala ang may balak na lumabas.