Nakakapagod naman mag-shopping kasama si Icy. Sobrang dami kung mamili, parang akala mo wala ng bukas. Iyong tipong akala mo mauubusan siya ng damit.
Habang papasok ako ng bahay nakasalubong ko si Manang Elsa sa hagdanan.
"Saan ka nga pala galing, Fatima?" manang Elsa asked. The tone of her voice, she does cared about me.
Nakalimutan ko nga palang magpaalam sa kanya.
"Sa mall lang manang." sagot ko. I hugged her tight.
"Sige na, magbihis ka na roon at kakain na tayo." sabi niya sabay tapik sa likuran ko.
Kaya umalis na ako papuntang kwarto ko. Nakakapagtaka lang kasi parang hindi ‘ata lumalabas si Anthony ng kwarto niya. Hindi ko rin alam kung saan ang kwarto niya. Ilang araw na rin akong nasa bahay na ito pero, ‘di ko lang naman nakita kung saan ang lungga ng freak na ‘yon.
Nagbihis na agad ako ng damit para makakain na rin ako. Nakakaramdam na rin kasi ng gutom ang mga bulate ko sa tiyan. Ang sinuot ko ay pangtulog na damit para pagkatapos kong kumain ay makapagpahinga na ako diretso. Bumaba na ako ng kwarto papuntang kusina kung saan naghahanda na si manang ng pagkain namin.
"Manang, nasaan ba si Anthony? Sasabay ba siyang kakain?" tinanong ko si manang habang kinukuha ko ‘yong upuan palabas mula sa ilalim ng mesa at pagkatapos umupo.
"Hindi ko alam, Fatima." malungkot niyang sagot.
I crossed my legs and asked manang again.
"Bakit po, manang?" I’m curious why.
"Ikaw talaga, parang hindi ka na nasanay, hah. Ilang taon nang hindi sumasabay ang kuya mo sa hapagkainan simula noong tinapunan ng tubig ng daddy mo, ang kuya mo."
What? I wonder why. Siguro may malaki siyang kasalanan na ginawa para bastusin siya si Anthony. Hindi ko na tinanong si manang kung bakit at baka mapansin niyang nagpapanggap ako na si Fatima. Nang mailapag na ni manang ang pagkain sa mesa sa harapan ko. One scope of rice, a hotdog, a fried egg, and a glass of milk with ice cubes in it.
Nagtataka ako kung bakit ganito ibinigay ni manang na gatas. Why cold ice milk? Baka ganito siguro gusto ni Fatima na gatas sa gabi. I feel weird at some point. Kumain na lang ako at pagkatapos kong kumain, ininum ko ang gatas para makapagpahinga na ako.
"Manang, matutulog na ako. Thank you for the dinner." saying my goodbye and goodnight while getting out from the dining room.
Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko. Nawala ‘yong antok ko, sanhi ba ‘to ng gatas o gusto ko lang talaga makita si Anthony. I mean his bedroom. Kaya lumihis ako ng daan papuntang kwarto. Hinanap ko muna kung saan ang kwarto ng freak na werdong lalaking ‘yon.
Asan kaya ang kwarto niya? Napapatanong ako sa sarili ko habang inikot-ikot ang buong bahay. Dahil nga hindi ko mahanap kung saan ang kwarto ng mysterious guy na ‘yon. Napagod ako, kaya umupo muna ako sa floor. Napasandal ako dahil sa pagod sa kakahanap ng kwarto ni Anthony.
Ilang sandali nang pagkakaupo ko sa floor. Pagdilat ng mga mata ko, nagulat ako sa nakita ko. So, I rubbed my eyes if I really see it or I'm just dreaming. I can't believe and I don't know how I got inside. I also do not know whose room it is.
Nasa isang hallway lang ako kanina pero ba’t andito na ako ngayon sa isang kama na may puting bed sheet, nakahiga. Baka na kidnap ako, baka may nagnakaw sa bahay namin at tinangay ako. Nagpa-panic na ako, natatakot ako kung alin sa mga haka-haka ko ang maaaring nagkatotoo.
Nakatayo ako sa isang corner ng kwartong ito. Hinahanap ko ang pinto para makalabas na rito. Hindi ko mahanap. Nakakapagtaka lang kasi, isang kwarto na walang door at paano ako nakapasok o naipasok dito?
Natandaan ko tuloy ‘yong pinto ng kusina namin sa bahay na may secret door na isang bookshelf. Kaya nilingon-lingon ko ang paligid ng kwarto kung meron bang bookshelf at sa kabutihang-palad, meron nga. Nilapitan ko agad ang bookshelf na malapit lang sa kinatatayuan ko. I tried to check all the books if there’s a secret button to open the wall or door something.
It feels like I have been removing books from this bookshelf for almost a year and there are so many more books on it. Hanggang sa iisa na lang ang natira sa pinaka-ibabaw na palapag ng bookshelf at hindi ko ito kayang maabot kaya kumuha ako ng upuan na nakapwesto sa gilid din ng isang sulok na may mesa at mga writing materials, headphone, at lampshade.
Pumatong ako sa isang customize chair na gawa sa kahoy na materyales, pero bakal ang sandalan nito. Kinuha ko ang librong nakapatong sa bookshelf at ‘yong nga, nang nakuha ko na ito. Naghintay ako ng ilang minuto para . . . nagbabasakali kung ano ang mangyayari. Ilang minuto na ang dumaan pero walang nangyari.
So, I checked everything that could be a way to get out from this lovely pretty room. Maganda rin kasi ang kwarto na ‘to, parang ang payapa ng isipan ko pagnanatili ako rito. May mga teddy bears sa buong gilid ng kwarto, ang lalaki pa.
‘Di ba may mesa sa gilid, kaya nilapitan ko ito dala-dala ang upuan na ginamit ko kanina. Ibinalik ko ito at umupo rito para makapagpahinga. Tiningnan ko ang mga bagay na nakalagay sa ibabaw ng mesa at may nakita akong isang kahon ng tsokolate.
Of course, I like chocolates and it's my favorite. Kinuha ko ‘yong isang kahon ng tsokolate na kisses at nakapagtataka, kasi nakadikit siya. Kaya inalis ko lahat ng kisses sa loob ng kahon para suriin kung bakit ayaw nitong maalis. Nang nailabas ko na lahat ng kisses ay may nakita akong isang red button na nagdulot nang pagkasabik ko.
Pero nagdadalawang-isip ako kung dapat ba akong maging masaya o matakot sa nakita ko. Pwede rin kasing maging way out ‘to o baka pagpinindot ko ito, ay baka may lumabas na gasses kahit saan at mamatay ako o mawalan nang malay. I’m having second thought. But I need to take risk than do nothing.
Pinindot ko ang red button habang bahagya kong pinikit ang mga mata ko. Nilingon ko nang dahan-dahan, bawat segundo ay nagmistulang isang thriller movie. Paglingon ko ay may isang lalaking nakatayo na ikinagulat ko ng sobra.
Isang lalaki na may suot na pajama, kulay puti at pang-itaas na puting pangtulog din. Si Anthony pala, akala ko kung sino. Pero parang nag-iba ang ekspresyon ng pagmumukha niya, from the laughter of the face turned into a surprising face. Hindi ko alam kung bakit pero nang nagsalita si Anthony ay do’n ko pa nalaman kung bakit siya nagulat bigla.
"Chocolate ba ‘yang kinakain mo? Bakit mo ‘yan kinain, ‘di ba bawal sa ‘yo ‘yan, magpapakamatay ka ba?" wika ni Anthony, habang kinukuha niya ang tsokolateng hawak-hawak ko sabay trapo sa kamay ko gamit ang damit niya.
Pagkatapos, nakaramdam na ako . . . umiikot-ikot ang paningin ko. Ang paligid ko ay parang Ferris wheel at lumalabo ang paningin ko. All I know what happened next is that I lost consciousness.
"Doc, kamusta po ang anak ko?" boses ni daddy ang naririnig ko, parang nasa paligid lang siya. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko upang makita kung si daddy nga ba iyon. Pagdilat ng mga mata ko, sobrang tuwa ng puso't isipan ko ng makita ko si Daddy Joel.
"Daddy!"
"Anak!" niyakap ako ni daddy. "Okay ka lang ba?" wika pa niya, habang unti-unti siyang bumibitaw sa pagkakayakap sa akin.
"Okay lang ako, dad." nanghihina kong boses na may halong pagkadismaya at lungkot dahil sa napagtanto ko na hindi pala si daddy Joel ang nasa harapan ko, kundi si daddy Emilio pala.
"Oh, ba’t parang hindi ka yata okay!" sabi ni dad, sabay hawak ng kamay ko.
"Hindi dad, parang nanghihina pa kasi ako." sabay ngiti ng maliit.
"Bakit mo ba kinain ang chocolate ng kuya mo? ‘Di ba alam mong bawal ka sa chocolate simula no’ng bata ka pa? Eh, kung kailan ka pa matanda na . . . diyan mo pa nalimutan na bawal ka niyan." wika ni dad, nakasimangot ang mukha niya na nagdulot ng pagkakapatong-patong ng mga kulubot niya sa noo.
"Sorry, dad." munting sagot ko na lang sa kaniya dahil hindi ko naman talaga alam na bawal pala si Fatima sa chocolate ‘no.
Nagbukas ‘yong pinto at iniluwa nito sa amin ang pagmumukha ni Anthony.
"Gising ka na pala?!" wika ni Anthony, sabay sirado ng pintuan. "Ito, may dala akong chocolates!" dagdag pa niya. Inilagay niya sa mesa sa may gilid ng higaan ko.
“‘Wag mo nga biruin ‘yang kapatid mo.” suway ni dad, sabay tapon ng unan sa mukha ni Anthony. Tumawa lang nang tumawa ang freak.
"Nakakatawa ‘yon?" sabat ko, sabay inirapan siya.
"Ito apple . . . pang pakalma!" inabot niya sa akin, habang nakangiti pa rin ang weirdo. Halatang pinipigilan niya lang pagtawa niya.
"Alis na muna ako. I'll go check kung magkano bills natin. Babayaran ko na lang muna para makaalis na ako. I need to go back sa office pa. May meeting pa kasi ako. But when your brother called me, pumunta agad ako rito kung okay ka lang ba.” wika ni daddy.
Then he kissed me on my forehead then left the room. Naiwan si Anthony at ako sa loob ng kwarto. Bago ko pa makalimutang itanong sa kaniya kung paano ako napunta sa loob ng kwarto na ‘yon kagabi.
"Hoy, paano nga pala ako napunta sa kwarto na ‘yon kagabi?" sumbat ko sa kaniya, habang nag-aayos siya ng mga binili niyang prutas sa mesa. Lumingon siya at nagsalita.
"Dinala kita sa kwarto ko dahil nakita kita sa sahig na parang batang kalye. Nakakaawa, kaya kinuha kita para dalhin sa kwarto mo kaso malayo pala kwarto mo at saka . . . ang bigat mo kaya sa kwarto na lang kita dinala." aniya. So, kwarto niya pala ‘yon.
Natawa na lang ako bigla nang matandaan ko ‘yong mga teddy bears sa sahig ng kwarto niya na nagkahandusay doon. Sa isang astigin at werdong lalaki na tulad niya?
"Hoy, ba’t ka tumatawa d’yan? Para kang baliw! Side effect ba ‘yan ng allergy mo?" pikon niyang sabi.
Bahala siya manukso sa akin basta ‘yong nakita ko mas nakakatawa. May mga lalaki talaga na kunwari astig sa labas, pero meron din pa lang tinatago na sweetness at kalambutan sa loob. Ang swerte naman ni Fatima sa kapatid niya.
There’s a phone ringing. Alam kong sa akin galing ‘yon, kasi pamilyar na sa akin ang ringtone ng phone ko. Pero hindi ko alam kung saan dahil hindi ko rin alam kung may nagdala ba ng phone ko. Asan ba kasi ‘yon?! Hindi ko mahanap sa gilid ng kama at sa mesa.
At saka lang ibinigay ni Anthony ang phone ko ng hindi na ito nagri-ring. Dinayal ko agad ang number ni Icy para tawagan siya dahil nag-missed call tuloy. Hindi ko kasi agad nasagot, dahil hindi ibinigay agad ng mukong kong kuya.
"Hello?"
"Icy?"
"Ay, Tim. Okay ka lang ba?!" tanong ni Icy, with a concern voice.
"Okay lang ako. Pero, about sa party mamaya . . . parang hindi ‘ata ako makakapunta, eh."
"Oo nga, eh. Wala akong kasama mamaya. Hindi na lang din siguro ako pupunta sa party. Sasamahan na lang kita d’yan." tugon niya.
"Talaga? Ikaw bahala," sabi ko sa kaniya. Then I hanged up the phone. Hinintayin ko na lang siya na dumating dito. So, I rested first while waiting for Icy.