Chapter Five

2842 Words
“Tangina, sakit ng leeg ko,” reklamo ni Cad habang nakahawak sa leeg n'ya. “Doon ka na sa kwarto mo matulog. Masakit talaga sa leeg ang pwesto mo rito kagabi,” sabi ko na lang saka tumuloy sa paghahalo ng gatas. Lumapit na ako sa kanya at inabutan siya ng baso na may gatas. Kitang kita ko kung paano siya napangiwi nang makita 'yon. Pinaghain ko na rin siya ng fried rice. Sobra naman ang niluto ko, e. “Pero ayos lang, ngayon ko na lang ulit naranasan makatulog nang gano'ng kahaba.” Cad smiled and closed his eyes. “Why don't you try taking medications for that? Makakasama sa 'yo ang palaging walang tulog... Bakit ba hindi ka makatulog?” Hindi ko mapigilang mag-alala. “Hmm, actually ang problema ko naman talaga 'yung palagi akong binabangungot sa tuwing sinusubukan kong matulog... Pero minsan naman hindi.” Ngumiti siya sa akin. “Uminom ka ng tubig bago ka matulog saka magdasal ka rin,” tila nag-aalalang sabi ko. “A-Ako? Magdadasal?” tanong n'ya at tinuro ang sarili n'ya saka napakurap. I froze. “Oh, sorry. Are you an atheist or do you belong to other religion? I'm sorry if that's the case,” I apologized. He chuckled and scratched his nape. “I'm an atheist,” sagot naman n'ya. I smiled and nodded. “Don't worry, I respect your belief.” Hindi lang naman siya ang nakilala ko na atheist. Para sa akin hindi naman ibig sabihin no'n, masama na siyang tao. “Grabe ka, crush. Almost perfect ka na,” nakangiting sabi ni Cad habang nakatingin sa akin. Naiinis na sinipa ko ang binti n'ya sa ilalim ng mesa. Napadaing siya pero at napangiwi pero maya-maya ay natawa rin nang makita akong nakasimangot sa kanya. “Minsan seryoso kang kausap, minsan naman nakakainis.” Inismiran ko na lang siya saka nagsimulang kumain. Cad laughed at me and drank his milk. “Ayaw mo no'n? I'm a boyfriend and best friend material. Ano pa'ng hahanapin mo sa 'kin?” mayabang na sabi n'ya. “Ayoko sa maingay at isip-bata,” sabi ko na lang at tumuloy na sa pagkain at hindi na siya pinansin. “Edi isip-bata na, at least pwede naman ako katulong gumawa ng bata,” narinig kong bulong ni Cadence. Napasinghap ako at muling sinipa ang binti n'ya. “Puro kabalastugan ang nalabas sa bibig mo!” singhal ko. “Oo na, cute ka na mapikon. Kaya tama na, please. Kumain na lang tayo. Mrs. Dimagiba cutie,” bulong n'ya saka nagsimula ng kumain. “Ikaw naman ang nangunguna,” saad ko saka napaismid. Napabuga na lang ako ng hangin at napahilot sa sentido ko. Sakit lang talaga sa ulo ang makipag-usap sa lalaking 'to. Nang matapos na 'ko maghanda para sa school, bumungad agad sa akin si Cad sa sala. Napangisi siya nang makita ako saka nagsabit ng towel sa batok n'ya. “Let's go,” sabi ko na lang saka agad na lumabas ng bahay. Naramdaman ko naman na sumunod siya sa akin. Umakbay sa akin si Cadence saka kinurot ang pisngi ko habang palabas na kami ng looban. Naiinis na inalis ko ang braso n'ya saka siniko ang tagiliran n'ya. “I told you before, don't touch me. Nawiwili ka na porke mabait ako sa 'yo!” singhal ko at itinulak siya. “Gan'yan ba ang mabait?! Psh,” pagmamaktol n'ya saka napaismid. Akmang sasakay na siya sa tricycle n'ya nang biglang may tumawag sa kanya. “Cadence!” My forehead creased when I saw a tall and handsome man walking to our direction. He looks like a foreigner with his blond hair. I looked at Cad. Natigilan ako nang mapansing napalunok siya nang makita ang lalaki. “What the heck are you doing here, man? We couldn't reach you out for days. Xanthos thought you were dead or something,” sabi ng lalaki. “Good thing I saw you here so I got off my car and approached you... and what the hell are you wearing? Are you miraculously financially unstable now or something?” dagdag na tanong ng lalaki. Cadence looked at me and cleared his throat. He laughed awkwardly and tapped the man's shoulder... Sino naman kaya ang lalaking 'to? “Sir!” Naiilang na tumawa si Cad. “Sir Ashteroh, pasensya na kung hindi ako nakakapasok sa trabaho. Pakisabi na lang kay Sir Xanthos na babalik din ako sa trabaho next week. Sige, Sir. Alis ka na,” pagtataboy ni Cad sa lalaki. Sir Ashteroh? Siguro amo ni Cad ang lalaking 'to or something. “What the hell are you saying, asshole?” nakakunot-noong tanong ng lalaking tinawag ni Cad na Sir Ashteroh. “Cad, sino siya?” pasimpleng bulong ko kay Cad. Mukha namang hindi nakakaintindi ng tagalog ang lalaking kausap n'ya. “H'wag mo na lang pansinin, Liah. Isipin mo na lang na isa siyang foreigner na nagtatanong ng daan,” bulong din ni Cad sa akin pabalik. The foreigner guy looked at me. I blinked and avoided his gaze because I felt embarrassed for some unknown reason. He smirked and looked at Cad again. “Hindi pala mababaliw sa babae, ha,” napapailing na sabi nito. Napasinghap ako. Kung gano'n nakakaintindi pala siya ng tagalog. Muling natawa si Cad saka tinulak na palayo ang lalaki. “Sige na, Sir. Alis ka na, mukhang busy ka. Bye!” Natatawang napailing na lang ang lalaki at umalis na. Pinaikot-ikot nito ang susi sa daliri nito saka sumakay sa kotseng nakaparada sa gilid. Sumakay na ito sa kotse saka umalis na rin agad. Napatingin ako kay Cadence. Napabuga siya ng hangin at tila nakahinga nang maluwag. “Amo mo ba siya?” tanong ko. Cad smiled awkwardly and nodded. “Oo, lods... Halika na, baka ma-late ka pa sa trabaho.” Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Cad pasakay sa tricycle n'ya. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan siya. Mukhang tumatakas si Cadence sa trabaho n'ya. * * * “See you tomorrow, class. Please prepare for your next subject.” Agad na nagkagulo ang mga estudyante nang makalabas na ako ng classroom. Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko habang papunta sa canteen. Bibili muna ako ng makakain bago magpunta sa english department. “Pst! Teacher na maganda!” I instantly stopped walking when I heard that familiar voice. I roamed my eyes around the place. Napasinghap na lang ako nang makita si Cadence na nakaupo sa bench mula sa silong ng puno na malapit. Nakasuot siya ng damit na pang-janitor at may hawak pang walis. Agad ko naman siyang nilapitan. “What are you doing here?” I asked, still flabbergasted. “Diba sinabi ko na sa 'yo na marami akong raket? Kasama na 'to sa mga 'yon,” nakangising sabi n'ya habang pinupunusan ang pawisang leeg. “Why didn't you tell me about this? Nagulat ako na makita kang nagtatrabaho bilang janitor dito,” tila hindi pa ring makapaniwalang sabi ko. “Nakakagulat talaga, 'no. Minsan ka lang makakakita nang ganito kagwapo rito,” mayabang na sabi n'ya saka itinuro ang mukha n'ya. “Will you please be serious just for once?” I asked and raised my eyebrow. Cad chuckled and held my wrist. He pulled me down and made sit beside him and pinched my cheek. “Cute mo naman, lods. Ito pala, binili kita ng turon sa canteen,” sabi n'ya saka inabutan ako ng turon na nasa plastic. Napataas ang kilay ko. “Ikakaltas ko rin ba 'to sa upa mo?” Natawa si Cad. “Funny ka, Ma'am.” “I'm not trying to be funny. I'm serious,” I said and slammed his arm. “Hindi 'yan ikakaltas kaya kainin mo 'yan. Nahirapan akong makipagsiksikan sa canteen para diyan.” Napaismid siya saka napahawak sa braso n'ya na hinampas ko. Natigilan ako at napatingin sa turon. “Thank you,” sabi ko na lang saka ngumiti sa kanya. Cadence gasped and clasped his chest. “f**k, ang cute! Papisil nga ng pisngi,” sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko. Hinampas ko ang kamay n'ya. “Ano ka ba? Baka may estudyante pang makakita sa pinaggagagawa mo.” Inismiran ko siya. “Whatever. Sige na, kainin mo na 'yan. Baka lumamig pa,” sabi n'ya saka ininguso ang turon. “Sa department ko na 'to kakainin,” sabi ko saka tumayo. Natigilan ako nang mapansing papalapit ang mga teacher na kasamahan ko sa direksyon ko. “Ma'am Liah, dito rin pala nagtatrabaho ang boyfriend mo,” sabi ni Ma'am Fely. I bit my lower lip and smiled awkwardly. I was about to say that he's not my boyfriend but Ma'am Glenda immediately interrupted what I was about to say. “Ma'am Liah, you shouldn't be like this here in our school. Hindi magandang tingnan lalo na kapag nakita ng mga estudyante mo,” tila nanenermong sabi ni Ma'am Glenda. “I-I'm sorry,” nasabi ko na lang. Napapailing na umalis na lang sila at iniwan kami ni Cad. Napabuga ako ng hangin at napakamot sa kilay ko. “Tangina, bakit gano'n sila sa 'yo? Kung maka-react naman sila akala mo naghahalikan tayo o ano,” Cadence complained. I smiled bitterly and scratched my nape. “I don't know why they're treating me like this. Nagtatrabaho lang naman ako nang ayos. Wala rin naman akong inaargabyadong tao,” sabi ko na lang saka napahawak sa braso ko. I honestly don't know what I did to them to deserve this. They are always talking about me behind my back kahit tahimik lang ako na nagtatrabaho. Hindi ko alam kung dahil ba masyado akong killjoy o hindi nakikisama sa kanila... pero alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama sa kanila. Natahimik si Cad. Naramdaman ko na nakatitig lang siya sa akin. Napatingin ako sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng pagka-ilang dahil seryoso siyang nakatingin sa akin. “Gusto mo bang matanggal sila sa trabaho?” biglang tanong n'ya. Kinuha n'ya ang cellphone n'ya saka nagsimulang mag-type ro'n. Napaiwas ako ng tingin sa kan'ya. “Ayoko na silang kasama sa trabaho,” bulong ko. “Pero hindi ko naman gusto na matanggal sila rito. Kagaya ko malamang may pamilya rin silang sinusuportahan o kaya naman mahal din nila ang pagtuturo. Hindi naman ako ang tipo na hihiling ng negatibong bagay sa ibang tao dahil lang sa hindi ko sila kasundo,” dagdag ko. I looked at Cad. He suddenly stopped typing on his phone and looked at me with disbelief. “Tangina, anong klaseng tao ka?” he asked while staring at me. I blinked twice. “H-Huh?” What does he mean by that? Napailing na lang siya saka muling kinurot ang pisngi ko. “Wala, lods. Sige na, pumunta ka na sa department chuchu na sinasabi mo at kainin mo 'yan. Kapag hindi mo na ma-take ang mga katrabaho mo ro'n, sumbong mo sa 'kin. Mamalasin sila buong buhay nila dahil may powers ako na bigyan ng good luck at bad luck ang mga tao... Secret lang natin,” bulong n'ya. Natawa na lang ako at siniko ang tagiliran n'ya. “Puro kalokohan na naman ang sinasabi mo.” “Tange, seryoso 'yon. Isipin mo ha... May nangyari ba sa 'yong maganda simula nang makilala mo 'ko?” nakangising tanong n'ya. Napasinghap ako nang may mapagtanto ako. “Nanalo raw sina Mama ng 500k tapos sasagutin ni mayor ang gastusin ng mga buntis sa amin.” “Kita mo na? Gano'n ang powers ko. Kaya kapag inaway ka ng mga 'yon... Sumbong mo sa 'kin,” mayabang na sabi n'ya. Natawa na lang ako. Hindi naman ako naniniwala sa sinasabi n'ya. Pero kahit gano'n magsasabi pa rin ko sa kan'ya dahil kahit papa'no gumagaan ang loob ko kapag nagsasabi ako sa kan'ya. * * * “Ma'am Liah, kain daw tayo sa restau sa labas. Lahat ng nasa english department sasama,” sabi ni Ma'am Sabel. “Pasensya na po, Ma'am... next time na lang po ako sasama. May baon din po kasi akong lunch,” hinging paumanhin ko. Tumango na lang si Ma'am Sabel at hindi na ako pinilit pa. Tinuloy ko na lang ang powerpoint na ginagawa ko habang naghahanda sila sa pag-alis. I was left alone here when they finally left. I took my bag to find my lunch box. I froze when I realized that I left it at my house. I scratched my nape and sighed... Bakit naman nakalimutan ko pa 'yon? Natigilan ako nang biglang pumasok ng department ang kasamahan ko rin na teacher na si Sir Armand. Agad siyang lumapit sa akin at naglapag ng plastic sa table ko. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. “Hello, Ma'am Liah... sabi nila hindi ka raw makakasama sa lunch. Here... burger 'yan. Mahilig ka raw diyan sabi ni Ma'am Fely,” nakangiting sabi n'ya. Hindi ko alam kung paano nasabi ni Ma'am Fely na paborito ko ang burger dahil hindi naman ako nabili no'n. Pero ngumiti na lang ako kay Sir Armand saka nahihiyang napakamot sa batok ko. “Salamat, Sir Armand. Papalitan ko na lang 'to sa 'yo bukas.” Sir Armand chuckled. “No, you don't have to. Sige, I'll go ahead. Kainin mo 'yan,” nakangiting sabi n'ya saka lumabas na ng department. Napangiti na lang ako at kinuha ang burger... Sakto, wala akong dalang lunch. Ililibre ko na lang din si Sir Armand sa susunod. I was about to take a bite on my burger but someone suddenly opened the door. Napahawak na lang ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Natigilan ako nang makita si Cadence na naglalakad papalapit sa akin. May dala rin siyang plastic. Kumuha siya ng upuan at umupo sa tapat ko. Napakurap na lang ako sa ginawa n'ya. “Ano ka ba? You're not allowed here,” saad ko. “So what? Wala namang tao.” Napaismid siya nang makita ang burger na hawak ko. Inilapag n'ya ang plastic na hawak sa table saka kinuha ang nasa loob no'n. Lunch siya na nakalagay sa container. Saan n'ya naman kaya nabili 'to? “Ito na lang ang kainin mo, mas mabubusog ka pa. Saka burger? Hindi ka naman nakain n'yan, e,” tila nagmamaktol na sabi n'ya. Bakit ba mukha siyang naiinis? “Sayang naman 'to. Nakakahiya kay Sir Armand kung hindi ko kakainin. Sa 'yo na lang ang lunch na dala mo,” sabi ko saka ininguso iyon. Akmang kakagatin ko na ang burger ngunit agad na tumayo si Cad at siya ang kumagat do'n. Napakurap na lang ako dahil muntik pa kaming nagkauntugan. Hinablot n'ya ang burger mula sa 'kin at inubos 'yon ng tatlong subo lang. Napaawang ang labi ko sa ginawa n'ya. “What the hell did you just do, Cadence?!” I kicked his leg under the table. Kumuha ng bottled water si Cad saka uminom ng tubig. Napaismid na naman siya. “Hindi masarap. Iyan na lang kasi ang kainin mo!” Itinuro n'ya ang dinala n'yang lunch para sa 'kin. Binuksan n'ya ang container. Kanin ang laman no'n at sizzling chicken. Kinuha n'ya ang kutsara't tinidor saka inabot 'yon sa akin. Wala na akong nagawa kundi kuhanin 'yon. “Saan mo naman binili 'to? Saka ikakaltas ba 'to sa upa?” tanong ko. “Basta, diyan sa labas. Kumain ka na lang. Dami mong sinasabi.” Kinuha n'ya ang kutsara mula sa akin at sinandok ang kanin at ulam saka itinapat ang kutsara sa bibig ko. Wala na akong nagawa kundi isubo 'yon dahil baka mangawit naman ang braso n'ya. Napangiti siya sa ginawa ko saka kinurot ang pisngi ko. Ang bilis naman magbago ng mood n'ya. “Ako na,” sabi ko na lang saka kinuha ang kutsara mula sa kan'ya saka nagsimulang kumain. Tumahimik na lang si Cad at pinanood na lang ako. Napatingin ako sa kan'ya. “Ikaw ba? Gusto mo share tayo?” tanong ko saka inilapit ang kutsara na may kanin sa kanya. Sinubo n'ya 'yon saka napangiti. Natawa na lang ako sa ngiti n'yang 'yon dahil halos maningkit ang mga mata n'ya. Ang cute n'ya kapag ngumingiti nang gan'yan. “Para ka namang ewan. Binili ko nga 'yan para sa 'yo tapos aalukin mo 'ko. Nasobrahan ka talaga sa bait, e... Kumain ka na lang diyan,” sabi na lang n'ya. Tumango na lang ako at akmang kakain ulit ngunit napatingin ako sa kutsara ko. Agad na nag-init ang pisngi ko nang mapagtantong sumubo rin si Cad sa kutsarang 'to. Napapitlag ako nang marinig kong natawa si Cad. Kinuha n'ya ang kutsara mula sa akin at pinalitan 'yon ng isa pang plastic spoon. Napakurap na lang ako at napatingin sa kanya. “Oo na, cute ka na masyado... Kumain ka na lang diyan,” natatawang sabi n'ya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya at kumain na lang. Dinaldal n'ya rin naman ako habang nakain ako... pero hindi ko alam kung bakit hindi ako naiirita o naiinis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD