Cadence Lettiere
"May bago na namang kinasal sa feroci. Putangina."
Nagpakasal na si Ashteroh. Well, I'm not surprised. Siya ang pinakamalambot sa 'ming lahat bukod kay Zakarius.
Napailing na lang ako at muling uminom ng alak. Si Zakarius naman nababaliw na rin sa babae. Bakit ba sila pakasal nang pakasal? Putangina, nabahiran na talaga ng tanginang pag-ibig ang feroci. Nandidiri ako.
Natigilan ako nang mag-ring ang phone ko. Inilapag ko ang sigarilyo ko sa ash tray nang makitang si Kiara ang natawag.
I licked my lower lip and cleared my throat. I took a deep breath as I prepare myself to sound lively and cheerful when I answer this call. Damn.
"Hello, mareng Kiara! Bakit ka napatawag? Na-realize mo na ba na hindi lang talaga kaibigan ang turing mo sa 'kin?" nakangising tanong ko.
"Shut up, asshole. Ipapaalala ko lang sa 'yo na birthday ng kambal bukas. Magregalo ka naman nang bongga sa mga anak ko. H'wag kang kuripot! Bye!" Binaba na rin n'ya ang tawag pagkatapos.
Napabuntonghininga na lang ako at pumikit saka isinandal ang likod ko sa backrest ng couch. Muli kong kinuha ang yosi ko saka humithit do'n. Idinilat ko ang mga mata ko kasabay ng pagbuga ng usok ng sigarilyo.
"Hey, dude. You look f****d up. Nakakapagod bang magpanggap na siraulo araw-araw?"
My brother, Caius Lettiere sat in front of me. I looked coldly at him and raised my middle finger. I tilted my head and closed my eyes again. I've been restless these past few days. I want to execute my plan now... But I know I'm still not ready for that.
"Are you still planning to kill all the feroci members?" Caius asked and lit his cigarette.
"Oo, pero hindi na kasama ang mga may asawa't anak na," sabi ko na lang saka muling uminom ng alak.
"Woah... nakakaramdam ka na ng awa ngayon, Cadence?" nakangising tanong ni Caius.
Malamig na tumingin ako sa kanya saka napangisi. "Mukha ba akong marunong maawa?"
Hindi na lang nagsalita si Caius at humithit na lang din sa sigarilyo n'ya. Napapikit na lang ulit ako saka napabuga ng hangin.
I still need more time to execute my plan. Hindi ko pa kayang tapatan ang galing ni Remor sa pamamaril, ang talino ni Draxon, ang lakas ng pakiramdam ni Ashteroh... Marami pa akong dapat paghandaan kung gusto kong matuloy nang maayos ang plano ko.
Wala naman akong galit sa feroci. Wala rin akong malalim na dahilan para patayin sila. Gusto ko lang talaga silang patayin lahat at nakawan. Wala naman akong pakialam dahil hindi ko sila kaibigan... Wala naman akong tinuturing na kaibigan.
"Pst, oy! Sabi ni Zak samahan mo raw ako sumugod sa hideout ng Villamante." Inakbayan ko si Arken.
Arken is the most vulnerable among us right now. Palagi siyang parang wala sa sarili nitong mga nakaraang taon. Wala naman akong pakialam, pabor naman sa 'kin 'yon. Sinusubukan ko na lang h'wag makialam dahil alam kong babae rin ang problema n'ya.
Kapag nakikialam ako sa problema ng mga gagong 'to sa babae, imbis na gumulo ang relasyon nila, mas umaayos lang. Nakaka-badtrip.
"Okay, I'll take that as a no," I said and tapped his shoulder before leaving feroci's headquarters.
Nagdala ako ng mga tauhan. Mukha naman kasing walang balak si Arken na samahan ako. Wala rin naman akong pakialam. Kaya ko 'to mag-isa. Magiging epal lang si Arken sa 'kin kapag sumama siya.
Sayang talaga ang gagong 'yon. Isa rin siya sa pinakamalakas sa feroci, noon... Nagpakatanga lang sa babae.
Hinding hindi mangyayari sa 'kin ang gano'ng katangahan. Hindi ko hahayaan na sisirain lang ng babae ang lahat ng plano ko sa buhay.
"Ah, this is a f*****g pleasure." Napangisi ako habang pinapanood ang mga tauhan ko na pinagbababaril ang mga tauhan ng Villamante.
Pinaikot-ikot ko na lang ang baril sa kamay ko. Isang bala lang meron ang baril kong 'to. Para sa VIP ang bala na 'to.
Balita ko maraming pera ang mga Villamante. Hmm... Magkano kaya ang ibubulsa ko?
Ito ang gusto ko kapag sumusugod nang mag-isa. Nagagawa kong magbulsa. Hindi na rin kasi iniimbestigahan ni Zakarius ang ganitong mga bagay dahil malaki ang tiwala n'ya sa 'kin.
"P-Paano ka nakalusot sa mga bantay ko?!" asik ni Mr. Villamante habang nanginginig na nakaupo sa sahig.
Napangisi ako at itinutok ang baril sa sentido n'ya. Wala siyang lusot dahil nakapaligid sa kanya ang mga tauhan ko.
"Secret, bakit ko sasabihin?" nakangising tanong ko.
Napalunok siya saka ngumiti sa akin. "M-Magkano ba ang gusto mo? Kaya kitang bayaran, h'wag mo lang ako patayin," nauutal na sabi ni Mr. Villamante.
"Do you want me to show mercy?" I grinned and stood up. "Kneel then."
I laughed when he didn't hesitate and immediately kneeled in front of me. Inangat ko ang paa ko at inapak 'yon sa balikat n'ya.
Napamura na lang ako nang biglang tumunog ang phone ko... Putangina naman, kung kailan naman nag-e-enjoy ako.
I tilted my head before answering Zak's call. "Hello, lods! Bakit ka napatawag?" nakangising tanong ko.
"Don't kill Mr. Villamante," sabi nito sa kabilang linya.
Nawala ang ngiti sa labi ko. "Aw, bakit naman pare?"
"Hindi pa natin sigurado kung talagang masama siyang tao. You know our number one rule, we shouldn't kill innocent people."
Napatango na lang ako kahit hindi n'ya 'ko nakikita. "Okay, lodi Zakarius. Sige, bye!" binaba ko na rin ang tawag.
Tumingin ako kay Villamante saka ngumiti. "Sabi ng leader namin h'wag daw kitang patayin."
Agad na napangiti si Mr. Villamante... Ngunit agad ding nawala ang ngiti n'ya nang bigyan ko siya nang malamig na tingin. Ikinasa ko ang baril ko at walang emosyon na pinasabog ang ulo n'ya. Napapitlag ang mga tauhan nang bumagsak na nang tuluyan si Villamante sa sahig.
"...pero bakit ko naman siya susundin?" malamig na tanong ko nang tuluyang kumalat sa sahig ang dugo n'ya.
Napabuga ako ng hangin saka napapikit. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Zakarius na agad n'ya namang sinagot.
"Hello?"
"Pare, bad news, binaril ni Mr. Villamante ang sarili n'ya," kunwaring nalulungkot na sabi ko.
Napatingin ako sa mga tauhan na tahimik lang at napapaiwas ng tingin sa akin. Lumapit ako sa kanila matapos kong kausapin si Zakarius.
Siguro ngayon lang ako nakita ng mga 'to na nagtrabaho mag-isa. Hindi ko naman sila masisisi, sa lahat ng feroci, sa akin sila dapat kabahan.
"Gusto n'yo ba siyang sundan?" malamig na tanong ko saka itinuro si Villamante na walang buhay sa sahig.
Agad silang napailing sa tanong ko. Napangisi na lang ako at tinapik ang balikat ng isang tauhan na malapit sa akin.
"Hindi ko na kailangang sabihin ang ibig kong sabihin, diba? Nakakatamad mag-explain. Ang bala ko ang hinahayaan kong magsalita," sabi ko saka itinutok ang baril ko sa sentido n'ya.
"H-Hindi po namin sasabihin ang totoong nangyari," nauutal na sabi nito.
I closed my eyes and tilted my head. I like people like them... Gusto ko 'yung mabilis makaintindi.
"Hey, Cad... Shall we have fun tonight? Let's have s*x. Hmm?" A sexy woman sat on my lap.
I drank my liquor and held her waist. I smirked and stared at her. I don't remember her but she knows me. Hmm... What should I do about this one?
Natigilan siya nang mapansing humigpit ang hawak ko sa baywang n'ya. Ngumisi ako saka mahigpit na hinawakan ang panga n'ya at inilapit ang mukha n'ya sa akin. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.
"I only f**k hard, miss... If you're not a masochist, you better back out. The last woman I f****d ended up in the hospital because I accidentally crushed her bones. Are you okay with that?" I asked and caressed her bottom lip.
Her body shuddered in fear. Agad siyang umalis sa kandungan ko at dali daling umalis. I grinned and drank my beer again. Wala ako sa mood makipaglaro ngayon. Ang dami kong iniisip.
Inilibot ko ang tingin sa bar ko. Hindi ko alam kung bakit napapadalas na naman ang tambay ko rito... Siguro dahil marami akong iniisip. Nakakatulong kapag maingay ang paligid.
Natigilan ako nang maagaw ng isang babae ang atensyon ko. Natawa ako nang mapansing nakasuot pa siya ng uniform na pang-teacher.
Tanga ba siya? Bakit gan'yan ang suot n'ya rito sa bar? Naligaw lang ba siya rito sa bar ko?
Nanatili akong nakatingin sa kanya. May mga kasama siya na niyayaya siya uminom at sumayaw pero todo tanggi siya. Napangisi na lang ako... Mukhang siya ang tipo na napilit lang pumunta rito ng mga kaibigan n'ya.
Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatingin sa kanya. Hindi ko naaaninag ang mukha n'ya pero naaaliw akong panoorin siya... Parang tanga kasi.
Na-bored na ulit ako nang umalis na ang babae. Mukhang hindi na siya nakatagal sa lugar na 'to. Natatawa pa rin ako kapag naiisip kong nagpunta siya rito nang naka-uniporme.
"Pst, Bogart... Naaalala mo pa 'yung babaeng pumasok dito kagabi na nakasuot ng uniporme na pang-teacher?" tanong ko sa guard ng bar na si Bogart.
"Ah, 'yung magandang babae po na naka-uniporme? Opo, Sir. Tandang tanda ko dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Sayang kasi ang ganda n'ya, Sir. Maganda talaga kaso mukhang walang alam sa mga ganitong lugar," natatawang sabi ni Bogart.
Tumango na lang ako, wala naman akong pakialam kahit maganda pa siya. "H'wag mo ng papapasukin ulit ang babaeng 'yon dito," sabi ko saka muling humithit sa yosi ko.
"Bakit naman po, Sir?"
Ginulo ko ang buhok ko saka napapikit. "Hindi bagay ang tulad n'ya sa teritoryo ko," sabi ko na lang saka agad na tumayo at umalis ng bar.
Naglakad-lakad na lang ako habang naninigarilyo. Napapalakas na naman ang yosi ko nitong mga nakaraang araw. Madalas na naman kasi akong bangungutin... Putanginang buhay talaga.
Napatingin ako sa glass wall na nadaanan ko. Mukha pala akong sabog. Magulo ang buhok ko at gusot din ang damit ko. Napakibit-balikat na lang ako at muling naglakad.
Natigilan ako nang may tumigil na tricycle sa tapat ko.
"Sakay ka, boss?" tanong ng driver.
Napatitig ako sa tricycle. Itinapon ko sa sahig ang sigarilyo ko saka inapakan 'yon. Lumapit ako sa driver saka tinapik ang balikat n'ya.
"Baba," utos ko sa kanya.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "B-Boss?"
Naiinis na kumuha ako ng wallet sa bulsa ko at kinuha ang lahat ng pera do'n at inabot sa kanya. "Ayan, bumili ka ng bagong tricycle. Akin na 'to," sabi ko saka basta na lang hinablot ang kwelyo n'ya at hinila siya paalis sa tricycle.
Agad na 'kong sumakay ng tricycle at pinaharurot 'yon. Narinig ko pa na nagpasalamat sa akin ang driver pero hindi ko na lang pinansin.
Tangina. Kung ano-ano talagang napagti-trip-an kong gawin kapag nabo-boring ako.
Maraming nagtangkang sumakay sa tricycle pero hindi ko pinapansin. Road trip lang ang habol ko kaya ko binili ang tricycle na 'to. Wala akong balak maging driver nila.
Tumigil muna ako saglit sa tindahan para bumili ng yosi. Natigilan ako nang mapansing may nakaupo na sa loob ng tricycle pagbalik ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing pamilyar ang damit n'ya.
Teacher ba 'to?
Napabuga ako ng hangin at muling sumakay sa tricycle. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang paalisin.
"Saan ka, miss?" tanong ko saka muling humithit sa sigarilyo ko.
"Sa looban," tipid na sagot n'ya.
Gusto ko sana siyang tingnan kaso baka sabihin n'ya na masyado akong tsismoso... na totoo naman.
"Tangina, saang looban ba ang sinasabi n'ya?" bulong ko habang pinapaandar ang tricycle.
"Manong, pwede bang pakialis ng sigarilyo? Ang sakit sa ilong," reklamo pa n'ya.
Wow, tangina. Ayos din ang babaeng 'to, ah.
Napaismid na lang ako at itinapon ang yosi ko. Badtrip na babae 'to. Sana hindi ko na lang siya pinasakay rito sa tricycle ko.
Natigilan ako nang mapansing may karatula na nakalagay na Looban mula sa di kalayuan. Pinigil kong matawa. Tangina, mukhang looban pala talaga ang pangalan pala ng lugar ng babaeng 'to.
Itinigil ko na ang tricycle sa tapat ng looban pero hindi pa rin nababa si Ms. Teacher. Napakunot ang noo ko at pasimpleng sinilip siya sa loob. Nakatulala ba siya?
"Pst, huy, miss. Nandito na tayo," sabi ko na lang saka tinapik ang braso n'ya. Napapitlag naman siya at tila natauhan.
Lutang amputa.
"Oh, sorry..." tila natauhang sabi n'ya saka agad na bumaba.
Natigilan ako nang mapansing basta na lang siya pumasok sa looban nila at ni hindi man lang ako binayaran.
"Pst! Hoy, miss! Magbayad ka!" singhal ko pero hindi ako nito nilingon at tila lutang pa rin na naglalakad.
Napailing na lang ako at pinanood siyang maglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko... Napangisi na lang ako at nilibot ng tingin ang lugar nila na medyo magulo at maraming tao.
Natigilan ako nang mapatingin sa sahig ng tricycle. May ID ro'n at sa tingin ko, 'yung lutang na teacher ang may ari no'n. Agad kong kinuha 'yon at tiningnan.
Napangisi ako nang mapansing maganda ang babaeng nasa picture. Hindi ko naman kasi masyadong nakita ang babaeng 'yon kanina... Tama nga ang hinala ko, teacher siya. High school teacher.
Bumaba ang tingin ko sa pangalan na nakalagay sa ID.
"Hmm... Kamelliah Jomelyn Vicencio."