“No! Of course not! What kind of joke is that?!” galit na asik ko.
“Edi h'wag. Nagtatanong lang, e,” bulong n'ya.
Naiinis na napaismid ako saka inirapan siya. “Akala mo ba nakakatawa ang mga gano'ng biro?!”
Natahimik ako at hindi na lang nagsalita. Napakagat ako sa ibabang labi ko at naiinis na ikinuyom ang kamao ko.
“Eh bakit mukha kang disappointed? Aw, gusto rin,” tila nang-aasar pa na sabi n'ya.
I immediately stood up and was about to leave but Cad immediately held my wrist to stop me. Tumayo siya at lumapit sa akin saka muli akong pinaupo.
“Joke lang, hindi na. Upo ka muna, magkwentuhan pa tayo.” Umupo siya sa upuan na nasa tabi ko.
I rolled my eyes at him. “Ayoko na, matutulog na 'ko!”
“Bilis mo naman magtampo. Sorry na, teacher. Hindi ko na uulitin. Kapag inulit ko ibig sabihin totoo na 'yon,” natatawang sabi n'ya.
“Cad...” I said in a warning voice.
Cad let out a sexy chuckle and pinched my cheek. “Sorry na talaga. Magkwentuhan ulit tayo. Inaantok-antok na 'ko nang slight, e. Effective 'to.” Ipinatong n'ya ang siko sa mesa saka inilapat ang pisngi n'ya sa palad n'ya habang nakatitig sa akin.
“What else are we gonna talk about then?” I sighed.
“Edi tungkol sa isa't isa. Para mas magkakilala pa tayo lalo at hindi natin gawin ang mga ayaw ng bawat isa. Gano'n, getting to know each other,” nakangiting sabi n'ya saka muling kinurot ang pisngi ko.
Tinapik ko ang kamay n'ya. “Hey, I warned you about this. Sabi ko don't touch me,” naiinis na sabi ko.
“Oh siya, sorry na.” Inilayo n'ya ang kamay pero humabol pa ng isang kurot sa pisngi ko.
Napailing na lang ako at hindi na nagsalita.
“Liah... ano'ng hilig mong gawin?” biglang tanong ni Cad.
I looked at him. “Reading books. How about you?”
“Hmm... Hilig kong gawin ang mga bagay na magkakapera ako,” natatawang sagot n'ya.
“Like, pagta-tricycle?” tanong ko.
Mas lalong natawa si Cad sa sinabi ko. “Oo, parang gano'n,” sagot naman n'ya. “Ano'ng pet peeves mo?” muling tanong n'ya.
“Ayoko sa maingay at magulo,” sagot ko.
Cad dramatically touched his chest. “Parang ako 'yan, ah,” he said and chuckled.
“Well, I have noisy and chaotic students... so maybe that wasn't my pet peeve anymore since I'm getting used to it,” I said and shrugged.
“So ano talaga 'yung pet peeves mo?” tanong n'ya ulit.
“Hmm... This may sound weird but maybe criminals? They annoy me so much. Maybe they have reasons for doing it, but I hate selfish criminals who do crimes because of their selfishness,” I said and shook my head.
Natigilan ako nang mapansing natahimik si Cad. He's just staring at me. I just cleared my throat and avoided his gaze.
“How about you? What are your pet peeves?” I asked him back.
“Hmm, 'yung mga taong mas pogi sa 'kin,” sagot n'ya saka natawa.
I glared at him. “Wala ka talagang kwenta kausap.”
Cadence chuckled and pinched my cheek again. “What makes you happy?” biglang tanong n'ya.
“Hmm, mababaw lang naman ang kaligayahan ko. Basta makapagpahinga lang ako kahit isang araw, masaya na 'ko,” sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
“Iyon lang? Iyon lang ang nagpapasaya sa 'yo? Mag-isip ka pa ng iba, 'yung mas malalim,” pangungulit n'ya.
Mas malalim?
“Ahm, if my family is happy and financially stable, then I'm happy too,” I said and scratched my nape again.
“I'm not talking about that kind of happiness. What I'm asking is what makes you happy? Ikaw mismo, ano 'yung nagpapasaya sa 'yo? Sa sarili mo?” tanong n'ya pa.
I blinked and avoided his gaze. I haven't thought about that for years. As I grew older, my real happiness doesn't matter to me anymore as long as I'm providing my family's needs. Maybe I'm being too selfless... But I love them. I need to do this because they need me.
“Hmm, gusto kong gumaan ang bigat na dala dala ko araw-araw. S-Siguro sasaya ako kapag dumating 'yung araw na hindi na ako nape-pressure sa lahat ng bagay. 'Yung nagagawa kong mag-enjoy na walang mabigat na iniisip,” sabi ko na lang saka tumingin sa kanya.
Cadence remained staring at me. “Diba? That's what I'm asking. Kailangan may sagot ka rin para sa sarili mo... Mapagmahal kang anak at pamilya pero hindi mo dapat kinakalimutan ang sarili mo,” he said and smiled at me.
I smiled at him too and nodded. “Thank you.”
Napapikit si Cad saka nahawak sa dibdib n'ya. “Tangina, ang ganda. H'wag kang ngingiti nang gan'yan, Kamelliah.”
My forehead furrowed even though my cheeks are burning. “Hindi ako magpapaligaw kahit ano pang pambobola ang sabihin mo,” sabi ko na lang saka inismiran siya.
Natawa si Cad saka pinitik ang noo ko. “Okay, fine. Ang pangit mo na ngumiti... Mukhang antok na antok ka na. Umakyat ka na at matulog,” sabi n'ya saka marahang kinurot ang pisngi ko.
Tumingin ako sa kanya. “How about you?” tila nag-aalalang tanong ko.
“H'wag ka ngang gan'yan, Liah. Pa-fall ka masyado tapos ayaw mo naman ako payagang manligaw,” napapailing na sabi n'ya.
“Whatever! Bahala ka riyan kahit hindi ka makatulog.
Cad chuckled. “Joke lang. Sige na, tulog ka na. Matutulog na rin ako maya-maya,” saad n'ya.
Tumango ako at tumayo. Akmang aakyat na ako papuntang silid ko nang tawagin ako ni Cad.
“Liah...”
I looked at him. “Why?”
“Bukas, kung hindi ka busy... usap ulit tayo gaya nito. Or pwedeng dito ka gumawa ng mga kailangan mong gawin, papanoorin kita hanggang sa antukin ako,” seryosong sabi n'ya habang nakatitig sa akin.
Sa totoo lang, hindi ako sanay na ganito kaseryoso si Cadence. He always seems funny, immature, and happy-go-lucky. But maybe, even a person like him can be like this too.
I cleared my throat and scratched my nape. “Dito naman talaga ako nagtatrabaho sa sala. Kapag nasa kwarto ako, inaantok lang ako,” sabi ko na lang.
Napangiti si Cad saka tumango. “Okay. Good night, Liah.”
Tumango na lang din ako at nagtungo na sa silid ko. Napatitig ako sa kisame nang makahiga na sa kama ko...
Sana makatulog na si Cadence.
* * *
“Pst, ano'ng gagawin mo?” tanong ni Cad habang prenteng nakaupo sa sofa.
“Maglalaba ako,” sagot ko na lang habang bitbit ang timba na may laman na mga damit ko at batya.
Wala akong washing machine dahil nanghihinayang ako kaya mano mano ako lagi maglaba. Kaya rin hindi gano'ng kaganda at kalambot ang kamay ko.
Tumayo si Cad at lumapit sa akin. Siya ang nagbitbit ng timba at batya. Hindi naman 'yon gano'n kabigat pero hinayaan ko na lang siya.
“Sa'n 'to dadalhin?” tanong ni Cad.
“Sa labas, doon sa poso na malapit sa tindahan ni Ate Linet,” sagot ko.
Lumabas na kami ng bahay. Naabutan din naman doon sina Aling Cora at Aling Ising na naglalaba.
“Magandang umaga, Liah at Cad!” bati nila.
“Good morning po.” I smiled and greeted them back.
Inilapag ni Cad ang timba at batya sa sahig. Nagtungo naman ako sa poso at akmang mag-iigib na pero agad akong pinigilan ni Cad.
“Bakit ka pa mag-iigib eh may gripo naman? Mapapagod ka lang,” nakakunot-noong sabi n'ya.
“Ano ka ba? Lahat ng tao rito nagtitipid sa tubig. Kapag naglalaba, tubig poso ang ginagamit namin,” paliwanag ko sa kanya.
Napasinghap ako nang bahagya n'ya 'kong itinulak paalis sa poso. “Gano'n ba? Ako na diyan. Tingnan mo, ang payat payat mo na tapos nag-iigib ka pa? Baka makalas na 'yang buto mo.”
“Wala ka bang ibang kailangan gawin? Paano ka makakapagbayad ng upa sa akin kung hindi ka magpapasada?” nakataas-kilay na tanong ko.
“Ano ka ba? Hindi lang naman tricycle driver ang trabaho ko. May iba rin akong raket. H'wag ka na ngang epal... Ako na ang mag-iigib, maglaba ka na lang diyan.”
Napaismid na lang ako at kumuha ng maliit na upuan saka umupo. Inayos ko ang batya at mga damit ko at sinimulang basain 'yon habang si Cad naman ay nag-iigib na.
“Are you sure you're okay with that?” I asked Cad.
He nodded and grinned. “Oo naman. Para ito lang, e,” mayabang na sabi n'ya.
I just shrugged and continued what I'm doing. “Kapag hindi mo na kaya, ako naman ang mag-iigib,” sabi ko na lang.
Nagsimula na 'kong maglaba. Natigilan ako nang saglit na tumigil si Cad sa pag-iigib. Napasinghap ako nang makitang walang habas n'yang hinubad ang suot n'yang t-shirt saka sinabit sa balikat n'ya.
“What the hell is he doing?” I mumbled and closed my eyes tightly when our neighbors started squealing like teenagers.
“Hala! Ang hot mo, Kuya Cadence!” sigaw ng mga kadalagahan na nakatambay sa tindahan ni Ate Linet.
“Thank you, fans! Ako lang 'to, gwapo at macho na si Cadence Dimagiba. Thank you, mwah!” Nag-flying kiss pa siya sa mga kapit-bahay na nagtitilian.
“Cadence! May mga bata!” asik ko saka winisikan siya ng tubig.
“Bakit? Pinagpapawisan ako, e. Kung maka-react ka naman, Liah. Baby ka ba? Ayaw mo pang aminin na naaakit ka sa katawan ko, e,” tila nang-aasar na sabi n'ya.
Kinantyawan kami ng mga kapit-bahay. Halatang tuwang tuwa naman si Cadence sa panunukso nila sa amin. Naiinis na winisikan ko ulit siya ng tubig.
“Please, just shut up!”
Natawa si Cad at muli na lang itinuloy ang pag-iigib. “Pikon. Akala mo cute ka n'yan?” nang-aasar pa na tanong n'ya.
“Alam mo, h'wag mo na lang ako tulungan! Nakakagulo ka lang!” singhal ko.
Panay ang tawa ng mga kapit-bahay sa paligid na tila ba aliw na aliw sila sa sagutan namin ni Cad.
Natatawang lumapit sa akin si Cad saka kumuha rin ng maliit na upuan at umupo sa tabi ko. “Tulungan na nga kita,” sabi n'ya saka kumuha ng isang damit.
Nadi-distract ako sa katawan n'ya. He has strong looking muscular biceps, chiseled chest, broad shoulder, and firm abs. Hindi rin maputi si Cad, hindi rin naman siya sobrang moreno. Katamtamang brown lang ang kulay n'ya... I wasn't attracted to that kind of male body before but Cad's body hits different... Hindi ko maiwasang mapatingin doon.
“Hindi ka naman yata marunong, e,” sabi ko na lang saka inagaw sa kanya ang damit.
“Mang-aagaw ng damit,” bulong n'ya. “Panty mo na lang 'yung sa akin,” sabi n'ya saka kinuha ang panty ko.
Agad na nag-init ang pisngi ko. “B-Bitiwan mo 'yan!”
Natawa si Cad. “Ang cute ng panty mo. Parang pang-grade 1. May strawberry print pa talaga,” natatawang sabi n'ya.
“A-Akin na nga 'yan! Nakakagulo ka lang kamo talaga! Hindi ka naman yata marunong!” Hinablot ko ang panty ko mula sa kanya.
“Ang yabang mo naman. Kung makapagsalita ka parang hindi pang-grade 1 'yang panty mo.”
Naiinis na sinabuyan ko siya ng tubig. Napangisi siya at ginantihan ako. Napasinghap na lang ako dahil nabasa na ang damit ko.
“H'wag mo 'ko tingnan nang masama. Ikaw ang nanguna. Tinutulungan ka na nga, e,” pagmamaktol n'ya saka kumuha ng isang damit at sinabunan 'yon.
“You're not helping at all, Mr. Dimagiba!” I took my blouse from him.
“Ano pa bang inaarte mo, Mrs. Dimagiba?!”
Our neighbors laughed and teased us again. I bit my lower lip as my cheeks burned. I kicked his legs and pushed him away from me.
“Mrs. Dimagiba your face!”
“Ayaw mo ng Mrs. Dimagiba? Eh kung Mrs. Lettiere na lang?” nakangising tanong n'ya.
“Puro nonsense ang mga sinasabi at ginagawa mo, doon ka na nga! Magpasada ka na lang!” pagtataboy ko sa kan'ya.
“Ito naman, galit agad. Sorry na. Tatahimik na talaga ako. Hayaan mo na lang akong tulungan ka rito,” tila nagpapaawang sabi n'ya na para bang inaargabyado ko siya.
Napaismid na lang ako at tumuloy sa pagkukusot ng mga damit at hindi na lang siya pinansin. Mas nai-i-stress ako sa kanya kaysa sa mga estudyante ko.
Laking pasasalamat ko nang matahimik na siya at tumulong na lang sa 'kin magbanlaw ng mga damit. Natigilan lang ako nang mapansing natigilan din siya at tumitig sa akin.
“Ang cute mo maglaba. Mukha kang mapapangasawa ko,” sabi n'ya saka napahawak pa sa dibdib n'ya habang nakangiti.
Agad na nag-akyatan ang dugo sa mukha ko. “Nakakainis ka na!” Sinabuyan ko siya ng tubig.
Agad naman siyang napangisi saka gumanti sa akin... Natagalan tuloy kami bago natapos sa paglalaba.
NANG SUMAPIT ang gabi, inayos ko na agad ang lesson plans at mga reports na kailangan kong gawin. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Doon ako madalas magtrabaho o kaya naman sa sala. Iniiwasan ko sa kwarto dahil inaantok ako kapag gano'n.
Naabutan ko na naman si Cad na nakaupo ro'n habang nakatulala sa kung saan... Buti na lang hindi siya naninigarilyo ngayon.
Napalingon din siya sa akin nang marinig ang yabag ko. Agad siyang napangiti nang makita ako.
“Still can't sleep?” I asked and sat on the chair. I put my things on the table and opened my laptop.
Cad stood up and sat beside me. Napakunot ang noo ko sa ginawa n'ya.
“What are you doing?” I asked. My forehead furrowed.
“Relax, I'll just watch you.” He let out a sexy chuckle.
Hindi na lang ako kumibo at nagsimulang maggawa ng lesson plan. Tahimik lang naman si Cad habang pinapanood ang ginagawa ko.
Natigilan ako nang maya-maya ay bigla siyang tumayo saka nagtungo sa kwarto n'ya. Bumalik din naman siya pero may dala na siyang unan.
Inilapag n'ya ang unan sa mesa saka ipinatong ang ulo ro'n habang nakaharap sa akin. I just cleared my throat and tried to focus even though his stare is somewhat distracting. He's too close to me and I can smell his manly and natural scent. I just sighed and shook my head...
Focus on your work, Kamelliah.
“Mahirap ba ang trabaho mo?” tanong ni Cad habang nakatitig pa rin sa akin.
I nodded. “Hmm. Nakakapagod, sobra. Pero fulfilling naman. Gusto ko kapag nagtuturo at nakikipag-interact sa mga bata.” Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako nang maalala ko ang mga estudyante ko.
Napangiti rin si Cadence. “What a precious baby,” he murmured while staring at me.
“H-Huh?” tanong ko. Nagpanggap ako na hindi ko narinig ang sinabi n'ya.
“Hmm... Mahal mo ang ginagawa mo... pero gusto mo bang magpahinga paminsan-minsan?” tanong pa n'ya.
“Oo naman. Minsan kapag sobrang nakakapagod talaga gusto kong magpahinga. Pero iniisip ko na lang lagi kung para kanino ko ginagawa ang mga 'to... para sa pamilya ko at para na rin sa mga estudyante ko. I have to give them the best teaching that I could give.”
Napatango si Cad at hindi na lang nagsalita habang nakatitig sa akin. Bumalik na lang ako sa trabaho at hinayaan na lang siya na panoorin ako.
Maya-maya pa, nakarinig ako nang mahinang paghilik. Natigilan ako at napatingin kay Cad. Gano'n na lang ang gulat ko nang mapansing tulog na si Cadence.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at natatawang napailing... Akala ko ba nahihirapan siyang makatulog? Mukhang hindi naman.
Ang cute n'ya matulog.