“Magpahinga ka na,” sabi ni Cad.
Nakaupo na naman siya sa tabi ko habang nakapatong ang ulo sa unan na nasa mesa. Malamang tititigan n'ya na naman ako at dadaldalin habang nagtatrabaho hanggang sa makatulog siya.
“I can't. I still have a lot of work to do.” I sighed and slapped my face then shook my head.
Napasinghap si Cadence sa ginawa ko at agad na hinawakan ang kamay ko. “Tanga ka. Ipagtitimpla na lang kita ng kape. H'wag mong sampalin sarili mo,” panenermon n'ya.
He let go of my hand and stood up to make coffee for me. I just closed my eyes tightly and took a deep breath. Kailangan kong labanan ang antok para wala na 'kong masyadong iisipin bukas.
Pagkatapos magtimpla ni Cad ng kape, agad siyang umupo sa tabi ko at inabot 'yon sa akin. Muli n'yang ipinatong ang ulo sa unan na nasa mesa sala tumitig sa akin.
I smiled at him. “Thank you.”
I looked at my laptop again and continued what I was doing. Cad played with the ends of my long hair with his fingers. I didn't stop him because he seems entertained with my hair. Itinuloy ko na lang ang powerpoint na ginagawa ko.
“Gusto mo tulungan kita?” biglang tanong n'ya.
“No, you don't have to. I can manage. Besides I prefer doing this alone,” sabi ko na lang.
“Okay. Sabihin mo na lang kung kailangan mo ng tulong. Hindi lang obvious pero matalino ako,” mayabang na sabi n'ya.
Natatawang napailing na lang ako. “Oo na, Mr. Dimagiba.”
“Tinatawag mo siguro akong gan'yan para tawagin kitang Mrs. Dimagiba, 'no?” tila nanunuksong tanong n'ya.
I rolled my eyes at him. “You're being delusional again. Kapal ng mukha.”
Natawa na lang siya sa sinabi ko at muling natahimik. Malamang nag-iisip na naman siya ng iku-kuwento o sasabihin.
“Nakakapagod ba talaga maging teacher?” biglang tanong n'ya.
Nanatili ang mga mata ko sa laptop pero sinagot ko ang tanong n'ya.
“Oo, nakakapagod. Nakaka-stress din,” natatawang sabi ko saka napailing.
“Bakit ka nag-teacher? Sa pagkakaalam ko pa hindi rin gano'ng kalaki ang sweldo n'yo,” pag-uusyoso n'ya pa.
Napangiti ako. “Hindi naman 'yon sa sweldo, Cad... This is my calling. Wala sa akin ang laki ng sweldo. Ginagawa ko 'to dahil mahal ko ang ginagawa ko. Being a teacher is stressful, but I'm the happiest every time I teach my students. Lalo na kapag nakikita ko na nasa landas sila na alam nilang tama, kapag nagiging successful sila at masaya along the way, that's so fulfilling as a teacher. Masaya ako kapag ginagabayan at tinuturuan ko ang mga estudyante.”
Saglit na natahimik si Cad. Pakiramdam ko naging madaldal na 'ko simula nang mangupahan siya rito.
“Hindi mo 'ko estudyante pero pwede mo rin ba 'kong turuan?” tanong n'ya.
Napatingin ako kay Cad saka natawa. “Ano naman ang ituturo ko sa 'yo?”
“Turuan mo 'kong magmahal,” agad na sagot n'ya.
I glared at him and kicked his leg. He just laughed at me and pinched my cheek.
“Puro ka-kornihan ang sinasabi mo,” bulong ko saka inismiran siya.
“Sus, bakit kinilig ka? Namula pa nga 'yang pisngi mong cute,” nanunuksong sabi n'ya saka muling kinurot ang pisngi ko.
“Stop nga,” naiinis na sabi ko at inalis ang kamay n'ya.
Natahimik na lang ulit siya at muling tumitig sa 'kin. Natatawang napailing na lang ako at hindi na rin nagsalita. Nakakawala ng antok ang presensya ni Cad.
“May balak ka bang mag-take ng master's degree?” tanong n'ya.
“Oo kaso...” Natigilan ako at napatingin sa kanya. “Paano mo nalaman na hindi pa 'ko nagma-masteral?” nakakunot-noong tanong ko.
Napatikhim siya saka ngumiti. “Diba nu'ng nakaraan... na-kwento mo sa 'kin?”
Naikwento ko pala sa kanya 'yon. Bakit hindi ko maalala? Siguro inaantok na ako no'n.
“Ah... Oo, hindi pa 'ko nakakapag-take ng master's degree dahil need ko munang mag-focus sa family ko at ang mag-provide sa kanila. Plano ko sana na mag-take ng master's degree kapag nakapagtapos na 'yung isa kong kapatid. Kaso nabuntis siya,” natatawang sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.
“Kung mabibigyan ka ng chance? Saang university mo gusto?” tanong pa ni Cad.
“Hmm... kahit saan naman okay lang sa akin.”
“Malay mo may biglang may magbigay ng scholarship sa 'yo... tatanggapin mo?” dagdag na tanong n'ya.
I looked at him to see if he's serious or what... he seems serious with his question.
“Of course, who am I to refuse that kind of opportunity? Hindi ko na rin naman poproblemahin ang pagbubuntis ng kapatid ko. Sa tingin ko pwede naman,” sagot ko naman.
Napatango si Cad saka napangiti. Natahimik ulit siya pero alam kong nag-iisip na naman siya ng sasabihin o itatanong sa akin.
“Cad, ako naman ang magtatanong tungkol sa 'yo,” sabi ko habang nagtitipa pa rin sa laptop ko. Kaya ko naman mag-multitask, e.
“Sige lang,” sabi naman n'ya.
“Tagasaan ka?” tanong ko.
“Sa Quezon,” agad namang sagot n'ya.
“Nasaan ang family mo?” tanong ko ulit.
“Wala. Hindi ko alam.”
Natigilan ako sa sinabi n'ya. Napatingin ako sa kanya pero parang wala lang naman sa kanya 'yon. Nakatitig lang siya sa akin.
“Sorry,” I mumbled and avoided his gaze.
“Okay lang, teacher.” Kinurot n'ya ang pisngi ko.
Saglit akong natahimik, nag-iisip pa ng itatanong sa kanya.
“Ahm... what are your other jobs aside from being a tricycle driver and a janitor? Diba may amo ka na nagpunta rito last time. As far as I remember, Ashteroh 'yung name n'ya.”
“Ahh... Hmm,” napakamot siya sa kilay n'ya, “ano... bartender ako sa bar n'ya.”
Napasinghap ako. “Wow, bartender ka rin? Ang galing.”
He grinned at me and played with my hair again. “Ako pa ba?”
“Hmm... kailan ka hahanap ng ibang mauupahan?” tila nang-aasar na tanong ko.
Agad na napabitiw si Cad sa buhok ko. “Tangina namang tanong 'yan, Liah. Ang pangit,” nakasimangot na sabi n'ya.
Natawa na lang ako saka muling nag-focus sa tina-type ko. Natahimik na lang din si Cad.
“Wala ka bang kaibigan, Liah?” biglang tanong n'ya.
Natigilan ako. “Hmm, I don't have close friends unlike other people. Madalas akong mag-isa sa lahat ng bagay simula pa noon.”
“Kawawang baby,” bulong ni Cad habang nakatitig pa rin sa akin.
I just smiled faintly at him and yawned. I just drank my coffee and took a deep breath. I have to finish this.
“Gusto mo bang magbakasyon, Liah?”
Natigilan ako sa tanong ni Cadence. Napatingin ako sa kanya saka napailing.
“Hindi ako pwedeng magbakasyon sa ngayon. Marami pa akong kailangan trabahuhin,” sagot ko naman.
“That's not what I'm asking. Hindi ko tinatanong kung pwede ka magbakasyon. Ang tinatanong ko... kung gusto mo magbakasyon?” pag-uulit n'ya.
I laughed awkwardly. “Of course I want to... pero kung sakali, gusto ko isang araw lang dahil hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko,” sagot ko naman sinara ang laptop nang matapos na ako sa powerpoint. Sunod kong kinuha ang lesson plan ko.
Hindi na lang nagsalita si Cad at pinanood na lang ulit ako sa ginagawa ko. Patuloy siya sa paghawak sa buhok ko. Nararamdaman kong pinapaikot n'ya 'yon sa daliri n'ya saka ginagawang pang-brush sa mukha n'ya. Hinayaan ko na lang siya dahil mukhang naaaliw siya sa ginagawa.
* * *
“I really should stop tying my hair now,” I mumbled while staring at myself in the mirror.
Mas lumalapad na yata ang noo ko dahil madalas akong magtali ng buhok.
I sighed and brushed my hair and just let it down. I stared at myself once again. For me, I'm not that pretty. Hindi ko alam kung bakit may ilang nagsasabi na maganda ako. I have a wide forehead, wavy and long hair, thick eyebrows, long eyelashes, not so pointed nose, thin and pale lips, pale skin, and I have mild acne... my cheeks are kinda chubby too. I honestly don't find myself pretty at all.
I just shook my head and put a light makeup. Lumabas na rin agad ako ng kwarto ko bitbit ang bag ko pagkatapos kong mag-ayos. Naabutan ko si Cad na nasa sala at mukhang hinihintay ako.
Cad looked at me. His forehead creased. “Bakit hindi nakatali ang buhok mo?”
I touched my wavy hair. “Ah, bakit? Pangit ba? Ayaw ko ng itali ang buhok ko, parang lumalapad na kasi ang noo ko.”
“Bakit? Hindi ka ba proud sa noo mo? Magtali ka na lang ulit ng buhok, mas bagay sa 'yo,” sabi n'ya saka lumapit sa akin at hinawakan ang buhok ko.
“Ewan ko sa 'yo.” Inalis ko ang pagkakahawak n'ya sa buhok ko at agad siyang nilagpasan.
Cad followed me and touched the tip of my hair. I sighed and just let him be. Kung hindi pisngi ko, buhok ko naman ang pinag-iinteresan n'ya.
Sumakay na siya sa tricycle n'ya pagdating namin. Agad n'yang tinapik ang pwesto sa likuran n'ya. Umupo na lang ako, doon na rin ako nasanay. Palaging sinasabi ni Cad na baka may sumakay kaya sa tabi n'ya ako nakaupo pero hindi rin naman siya nagpapasakay ng ibang pashero.
“Pst! Liah!” tawag ni Cad. Medyo nasigaw siya dahil naandar na ang tricycle.
“Bakit?” tanong ko na lang.
“Malakas ang pakiramdam ko may magandang mangyayari sa 'yo ngayong araw,” saad n'ya.
Napataas ang kilay ko. “Baka kamalasan pa ang mangyari sa akin ha. Babatukan kita,” pananakot ko sa kan'ya.
“Edi h'wag. Malasin ka na lang pala sana. Pangit!”
Hinampas ko ang likod n'ya. “Isip-bata,” napapailing na sabi ko na lang.
Saglit lang ay nakarating agad kami sa school. Nagtaka pa ako nang hindi bumaba ng tricycle si Cad.
“Diba janitor ka rito? Wala ka bang duty ngayon dito sa school?” tanong ko saka inayos ang medyo nagulo kong buhok.
“Wala, e. Kita na lang tayo sa bahay mamaya. May pupuntahan pa 'ko... Bye na, magandang teacher. Pakurot nga ng pisngi.”
Agad kong hinampas ang kamay n'ya nang akmang hahawak na naman siya sa pisngi ko. Natawa na lang siya at kinurot pa rin ang pisngi ko bago tuluyang umalis.
Pumasok na lang ako sa school at agad na dumiretso sa department. Natigilan ako nang mapansing tila nagkukumpulan ang mga teachers do'n.
Ano kayang meron?
I just went to my desk and put my bag there. Napatingin ako kay Sir Armand na nasa malapit lang at kausap si Ma'am Fely. Hinintay ko na matapos silang mag-usap bago ko siya nilapitan.
“Sir Armand,” pagtawag ko sa kanya.
Natigilan siya nang mapatingin sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtingin n'ya sa buhok ko at para bang nagulat siya. Palagi rin kasing nakatali o naka-bun ang buhok ko kaya malamang naninibago siya.
“Ahm, p-pasensya na sa buhok ko. Nakaka-distract ba?” Nag-init ang pisngi ko. Medyo makapal din kasi ang buhok ko at wavy pa kaya malamang nakakaagaw ng atensyon.
“H-Hindi naman, Ma'am Liah. Nakakapabanibago lang.” He avoided my gaze and scratched his nape. He seems shy or something.
“Ahm... Sir Armand, pwede ko bang tanungin kung ano ang meron? Bakit sila nagkakagulo ro'n?” tanong ko saka ininguso ang mga kasama kong teacher na nagkukumpulan sa gilid.
“Ah, may raffle daw na nagaganap. Hinihintay nila ang announcement from the principal. Nandoon ang lahat ng names ng teachers dito sa school. Ang mananalo, magbabakasyon ng libre sa Amianna beach for two days with pocket money and free transportation. Sa dalawang araw daw na 'yon, hindi kinakailangang magtrabaho ng nanalong teacher at hindi rin matatambakan ng workloads pagdating n'ya from vacation,” paliwanag ni Sir Armand.
Amianna beach? Sa pagkakaalam ko medyo malayo 'yon at talagang maganda ro'n. May nakikita akong pictures ng beach na 'yon sa f*******:. Talagang maganda at mukhang masarap magbakasyon.
“Gano'n ba? Ang swerte naman pala ng mananalo kung gano'n,” natatawang sabi ko na lang.
It's impossible for me to win that raffle. Wala akong swerte sa mga gan'yan. Besides, sa dami ng mga teachers dito, parang imposible naman na mabunot pa ako.
“Si Ma'am Liah?! Liah Vicencio?!”
I froze when I heard my name. I looked at them and felt nervous when they all looked at me as if I did a serious crime or something.
“P-Po? Bakit po?” tanong ko sa kanila.
“Y-You won the raffle, Ma'am Liah. Pinapapunta ka sa principal's office.”
Pakiramdam ko hindi agad nagproseso sa isip ko ang sinabi ni Ma'am Glenda. Napatulala pa ako. Hindi pa yata ako matatauhan kung hindi hinawakan ni Sir Armand ang braso ko.
“Ma'am Liah, congrats,” nakangiting bati n'ya pa.
Tila tulala pa rin ako hanggang sa makarating sa principal's office. Inabutan na ako ng ticket at sobre ng principal pero tila hindi pa rin ako makapaniwala.
“Ma'am Liah, you don't have to attend the class for today and for the next two days. Don't worry, may substitute teacher naman na papalit sa 'yo during your vacation. Please enjoy your vacation and take a rest. Minsan lang mangyari 'yan,” sabi ni Mr. Sevilla na principal ng school.
Tila wala pa rin ako sa sarili nang makarating ako sa department. Napapangiti na lang ako at nagpapasalamat habang binabati nila ako at pinauulanan ng congrats... Nananaginip pa rin ba ako?
“Pst! Hoy, Liah! Kanina ka pa tulala, lods. Problema mo?” tanong ni Cad habang prenteng nakaupo sa sofa at nakain ng tsitsirya.
I just tied my hair and sat on the couch. Nakauwi na ako, nakapagpalit ng damit at lahat, pero hindi pa rin ako makapaniwala.
Inabot ko kay Cad ang ticket at sobre na natanggap ko mula sa principal. Napasinghap siya nang makita 'yon.
“Hala, s**t! OMG! Nakakagulat naman 'to, mareng Liah! Nanalo ka ng bakasyon sa Amianna beach? Grabe, sabi ko naman sa 'yo seswertehin ka ngayon, e,” tila proud na sabi ni Cad saka nanggigigip na ang magkabilang pisngi ko.
Napasimangot ako habang pinipisil n'ya pa rin ang pisngi ko.
“Huy, bakit mukha kang hindi masaya? Diba sabi mo gusto mong magbakasyon kahit isang beses lang?” nakakunot-noong tanong n'ya.
“Hindi naman ako mahilig sa beach,” nakasimangot na sabi ko.
“Tanga ka ba? Nakakarelax sa beach na 'yon. Saka tingnan mo, oh... Binigyan din ako ng amo ko ng pambakasyon sa Amianna beach. We're meant to be, Kamelliah,” tila tuwang tuwa na sabi n'ya saka muling kinurot ang pisngi ko.
Napasinghao ako at tiningnan ang ticket na hawak n'ya. Katulad 'yon ng sa akin.
“Hala, ang galing naman,” nakangiting sabi ko at pinagdikit ang ticket naming dalawa. Maliit na ticket 'yon na may QR code sa likod.
Parang bigla akong na-excite. Kanina, gulat at pagkabigla lang talaga ang nararamdaman ko. Nae-excite na rin ako ngayon.
“Diba? Mas masaya talaga 'yon kung kasama mo 'ko. Saka ano'ng sinasabi mo na 'di ka mahilig sa beach? Ang ganda kaya ng Amianna beach. Saka alam mo ba... 'yung hotel do'n, may sobrang laking library. Pwede kang magbasa sa hotel room o kaya sa tabing dagat... at sobrang dami ng libro, Liah, as in,” sabi ni Cad saka umakbay sa akin.
Natigilan ako saka napatingin sa kanya. “Weh? Totoo ba 'yan? Saka bakit alam na alam mo 'yon? Diba malayo ang Amianna beach dito?”
Napakamot si Cad sa kilay n'ya. “Ano kasi... nagtrabaho ako ro'n dati kaya alam na alam ko. Nakakalula talaga sa dami ng libro do'n, Liah. Tapos 'yung may mga ganitong ticket, pwedeng mag-uwi ng kahit ilang libro na gusto nila mula sa library.”
Nanlaki ang nga mata ko sa sinabi n'ya. “T-Talaga? Weh? Parang hindi naman kapani-paniwala 'yan, e.”
“Tange, maniwala ka sa 'kin kasi alam ko lahat ng tungkol sa Amianna beach kasi ka-close ko ang may-ari no'n. Kaya mag-e-enjoy ka talaga ro'n,” nakangiting sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay.
Napakagat ako sa ibabang labi ko upang magpigil ng ngiti. Mas lalo akong nakaramdam ng excitement. Hindi na mapakali ang puso ko sa bilis ng t***k no'n.
“That's too good to be true, Cad. Sobra akong kinikilig sa tuwa,” nakangiting sabi ko saka agad na napatayo. “Kailangan ko ng maghanda ng mga damit na dadalhin ko. Ikaw rin, ha. Kinakabahan ako mag-isa ro'n.”
Napangiti si Cad habang nakatitig sa akin. “Yes naman, Kamelliah.” Tumayo siya saka kinurot ang magkabilang pisngi ko. “You deserve to take a rest and have fun, my precious baby.”
Agad na nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi n'ya kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Nakatitig siya sa mga mata ko habang hindi maalis ang ngiti sa labi n'ya.
My cheeks burned. I instantly avoided his gaze even though his hands are still on my cheeks, pinching them. “C-Cadence, ano ba'ng pinagsasabi mo?”
Cad chuckled and pinched my nose. “Wala... Mag-ready ka na ng mga damit mo, Liah cutie.”