Chapter Seven

3058 Words
"Bakit may kotse pa na maghahatid sa atin doon?" bulong ko kay Cadence. Cadence just laughed at me and continued playing with my hair. Ako naman dito hindi mapalagay. We're currently inside a luxurious black car with an agent-looking driver driving for us to Amianna beach. Paano naman ako makakampante sa lagay na 'to? "Kalma ka lang, Teacher Liah. Diba sabi naman na libre talaga 'yung transportation natin papuntang Amianna? Saka may identification card pa siyang pinakita sa atin," sabi na lang ni Cad saka umakbay sa akin at kinurot ang pisngi ko. "When I heard free transportation, I didn't expect it to be like this. This is too much for me. I'm nervous." Napahawak ako  nang mahigpit sa laylayan ng damit ni Cad. "H'wag kang kabahan. Kasama mo naman ako, e... Ang baby mo talaga masyado," natatawang sabi n'ya saka idinikit ang tungki ng ilong sa pisngi ko. Napabuntonghininga na lang ako at nanatiling nakahawak sa damit ni Cadence. Hindi naman n'ya ako pinigilan at hinayaan ako. "Yumakap ka na lang sa 'kin para hindi ka kabahan," nakangising sabi n'ya saka kinuha ang kamay ko at niyakap 'yon sa baywang n'ya. "C-Cad!" I immediately pushed him away from me. Cadence let out a manly chuckle and pinched both of my cheeks. "Oo na, cute ka na, mareng Liah," natatawang sabi n'ya saka muling kinuha ang kamay ko at ikinapit 'yon sa damit n'ya. Napaismid na lang ako at kumapit sa damit n'ya. Umakbay ulit siya sa akin saka inilapit ang ilong sa buhok ko at inamoy 'yon. "Ang bango ng shampoo mo. Paggamit din ako ha," biglang sabi n'ya. Napatingin ako sa kanya, pero agad din akong napaiwas ng tingin dahil ang lapit pala ng mukha n'ya sa akin. Agad na nag-init ang pisngi ko pero pinili ko na lang na h'wag ipahalata na apektado ako. "A-Ano ka ba? Tipikal naman ang gan'yang amoy na shampoo kasi marami namang nagamit n'yan," sabi ko na lang. Natahimik na lang kami pareho habang nasa biyahe. Kahit papa'no kumakalma na ako, hindi ko alam kung bakit. I yawned and closed my eyes. I didn't get to sleep properly last night because I was so excited for this trip. "Inaantok ka?" tanong ni Cad. Marahan n'yang hinaplos ang buhok ko habang nakaakbay pa rin sa akin. Isinandal n'ya ang ulo ko sa balikat n'ya saka inilapat ang pisngi n'ya sa ulo ko. Napakurap na lang ako sa ginawa n'ya. Marahan n'yang hinaplos ang braso ko saka bumulong sa akin. "Tulog ka muna. Matagal-tagal pa naman ang biyahe." I bit my lower lip and didn't respond. I just closed my eyes and tried to calm my raging nerves and this unknown feeling in my stomach. Why am I being like this towards him lately? Hindi na yata 'to normal. Sinubukan ko na lang matulog kahit nagwawala ang puso ko... I don't know what made me feel sleepy and comfortable right now... if it's his natural scent or his warmth. Kumapit na lang ako sa damit n'ya at sinubukang matulog. Lalo akong inantok dahil sa paghaplos n'ya sa buhok ko... hinayaan ko na lang nang tuluyan na 'kong hinila ng antok. "GISING NA, Liah... Nandito na tayo." Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Cad. Marahan kong idinilat ang mga mata ko saka napatingin sa kanya. Napangiti na lang siya saka inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa ilalim ng tainga ko. "Matulog ka na lang ulit sa hotel room kung inaantok ka pa," sabi pa ni Cadence sa malumanay na boses saka hinaplos ang buhok ko.  I just groaned and hugged his waist tighter. Cad chuckled and sniffed my hair... My eyes widened when I realized what's happening right now. I immediately distanced myself from Cad as my cheeks burned with embarrassment. What the hell am I thinking? Why did I cling on him like a leech? Sobrang nakakahiya! "H'wag ka ng mahiya, Kamelliah. Nag-enjoy naman ako, e. Halika na, labas na tayo. Masyado ka na namang cute," sabi n'ya saka  hinawakan ang kamay ko.  Lumabas na siya ng kotse at hinila rin ako palabas. Hindi na lang ako pumalag at nagpatianod sa kanya. Kinuha n'ya ang bag namin mula sa compartment ng kotse habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Agad ding pinaharurot ng driver ang kotse na para bang nagmamadali itong umalis. Napatingin na lang ako kay Cad at napahawak nang mahigpit sa damit n'ya.  Cadence let go of my hand and held my shoulder. He made me face him and cupped both of my cheeks. "Hey, you're here to relax and have fun. Don't be nervous, baby," he murmured and pinched my cheeks.  "Stop calling me baby." My forehead creased. "Paano kita hindi tatawaging baby? Sobrang cute mo," nanggigigil na sabi n'ya saka muling kinurot ang pisngi mo. My cheeks burned. "S-Stop it." I slapped his hand. Natigilan ako nang mapatingin sa paligid. Napasinghap ako nang tuluyan kong napansin ang ganda ng dagat. Agad kong inalis ang pagkakahawak sa 'kin ni Cad at dali daling tumakbo papalapit sa dagat. Medyo nahirapan pa ako dahil sa buhangin pero wala na akong pakialam. Marami ring tao pero hindi naman sobra katulad ng sa ibang beach. Gusto ko ang ganito, sa tingin ko magiging komportable at makakapagrelax talaga ako rito.  "My goodness, look at the sea, Cad! Ang linaw, kulay blue, at may mga fish!" Itinuro ko ang dagat. Halos makita na ang ilang isda ro'n sa sobrang linaw. Natawa si Cad saka hinawakan ang kamay ko. "Mamaya mag-swimming tayo kapag nakapagpahinga ka na. Gusto mo ba 'yon?" tanong n'ya saka hinaplos ang buhok ko. Tumango ako. "Ang ganda talaga," bulong ko habang nililibot ng tingin ang paligid. May malalaking bato mula sa di kalayuan. May mga boat din at mga taong naggagawa ng activities like surfing, zipline, at kung ano-ano pa... Gusto ko ang environment dito dahil hindi siya crowded. Sobrang linis din ng tubig at talagang nakaka-relax ang ambiance.  Nagtungo na kami ni Cadence sa hotel pagkatapos kong libutin ng tingin ang paligid. Halos napaawang ang labi ko sa laki ng hotel. Mukhang para sa mayayaman talaga ang hotel ng Amianna beach. Halos masilaw ako nang makapasok kami sa loob. Maski mga gamit mukhang nakakatakot hawakan dahil sa kintab ng mga 'yon. Natigilan ako nang may lumapit sa amin na lalaking staff. Napakunot ang noo ko nang mapansing tila inaasahan talaga kami nito. Nakangiti siyang lumapit sa amin. "Good afternoon, Sir--"  Cadence interrupted the staff and cleared his throat. The staff went pale and seems nervous while looking at Cad. He scratched his nape and forced a smile.   "Ahm, h-hello po, Ma'am and Sir... nasabihan na po kami about sa vacation n'yo rito. The hotel room, food, library expenses... everything is free for the both of you. I will guide you to your room. Please enjoy your stay here," nakangiting sabi ng staff saka nagsimula ng maglakad. Agad naman kaming sumunod ni Cad sa kanya. "Dati ka bang gangster? Mukhang natakot sa 'yo ang staff," bulong ko kay Cad. Natawa na lang siya saka umakbay sa akin. Inilapit n'ya pa ang mukha sa akin saka napangisi. "Mukha bang nakakatakot ang mukhang 'to, Kamelliah?" I gulped while staring at his handsome face. He looks like a ray of sunshine. He has soft features that made him look friendly and harmless.  "Here's your room, Ma'am and Sir," sabi ng hotel staff saka binuksan ang hotel room. Napaawang ang labi ko nang libutin ng tingin ang silid. Halos masilaw ako sa silid na 'yon. Pakiramdam ko pati sahig no'n hindi ko deserve tapakan. Malaki ang silid na 'yon at alam ko kaagad na hindi biro ang presyo ng pagpapa-reserve sa ganitong klaseng hotel room.  "This is a presidential suite. Everything you need is available here. There's also a swimming pool here that will be exclusive for the both of you during your stay here. Malapit lang po 'yon dito sa hotel. The library will also be exclusive for you during your stay here. Pwede n'yo po kami tawagan using the intercom if you need our assistance. Please enjoy your stay here," nakangiting sabi ng staff. "Thank you, pwede mo na kaming iwan," sabi ni Cad staff. Tipid na ngumiti na lang ito saka agad ding umalis. Natigilan ako nang may mapagtanto ako. Gulat na napatingin ako kay Cadence.  "Call the staff again. I have to ask him something!" I gripped his shirt, kinda panicking. "Ano'ng itatanong mo sa kanya?" nakakunot-noong tanong n'ya. "I will ask him if we're gonna stay in one room? Bakit isa lang ang room?"  Cadence chuckled and pinched my cheek. "Obviously, we're gonna stay in one room. Maybe the staff thought we're a couple. Hayaan na lang natin, saka tingnan mo. Ang laki ng couch, oh. Pwede naman ako ro'n matulog." He pointed the couch inside the suite. I just sighed and nodded. Nakakahiya rin naman kung magre-request ako ng bukod na room dahil libre na nga lahat dito, e.  We went inside the room. I'm still amazed about everything in this room. Everything looks expensive. Nakakatakot hawakan man lang kahit mga painting dito. I never thought that I will be able to stay and sleep in an expensive presidential suite like this. This feels so unreal. Parang nananaginip pa rin ako.  "Woah," I mumbled when I opened the closet. Ang daming bath robe and towel. Meron pang mga swimsuit na mukhang bago lang at hindi pa nagagamit. Sinilip ko rin ang banyo. Napasinghap ako dahil sa laki at ganda ng banyong 'yon. Malaki rin ang bath tub at talagang nakakasilaw sa kintab. Kumpleto ang mga gamit dito sa bathroom at malaki ang salamin. Halos nasakop ng salamin na 'yon ang buong pader.  Lumabas na ako ng bathroom. Naabutan ko si Cadence na prenteng nakaupo sa couch habang nakatitig lang sa akin habang napapangiti. Nakakapagtaka na parang hindi siya namamangha sa paligid... pero sabagay, nasabi n'ya nga pala sa akin na minsan siyang nagtrabaho rito.  "This place is heavenly," I mumbled and sat on the bed... ang lambot. Tumayo si Cad saka lumapit sa 'kin. Umupo siya sa tabi ko saka kinurot ang pisngi ko. "Magpahinga ka muna. Mamaya na tayo magliwaliw sa labas," sabi n'ya saka pinagdikit ang ilong naming dalawa.  "A-Ano bang ginagawa mo?" nauutal na tanong ko saka agad siyang tinulak. Muli n'yang pinisil ang pisngi ko. "Gusto mo ba magpahinga muna?" tanong n'ya. I shook my head. "I want to go to the library now. Can I?" I mumbled and bit my lower lip.  Cadence took a deep breath and slightly distanced himself from me. Natigilan ako nang tumayo pa siya at tumalikod sa akin saka hinawi ang buhok n'ya.  "M-May problema ba, Cad?" nag-aalalang tanong ko. He looked at me again. "Stop being cute, Kamelliah. Naiirita ako," tila nanggigigil na sabi n'ya saka muling tumalikod sa akin.  "W-Wala naman akong ginagawa, e," depensa ko. Muling tumingin sa 'kin si Cad. "Oo na, sige na. Cute ka na kahit wala kang ginagawa." Napakurap ako kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko. "K-Kasalanan ko ba 'yon? Saka hindi naman ako cute," sabi ko saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. "Wala kang kasalanan. Ako na yata ang may problema," napapailing na sabi n'ya saka napabuga ng hangin. "Teka, samahan muna kita sa library." I excitedly stood up and nodded. Cadence chuckled and pinched my cheeks. Hindi na lang ako pumalag nang akbayan n'ya ako saka hinila palabas ng hotel room namin... I can't wait to see the library here. Sana totoo ang sinasabi ni Cad tungkol sa library dito.  Hinayaan ko na lang si Cad na ihatid ako sa library. Mukhang alam n'ya naman kung nasaan 'yon kaya nagpatianod na lang ako sa kanya.  "Dito 'yon," bulong sa 'kin ni Cadence saka itinuro ang malaking double door.  Cad opened the door and guided me inside. My lips parted in shock when I'm finally inside the hotel's library. My knees weakened for some unknown reason... maybe because I really love books and seeing an incredibly huge library like this is literally a heaven for me.  "My goodness," I mumbled while roaming my eyes around the place.  "Sabi ko naman sa 'yo, e. Mamamangha ka sa library dito. Saka lahat ng books, naka-sort ng ayos 'yan depende sa genre, sa author, saka pwede kang mag-uwi ng kahit anong libro na gusto mo," nakangiting sabi n'ya saka hinaplos ang buhok.  Hindi ko na pinansin ang sinabi n'ya. Agad akong tumakbo papalapit sa isang malaking shelf sa unang hanay. Napasinghap ako nang puro Greek mythology ang nasa hanay na 'yon. Literal na nanginginig yata ang mga kamay ko ngayon sa sobrang saya. Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kaganda at kalaking library. Nakakalula sa dami ng libro. Sobrang saya ko talaga ngayon. Ang bilis ng t***k ng puso ko at nanginginig pa ang katawan ko sa sobrang tuwa. Tahimik lang si Cad na nakasunod sa akin at tinititigan ako. Hindi ko alam kung naiirita na ba siya dahil hindi ako mapakali at paikot-ikot sa buong library. Mukha namang hindi siya naiirita dahil natatawa pa siya habang nakatingin sa akin.  "OMG, look at this, Cad! There are copies of Jane Austen's books! My hands are shaking right now. Hawakan mo," sabi ko saka hinawakan ang kamay n'ya. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.  Agad din akong bumitiw sa kanya saka kumuha ng isang libro saka niyakap 'yon. Nagtungo pa ako sa ibang shelf para kumuha ng libro na halos hindi ko na mabitbit ang mga 'yon. "Akin na nga," sabi ni Cad saka kinuha ang ilang libro na hawak ko.  I held Cad's wrist and pulled him towards the couch. We sat there and put the books on the mini table. Agad akong kumuha ng isang libro saka binuklat 'yon. "Cad, gusto mo bang basahin ko nang malakas 'to para marinig mo rin? Diba sabi mo hindi ka mahilig sa ganitong books? Babasahin ko for you. Maganda ang mga 'to." Napangiti na lang siya saka tumango. Napatikhim naman ako saka nagsimulang magbasa. Nanatili namang nakatitig sa akin si Cad. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya sa akin o nakatitig lang sa kin pero hinayaan ko na lang. Hindi ko alam kung gaano kami katagal dito habang nagbabasa. Napatingin ako kay Cad, nakatitig pa rin siya sa 'kin. Hindi ba siya nabo-boring? Baka naman nahihiya lang siya magsabi. "Cad, kuha lang ako ng Greek mythology books. Wait lang." I stood up and went to the first shelf to look for Greek mythology books. Sinubukan kong kumuha ng isang makapal na libro kaso medyo mataas 'yon kaya nahirapan ako. Napasinghap na lang ako nang bumagsak 'yon saka tumama sa kanang paa ko. Agad akong napadaing at napaupo upang tingnan ang paa ko. "Ano'ng nangyari?!"  Agad akong pinuntahan ni Cad. Bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala nang makita ako. Agad siyang lumapit sa akin at walang pasabing binuhat ako. Napasinghap ako sa ginawa n'ya saka agad na napakapit sa batok n'ya.  Agad siyang umupo sa couch habang buhat pa rin ako kaya nakaupo ako sa kandungan n'ya ngayon. Agad na nag-init ang pisngi ko dahil sa posisyon namin pero tila hindi alintana ni Cad 'yon dahil masyadong nakafocus ang atensyon n'ya sa paa ko. "Saan masakit? Tatawagan agad natin ang staff para magamot," sabi n'ya habang nakatingin pa rin sa namumula ko ng paa. "C-Cad, okay lang naman ako. Nagulat lang ako pero hindi naman masakit," saad ko na lang para hindi na siya mag-abala pa ng staff.  "Ano'ng okay? Tingnan mo nga, pulang pula, oh," tila naiinis na sabi n'ya saka itinuro ang paa ko. "Galit ka ba?" Halatang natigilan si Cad sa tanong ko saka napatingin sa 'kin. Agad akong napapitlag dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Halatang nagulat din si Cad nang mapagtanto iyon. Hindi nakawala sa paningin ko ang paggalaw ng adam's apple n'ya nang mapatitig sa mukha ko.  "H-Hindi ako galit," anas n'ya habang titig na titig pa rin sa mga mata ko. Napalunok na lang ako saka napatungo. I tried to calm my raging nerves, the butterflies in my stomach, and my heart but it seems unaffective. Cad's intense stare, his minty breath, and his warm body against mine aren't helping at all.  Cadence held my chin and made me face him. He caressed my cheek and sighed while staring at me. My heart beats faster when his stare wentt down to my lips.  Hindi ko alam kung bakit hindi agad ako lumayo sa kanya nang ilapit n'ya ang mukha sa akin. Napakapit lang ako nang mahigpit sa balikat n'ya saka tuluyang napapikit nang tuluyan nang lumapat ang mainit at malambot n'yang labi sa labi ko.  I don't know what's happening to me. All I can think right now is his hot lips on mine and his warm hands on my back, pulling me closer to him. He moved his lips and gently. I just hugged his nape and kissed him back. My body is literally shaking right now. My mind is protesting but my body isn't listening to me at all.  His lips taste like mint and it makes me want to kiss him more. Cad gripped my nape and pulled me closer to deepen our kiss and I didn't protest. I just moved my lips in sync with his. I don't know what's happening anymore. Tila wala ng ibang importante sa akin sa mga oras na 'to. Cadence gently bit my lower lip and sucked it. I moaned and gripped his shoulder tighter. I just opened my mouth and let him nibble on my lips... Hindi ko na alam kung gaano kami katagal naghahalikan. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya maitulak at tinutugon pa ang banayad na halik n'ya. Marahan ko lang siyang itinulak dahil para na akong malalagutan ng hininga. Napalunok ako at napatitig sa mga mata n'ya. Napatitig din siya sa akin. Napalunok siya saka muling tumingin sa labi ko. Tila natauhan naman ako nang mapagtanto ang nangyari. Agad akong umalis sa kandungan n'ya at tumayo kahit masakit pa ang paa ko. Halatang natigilan si Cad sa ginawa ko. Tumayo rin siya at akmang lalapit sa akin pero agad akong umatras. "Liah..." "D-Don't come near me!" natatarantang sabi ko saka dali-daling tumakbo palabas ng library.  What the hell am I thinking?! Have I gone insane? This is not me anymore... why did I let him kiss me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD