Chapter Ten

2693 Words
"Wala kang isang salita! You said okay lang na friends tayo! What the hell is your problem, Dimagiba?! Binabawi mo rin lahat ng sinasabi mo," naiinis na tanong ko saka itinulak siya palayo sa akin. "Plano ko naman talaga bawiin 'yon kapag bati na tayo. Saka sa tingin mo ba madaling pigilin ang feelings? Hindi 'no. Palibhasa wala kang gusto sa 'kin kaya hindi mo maiintindihan," parang nagtatampo pa na sabi n'ya. "So, are you telling me that it was my fault?" I laughed sarcastically. "What do you want me to do then?" I asked and raised my eyebrow.b "Edi gustuhin mo rin ako," agad na sagot n'ya. Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. "Sa tingin mo ba gano'n kadali 'yon?" nakakunot-noong tanong ko. Muli siyang lumapit sa akin yumakap sa baywang ko. Hindi ako nakapalag nang isubsob n'ya ang mukha saa leeg ko. "Hindi naman talaga ako sadboi pagdating sa ganito, pero gusto talaga kita, Liah. Joke lang 'yung sinabi ko kanina na friends na lang tayo. Hindi rin naman kaya gano'ng kadali ang hindi ka magustuhan," tila nagmamaktol pang sabi n'ya. Napaismid ako at pilit na itinulak siya kahit nag-iinit ang mukha ko sa pinagsasasabi n'ya. "Lumayo ka na nga! Hindi mo na  pwedeng bawiin ang sinabi mo. Bawal na!" asik ko.  Cad distanced his face from my neck and stared at me. "Bakit? 'Yung mainit na kape nga lumalamig, e," sambit n'ya. My forehead creased. "What do you mean by that?" "Ang ibig kong sabihin, 'yung mga nasabi, pwedeng bawiin," sabi n'ya saka mas hinila ako palapit sa kan'ya. Naiinis ako sa kan'ya pero hindi ko napigilang matawa. "Wala namang connect 'yon, e!"  "Uy, napatawa kita. Dahil d'yan, papayagan mo na 'kong manligaw. Yieee. Liah cutie," sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko.  I slapped his hand lightly. "No, h'wag kang mag-assume," masungit na sabi ko saka inirapan siya.  "Promise, magbabayad pa rin ako ng upa sa 'yo kahit maging tayo na." Inangat pa ni Cad ang kanang kamay n'ya. "Ang kapal naman ng mukha mo. Sino naman ang nagsabi sa 'yo na magiging tayo?" nakataas-kilay na tanong ko.  Cad pouted his lips and pinched my cheeks. "Manifesting... magiging mag-boyfriend girlfriend tayo tapos magpapakasal at magkakaanak ng dalawampu," sabi n'ya saka muling yumakap sa baywang ko.  "A-Ano'ng dalawampu?" nauutal na tanong ko. "Twenty," agad na sagot n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko na batukan siya. "Hindi ka talaga seryoso kausap! Lumayo ka na nga sa 'kin," naiinis na sabi ko saka inalis ang pagkakayakap n'ya sa baywang ko. "H'wag ka na nga magalit, Liah. Ang cute mo rin kapag nagagalit ka," saad n'ya saka napaismid.  "Lahat na lang ba ng gagawin ko cute sa paningin mo?! Ano'ng gusto mo... hindi na lang ako gumalaw?!" naiinis na tanong ko. "Hindi, mareng Liah. Kahit wala kang ginagawa, cute ka sa paningin ko," sabi n'ya saka ngumiti nang cute sa akin. Halos naningkit ang mga mata n'ya. Niloloko n'ya ba ako? Siya nga 'tong cute sa aming dalawa, e. I just shook my head and stood up. Umalis na ako sa dagat at naglakad palayo kay Cad pero agad naman siyang sumunod sa akin. Napailing na lang ako at hinayaan siya. He won't listen anyway. This man is more immature than my students. He's a freaking headache! "Saan ka pupunta, Liah? Baka maligaw ka, mukha ka pa namang baby ko," sabi n'ya saka sinabayan ang paglalakad ko.  Natigilan ako sa sinabi n'ya. I just cleared my throat and act normal even though I was kinda affected. I didn't expect that my heart will flutter because of some corny words from someone. Naiinis ako sa sarili ko dahil naapektuhan ako sa mga simpleng salita at mga kilos n'ya. I can't help to blame myself for this. Sana lang talaga hinayaan ko na lang siyang ginawin sa labas noon at hindi na tinanggap na mangupahan sa bahay ko. "Sa CR lang ako," pagpapaalam ko sa kan'ya. Cad nodded. "Okay, lods. Wait na lang kita rito sa labas," sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko. Napaismid na lang ako at marahang tinapik ang kamay n'ya bago pumasok sa CR na located malapit sa private pool. Dalawa ang CR, may isa na para sa mga babae at isa naman para sa mga lalaki. Magkatabi lang din 'yon.  Pumasok ako sa loob. Natigilan ako nang mapansing may babaeng nagme-make up doon. Hindi ko na lang siya pinansin at akmang magtutungo sa isang cubicle pero nagsalita ang babae. "Excuse me," sabi n'ya saka tumingin sa akin. I looked at her too and smiled awkwardly at her. "Yes?" I asked. "Boyfriend mo ba 'yung lalaki sa labas?" tanong n'ya saka inilagay ang lipstick n'ya sa pouch. Natigilan ako nang mapatitig sa kan'ya. Doon lang siya naging pamilyar sa akin... Bakit ngayon ko lang napansin? Mukhang siya ang babaeng nakaupo sa kandungan ni Cad kagabi. Ngayon ko lang din napansin na mas maganda siya sa malapitan. Nanliit ako bigla sa sarili ko... Siya ba ang babaeng nagawang tanggihan ni Cadence? I didn't get to answer her question. I remained staring at her. I just honestly don't know what to say to her. I know Cad is not my boyfriend but I suddenly want to tell her that he is... for some unknown and weird reason that I don't want to admit to myself. Bakit ba nangyayari 'to sa 'kin. "Chill, girl. I just want to warn you that your boyfriend is a psychopath. I tried to seduce him last night and invited him to have s*x with me. But he told me he will crush my bones, choke and beat me up to death, and worse, might accidentally kill me if I insisted on having s*x with him. Damn. He can just tell me that he doesn't want to. I honestly can't determine if you're lucky or in danger having a boyfriend like him.. Trust me, girl. His sexy eyes are something. He's dangerous... and look at you, you look innocent and gullible," mahabang sinabi n'ya saka muling tumingin sa salamin.  Hindi ako nakakibo sa sinabi n'ya. Hinabol ko na lang siya ng tingin nang makalabas na siya sa CR. Hindi ko rin namalayan kung gaano ako katagal nanatili sa CR dahil pino-proseso ko pa sa isip ko ang mga sinabi n'ya... Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi n'ya sa akin. Kung matutuwa ba ako dahil hindi naman pala nakipaglandian sa kan'ya si Cad o kung matatakot ba ako.  Sinubukan kong timbangin ang nararamdaman ko... hindi ko matukoy. "Huy, bakit ang tagal mo? Tumae ka ba?!" tanong ni Cad sa malakas na boses paglabas ko.  Napasinghap ako at naiinis na hinampas ang braso n'ya dahil nagtinginan sa amin ang ibang mga nadaan. Natawa na lang siya saka kinurot ang pisngi ko.  "Have you got no shame, Mr. Dimagiba?!" naiinis na tanong ko. "Bakit? Normal lang naman 'yon, Mrs. Dimagiba. H'wag ka na mahiya," nakangiting sabi n'ya saka muling niyakap ang baywang ko.  "Hindi naman kasi ako nag-poop," sabi ko na lang saka inunahan siyang maglakad. Baka pumutok lang ang ugat ko kapag tinuloy ko pa ang pakikipag-usap sa kan'ya. "Sus, eh bakit ka natagalan?" bulong n'ya sa akin saka inakbayan ako. "Whatever," I mumbled and rolled my eyes at him.  Bumalik na lang kami sa dagat para mag-swimming. Maya-maya rin aahon na rin ako at magbabasa na lang sa hotel room namin. Sasamantalahin ko na dahil parang hindi naman totoo ang sinabi ni Cad na pwede ako mag-uwi ng books. "Pst! Sir--este Cadence!" Natigilan kami ni Cad at napatingin kay Denise na nasa tabing-dagat at sinesenyasan si Cad na lumapit. Cadence looked at me and caressed my hair.  "Sandali lang, Liah. Importante yata ang sasabihin ng babaeng 'yon na panira ng moment natin," nakasimangot na sabi n'ya.  "Okay lang ako rito. Sige na, puntahan mo muna siya," sabi ko na lang saka bahagya siyang itinulak.  Kahit halatang napipilitan, umahon na si Cad saka nagtungo papalapit kay Denise. Bumalik na lang ako sa paglangoy dahil aahon na rin ako maya-maya. Umahon na rin agad ako makalipas ang ilang minuto. Natigilan ako nang mapansing hindi pa rin nabalik si Cad. I just shook my head and hugged myself when the cold breeze embraced my body. Damn, I forgot to bring a towel.  "Miss, you can use this. Mukhang nilalamig ka." Napapitlag ako nang may lalaking lumapit sa akin saka inabutan ako ng towel. He's just wearing a board shorts. He has a good body built and he's handsome too, but Cadence is more...  What the hell am I thinking again? Cadence really corrupted my mind! "Ahm, y-you don't have to. Mukhang kailangan mo rin 'yan," I said and smiled shyly at him. He's topless... baka nilalamig din siya. "Come on, okay lang, miss. Don't worry, bago lang 'yan. Hindi pa nagagamit. Sige na," sabi n'ya pa. Humigpit ang yakap ko sa sarili ko nang muling humangin. Tipid na ngumiti ako sa lalaki at akmang kukuhanin ang towel sa kan'ya ngunit agad na may humawak sa kamay ko para pigilan ako. Natigilan ako nang makitang si Cadence 'yon. Nakasuot na siya ng tuyong t-shirt pero mukhang basa pa rin ang short n'ya. Bahagya akong hinila ni Cad palayo sa lalaki saka tumingin sa akin. "Nilalamig ka?" tanong n'ya sa malumanay na boses saka hinaplos ang pisngi ko.  I just nodded and hugged myself tighter. Cad sighed and removed the shirt his wearing. Agad ko ring iniwas ang tingin sa matipunong katawan n'ya nang maramdaman kong nag-iinit ang pisngi ko.  Inabot sa'kin ni Cad ang shirt n'ya. "Suotin mo na lang muna 'to para hindi ka lamigin. Punta na tayo sa hotel room natin. Malapit na dumilim," saad n'ya. I don't know why I didn't protest and just obediently nodded at him. It seems like he's not in the mood or something. I don't know why... Hinawakan n'ya na lang ako at hinila na ako palayo sa lugar na 'yon. Hindi n'ya pinansin o tiningnan man lang ang lalaki na nag-alok ng towel sa 'kin na para bang wala siyang pakialam do'n. Nagpatianod na lang ako sa kan'ya at hindi na nagsalita. Tahimik pa rin si Cad hanggang sa makarating kami sa hotel room. Hindi na lang din ako nagsalita at nagtungo na sa bathroom para maligo at magpalit ng damit. Hindi ko maiwasang isipin si Cad. Bakit parang wala siya sa mood? May nangyari ba? Paglabas ko ng bathroom, sunod na pumasok si Cad. He's still quiet. I honestly don't know what's bothering him. Minsan lang naman siya tumahimik nang gan'yan. I just sighed and sat on the bed to read the books that I brought here. I also took the candy that Denise gave me yesterday and ate it to calm myself. Naramdaman ko na lumabas na si Cad ng bathroom. Pasimple akong tumingin sa kan'ya habang nakaharang ang libro sa babang parte ng mukha ko. Nakasuot si Cad ng simpleng t-shirt at board shorts. Umupo siya sa couch habang pinupunasan ang buhok n'ya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napabuntonghininga.  Ano ba ang problema n'ya? Okay pa naman siya kanina.  Natigilan ako nang mapansing tumayo si Cad matapos n'yang  punasan ang buhok n'ya saka lumapit sa akin. Nagpanggap akong walang pakialam at tumuloy na lang sa pagbabasa na parang hindi ko siya napansin. "Pst, Liah..." I looked at him. My eyebrow arched when he suddenly sat on the bed while staring at me. Nakakunot pa ang noo n'ya. "Para sa 'yo, sino'ng mas pogi sa 'min nu'ng lalaking nag-alok sa 'yo ng towel kanina?" nakasimangot na tanong n'ya. Napakurap na lang ako sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kan'ya o matatawa... Iyon lang pala ang dahilan kaya kanina pa siya tahimik? "H'wag kang ngumiti-ngiti diyan. Alam kong mas pogi ako at hot kaysa sa kan'ya pero hindi ko maiwasang ma-insecure. Paano kung engot ka tapos ma-feel mo na mas gwapo siya kaysa sa akin?" nakakunot-noong tanong n'ya. "Ano? Sinong mas gwapo, hot, mas malakas ang dating sa aming dalawa? Saka type mo ba 'yon? Kasi pangiti-ngiti ka pa sa kan'ya kanina parang kinikilig ka. Kung hindi pa kita pipigilan, tatanggapin mo talaga ang towel na inaalok n'ya. Paano kung hingiin n'ya number mo tapos maging textmate kayo tapos magkagusto ka sa kan'ya?" Napabuntonghininga siya saka itinuro ang mukha n'ya. "Tingnan mo naman. Diba mas gwapo ako sa kan'ya, Liah?" Tuluyan na 'kong natawa sa mga pinagsasasabi n'ya. Mas lalo namang sumama ang mukha n'ya nang tawanan ko siya.  "Liah, bakit ka ba natawa? Gusto mo ba 'kong nakikita na nahihirapan at napa-praning?"  Tinigil ko ng tumawa dahil baka malunok ko pa nang buo ang candy sa loob ng bibig ko. Hinampas ko na lang ang braso n'ya saka kinurot ang matangos n'yang ilong.  "Bakit ba gan'yan ang mga tinatanong mo? Nagseselos ka ba?" natatawang tanong ko. "Ako nga 'yung nagtatanong sa 'yo tapos tanong din binabato mo. Sagutin mo muna mga tanong ko kanina," tila nagmamaktol na sabi n'ya.  "Oo na, mas gwapo ka na. Para lang hindi ka na magmukmok na parang bata," sabi ko na lang saka muling nagbasa ng libro.  "Talaga, lods?" tanong n'ya. Even though I'm not looking at him, I can feel that he's smiling right now. "Whatever," I mumbled and just tried to focus on the book I'm reading.  Umupo na lang si Cad sa tabi ko saka sinilip ang binabasa ko. Napapitlag ako nang maramdaman na isinandal n'ya ang ulo sa balikat ko pero hinayaan ko na lang siya. Tumahimik na lang siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung nakikibasa ba siya sa binabasa ko o trip n'ya lang tumabi sa akin. Natigilan ako nang ilayo n'ya rin ang ulo sa balikat ko saka tumingin sa akin. Napakunot na lang ang noo ko saka tumingin din sa kan'ya. "May candy kang kinakain, Liah? Pahingi," sabi n'ya. Malamang napansin n'yang may candy sa bibig ko. "Wala na, isa lang 'to. Bumili ka na lang doon sa baba. Piso lang din ang candy," sabi ko saka muling binaling ang tingin ko sa binabasa ko. "Ayoko, wala akong piso. Bigyan mo na lang ako diyan sa kinakain mo," sabi n'ya saka ininguso ang labi ko. Napasinghap ako sa sinabi n'ya. "M-May laway ko na 'to," nauutal na sabi ko.  "Ano naman? Dalawang beses na nga tayong naghalikan, e." Napangisi siya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi n'ya. "P-Paano ko 'to ibibigay sa 'yo?" tanong ko na lang.  "Good question, baby," Cad muttered. I gasped when he suddenly held my nape and pulled me closer to him. I froze when he crushed his lips against mine. He bit my lower lip that made me gasp. He immediately put his tongue inside my mouth. He took the candy from my mouth using his tongue and it finally went inside his mouth. Hinawakan n'ya ang magkabilang pisngi ko saka pinasadahan ng mainit n'yang dila ang ibabang labi ko. Agad nanghina ang mga tuhod ko saka napakapit nang mahigpit sa damit n'ya. "H'wag kang madamot, Liah," anas ni Cad habang nakalapat pa rin ang labi sa akin. "Y-You said you won't kiss me again," I mumbled against his lips while catching my breath. "We're just simply sharing over a candy, sweet Liah. Masama ba 'yon?" tila paos na tanong n'ya saka muling siniil ng halik ang labi ko. He shove his tongue with the candy inside my mouth again. I moaned and gripped the bed sheets tightly. Cad groaned and played with my tongue using his... We continued kissing or should I say... sharing over a candy until it finally melted. Pareho kaming hinihingal pagkatapos. Dinampian ni Cad ng halik ang labi ko saka bahagya ng inilayo ang mukha sa akin para titigan ako.  Nag-init yata ang buong mukha ko nang mapagtanto ko ang nangyari. Nanghihina na rin ang buong katawan ko dahil tila kinuha ng halikan naming 'yon kanina ang lahat ng lakas ko. "What do you think, baby? We should share over a candy more often... right?" he asked in a rasped and husky voice while caressing my cheek. I just bit my lower lip and nodded. "I-I don't mind."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD