Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad akong tumalikod at dali-daling umalis sa lugar na 'yon. Nanginginig ang mga tuhod ko at nanlalamig ang mga kamay ko. Nanghihina pa rin ako nang makarating sa hotel room at nanlalabo ang paningin dahil naiipon ang luha sa mga mata ko.
May ideya na ako kung ano ang nararamdaman kong 'to... at natatakot ako na baka tama ang iniisip ko.
Nanghihinang napaupo ako sa couch at napatulala. Walang ibang natakbo sa isip ko ngayon kundi si Cadence. Gano'n ba talaga siyang klase ng lalaki? Ginagawa n'ya rin ba sa iba ang mga ginawa n'ya sa akin? Pinaglalaruan n'ya lang ba ako?
I just bit my lower lip and looked at the ceiling to restrain my tears from falling. My heart feels heavy. Kakaiba ang bigat na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Pakiramdam ko hindi ko pa naramdaman ang ganitong bigat noon.
I took a deep breath and tried to calm myself for a moment. After I gathered my thoughts, I immediately stood up and went to the cabinet nearby. Kinuha ko ang bag ko ro'n at isinukbit. Dali dali akong nagtungo sa labas at akmang lalabas nang biglang bumukas ang pinto. Agad akong napaiwas ng tingin nang si Cad ang bumungad sa akin.
"Liah, bakit bitbit mo 'yang bag mo?" tanong n'ya.
Hindi ko siya sinagot. Akmang lalagpasan ko siya at lalabas na ng hotel room pero agad n'yang nahawakan ang palapulsuhan ko.
"Bakit aalis ka? May problema ba? Ano'ng nangyari? Sabihin mo sa 'kin," sabi n'ya sa malumanay na boses saka hinawakan ang braso ko at pinaharap ako sa kan'ya.
"Aalis ako kung kailan ko gusto. Bitiwan mo 'ko," malamig na sabi ko at marahas na inalis ang pagkakahawak n'ya sa 'kin. Halata namang natigilan siya sa ginawa ko.
"B-Bakit, Liah? Galit ka pa rin ba sa 'kin dahil sa ginawa ko kagabi?" Napaiwas siya ng tingin sa 'kin. "Sorry sa nagawa ko kagabi. Promise, hindi ko na talaga uulitin. Sorry na, Liah... please. Ano'ng gusto mong gawin ko para hindi ka na magalit sa 'kin? Gagawin ko kahit ano," anas n'ya saka tumingin sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita. Nanatili na lang akong nakatingin sa dibdib n'ya dahil ayokong tumingin sa mukha n'ya. Amoy na amoy ko ang alak mula sa kanya, mukhang marami talaga siyang nainom habang may nakaupong babae sa kandungan n'ya.
I just shook my head and smiled bitterly. "I don't want to stay here anymore. Gusto ko ng umuwi," sabi ko saka tumingin sa kan'ya.
Saglit na natahimik si Cad. Napakagat siya sa ibabang labi n'ya saka napatungo. "H-Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin sa nagawa ko kagabi, Liah?" tanong n'ya sa mahinang boses.
Hindi agad ako nakasagot. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. Nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Gusto kong malaman n'ya na lang basta ang problema ko nang hindi ko na kailangang sabihin sa kan'ya. Hindi n'ya ako naiintindihan... pero hindi ko alam kung gusto ko ba talaga na maintindihan n'ya ako... na malaman n'ya ang nararamdaman ko ngayon.
"Hindi naman ako galit sa ginawa mo kagabi. Kagabi pa lang pinatawad na kita tungkol do'n. Pero bakit ka umiwas na parang ako ang may kasalanan sa 'yo? S-Sinabi mo na mag-e-enjoy at magre-relax tayong pareho rito pero hindi ka naman nagparamdam sa 'kin maghapon." Tumingin ako kay Cad. "T-Tapos makikita kita na may kasamang ibang babae... tapos nakaupo pa siya sa kandungan mo."
I bit my lower lip and avoided his gaze when my vision became blurry because of the tears pooling my eyes. I hate being like this. Mababaw ang luha ko noon pa, pero ayokong makita ni Cad ang ganitong side ko.
"N-Nakita mo 'yon?" tanong ni Cad. Humakbang siya papalapit sa 'kin pero agad akong humakbang paatras.
"S-Siguro gusto mo na lang gawin sa iba ang hindi mo naituloy na gawin sa 'kin kagabi... Nalilito ako, Cad. Hindi ko kayang makipagsabayan sa 'yo. Inosente ako sa ganitong bagay... 'Yung mga ginawa mo ba at trato mo sa'kin, ginagawa mo rin sa ibang babae? Pinaglalaruan mo lang ba ako? G-Gusto mo lang ba ako maka-s*x? Sabihin mo, Cad. H'wag mo 'kong lituhin. Diretsahin mo na lang ako dahil hindi ko naiintindihan ang intensyon mo kung hindi mo sasabihin sa 'kin," usal ko habang hindi pa rin makatingin sa kan'ya. "Ayoko ng ganito. Ayoko ng nalilito ako at--"
"Gusto kita, Liah."
Natigilan ako sa biglang sinabi ni Cad. Muli siyang humakbang papalapit sa 'kin. I tried to step backwards but he immediately held my wrist to stop me. I looked at his eyes. He's looking intently at me too. He held my cheeks and gently caressed it.
"May gusto ako sa 'yo, Liah. Hindi ko ginagawa ang mga ganitong bagay sa babaeng hindi ko gusto. Sa 'yo lang ako ganito dahil ikaw lang naman ang babaeng gusto ko." Tipid na napangiti siya. "I know you won't believe it easily, I won't force you to... I'm sorry if my actions confused you. Humahanap lang ako ng--"
Agad kong inalis ang pagkakahawak n'ya sa pisngi ko saka itinulak siya palayo sa akin. "H-Hindi ako naniniwala sa kasinungalingang 'yan. Kung may gusto ka sa akin gaya ng sinasabi mo, h-hindi ka makikipaglandian sa ibang babae," sabi ko na lang saka muling napaiwas ng tingin sa kan'ya.
"Hindi naman ako nakikipaglandian sa iba, Liah. Oo, umupo siya sa kandungan ko pero sinabihan ko kaagad siya na..." Natigilan si Cad.
I looked at him and raised my eyebrow. "Bakit ka natigilan? What did you tell her?" tanong ko.
Cadence cleared his throat and scratched his nape. "Sinabihan ko rin siya agad na umalis," sabi n'ya naman.
I won't buy that crap.
I just avoided his gaze and gripped my bag tighter. "M-Mas maniniwala pa ako kung sasabihin mo na gusto mo lang akong maka-sex... I know you're lying. There's no reason for you to like me. The woman sitting on your lap earlier was more beautiful and sexier. I-I can see that she has larger boobs too," I mumbled and avoided his gaze. "Bakit mo ako magugustuhan kung may katulad n'ya na interesado sa'yo? K-Kung ginagawa mo 'to dahil sa tingin mo nakakatuwa akong paglaruan... please itigil mo na. Wala akong panahon makipaglaro sa 'yo, Cad. A-Ayokong masaktan. Mahina ako sa ganito," anas ko.
Saglit na natahimik si Cad. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon... kung ano ba ang iniisip n'ya tungkol sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang totoong nararamdaman n'ya.
Lumapit muli sa akin si Cad, sa pagkakataong 'to, hindi agad ako nakaiwas. Hinawakan n'ya ang pisngi ko habang titig na titig sa akin. Minsan ko lang siya makita na ganito kaseryoso. Tila may kung ano sa tiyan ko sa tuwing tinitingnan n'ya ako nang gan'yan... Hinaplos n'ya ang pisngi ko at halos doon ko lang napagtanto na tuluyan na palang umalpas ang mga luha mula sa mga mata ko.
"Nagseselos ka ba, Liah?" anas n'ya habang pinapahid ang luha sa pisngi ko.
I gasped and tried to push him away but he didn't falter. "Y-You're assuming!"
"Sige na, assuming na 'ko kung assuming... pero naiinis ako, Liah. Bakit ba ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Bakit mo kinukumpara ang sarili mo sa ibang babae? Simula ng makilala kita wala ng ibang maganda sa paningin ko maliban sa 'yo. You're beautiful in every aspect... I love everything about you... Sobrang ganda mo, sobrang bait mo... kaya wala ka dapat ikaselos sa iba. Gustong gusto kita, Kamelliah," anas n'ya habang nakahawak pa rin sa pisngi ko.
I remained silent while staring at him. For some unknown reason, his eyes seem sincere. But I don't want to trust my own thoughts, even what my heart feels. I only trust what my eyes saw... and I saw him flirting with another woman.
"Let me go," I muttered and pushed him away from me.
Akmang lalabas ako ng hotel pero agad n'ya akong hinila papasok sa loob saka sinara ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko nang basta na lang n'ya kinuha ang bag ko mula sa akin.
"H'wag ka munang umalis. Nasabi sa akin ni Denise na hindi ka naman daw nag-enjoy buong araw," tila nag-aalalang sabi n'ya.
"Bakit kilala mo si Denise?" nakakunot-noong tanong ko.
Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Napatikhim siya saka napakamot sa batok n'ya. "Girlfriend siya ng kaibigan ko, saka diba nasabi ko sa 'yo na dati akong nagtrabaho rito?"
Hindi na lang ako kumibo. Bahagya ko siyang itinulak paalis sa pinto pero agad n'yang iniharang ang sarili n'ya.
"Ano ba, Cad?! Aalis na nga ako sabi, e!" asik ko saka sinubukan siyang itulak ulit pero masyado siyang nagmatigas.
"H'wag ka ng umalis, Liah. Kung ayaw mo 'ko rito, ako na lang ang aalis. Hindi ka pa nga nakakapag-enjoy rito tapos aalis ka na?" Hinawakan n'ya ang kamay ko. "Ako na lang ang aalis kung gusto mo. Basta enjoy-in mo na lang muna ang natitirang araw mo rito. Sige na, please. Minsan ka na nga lang makapagrelax, e. Sorry sa kasalanan ko sa 'yo. Hindi ko na talaga uulitin... at promise, pinaalis ko rin kaagad 'yung babae kagabi. Hindi naman ako nakikipaglandian sa iba kasi ikaw lang ang gusto kong landiin... Please, Liah. Hindi na lang ako rito matutulog para mas mapanatag ka. Saka bukas, babawi talaga ako sa 'yo. Sisiguraduhin ko na makakapag-enjoy ka na talaga bukas. Sorry na... Hayaan mo 'kong bumawi sa 'yo, hmm?" tanong n'ya saka hinaplos ang buhok ko.
Hindi ako nakakibo. Marahas na pinalis ko na lang ang pagkakahawak n'ya sa 'kin saka muling bumalik sa kama. Inilapag ko ang bag sa sahig saka kumuha ng bagong damit at naglakad na patungo sa bathroom.
"Just stay here in this, but don't come near me. I hate you," I mumbled before I went inside the bathroom.
Fine, I'll just enjoy my stay here but I'll ignore him as if he doesn't exist.
NANG MAGISING ako kinabukasan, may nakahanda ng almusal. Naabutan ko si Cad na naghahanda ng pagkain sa mesa. Agad siyang napatingin sa 'kin saka lumapit. Ngumiti siya sa 'kin saka kinurot ang pisngi ko.
"Good morning," bati n'ya saka iginiya ako paupo.
I didn't say anything. I just ate breakfast with him but I didn't talk to him. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi n'ya kagabi. Gusto ko siyang paniwalaan pero hindi rin mawala sa isip ko ang babaeng kasama n'ya kagabi... Pinagdududahan ko pa rin siya.
"Magsusuot ka n'yan?" tanong ni Cad saka itinuro ang one piece swimsuit na kinuha ko sa closet ng hotel. Mukha namang bago, e.
Hapon na rin naman at mukhang hindi na masakit sa balat kapag nag-swimming. Wala rin naman akong ginawa maghapon kundi magbasa ng mga libro habang nakabuntot sa akin si Cadence.
"Why? I'm gonna swim. What should I wear if not swimsuit then? Gown or something?" I asked and raised my eyebrow at him.
Shoot. I'm not supposed to talk to him, kaso ang ingay n'ya at ang daldal kaya hindi ko mapigilang kausapin siya!
Napaismid siya. "Ang dami mo namang sinabi. Tinatanong ko lang naman kung magsusuot ka n'yan. Galit ka kaagad," tila nagtatampong sabi n'ya saka napabuntonghininga.
Natahimik ako sa sinabi n'ya at napaiwas ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan. May punto naman siya. Bakit ang dami kong sinabi? Nagtatanong lang naman siya kung isusuot ko 'tong swimsuit.
Inismiran ko na lang siya saka agad na nagtungo sa banyo para magpalit ng damit. I wore the peach-colored ruffle one piece swimwear that I chose earlier. It looked good on me, I think. It's not that revealing but my cleavage is kinda exposed. I couldn't remember the last time I wore something like this. Siguro noong nagkaroon ng outing kaming mga teachers, 3 or 4 years ago.
Lumabas din agad ako pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko si Cad na nakaupo sa couch at mukhang naghihintay sa akin. Nakasuot siya nang medyo maluwag na sleeveless white shirt at itim na board shorts. Kitang kita ang matipunong braso n'ya sa suot n'yang 'yon... medyo nakaka-distract.
"Liah, tapos ka na mag--"
Hindi naituloy ni Cad ang sasabihin n'ya nang mapalingon sa akin. Kitang kita ko kung paano siya natulala at napalunok habang nakatitig sa akin. Agad namang nag-init ang mukha ko dahil gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa isip n'ya ngayon. Maganda ba ang suot ko? Bagay ba sa 'kin o baka naman mukha akong ewan.
Napailing na lang ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Ano naman kung hindi siya magandahan sa suot ko? Wala na dapat akong pakialam. Hindi ko dapat siya pinapansin o kinikibo man lang.
"B-Bahala ka kung balak mong tumulala rito. Lalabas na ako," sabi ko na lang saka nilagpasan na lang siya at lumabas.
Gusto ko ring sawayin agad ang sarili ko dahil kinausap ko na naman siya nang hindi ko namamalayan.
Naramdaman kong agad na sumunod sa 'kin si Cadence. Hindi ko na lang siya kinibo at nagpatuloy sa paglalakad. Nakarating na kami sa tabing-dagat. Agad akong napangiti at inalis ang tsinelas ko saka nilublob ang paa ko sa tubig.
Natigilan ako nang tumabi siya sa akin saka bumulong. "Bagay sa 'yo ang suot mo, Liah. Ang ganda mo," bulong n'ya saka bahagya na ulit na lumayo.
Hindi na lang ako nagsalita at pilit na pinakalma ang sarili ko. Hindi dapat ako magpaapekto sa mga gan'yang salitaan n'ya. Hindi ako sigurado, baka hindi lang ako ang sinasabihan n'ya ng mga gan'yan.
Lumusong na lang ako sa dagat at umupo nang umabot na sa hanggang tuhod ko ang tubig. Muli namang umupo si Cad sa tabi ko.
"Galit ka pa rin ba sa 'kin, Liah?" tanong n'ya sa mahinang boses.
Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung apektado rin ba siya sa nangyayari sa 'ming dalawa at pakikitungo ko sa kan'ya dahil napansin kong parang hindi siya masigla ngayong araw. Dapat masaya ako na hindi lang ako ang naapektuhan dito pero hindi ko alam kung bakit hindi ko naramdaman 'yon.
"Don't talk to me," sabi ko na lang saka tinalikuran siya.
Akmang lalangoy na ako palayo sa kanya ngunit agad n'ya akong nayakap mula sa likuran ko. Agad naman akong natulos sa puwesto ko at hindi kaagad nakagalaw dahil sa ginawa n'ya.
"Sorry na, Liah. Magpansinan na tayo ulit. Nami-miss na kita kakwentuhan sa gabi. Ayoko ng ganito tayo. Alam ko namang kasalanan ko dahil bigla kitang hinalikan noong nakaraan... alam kong doon nagsimula 'yon. K-Kung gusto mo magkaibigan lang talaga tayo at walang malisya, sige... pipigilan ko na lang ang nararamdaman ko sa 'yo. Basta h'wag mo na 'kong iwasan nang ganito. Please, Liah..." pakiusap n'ya saka mas hinigpitan ang yakap sa 'kin.
My pulse raced and my knees weakened. I can feel something familiar in my stomach right now but I chose to look normal and unaffected even though my system is in ruckus right now. Ayokong ipakita sa kan'ya na lumalambot ako sa ginagawa n'ya.
"Kamelliah Jomelyn, sorry na. Hmm? Magpansinan na tayo ulit. Please? Hindi na ako gagawa ng mga bagay na ayaw mo. Kahit na palagi akong naaakit na halikan ka, hindi na kita hahalikan. Kahit na gustong gusto kita, sige friends na lang tayo. Kahit na gustong gusto kita ligawan, sige hindi na kita liligawan... Kahit ano'ng gusto mo, walang kaso sa 'kin. Bati na tayo, please," bulong n'ya pa habang nakayakap pa rin sa akin.
Napabuntonghininga ako at inalis ang pagkakayakap n'ya sa 'kin saka hinarap siya. Napatitig ako sa gwapong mukha n'ya. Mukha ngang apektado talaga siya sa nangyayari sa aming dalawa.
"Oo na... magbati na tayo. Tama na ang mga kakornihan na sinasabi mo riyan," sabi ko na lang saka napabuntonghininga.
Para na lang matahimik na siya at bumalik na siya sa dati n'yang sigla. Kung tutuusin hindi naman dapat ako naiinis sa babaeng kasama n'ya kagabi... hindi ko naman siya boyfriend.
Halatang natigilan siya sa sinabi ko. Saglit pa siyang natulala habang nakatitig lang sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at napaiwas ng tingin sa kan'ya. Napapitlag na lang ako nang bigla n'ya akong yakapin. Hindi na lang ako pumalag at hinayaan siya... Bahala na.
Bahagya ring lumayo si Cad sa nakangiting tumingin sa mukha ko. Marahan n'yang hinaplos ang pisngi ko saka kinurot 'yon.
"Bati na ba talaga tayo, lods?" nakangiti pang tanong n'ya.
"Oo na nga. Kung ayaw mo, edi h'wag." Napairap ako saka inismiran siya.
Natigilan ako nang mapansing hindi nagsalita si Cad. Napatingin ako sa kan'ya. Nakatitig lang siya sa 'kin habang hinahaplos ang pisngi ko. Napalunok na lang ako dahil para na naman akong tinutunaw ng tingin n'yang 'yan. Napabuga siya ng hangin bago nagsalita.
"Liah, 'yung sinabi kong hindi kita liligawan at friends lang tayo... pwede bang bawiin ko 'yon?"