Chapter Eleven

2607 Words
"Liah, parang lalagnatin yata ako," pag-iinarte ni Cad saka yumakap sa baywang ko. "Cad, stop bothering me. I'm cooking," I said and tried to remove his arms around my waist but he didn't falter. He just hugged me tighter and buried his face on my neck. I just sighed and let him be. Kahit ano naman ang sabihin ko hindi siya hihiwalay sa akin. Mas lalo siyang naging clingy simula nang makauwi na kami galing sa bakasyon naming dalawa. Hinahayaan ko na lang siya dahil ayaw n'ya rin naman magpa-awat. Saka kahit hindi ko inaamin kay Cad, komportable talaga ako sa kan'ya. Komportable ako sa yakap n'ya, sa hawak n'ya, sa halik n'ya, sa pagiging clingy n'ya... Hindi ko na rin talaga alam ang ginawa sa akin ni Cadence. "Hindi ka ba naaawa sa 'kin? Lambingin mo rin naman ako. Lalagnatin talaga ako, promise. Sinisipon na nga ako, e," pagda-drama n'ya pa. "Kapag ba nilambing kita mawawala ang sakit mo? Hindi diba? Kaya inuman mo na lang 'yan ng gamot. Puro ka kalokohan," sabi ko na lang saka tinikman ang adobong niluto ko.  "Lambing mo lang katapat nito, lods. Pagkatapos mo diyan ha. Lambingan tayo," sabi n'ya pa saka bahagyang kinagat ang balikat ko.  "Why should we? You're not my boyfriend," I said and chuckled. I suddenly want to tease him "Lambingan tayo as friends," saad n'ya.  I looked at him and raised my eyebrow. "You're not my friend." "Hindi mo talaga ako  friend. Gwapong manliligaw mo 'ko," sabi na lang n'ya saka muling yumakap sa akin. Napailing na lang ako at sinubukang mag-focus sa niluluto kong adobo. Hinayaan ko na lang si Cadence na nakayakap pa rin sa akin. Kanina ko pa napapansin na iba nga ang boses n'ya at panay ang singhot n'ya. Mukhang may sipon nga talaga siya. Naligo kasi siya sa ulan kasma ang mga bata sa labas kahapon. Kakaiba talaga ang mga trip n'ya sa buhay. Papainumin ko na lang siya ng gamot pagkatapos naming kumain. Baka magkasakit nga talaga siya sa lagay na 'yan. "Let's eat," I said and removed Cad's arms on my waist. Hinawakan ko ang braso n'ya at pinaupo siya sa upuan. Akmang maghahain na ako pero agad n'yang hinawakan ang kamay ko at ako ang hinila n'ya paupo. Natigilan ako nang tumayo siya saka dinampian ng halik ang sentido ko.  "Ako na ang maghahain, Liah. Gawain 'yon ng mga gwapong manliligaw," nakangising sabi n'ya saka kinurot ang pisngi ko.  "Kapal ng mukha," bulong ko na lang saka hinayaan siyang maghain.  I just stared at him while he's preparing the food. I don't know if he's actually serious about courting me. I just let him do what he wants. He's sweeter and more clingy than before. Palagi n'ya rin akong binibili ng kung ano-anong pagkain at minsan tinutulungan n'ya ako sa mga paper works ko kapag gabi. Minsan naman kapag ayaw kong magpatulong, papanoorin n'ya lang ako hanggang sa antukin siya. I honestly want to take him and his actions seriously... pero may parte pa rin sa akin na natatakot. "Uminom ka ng gamot sa sipon mamaya pagkatapos mong kumain, baka lagnatin ka nga talaga," sabi ko nang umupo na si Cad ko at natapos maghain.  "Hindi na, sipon lang 'to, mawawala rin," saad n'ya. I touched his forehead to feel his temperature. "No, it's not okay. You're kinda hot," I mumbled and touched his neck too.  "Oo naman 'no, hot talaga ako," mayabang na sabi n'ya saka nagtaas-baba ng kilay sa akin. Napaismid na lang ako saka inalis ang pagkakahawak ko sa kan'ya. Hindi talaga siya matinong kausap kahit kailan.  Nagsimula na kaming kumain. As usual, panay kwento at daldal na naman ni Cad. But oddly, I don't find it annoying. My life have become brighter and more exciting since Cadence came. Siyempre hindi ko 'yon inaamin sa kan'ya. Baka magyabang pa siya at lumaki ang ulo. Mas maganda ng hindi n'ya masyadong alam ang iniisip ko tungkol sa kan'ya. "Liah, may tanong ako," biglang sabi ni Cad saka tumingin sa akin. "Hmm?"  "Ikaw ang may-ari ng bahay na 'to, diba?" tanong n'ya saka muling sumubo ng kanin. I nodded. "Hmm, pamilya ko ang may-ari ng bahay at lupang tinatayuan nito," sagot ko naman.  "Gano'n ba? Bakit hindi mo naisipang umalis dito o kaya ibenta 'to? I mean, parang medyo luma na kasi ang bahay na 'to. Pansin ko rin sa ibang mga nakatira dito, parang ayaw talaga nilang bitiwan ang lugar na 'to. Nai-kwento rin sa 'kin ni Manang Ising na may nagbalak na bumili nitong lugar na 'to sa malaking halaga pero halos lahat daw kayo hindi pumayag,," sabi n'ya naman saka uminom ng tubig. "May kanya-kanya kaming dahilan kaya ayaw namin umalis dito. Kagaya ko, umaasa pa rin ako, kahit malabo... baka biglang bumalik si Papa at hanapin kami. Siguradong itong bahay na 'to ang una n'yang pupuntahan kapag nangyari 'yon. Ito lang ang alam n'yang lugar kung saan kami pwedeng balikan. 'Yung iba naman hindi mabitiwan ang lugar na 'to dahil marami ng alaala ang nabuo. Halos buong buhay namin dito na kami nakatirang lahat. Iyon din ang dahilan kung bakit wala kaming balak ibenta 'to kahit na gaano pa kalaki ang ialok sa amin," sabi ko na lang saka napangiti. Saglit na natahimik si Cad. Pero saglit lang ay agad na rin siyang ngumiti sa 'kin saka kinurot ang pisngi ko. Napaismid na lang ako at hinampas ang kamay n'ya.  "Uminom ka ng gamot pagkatapos natin kumain," sabi ko saka muling tumuloy sa pagkain.  "Sabi ko sa 'yo lambing mo nga lang ang katapat nito, lods," tila nagmamaktol na sabi n'ya saka isinandal ang ulo sa balikat ko.  "Shut up. Finish your food before I kick you out of my house," I warned him.  Napasimangot na lang siya saka muling tumuloy sa pagkain. Pasimpleng napangiti na lang ako saka tinuloy na rin ang pagkain. Mamaya paggawa naman ng grades ang aasikasuhin ko.  "Ayaw mo ba talaga akong lambingin, Jomelyn?" tanong ni Cad habang nakapatong ang ulo sa kandungan ko.  "I said don't call me that," naiinis na sabi ko saka piningot ang tainga n'ya. Napadaing naman siya sa ginawa ko. Lihim akong natawa nang mapansing namula ang tainga n'ya. "Parang ewan naman 'to. Sabi ko lambingin mo 'ko, hindi saktan. Grabe ka na. Hindi ka na naawa sa 'kin," pagdadrama n'ya pa. "May gagawin pa 'ko, Cadence. Mamaya mo na ako kulitin," sabi ko saka ilong naman n'ya ang kinurot ko. "Oo na, kahit gan'yan ka gusto pa rin kita. Sana all, 'no? Kaya saan ka pa? Sa 'kin ka na lang," sabi n'ya saka ngumiti nang cute sa akin. Naningkit ang mga mata n'ya dahil sa ngiting 'yon.  "Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang saka inismiran siya. Natigilan lang kami nang makarinig ng katok sa pinto. Agad naming narinig ang boses ni Ate Delia na isa rin sa mga kapit-bahay namin. "Cad, sasali ka ba sa bingo? Sabi mo kahapon sasali ka, e," sabi ni Ate Delia habang kumakatok. Agad na napabalikwas ng bangon si Cad. "Yes po, wait lang lalabas na 'ko!" sabi ni Cad saka tumingin sa akin. "Magbi-bingo lang kami, Liah. Kasi ayaw mo naman ako lambingin, e," reklamo n'ya saka sinimangutan ako. "Do what you want," I said and shrugged.  I really can't spend time with him today. I still have a lot of paper works to take care of. Babawi na lang ako mamayang gabi... but wait, bakit kailangan kong bumawi? He's not my boyfriend or anything? Damn, we are starting to act like we're some sort of a couple. Kasalanan 'to ni Cad, masyado kasi siyang clingy sa akin! Nagsimula na akong magtrabaho. Pumwesto ako malapit sa bintana para makita si Cad sa labas. Napapailing na napangiti na lang ako nang mapansing tuwang tuwa siya na nakikipagbingguhan sa mga kapit-bahay.  "Sa letra ng O, kalbo! Tangina, bingo! Bingo ako!" sabi ni Cad saka ipinakita ang card n'ya kay Pearl. I just shook my head and tried to focus on my work. Cad is distracting me but I can't take my eyes off him. I never thought seeing him laugh and smile like that could be this enjoyable and entertaining. He's really cute and funny even though he's annoying most of the time. Natagalan din ako bago natapos sa ginagawa ko dahil napapatingin ako kay Cad sa tuwing tumatawa siya humihiyaw at humihiyaw na parang timang sa tuwing bumi-bingo siya. Mas naging maingay ang bingo session nila nang sumali si Cadence. Mukhang enjoy na enjoy rin naman sila na kasama siya.  "Ang duga, natalo ako ng twenty pesos. Tangina, babawi talaga ako bukas," reklamo ni Cad nang matapos na ang bingo nila.  Natatawang napailing na lang ako at itinuloy ang pag-init ng ulam namin kaninang tanghali. Medyo ginabi na sila bago matapos sa bingo.  "Cad, kakain na tayo maya-maya," sabi ko na lang saka tumingin sa kan'ya. My forehead creased when Cad slumped on the sofa. Why does he seemed so tired? Napagod ba siya sa bingo? Lumapit ako sa kan'ya. Pumikit si Cad saka napahawak sa sentido n'ya. Doon ko lang napagtanto na medyo namumula ang mukha n'ya. Agad ko namang sinapo ang noo n'ya pero agad ko rin 'yong inilayo dahil halos napaso ako sa init ng balat n'ya. "My goodness, Cad. You're burning," I mumbled and sat beside him. Cad looked at me and scratched his eyebrow. He immediately stood up and held his temple.  "Sa kwarto na lang ako. H'wag muna tayong magdikit ngayon, baka mahawa ka pa sa 'kin. H'wag kang mag-alala kasi mawawala rin naman 'to," sabi na lang n'ya. Hinabol ko siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa kwarto n'ya. Napailing na lang ako at agad na nagtungo sa kusina para ipagluto si Cad ng soup. Kahit naman sabihin n'yang mawawala rin 'yon, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala.  Kumuha na rin ako ng gamot sa lagnat at tubig saka nagtungo sa kwarto ni Cad. Naabutan ko siya na nakahiga sa kama n'ya habang balot na balot ng kumot. Napabuntonghininga ako at umupo sa tabi n'ya saka marahang tinapik ang braso n'ya.  "Cad, I made a soup for you. Eat this first para makainom ka ng gamot." Cadence looked at me and sighed. "Sabi ko baka mahawa ka sa akin." "Hindi ako mahahawa. Malakas ang resistensya ko. Sige na, bangon ka muna. Susubuan kita," sabi ko saka marahang hinaplos ang buhok n'ya.  Sinunod na lang ni Cad ang sinabi ko saka bumangon. Napangiti na lang ako saka inayos ang kumot n'ya. Kinuha ko na ang kutsara saka sinandok ang soup. Hinipan ko muna 'yon bago inilapit sa bibig ni Cad. Wala naman siyang nagawa at isinubo na lang 'yon.  Nang matapos na siyang kumain, pinainom ko naman siya ng gamot. Pinahiga ko na ulit siya pagkatapos dahil mukhang antok na antok na talaga siya. Akmang lalabas na ako ng kwarto n'ya para kumuha ng basang bimpo pampunas sa kan'ya pero agad n'yang hinawakan ang kamay ko.  I looked at him. He gave me his phone and stared at me. I raised my eyebrow in confudion. "Why?" I asked. "Take a picture of me, Liah," he said and closed his eyes. "For what?" nagtatakang tanong ko. "Post mo sa f*******: tapos i-caption mo... #OpenForDonations," sabi n'ya habang nakapikit pa rin. Naiinis na ibinato ko ang cellphone n'ya sa kama. "May sakit ka na nga, puro kalokohan pa 'yang iniisip mo," asik ko. Cad opened his eyes and looked at me. "Sungit," reklamo n'ya. Napailing na lang ako at lumabas na para kumuha ng maliit plangganang may tubig saka towel. Muli akong bumalik sa kwarto ni Cad at umupo sa kama n'ya.  He just stared at me and watched my every move. I just took the towel from the basin and squeeze it. I can feel Cad's intense stare at me but I just pretended like I wasn't affected by it and shrugged. "Pupunasan kita," sabi ko saka nagsimulang punasan ang kamay n'ya pataas sa braso n'ya. Hindi nagsalita si Cad. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang marahan ko siyang pinupunasan. Ang init ng balat n'ya, mukhang medyo mataas talaga ang lagnat n'ya. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala.  "Okay ka lang ba talaga, Cad? Ayaw mo bang magpa-check up?" tanong ko nang mukha naman n'ya ang pinupunasan ko. Cad didn't respond. Hs's still staring at me as if he doesn't see anything right now aside from me. I just bit my lower lip and avoided his gaze. Why is he staring at me like that? "May masakit ba sa 'yo? Sabihin mo lang. Sasamahan kita sa ospital kung hindi mo na kaya," sabi ko na lang saka marahang pinunasan ang pisngi n'ya. "H'wag kang mag-alala. Mawawala rin 'to kasi inaalagaan mo 'ko nang ganito." Natigilan ako at napatingin sa kan'ya. Seryoso siyang nakatitig sa akin kaya hindi ko agad naialis ang tingin ko sa mga mata n'ya. Tipid na ngumiti siya saka hinaplos ang pisngi ko.  "H'wag mo 'ko masyadong i-baby, Liah. Walang nag-aalaga sa 'kin kapag nagkakasakit ako. Baka masanay ako kapag ganito. Hindi maganda 'yon, baka lalo akong ma-fall sa 'yo tapos hindi na kita pakawalan," anas n'ya habang hinahaplos pa rin ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit tila nagwala ang mga paru-paro sa tiyan ko dahil sa sinabi n'ya. Hindi naman dapat ako maapektuhan sa gano'ng simpleng salita pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali lalo na ang puso ko. "D-Dapat naman talaga inaalagaan ang mga may sakit," nauutal na sabi ko na lang saka napaiwas ng tingin sa kan'ya. Cadence chuckled and pinched my cheek. "Damn, you're so cute... my baby," he mumbled and smiled at me.  I didn't say anything even though my heart is about to came out of its ribcage right now. I did my best to look cool and normal as if his words don't affect me at all. I looked at him. Tila nanginginig na ibinalot n'ya ang sarili ng kumot. "Sige na, Liah. Labas ka na, baka mahawa ka pa sa 'kin," sabi n'ya na lang habang balot na balot na ng kumot. Napatitig ako kay Cad. Mukha talagang lamig na lamig pa rin siya. Napabuntonghininga ako at humiga sa tabi n'ya. Halatang nagulat siya nang pumasok ako sa loob ng kumot n'ya saka niyakap siya... Ang init talaga ng katawan n'ya.  "Huy, Liah. A-Ano'ng ginagawa mo?" tila nauutal na tanong n'ya. "Shh, just close your eyes. I'll hug you like this until you fall asleep... para mabawasan kahit papa'no ang lamig na nararamdaman mo," sabi ko na lang saka mas inilapit ang katawan ko sa kan'ya. Sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib n'ya at mas niyakap siya sa baywang. "Ang kulit mo talaga, Kamelliah," anas n'ya saka marahang hinaplos ang buhok ko.  Napakagat ako sa loob ng pisngi ko nang maramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ni Cad. Mas humigpit ang kapit ko sa damit n'ya. Napabuga na lang siya ng hangin na tila pinakakalma ang sarili n'ya. "Kung wala lang akong lagnat ngayon, hahalikan talaga kita," usal ni Cad saka niyakap din ako pabalik. Napalunok na lang ako at napakagat sa ibabang labi ko. "Magpagaling ka. K-Kapag magaling ka na, papayag ako na halikan mo 'ko," bulong ko saka mas sinubsob ang mukha ko sa dibdib n'ya. Naramdaman kong mas lalong kumabog ang puso ni Cad dahil sa sinabi ko. Mas humigpit din ang yakap n'ya sa akin na ara bang ayaw na n'ya akong pakawalan. Natahimik na lang kaming pareho habang patuloy na nagyayakapan. Natigilan lang ako nang magsalita si Cadence. "Liah..." "Hmm?" tanong ko.  "Totoong nililigawan kita, Liah. Hindi ako nantitrip lang... talagang gusto kita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD