Chapter 9 : Paglilibot sa Elementa "Handa na ba kayo,Master Nathaniel?" Tanong sa akin ni Jayson. Nakatayo si Jayson malapit sa pinto ng aking kwarto at hinihintay niya akong makapaghanda. At nang masigurado kong presentable na ang aking itsura ay humarap ako sa kanya at sinabing handa na ako. Ngumiti na lamang si Jayson sa akin. Naglakad akong lumapit sa kanya at inaya ko na siyang lumabas. Humingi kasi ako ng permiso kay prinsipe Calik para mamasyal sa buong teretoryo nila. Hindi pa kasi ako nakakalakwatsya simula nang dumating ako dito. Tangin dito lang sa loob ng palasyo ako nakakulong. Binuksan na ni Jayson ang pinto at laking gulat na lang namin nang makita namin ang isang lalaking nakatayo sa harap ng aking kwarto. Nakasuot ito ng isang magandang kasuotan na parang may pupuntaha