Chapter 10 : Mundo ng Latoria Nakapaikot kaming lahat sa bilog na lamesa. Nakatayo at hinihintay ang sasabihin o ipapaalala ni mang Armando sa amin. "Alam kong alam na ninyo ang pasikot sikot sa buong Tribo ng Elementa ngunit ang hindi niyo alam ang mga nakapalagid ditong mga tribo." Panimula niya sa amin. Napatingin kaming lahat sa kanya at nakinig sa kanyang mga sasabihin. Ang Latoria! Ayon sa kanya, ang Tribo ng Elementa ay isa lamang tribo na matatagpuan dito sa mundo ng Latoria. Maraming tribo ang matatagpuan dito pero may limang bukod tangi. Isa na nga dito ang Tribo ng mga Elementa na kung saan nakatira ang mga nilalang na may kakayahang gumamit ng mga elemento. Pangalawa ay ang tribo ng mga Manlikmot o kung tawagin natin ay mga Warewolves o Lycans. Sa tribo na ito ay nahahati