Chapter 8 : Ang Pagsasanay Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni mang Armando sa aking kwarto dahil ngayon na ang simula ng aking pagsasanay sa pakikidigma o pakikipaglaban para sa pagsubok na aming tatahakin ni Nilo. "Nasaan yung mga nagsasanay dito,mang Armando?" Nagtataka kong tanong sa kanya nang makapasok kami dito sa kwarto ng pagsasanay. Wala kasi akong makita ni kahit isang kawal na nag-eensayo. Hindi gaya kahapon na marami sila. "Pinalipat po sila ng lugar para magsanay para maging maayos at walang sagabal ang inyong pagsasanay,Master." Sagot naman niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi at inilibot ang aking paningin. Wala namang nagbago sa ayos sa loob. Ilang saglit pa ay biglang may pumasok na dalawang lalaki. Isa na dito si Nilo at ang isa naman ay hindi ko