bc

The Magical Pact

book_age16+
739
FOLLOW
3.8K
READ
adventure
revenge
arrogant
prince
drama
comedy
bxb
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Nagbakasyon si Nathaniel sa kanyang lolo at lola sa Ilocos. Naging maayos naman ang kanyang pagdating doon hanggang sa mapansin niya ang bundok malapit sa kanilang tirahan.

Naghari ang koryusidad ni Nathaniel sa gubat na iyon dahil noong bata pa siya ay marami nang kwento ang kanyang lolo dito at pinagbawalan siyang pumasok o kahit na lumapit man lang sa lugar.

Pero dahil sa katigasan ng kanyang ulo, nangahas siyang pumasok dito. Sa pagpasok niya, doon na nagsimula ang pagbabago ng kanyang paniniwala.

Ano kaya ang nangyari sa pagpasok ni Nathaniel sa Gubat?

Ano kaya ang magiging kapalaran niya?

Sundan ang kwento ni Nathaniel at alamin natin kung ano ang "Mahiwagang Kasunduan"!

chap-preview
Free preview
Prologue
May isang gubat sa Hilagang Luzon ang pinaniniwalang kuta ng mga lamang lupa, halimaw at marami pang hindi pangkaraniwang elemento. Sa gubat na ito naninirahan ang isang tribo na kumukontrol sa banlanse ng kagubatan. Sila ang batas at sila ang masusunod. Dahil sa may mga tribong hindi tanggap ang katotohanang may mas mataas sa kanila, nagsasagawa sila ng mga plano upang pabagsakin ang tribo na iyon pero wala silang magawa kundi ang umatras dahil makapangyarihan ang tribo na ito. "Eh kuya naman eh, ilang ulit mo nang ikwenento sa akin ang tungkol diyan. Kabisado ko na yata yan eh!" pagmamaktol ng limang taong gulang kong kapatid. "Eh, ano bang gusto mong ikwento ko sayo?" tanong ko sa kanya. Wala na kasi akong alam na kwento kundi ang kwento ni lolo sa akin noong bata pa ako. "'Yung mga Superhero kuya! Gusto si Superman, " napailing na lamang ako sa sinabi ng bunso kong kapatid. "Eh, palagi mo namang pinapanood' yung mga pelikula ni Superman, ano pa ba ang ikwekwento ko sayo?" sagot ko naman sa kanya. Nakabusangot na ang kanyang mukha na nagsasabing nababagot na siya. "Matutulog na nga lang ako kuya, wala ka namang kwenta magkwento, eh! " aba ok tong batang to, ha! Siya na nga ang nagrerequest na magkwento ako,siya pa itong may ganang magreklamo. "Halika nga bunso, kiss mo nga si kuya, " lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng kiss sa aking pisngi. "Matulog ka na bunso, ha para magkasing pogi tayo paglaki mo " sabi ko sa kanya bago siya umalis sa aking kwarto at ako naman ay umupo sa aking study table para tapusin ang final requirement ko para sa isang subject. A werewolf or lycanthrope is a mythological or folkloric human with the ability to shape shift into a wolf or a wolf-like creature, either purposely or after being placed under a curse or affliction. Simula pa lang ng aking pag-aaral sa naibigay na topic sa akin ay napapailing na ako. May mga naniniwala pa ba sa mga ganito? Mga Werewolf,mangkukulam? At mga lamang lupa or mga engkanto? Eh sa mga libro at pelikula na lang sila nabubuhay, eh. Wala akong magagawa kundi ang ipagpatuloy ito kung gusto kong pumasa sa subject ko. The werewolf is a widespread concept in European folklore , existing in many variants which are related by a common development of a Christian Interpretation of underlying European folklore which developed during the Medieval period From the early modern period, werewolf beliefs also spread to the New World with colonialism. Belief in werewolves developed in parallel to the belief in withches, in the course of the Late Middle age and the Early Modern Period. Like the witchcraft trials as a whole, the trial of supposed werewolves emerged in what is now Swicherland in the early 15th century and spread throughout Europe in the 16th, peaking in the 17th and subsiding by the 18th century. The persecution of werewolves and the associated folklore is an integral part of the "witch-hunt" phenomenon, albeit a marginal one, accusations of werewolfery being involved in only a small fraction of witchcraft trials. During the early period, accusations of lycanthropy were mixed with accusations of wolf-riding or wolf-charming.  Wala talagang katuturan ang pinapagawa sa amin ng aming mga guro. Aanhin ko naman itong pag-aaral sa mga aso na ito eh gawa gawa lamang naman ito ng mga taong malilikot ang imahinasyon. Simula pa lang ng pag-aaral ko sa mga ito eh, naninikip na ang ulo ko! Marami pa akong isesearch na mga bagay na hindi makatutuhanan para lang sa requirement sa paaralan! Napailing na lamang ako sa aking kinauupuan. Dahil Friday naman ngayon, may dalawang araw pa ako bago ko tapusin itong pag-aaral sa mga Werewolf at kung ano-ano pang maituturing na kababalaghan .Tumayo na ako sa aking upuan at nagtungo sa aking kama at humiga.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
118.6K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.8K
bc

NINONG II

read
631.7K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
204.5K
bc

Stubborn Love

read
100.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook