Chapter 7 : Ang Pagsubok "Nais ka raw makausap ng mahal na hari,master Nathaniel." Napabalikwas ako sa aking kama nang marinig ko ang boses ni mang Armando mula sa lekrima ng komunikasyon na nasa tabi ng aking kama. "Opo, sandali lang at maghahanda lang ako." Agad kong sagot sa kanya. Tumayo na ako sa aking kama at nagtungo sa banyo para makaligo bago ako humarap sa hari. Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasang maalala ang naging pagsasanay ko sa kung paano kumilos, magsalita at makitungo ang isang Supress. Naging madali lang naman ang pagsasanay ko. Sa paglalakad ay wala akong naging problema at pati na rin sa mga kailangan kong tandaan. Sa kilos naman ay para nila akong ginawang robot noon dahil dapat daw ay tuwid na tuwid ang katawan, naka breast-out at hindi mawawala ang ngiti