Kasaysayan ng Tribo Elementa

2424 Words
  Chapter 6: Kasaysayan ng Tribo ng Elementa   Matapos ang tagpo namin ng anak ng hari ay hindi na kami nagkita o nag-usap ni Nilo. Nakipaghiwalay rin siya ng kwarto sa akin dahil ayaw daw niyang nakikita ang nakakasuka kong mukha. Kung makapagsalita yung lalaking yun akala mo kung sinong gwapo eh pareho naman kaming may ipagmamalaki.   "Master Nathaniel, handa na ba kayo?" Napatingin ako sa pinto nang may magsalita sa labas nito.   Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo sa kama at naglakad palabas ng kwarto kung nasaan ako. Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa aking paningin si mang Armando na seryoso pa rin ang mukha gaya ng una ko siyang nakita.   "Handa na po ako Mang Armando." Sagot ko sa kanya nang maisara ko ang pinto ng kwarto.   Kinausap ako ng Hari noong isang araw na kailangan ko raw pag-aralan ang ilang mga alituntunin sa kanilang tribo tulad na lang ng mga dapat at hindi dapat gawin, any kanilang kasaysayan, mga batas na dapat sundin at sinabi niya rin sa akin na kailangan ko raw pag-aralan ang pakikidigma. Ayun sa Hari, kailangan ko ang mga ito para maging isang mabuting asawa sa kanyang anak. Kahit na may plano akong iwanan ang anak niya pagkatapos ng kasal ay gagawin ko na lang para kung magloko ang anak niya ay madali lamang ako makakaganti sa kanya.   "Kung ganoon,Master ay sumunod po kayo sa akin." Anyaya sa akin ni mang Armando.   Nginitian ko na lamang siya at nang magsimula na siyang maglakad ay sumunod na lamang ako sa kanya.   Pumasok kami sa isang silid. Nalula ako ng makita ko ang napakalawak na silid na may malalaking mga kabinet na naglalaman ng mga napakaraming libro!   "Dito ang silid-aklatan ng palasyo. Nandito na ang lahat na kailangan mong malaman sa aming tribo." Sabi sa akin ni mang Armando na sinagot ko na lamang ng pagtango.   "Dito ka magsisimula. Lahat ng mga librong makikita mo ay iyong gagamitin at pagkatapos ay susunod naman ang mga kaugalian na kailangan mong malaman bilang kasapi sa pamilya ng Supress." Dagdag pa niya sa akin.   Matapos niyang magpaliwanag ay lumabas na siya sa silid at ako naman ay naiwan.   Napalunok na lamang ako habang inililibot ang aking paningin. Kaya ko bang basahin lahat ng librong nandito? Wala bang mga libro na ibibigay na lang nila? Yung mga mahahalaga lang? Kung babasahin ko ang lahat ng nandito, baka abutin pa ako ng isang taon bago matapos!   Wala na akong nagawa pa at nagsimula nang maglista ng mga librong hahanapin ko. Habang abala ako sa paghahanap ay biglang may pumasok na isang babaeng nakasalamin at tinawag ako.   "Kung may kailangan kang itanong tungkol sa mga libro dito ay maaari kitang matulungan. Hindi mo naman kailangang mabasa ang lahat ng nandito kasi may isang libro na nagawa para ibuod ang lahat na nandito." Dahil sa kanyang sinabi ay nabuhayan ako ng loob.   May isang libro dito na naglalaman ng lahat ng kailangan kong malaman! Hindi ko na kailangan pang isa isahin ang mga libro dito.   "Maari ko bang mabasa yung sinasabi mong libro?" Nakangiti kong tanongbsa kanya.   "Halika, sumunod ka sa akin." Anyaya niya sa akin.   Nang magsimula na siyang maglakad ay sinundan ko siya. Ilang saglit pa ay tumigil siya sa paglalakad. Napatingin ako sa kanyang harapan atbnakita ko ang isang napakalaki at napakakapal na libro.   "Yan na yung libro!?" Gulat kong tanong sa kanya.   "Opo,Master. Iyan na po yan." Sagot niya sa akin.   Napailing na lamang ako sa aking kinatatayuhan. Kung gusto kong mapadali ang lahat ay kakailangin kong basahin ang librong yan.   Binuklat ko ang libro at ang tumambad sa akin ay ang unang kabanata, Ang Tribo ng Elementa!   Limang araw din yata akong pabalik-balik sa silid-aklatan para tapusin ang ipinapagawa nila sa akin. Sa pamamalagi ko roon ay marami akong nalaman tungkol sa kanilang tribo.   Alam ko na noon na ang tribo ng mga Elementa ay ang lugar kung saan nakatira ang mga nilalang na may kakayahang kontrolin ang iba't ibang elemento pero ang hindi ko inaasahan ay ang kasaysayan nito.   Ang kanilang tribo ay nagsimula ilang daang taon na ang nakakalipas. Ayun sa kasaysayan, ang kanilang tribo ay ginawa ng apat na Elementa upang protektahan ito sa ibang tribo. Ang apat na ito ay may kanya kanyang elementong kinokontrol, ang hangin, tubig, apoy at lupa. Ang tatlo sa kanila ay naging Hari din ng Tribo maliban sa isa dahil isa siyang babae.   Si Amaya, ang unang elementang nakakontrol ng hangin. Siya ang naging dahilan ng unang digmaan sa Tribo Elementa. Ang tatlong hari noon na sina Ferros na komontrol ng apoy, si Gregor na komontrol ng lupa at si Geous na komontrol ng tubig ay pinag-agawan ang nag-iisang babaeng kayang mangkontrol ng elemento. Sa una ay naging payapa ang kanilang pagtutunggali sa puso ni Amaya ngunit noong gusto nang pumili ni Amaya noon ay doon sumiklab ang digmaan.   Kanya kanyang hukbo ang binuo ng tatlong hari para magpatayan para kay Amaya. Naging madugo ang labanan, walang nagpapatalo ni kahit na sino sa kanila at sa huli ay nagtagumpay si Ferros. Ngunit bago pa ibalita ni Ferros ang pagkakapanalo niya ay wala na sa Tribo Elementa si Amaya. Walang nakasulat kung saan siya nagpunta dahil walang binanggit si Amaya noong bumalik siya sa tribo.   Sa pagbabalik niya ay may kasama na siyang isang sanggol at isang lalaki na ipinakilala niyang kabiyak niya. Nagalit noon ang kasalukuyang hari na si Ferros kaya pinadakip niya ito. Nagkausap sina Amaya at Ferros noon at pinauwi ang lalaking kabiyak ni Amaya. Walang nakatala kung ano ang naging usapan noon sa pagitan nilang tatlo basta ang nabasa ko lang ay ang pag-alis ng lalaki ay siya ring simula kung saan magkakaroon ng kakayang komontrol ng mga elemento ang mga nilalang sa kanilang tribo kaya simula noon ay bawat nilalang dito sa tribo ay may kakayang komontrol ng iba't ibang elemento.   Sa pagkawala ng Unang hari na si Ferros, naging masusi ang pagpili sa susunod na hari at napagkasunduan nga na ang susunod na mga hari ay dapat kayang kontrolin ang apat na elemento. Naging matagal ang pagpili dahil wala silang mahanap ni kahit isang nilalang na kayang komontrol ng apat na elemento hanggang sa napansin nila ang himlayan ni Ferros na biglang may malaking punong tumubo dito.   Nagtaka silang lahat dahil sa paglitaw nito. Inobserbahan nila ito hanggang sa may mga salitang unti unting umukit sa puno. Hindi nila ito pinansin. Kaya sa paglipas ng panahon ay walang namuno sa kanilang hari. Naging magulo ang kanilang tribo. Ginamit nila ang mga kakayahan nila sa pagkontrol ng elemento para lamangan ang kanilang mga kalahing kunti pa ang kaalaman sa paggamit nito.   Sa paglipas ng panahon, may isang lalaki na may kasamang binata noon na naglakas loob na sambitin ang mga katagang nababasa doon. Pagkatapos basahin ng lalaki ang mga kataga ay biglang nagliwanag ang binata na nasa kanyang tabi.   Nabahala ang lalaki sa nangyayari sa binata. Lumayo siya ng bahagya dito at pinagmasdan kung ano ang mangyayari sa kasama niya. Ilang sandali pa niyang pinanood ang binata hanggang sa umangat ang lupa sa kinatatayuhan ng binata, umihip ng malakas na hangin ang paligid, ang tubig mula sa kapaligiran ay lumutan at ang palibot nito ay nag-apoy!   Dito nadiskobre kung paano magkakaroon ng apat na elemento ang isang elementa gamit ang mga salitang nabasa sa malaking puno kung saan nakahimlay ang unang hari na si Ferros. Dahil sa nangyari ay ang binatang kasama noon ng lalaki ang siyang naging hari ng tribo. Si Haring Argon.   Dahil sa nangyari kay Argon noon, ito ang naging batayan nila para magkaroon ng apat na elemento ang susunod pang mga hari. Pero tanging ang karapat dapat lang ang magkakaroon ng apat na elemento. Kahit pa na sambitin ito sa iba ay walang mangyayari kung hindi ito napili para mamuno.   Simula sa pamumuno ni Haring Argon ay nagkaroon ng kaunting kaayos ang tribo dahil sa takot ng mga mamayan ng tribo sa hari. Malakas ito at binayayahan din siya ng katalinuhan kaya hindi siya nahirapan na pamunuan ang buong tribo.   Sa paglipas ng panahon, ang lahi na ni Haring Argon ang namuno sa buong tribo. Naging masagana na rin ito dahil sa bawat pamumuno ay may mga pagbabago para mapaganda ang samahan ng mga nilalang sa kanilang tribo. At ngayon nga si Haring Gener na lolo ni Nilo ang nakaupong hari pero dahil sa katandaan at wala nang lakas na mamuno ay ang Anak niyang si Prinsipe Calik ang namumuno ngayon.   Ayun sa batas ng Tribo, saka lang maisasakatuparan ang seremonya ng pagbibigay ng tatlo pang elemento sa susunod na hari kung mamatay na ang kasalukuhang hari kaya sa ngayon ay hinihintay na lamang nila na mamatay ito bago koronahan si Prinsipe Calik.   Ayun naman sa batas ng kanilang tribo, parang wala namang pinagkaiba sa batas sa mundo ng mga tao maliban na lang sa paggamit ng kanya kanyang elemento. Nabasa ko noon na ang paggamit ng elemento sa masama ay mapapatawan kaagad ng kamatayan. Ito siguro ang dahilan kung bakit may kaayusan sa kanilang tribo dahil sa takot nilang mamatay.   Paano kung ganoon sa mundo ng mga tao? Yung mga r****t, drug p****r,drug user at yung may mga mabibigat na kasalanan ay patayin na lang nila para matakot ang mga tao na subukan ang mga iyon? Siguro ay magkakaroon ng katahimikan? Pero syempre may mga balakid! Bakit? Dahil sa paniniwala natin na ang pagpatay ng tao ay isang malaking kasalanan sa ating Maykapal. Kaya sa tingin ko ay matapang ang mga taong gumawa ng masama dahil alam nilang walang masamang mangyayari sa kanila kapag nahuli sila? Ewan ko lang, opinyon ko lang naman yun pero para sa akin? Dapat na sigurong ipatupad muli ang pagpapataw ng kamatayan sa mga may mabibigat na kasalanan na kriminal para magkaroon ng malaya at seguridad ang ating bansa pagdating sa mga krimen.   "Master Nathaniel, kanina pa po naghihintay ang magtuturo sa inyo." Tanong sa akin ni Mang Armando na nakatayo sa may pinto ng aking kwarto.   Ngayon ang araw ng simula sa pag-aaral kung paano kumilos ang isang maharlika o isang Supress.   Ewan ko ba kung bakit pa kailangang pag-aralan ang mga ito pero ayun kay mang Armando, kailangan ito para sa ikakabuti ng mga mahaharlika. Ang tribo ng Elementa kasi ay may tatlong antas ng pamumuhay. Ang pinakamababa ay ang mga tinatawag nilang Unin (yu-nin); sila ang mga nangangalaga sa mga pananim o sa mga pang agrekultura ng kanilang tribo. Sila rin ang kinukuha para pagsilbihan ang mas mataas na antas kaysa sa kanila. Ang pangalawa naman ay ang mga Patus na kung saan ilan sa kanila ay nakahiwalay sa mga Unin at sa pinakamataas na Antas. Ang ilan na kasapi dito ay mga mandirigma ng Palasyo, tagapayo o mga guro, tagabantay, panday at ilan pang mga propesyon na parang sa mundo ng mga tao. At ang pinakamataas ay ang Supress kung saan dito nabibilang ang pamilya ng kasalukuyang hari ng tribo. Pantay pantay naman ang turing sa mga Unin at Pantus. May karapatan silang makapag-aral kung paano gumamit ng mga elemento ayun sa kanilang kakayahan para tumaas ang kanilang antas. Maari ring maging Pantus ang isang Unin kung magsisikap ang mga ito at magkaroon ng ambisyong umangat pero pwede rin naman silang manatili na lamang kung ano ang ginagawa nila. Basta ganun, medyo nakalimutan ko na ang ilan sa mga nabasa ko. "Sumunod po kayo sa akin Master." Napabalik ako sa aking ulirat nang magsalita si mang Armando.   Napatingin ako sa kanya habng binubuksan ang pinto ng aking kwarto. Nang mabuksan niya ito ay sumunod ako sa kanya palabas.   Habanf naglalakad kami, ramdam kong may nakasunod sa amin. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa aking likod. Dito ko nakita si Nilo na nakataas pa talaga ang kilay na humarap sa akin.   "Kaya naman pala may mabaho akong naamoy, ikaw pa la yun?" Nakangisi niyang bungad sa akin na ginantihan ko naman.   "Tandaan mo Nilo na ang iyong bibig ay malapit sa ilong mo. Baka yang hininga mo lang ang mabaho?" Ganti ko sa kanya.   Napangiti naman ako nang huminga siya sa kanyang kamay at inamoy ito. Tanga!   "Hindi mabaho ang hininga ko! Baka ikaw? Sa pangit mong mukha na parang hindi naliligo, sa nakakainis mong presensya!" Sabi naman niya sa akin.   "Kung panit at parang hindi ako naliligo, paano na lang ang sarili mo? Eh parang mas dugyot ka nga sa akin eh!" Balik kong pang-aasar sa kanya.   Kitang kita ko ang paglaki ng kanyang ilong na nagsasabing naiinis na naman siya. Naglakad siyang palapit sa akin at nagtitigan kami sa isa't isa.   "Anong karapatan mong pagsalitaan ako ngvganyan? Isa ka lang dayo sa aming tribo at nakakalimutan mo yatang ako ang anak ng kasalukuyang namumuno sa tribong ito?" Sabi jiya sa akin na ramdam ang galit sa kanyang salita.   "Eh ano naman ngayon kung anak ka ng namununo ngayon sa tribo? Ang pagkakaalam ko ay pantay pantay ang bawat nilalang sa tribong ito, may kalayaan na sabihin ang gusto. Kung inaakala mong natatakot ako sayo? Nagkakamali kang unggoy ka! Kahit pa na mukha kang Multo!" Ganti ko naman sa kanya.   Napatigil siya sa pagsasalita kaya tumalikod na ako sa kanya. Naglakad ako palayo sa kanya at lumapit kay Mang Aemando na nakatingin lang sa aming dalawa.   Habang naglalakad ako, nakita kong napalaki ng mata si mang Armando. Tumigil ako sa paglalakad at sa paglingon ko ay nagulat ako sa sumalubong sa akin! Parang isang malaking alon ang bumagsak sa aking katawan!   Napatigil ako sa aking kinatatayuhan at pinagmasdan ang naglalakad na si Nilo. Nang makalapit siya sa akin ay bumulong siya.   "Yan, maligo ka muna para bumango kang basura ka!"   Nang makaalis na ng tuluyan si Nilo ay nilapitan ako ni mang Armando at tinanong kung ok lang ako.   "Hindi paggamit ng masama yung ginawa niya mang Armando? Parusagan ng kamatayan yun!" Sabi ko kay mang Armando habang nakayukom ang aking kaamo.   "Naku, master. Hindi mo ba nabasa ng maiigi ang nakasulat sa batas? Saka lang papatawan ng kamatayan ang gumamit ng kanilang Elemento kung nakapatay ito, kung may nagawang malaking kasalanan ang taong yun tulad na lang ng panggagahasa, pananakot at marami pang iba. Kung puro kalokohan ay ok lang na gumamit ka nito. Pero minsan ay may kaukulang parisa kapag sumombra na tulad sa kalokohan." Mahabang paliwanang ni mang Armando sa akin.   Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi at nagdesisyong bumalik sa aking kwarto para makapagpalit.   May araw ka rin sa aking Hayop ka!   Ngayon ay titiisin pa kita pero kapag ako hindi nakapagtimpi, papatayin talaga kitang gag* ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD