Si Prinsipe Nilo

2751 Words
Chapter 5: Si Prinsipe Nilo Nang makaupo na siya, may kinuha siyang isang bilog na bagay na nasa gilid niya. Para ito yung mga ginagamit ng mga manghuhula. Ilang saglit pa ay nagsalita siya. "Pakitawag si Armando na pumasok dito." Utos lang niya kung sino man ang kinakausap niya. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa akin. "Alam kong alam mo na kung bakit ka nandito. Ngayon, ang kailangan na lang natin ay ang iyong lagda na magsasabing pumapayag ka na pakasalan ang aking anak dahil ito ang nakatadhana. Sa paglagda mo ay magbabago na ang iyong buhay. Maaring ayaw mo pero wala na tayong magagawa pa kung gusto mong maging maayos ang iyong mundong pinagmulan at ang aming tribo. Nakasalalay lang sa pagpapakasal niyo ng aking anak ang kaayosan ng dalawang mundo." Sabi niya. Kahit na alam ko na ang tungkol sa sinabi niya ay tumango pa rin ako bilang pagbibigay ng respeto. Ilang saglit pa ay may pumasok na isang lalaking may hawak na parang scroll. Nang makalapit ang lalaki ay binuksan niya ito. Gusto ko mang basahin, hindi ko magawa dahil hindi ko naman maintindihan. May inabot ang lalaki sa akin na isang pluma at sinabi niyang pirmahan ko ang nasa huling linya. "Maari ko bang malaman ang kasunduan?" Tanong ko ulit kahit na alam ko naman kung ano ito.  Binasa ng lalaki ang nakasulat dito at ganon pa rin, kasunduan ng pagpapakasal ang nandito. Siguro naman ay walang mangyayari sa aking masama kung pipirma ako. Kahit pa na hindi ko pa nakikilala ang papakasalan ko, sigurado naman ako na magiging maayos ang lahat sa aking mundo. Alam ko kung ano ang magiging sanhi kapag hindi ako magpakasal kaya wala na akong magagawa pa. Ayaw ko naman na maghirap sina lolo at yung mga trabahador namin at mawalan sila ng kabuhayan dahil lang sa kasunduang ito basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang kaayosan ng bawat mundo. Nilagdaan ko ito at ibinalik sa lalaki. "Salamat, Armando. Pakitawag na lang si Nilo para makilala niya ang kanyang mapapangasawa." Utos niya sa lalaki na kinalaki ng aking mata. Anong sabi niya? Nilo? Hindi ba pangalan ng lalaki yun? "Mawalang galang po,mahal na prinsipe. Babae po ba ang anak niyo?" Tanong ko sa kanya. Tumitig siya sa akin at napangiti. "Hindi ba nasabi sayo ng Tagabantay na lalaki ang anak ko?" Balik niyang tanong sa akin. Lalaki? Hindi babae!? Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuhan dahil sa aking narinig! Nagkamali yata ako! Nagpadalusdalos ako ng desisyon! Hindi ko inalam kung sino at ano ang aking mapapangasawa! At ngayon nalaman kong lalaki pala ang anak niya! Parang gusto ko nang bumalik pa sa mundo kung saan ako galing. Mali, sobrang mali ang desisyon ko! "Pero, maari po ba kaming magpakasal kung pareho kami ng kasarian?" "Wala na tayong magagawa pa dahil ito lang ang sulosyon para maging maayos ang lahat." Sagot niya sa aking katanungan. "May isa pa pala, ang mahiwagang kasunduan noon ng lolo mo at ng ama ko ay may kalakip na pagsubok bago kayo magpakasal ng anak ko. Kung hindi niyo magagawa ang mga ito, katapusan na nating lahat." Pahabol niya. Hindi ako makapaniwala na nasasangkot ako ngayon dito dahil lang sa kasunduhan ng lolo ko at ng ama niya! Hindi ako makapaniwala! Hindi ako makapaniwala sa Magical Pact na si lolo at ang ama niya ang dahilan! "Kinalulungkot ko pong sabihin Mahal na prinsipe na ang anak niyong si Nilo ay lumabas ng tribo kasama ng kanyang mga kaibigan." Bigla akong napatingin sa lalaking nagsalita. "Na naman? Bakit hindi niyo pinigilan!?" Napatingin ako sa hari dahil napalakas ang kanyang boses sa pagtatanong. "Ginawa po namin ang lahat para pigilan siya ngunit wala kaming nagawa dahil sa kanyang banta, Mahal na prinsipe." Nakayukong sagot ni Armando sa hari. Napailing na lamang ang hari at pinalabas na lang niya ito sa silid. Pero bago siya lumabas ay sinabi niyang magpadala ng tagasilbi para samahan ako sa aking magiging kwarto. Wala pang sampong minuto ay may pumasok na dalawang babae. Sinabihan nila ako na sumama na lamang ako sa kanila. Bago kami umalis ay nagpaalam na muna ako sa mahal na hari. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasana ang mapatanong sa aking sarili. Bakit ba ako pumayag na sumama dito? Dahil ba sa nalaman ko na kapag hindi natuloy yung kasunduan ay manganganib o magkakagulo sa mundo kung saan ako nagmula? O dahil sa kahibangan ko at hindi pag-iisip kung ano ang magiging epekto nito sa aking buhay? Bakit kasi ako nagdesisyon ng basta basta? Bakit kasi hindi ko pinag-isipan ng mabuti ang mga gagawin ko? Ito ba ang tadhana ko? Ang mapakasal sa anak na lalaki ng hari sa mundong kinalalagyan ko ngayon? Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagsunod sa dalawang babae na nasa aking harapan. Kamusta na kaya sina lolo at lola? Hinahanap na siguro nila ako ngayon. "Nandito na po tayo." Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Nasa harap kami ngayon ng isang kulay gintong pinto. Ang isang babae ay may dinukot sa kanyang bulsa na susi at ilang saglit pa ay binuksan niya ito. Dahan dahang bumukas ang gintong pinto at sa pagbukas nito ay para akong nasilaw ng maliwanag na ilaw. "Pumasok na po kayo. Kung may kakailanganin po kayo ay gamitin niyo lang po ang lekrima ng komunikasyon na nasa gilid ng kama. Sambitin niyo lang po ang "tagasilbi" para masagot ka namin agad." Sabi niya sa akin na nagkanuot ng aking nuo. Lekrima ng komunikasyon? Sa aking pagkakaintindi ay para itong cellphone sa mundo namin. Siguro ay parang yung ginamit ng mahal na prinsipe kanina na bilog na parang sa mga manghuhula ang tinutukoy niya. Bago ako pumasok ay nagpasalamat na muna ako sa dalawang babae bago sila umalis. Pagpasok ko sa loob ay nalula ang aking paningin dahil sa lawak, sa ganda at sa mga palamuting nakakatindig balahibo. Bawat muwebles na makikita dito ay purong ginto. Ang kulay ng kwarto ay asul na ang sarap sa mata. Ang malaking kama na sa tingin ko kasya ang lima, ang linis ng loob nito. Parang nakakahiyang tumapak sa sahig dahil baka madumihan kahit kunti. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang isang pintuan. Lumapit ako dito at nang buksan ko, ito pala ay ang banyo. Malinis din ang loob nito at malawak din. Nakamarmol ang sahig, ang kubeta ay kasing kintab ng mga alahas at nakakaenganyong malaking bat tub na nasa gilid. Isinara ko na ang pinto at muli kong inilibot ang aking mga mata. Nakita ko ang malaking kabinet na nasa harap ng malaking kama. Naglakad ako at nagpunta sa kabinet. Binuksan ko ito at nakita ko ang maraming mga damit. Kung titignan ko ay parang pareho lang naman ang mga damit dito at sa mga damit sa aming mundo. Hindi yung karaniwang nakikita mo sa mga unang panahon. Siguro ay nag eevolve din ang kanilang fashion at ayaw nilang magpahuli sa makabagong mundo. Isinara ko ang malaking kabinet at muling naglakad pabalik sa kama. Ibinagsak ko ang aking katawan at sa hindi ko namamalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nang may marinig akong kumakanta sa labas. Dahil sa ingay na nililikha ng kumakanta ay naisipan kong silipin ito. Mabuti sana kung maganda ang boses niya pero sa pagkakarinig ko ay parang lasing ang taong yun. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko ang isang lalaki na nakaupo sa gilid ng isang fountain sa labas. May hawak siyang isang bote na sa aking palagay ay alak. Nakatingala lamang siya sa kalangitan na para bang may hinahanap. "Nasaan ka na ba? Bakit ayaw mong magpakita?! Nasaan ka na ba? Mahal kong ina!?" Pasigaw ang kanyang pagkanta pero randam kong may pinaghuhugutan siya. Sa liwanag ng buwan, nakita ko ang kanyang mukha. Isang lalaking may maamong mukha, papikit pikit ang kanyang mga mata dahil sa kalasingan pero hindi maitatago ito ang taglay niyang kagwapohan. Paulit ulit niyang kinakanta ang mga katagang yun hanggang sa natahimik siya at hiniga niya ang kanyang katawan sa sementong nakapaligid sa fountain. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at lumabas ako ng kwarto para puntahan ang lalaking lasing. Hinanap ko ang pwedeng daanan papunta doon sa lugar at swerte ko naman at nahanap ko ito. Paglabas ko ay patakbo akong lumapit sa nakahigang lalaki. Tinapik tapik ko siya sa kanyang balikat pero puro ungol lang ang isinasagot niya sa akin. Dahil ayaw niyang magising sa pagtapik ko ay sinubukan ko rin siyang tapikin sa mukha. Sa pagtapik ko sa kanyang mukha ay mas lalo kong nakita ang kabuohan ng kanyang maamong mukha. Napatitig ako dito na para bang nahipnotismo ako. Nakapikit ang kanyang mga mata ngunit litang na lutang ang ganda nito sa aking paningin at lalo na sa kanyang mapupulang mga labi. "Hoy,gumising ka!" Paggising ko sa kanya pero ungol pa rin ang sagot niya. Sinubukan ko siyang buhatin pero may pagkabigat siya at ng mabuhat ko ay napagtanto kong matangkad din itong lalaki. Siguro kapag nakatayo ito ng maayos ay mas matangkad siya ng kunti sa akin. Ibinaba ko na muna siya at muling bumalik sa mansyon para maghanap ng tulong. Swerte ko naman at may dalawang kawal na naglalakad kaya tinawag ko sila. Agad naman nila akong sinunod at bumalik sa fountain. Nang makarating kami sa lalaking nakahiga ay napailing ang dalawang kawal at pagkatapos ay binuhat na nila itong dalawa. "Dalhin niyo na lang sa kwarto niya yan. Sino ba yang lalaking yan at nagpakalasing ng todo!?" Nagtataka kong tanong sa dalawang kawal. "Siya po ang anak ng prinsipe, si Prinsipe Nilo." Sagot ng isang kawal sa akin. Napataas ako ng aking kilay dahil sa aking nalaman. Siya pala si Nilo. Ang anak ng prinsipe na namumuno at siya ang lalaking nakatakdang pakasalan ko. Napailing na lamang ako. Kung ganitong tao ang magiging asawa ko, hindi na nga babae ay lasenggero pa naku baka mapatay ko pa itong lalaking to! Kung pwede lang sana na tumanggi sa kasunduan ay ginawa ko na pero dahil inaaalala ko ang magiging bunga kung hindi ako magpapakasal, itutuloy ko na lamang. Kakausapin ko lang itong lalaking to na gagawin lang namin ang pagpapakasal para sa mga mundo namin. Siguro naman ay papayag siya sa aking kundisyon. Naglakad na kaming apat at nagulat na lamang ako ng tumigil kami sa kwarto kung saan ako galing. Ang ibig sabihin ay ito ang kwarto ng lalaking to? Ang kwarto kung saan ako matutulog!? "Teka,teka! Diyan ba ang kwarto ng Prinsipe niyo? Eh diyan raw ang magiging kwarto ko ah!" Napatingin sila sa akin dahil sa pagpigil ko sa kanila. "Ang pagkakaalam po namin ay kung saan ang silid ng Prinsipe ay doon din ang silid ng mapapangasawa niya." Sabi ng isa pang kawal. Napailing na lamang ako ng tuluyan na silang nakapasok. Inihiga nila ito sa kama at iniwan na kaming dalawa. Napahawak ako sa aking ulo. Ano na ang gagawin ko sa lalaking to? Ang baho pa nito dahil sa tapang ng alak na ininom niya! Napabuntong hininga na lamang ako at nagdesisyong linisin na muna siya para mawala ang amoy alak sa kanya. Ayaw ko naman na makitabi sa mabahong nilalang! Nagtungo ako sa lamesa kung nasaan ang lekrima ng komunikasyon at nagtawag ng mga katulong at nagpadala ako ng bimbo at maligamgam na tubig sa kwarto namin. Wala pang limang minuto ay pumasok na sila sa kwarto dala ang mga sinabi ko. Agad akong nagpasalamat at kinuha ang hawak nila. Nang makalabas sila ng kwarto ay agad ko nang inasikaso ang lalaking lasing! Una kong ginawa ay tinanggal ko ang kanyang sapatos at medyas. Mabuti at hindi naman mabaho ang paa niya kaya hindi ako nahirapan. Kasunod naman ay ang kanyang damit. Pagkatanggal ko nito ay napatigil ako dahil sa aking nakikita. Makinis, maganda ang hubog nito na may abs pa ang loko! Sa tingin ko ay hindi naman nalalayo ang katawan ko sa katawan niya. Parehong maganda ang katawan namin. Sinimulan ko na lamang na punasan siya sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan. Umuungol pa ang loko dahil sa ginagawa ko. Paano kaya kung bigwasin ko siya kahit minsan lang? Mararamdaman niya kaya? Napailing na lamang ako at itinuloy ang ginagawa ko. Pagkatapos ay nagpunta ako sa cabinet para kumuha ng damit niya at dinamitan siya. Nang masigurado kong hindi na masyadong amoy alak ang lalaki ay nakitabi na ako sa kanya sa paghiga. Nang makahiga ako tumalikod ako sa kanya at ipinik na ang aking mga mata. Kinabukasan, napatingin ako sa lalaking katabi ko. Mahimbing pa rin ang kanyang tulog at may kaunting hilik pa akong naririnig. Tumayo ako sa kama at nagpunta sa banyo para magmumog at maghilamos. "Nakahanda na po ang agahan at nais ng prinsipe na makasalo kayo rito." Bigla kong narinig pagkalabas ko ng banyo. Napatingin ako sa Lekrima ng komunikasyon at nilapitan ito. Sinabi kong pababa na ako. Wala na akong natanggap na sagot dito kaya nagmadali na lamang ako at lumabas ng kwarto. Pagkarating ko sa malawak na hapagkainan ay nalula ako sa dami ng pagkaing nakahanda. Nasa dulo ang hari at mag-isang nakaupo habang may dalawang kawal na nakatayo sa gilid niya. "Maupo ka na at samahan mo akong mag-agahan,Nathaniel." Anyaya niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at umupo sa isa sa upuan. "Kamusta ang tulog mo? Naging maayos ba?" Tanong sa akin ng hari. "Maayos naman po,Mahal na prinsipe." Maikling sagot ko dito. "Balita ko ay nakita mo ang aking anak sa labas kagabi na lasing at ipinasok mo ito. Ok lang ba siya?" Tanong ng hari sa akin. "Natutulog pa po siya,Mahal na prinsipe." Muling sagot ko. "Pagpasensyahan mo na lang si Nilo,Nathaniel. Sana ay magkasundo kayo sa bawat isa. Mabait naman yung anak ko, mabait na mabait." Sabi pa niya pero iba ang galaw ng kanyang katawan. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko alam kung ano ang uunahin kong kainin dahil sa dami ng nakahanda. Mukha namang masasarap lahat kaya titikman ko isa isa. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may sumigaw na lalaki papasok ng hapagkainan. "Magandang umaga,mahal kong ama!" Sigaw niya na nagpalingon sa akin sa direksyon niya. Nakataas ang kilay niya ng nakita niya ako. Naglakad siya palapit sa amin at nang tumigil siya sa pwesto ko ay pinagmasdan niya ako. "Sino naman itong lalaking parang kawal ama? Bakit siya nakaupo dito?" Tanong niya sa kanyang ama. Teka, ano ang sabi niya? Ako? Kawal? Hindi ba niya nakikita ang kagwapohan ko at napagkamalan niya akong kawal? Nakakagago to ah! "Siya,si Nathaniel,anak ang mapapangasawa mo." Sagot ng prinsipe sa kanyang anak. Kitang kita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay dahil sa nalaman niya. Alam kong nagulat siya pero hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi. "Ito? Mapapangasawa ko? Ano ako,tanga? Bukod sa lalaki ito eh hindi pa kaaya aya ang mukha! Mukhang may mga sakit pa siya sa balat at sa nakikita ko parang pulubi lang ito ah!" Sa mga sinabi niya, napatingin ako sa aking balat. May sakit sa balat? Makinis naman ang balat ko ha! Hindi kaaya aya ang mukha? Eh mas gwapo pa nga ako sa kanya! Mukhang pulubi? Ako? Mukhang pulubi? Dahil sa hindi maganda ang pasok ng mga salita niya sa aking tainga ay napatayo ako. Hinarap ko siya at tinaasan siya ng kilay. Ngumisi ako sa kanya at naglakad paharap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha pababa sa kanyang kwelyo at agad na hinila ito. Nagulat siya sa ginawa ko dahil sa paglaki ng kanyang mga mata. "Kung makalait ka,wagas ah! Kung ganun ang tingin mo sa akin, paano na lang ikaw!? Lasenggerong buwaya na hindi alam ang ginagawa! At kung hindi mo alam, mas maganda pa ang kutis at katawan ko sayo. Baka kapag nakita mo katawan ko, baka mabading ka pa sa akin eh!" Sabi ko sa kanya at pagkatapos ay itinulak ko siya. Humarap ako sa hari na akala ko ay galit pero nakangiti siya sa akin na pinagtaka ko. "Busog na po ako,Mahal na Hari. Excuse me po kasi nasusuka ako sa mukha ng anak mo!" Sabi ko pa sa prinsipe na mas lalaong nagpangiti sa kanya. Hindi ko na lang pinansin ang prinsipe at lumabas na lang ako palayo sa hapag kainan. Gagong yun! Kung makaasta parang ang gwapo gwapo niya eh mas lamang naman ako sa kanya! Kung ganyan lang ang ugali ng lalaking yun, naku hindi ako magpapatalo! Ipinanganak akong lumalaban kaya kung ano ang gusto niya, pagbibigyan ko siya! .....................  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD