Chapter 4 : Tribo ng Elementa
"Abra la puerta!"
Narinig kong huling sambit ng lalaking kasama ko. Nandito kami ngayon sa gitna ng gubat at nakaharap sa isang malaking puno na sa pagkakaalam ko ay isang acacia.
Nakataas ang kanyang kaliwang kamay at nakapikit. Ilang saglit pa ay biglang may kulay asul akong liwanag na nakikita. Nagkokorte itong bilog at pagkatapos ay unti unti itong parang bumubukas.
"Halika na, hinihintay ka na nila." Pag-aya ng lalaki sa akin.
Napalunok ako ng aking laway at tinignan siya. Nakangiti na sinasabing huwag akong matakot.
Tama ba itong gagawin ko?
Tama ba itong desisyon ko?
Pumikit ako ng aking mga mata at sa pagdilat ko ay siyang hudyat para gumalaw at sumama sa lalaki. Nauna siyang naglakad papasok sa lagusan na kanyang ginawa. Bago siya tuluyang makapasok ay tinignan at ngumiti na muna siya sa akin. Nang makapasok na siya ay sumunod naman ako.
Habang palapit ako nang palapit sa lagusan, nakakaramdam ako ng lamig. Hindi ko na lamang ito pinansin at nagmadali akong pumasok dito.
Sa pagpasok ko, parang may malakas na gravity akong naramdaman dahil sa biglaang paghigop nito sa aking katawan. Naluha pa ang aking mga mata habang patuloy akong naglalakbay. Hindi ko na makita ang lalaking kasama ko kanina. Purong itim na kapaligaran lamang ang aking dinaraanan.
Sa isang iglap, napasapo ako sa aking pwet dahil sa biglaang pagbagsak ko sa lupa. Nang iangat ko ang aking ulo, nakita ko ang lalaking kasama ko na nasa aking harapan. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin para tulungan akong tumayo.
"Halika na, siguradong magiging masaya si Amang kapag nakita ka niya." Anyaya niya sa akin.
Napatango at napangiti na lamang ako sa kanya at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang hindi ilibot ang aking paningin. Maraming kahoy ang makikita. May mga huni ng mga insekto. At marami pang iba. Parang normal lang naman na gubat ito kagaya ng mga gubat sa atin pero may pakiramdam akong kakaiba sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero sana ay magigingvok lang ako dito.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasan ang hindi mapatanong.
"Nasaan ba tayo at saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Itong kinalalagyan at linalakaran natin ngayon ay parte pa rin ng gubat kung saan tayo nanggaling kanina pero ang kaibahan lamang ay ang gubat na ito ay puno ng hiwaga. Kung tatanungin mo kung anong hiwaga ang sinasabi ko, hindi mo na kailangan pang malaman dahil hindi ka naman dito titira. Titira ka sa aming tribo kung saan tayo pupunta ngayon. Ang tribo ng mga Elementa!" Mahabang sagot niya sa akin na pinagtaka ko.
Tribo ng mga Elementa?
Napag-aralan ko ang tungkol dito noong gumagawa ako ng requirement ko sa paaralan. Ang mga Elementa ay ang mga nilalang na kayang kontrolin ang mga elemento tulad na lang ng apoy,tubig,hangin at lupa. Ayun sa pag-aaral ko noon ay sila ang nagbabalanse ng kaayosan sa mundo lalo na sa ating kalikasan. Sila ang may kakayahang magbigay ng tubig at hangin, sila rin ang nangangalaga sa mga yamang lupa at mga halaman. Ang akala ko ay kahang-isip lamang ang tungkol sa mga ito pero ngayon ay pupuntahan ko pa talaga!
"Kung wala pong problema, pwede ko bang malaman ang buong kwento kung bakit ako nandito ngayon?" Tanong ko sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na ako ang may gustong pumunta dito dahil sa narinig kong usapan nila ni lolo pero ang pinagtataka ko ay bakit damay ako sa kung ano man yung sinasabi nilang kasunduan nina lolo at yung Amang na yun.
"Nagsimula ito apat na dekada na ang nakakaraan. Ang iyong lolo noon ay dalawangpot-anim na taong gulang pa lamang noon habang si amang ay mahigit tatlongpong taon na. Hindi namin alam kung papaano siya nakapasok noon dito sa aming mundo basta ang sinabi lamang ng lolo mo noon ay kasama niya noon ang kanyang ama na nangangaso sa gubat hanggang sa may tumawag daw sa kanya sa puno kung saan tayo dumaan kanina.
Noong panahon na iyon ay hindi alam ng lolo mo kung paano siya nakarating dito. Naging palaboy siya sa kagubatang nilalakaran natin ngayon hanggang sa may nga nilalang siyang nakita. Ang mga nilalang na ito ay sina Amang kasama ang limang mandirigma. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may sumugod noon kina Amang na taga ibang tribo. Dahil marami sila ay hindi nakaya nina Amang na labanan sila pero dahil sa lolo mo na may hawak na sandata sa pangangaso na kung tawagin niyo ay baril, madaling naubos ang mga sumalakay kina Amang. Dahil sa pagliligtas ng iyong lolo noon kay Amang, dinala niya ito sa aming tribo at ipinakilala sa lahat. Laking pasasalamat namin sa lolo mo noon. Dahil sa kanyang kabayanihan ay nakauwi si Amang na ligtas kaya binigyan siya ng pagkakataon para humiling. Hiniling lamang ng iyong lolo noon na makauwi kaya agad namang inutos ni Amang sa Tagabantay na samahan siyang umuwi sa kaniyang mundo. Noong nakauwi na ang iyong lolo ay parang walang nagbago dito sa amin pwera na lang sa kasaysayan na may nakarating ditong isang mortal.
Makalipas ang ilang taon, bumalik ang iyong lolo dito para humingi ng tulong. Ayun sa kanya ay namamatay ang mga tanim nila sa bukid ,walang tubig at ang lupa ay hindi magandang pagtaniman noon dahil sa la nino at epidemyang kumalat sa mga taniman. Nakiusap siya noon kay Amang na siyang pinuno ng aming tribo na kung maaari ay gumawa sila ng paraan para masagot ang kanyang problema pero dahil sa laki ng hinihiling ng iyong lolo ay kailangan niyang magkasundo dito. Ganito ang batas namin sa aming tribo, kung may hihilingin kang malaking bagay ay may kasunduang kapalit dahil kung wala ay hindi maibibigay ito.
Ang naging kasunduan nila ay ang pagpapakasal ng anak ni Amang sa anak ng lolo mo na agad namang sinang-ayunan ng lolo mo dahil sa pangangailangan. Mabilis na nagsumpaan sina Amang at lolo mo gamit ang kanilang dugo. Pagkatapos nun ay bumalik na ang iyong lolo sa mundo niyo.
Pero noong nasa husto ng gulang ang anak ni Amang at kailangan na niyang palitan ito, pumunta si Amang sa lolo mo para kunin at sundin ang nagpakasunduan pero hindi ito natupad. Bakit? Dahil ang anak ni Amang ay isang lalaki at ang anak ng lolo mo ay isa ring lalaki. Nakiusap noon ang lolo mo na kung maari ay kalimutan na lamang ang naging kasunduan dahil hindi maaari ang magpakasal ang dalawang taong pareho ang kasarian. Hindi pumayag si Amang sa naging hiling ng lolo mo pero wala nang nagawa pa si Amang noon ng malaman niyang kasal na pala ang anak ng lolo mo.
Bago umalis si Amang sa mundo niyo, sinabi niyang ang magiging apo niya ay magpapakasal sa anak ng anak niya dahil kung hindi ay gugulo sa mundo niyo pati na rin dito sa mundo namin dahil kung hindi matutupad ang kasunduan, hindi magiging Supremo si Amang kapag siya ay namatay."
Mahaba niyang kwento sa akin na agad ko naman naintindihan. Ibig sabihin nito ay nagsimula ang lahat ng ito sa kasunduan ni lolo at ni Amang. Noong una ay hindi nangyari dahil parehong lalaki ang mga anak nila kaya ngayon, kaming mga apo ang magpapatuloy.
Ano kaya ang itsura ng apo ni Amang?
Maganda kaya?
Sexy?
Maputi?
Sana ay hindi ko pagsisihan ang desisyon ko.
"Ano pala yung sinasabi mong pagiging Supremo ni Amang kapag namatay?" Wala sa lugar kong tanong sa kanya.
"Ang mga nagiging pinuno ng mga Elementa ay nagiging Supremo kapag sila ay namatay. Ito ay ang pinakamataas na antas ng pagiging Elementa. Kung hindi mo naitatanong, kaming mga Elementa ay may kakayahang manipulahin ang iba't ibang elemento. Tubig, hangin,apoy at lupa. Si Amang ay kayang manipulahin ang hangin noon at kapag naging pinuno ang isang Elementa ay may ginagawang ritwal para ibigay ang tatlo pang elemento na hindi niya kayang gamitin. Kapag namatay ang pinuno, magiging isang Supremo siya. Kapag sinabing isang Supremo dito sa amin, siya ay magiging mahiwagang puno na kung saan ay ito ang dahilan ng kaayusan ng aming mundo at sa mundo ng mga tao. Kapag hindi nangyari yun, magiging delikado ang lahat." Sagot niya sa akin.
"Siguro naman ay marami nang naging supremo ng inyong lahi. Ano pa ang silbi ni Amang na maging supremo kung marami namang mas nauna sa kanya?" Tanong ko muli.
Hindi ko kasi maintindihan kung bakit pa kailangang maging Supremo ni Amang kung marami nang naging Supremo sa paglipas ng panahon dito. Siguro naman,hindi lang si Amabg ang naging pinuno dito at marami na rin mas unang naging pinuno bago siya,hindi ba?
Napailing siya ng kanyang ulo at tumingin sa akin.
"Sa pagkawala ng isang pinuno ng aming tribo ay siya ring pagkawala ng naunang Supremo. Ang ibig sabihin ay mawawala ng tuluyan ang naunang Supremo kapag namatay na rin ang pinuno kaya kailangan palitan ng kasalukuyang pinuno ang mawawalang Supremo." Sagot niya sa akin.
Napatango na lamang ako sa kanyang sagot. Naintindihan ko naman ang kanyang paliwanag kaya tumahimik na ako at sumabay sa kanya sa paglalakad.
Makalipas pa ang ilang oras na paglalakad ay bigla siyang tumigil. Nakatayo ako sa kanyang likod kaya hindi ko nakikita kung ano ang nasa harapan.
"Maligayang pagdating sa aming tribo!" Nakangiti niyang sambot sa akin.
Naglakad ako palapit sa kanya para makita ko ang itunutukoy niyang tribo. Napaangat ako ng aking ulo dahil ang sinasabing lugar ay nakalutang sa himpapawid. Nagtataka man ako ay hindi ko na nagawa pang magtanong sa kasama ko. Ilang saglit pa ay bigla ko na lamang naramdaman ang kamay ng kasama ko sa aking balikat at sa isang ihlap ay bigla ay dahan dahan kaming napapaangat.
"Isa akong Elementa na kayang kontrolin ang hangin kaya huwag kang matakot." Sabi niya sa akin.
Napatingala na lamang ako habang papalapit sa kanilang lugar na nakalutang. Ilang saglitbpa ay humarap kami sa isang malaking tarangkahan at sumigaw ang lalaki ng "Abra la Puerta!" Na hindi ko alam ang kahulugan.
Nang bumukas ang tarangkahan ay nakalutang pa rin kaming pumasok at nang meron ng lupa ay bumababa na rin kami at naglakad.
"Sumunod ka sa akin papunta sa palasyo." Utos niya sa akin na agad ko namang sinang-ayunan.
Muli na naman kaming naglakad at habang naglalakad kami ay ipinapaliwanag niya ang kabuohan ng kanilang tribo.
Ang kanilang tribo ay nahahati sa apat ayun sa elemento na kayang kontrolin ng mga nilalang dito. Ang mga nilala na komokontrol sa tubig ay nasa hilagang bahagi, ang apoy ay nasa kanluran, ang lupa ay nasa silangan at ang hangin ay nasa timog at itong nilalakaran namin ay ang teretoryo ng mga nilalang na komokontrol sa hangin.
Habang naglalakad kami, may nakikita akong mga nilalang na nagsasanay sa kanilang elemento. Kung titignan ang kanilang anyo ay parang mga tao. Walang pinagkaiba sa katawan natin sa katawan nila pero ang kaibahan lang ay sila ay may kakaibang kakayahan.
May napapatingin sa amin habang naglalakad. Kung titignan ang kanilang pamumuhay ay parang normal lang din. May mga elementa na nagtatrabaho tulad ng pagtitinda ng kung ano ano, meron din yung mga namamasyal lang basta parang sa mundo ng mga tao lang.
Sa hindi ko namamalayan ay malapit na pala kaming makarating sa sinasabi niyang palasyo at wala pang sampong minuto ay nakarating din kami sa kulay gintong gate ng palasyon. Agad naman itong bumukas kaya sabay kamingbpumasok ng lalaki. Muli kaming naglakad patungo sa kulay bughaw na pintuan na may nakatayong dalawang gwardya na maybhawak na tig-isang malaking sibat. Nang makalapit kami aybagad nilangbbinuksan ang pintuan.
Nang makapasok kami ay namangha ako sa nakikita ng aking mga mata. Napakalawak, napakalaki at punong puno ito ng palamuti. Mula sa nakakalulang chandelier hanggang sa mga naglalakihang canvas na litrato ay napapanganga ako. Sa mga palamuting ginto sa paligid, sa mga naggagandahang halaman na dekorasyon ay para akong nasa isang palasyo na sa fairytale lang nababasa at nakikita!
May mga nakikita akong abala sa paglilinis, may mga nakatayo na halatang mga gwardiya at meron din yung mga normal lang na parang may inasikaso lang dito sa loob ng palasyo. Inaya niya akong pumunta sa bulwagan kung nasaan ang hari ngayon na namumuno sa kanila. Napakahina na raw kasi ni Amang kaya hindi na niya kaya pang pamunuan ang kanilang tribo kaya ang anak na niya ang punalit sa kanya.
Ilang minuto pa na paglalakad, nakaharap na naman kami sa isang malaking gintong pintuan na may dalawang gwardya na nakabantay. Agad nila itong binuksan ng makalapit kami at ilang saglit pa ay tumambad sa akin ang isang napakalawak na silid. Hindi ko na nabigyan pa ng pansin ang kabuohan nito dahil sa isang lalaking nakaupo sa malaking trono na sa tingin ko ay siya ang hari o pinuno ngayon.
Nakita kong tumayo siya sa kanyang kinauupuan at kami naman ay patuloy sa paglalakad.
"Maligayang pagdating sa aming tribo!" Bungad niya sa akin.
Tinignan ko ang lalaking kasama ko kanina na ngayon ay nakayuko. Dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko ay ginaya ko na lamang ang lalaki at yumuko rin ako.
"Kamusta ang inyong paglalakbay? Naging matiwasay ba?" Tanong niya sa amin.
"Naging matiwasay naman, Mahal na prinsipe." Sagot ng lalaki na nasa aking tabi.
"Kung gayon, maari ka nang umalis at umuwi ka na muna sa iyong pamilya. Magpapadala na muna ako ng pansamantalang Tagabantay para makapagpahinga ka na muna." Utos ng hari sa lalaking kasama ko.
Yumuko naman siya sa hari at nagpaalam. Bago siya umalis ay sinabihan niya akong huwag akong matakot dahil ligtas naman daw ako dito.
"Ano ba ang pangalan ng apo ni Lukas?" Tanong niya sa akin.
Ang Lukas na sinasabi ng hari ay ang aking lolo.
"John Nathaniel, Mahal na prinsipe." Pagpapakilala ko sa kanya.
Nginitian niya lamang ako at nakita kong naglakad siya pababa sa kanyang trono. Hindi ako makagalaw ng unti unti siyang lumapit sa akin. Inikotan na para bang kinikilatis. Ilang saglit pa ay humarap siya sa akin at nakangiting tumitig
"Sa tingin ko ay magkakasundo kayo ng anak ko,Nathaniel." Sabi niya lang sa akin at bumalik na siya sa kanyang trono.
Sana nga magdilang anghel siya.
Sino kaya ang anak niya?
Ano kaya ang itsura?
Magiging maayos ba ang lahat
O
Pagsisihan ko kapag nakilala ko na siya?
.........................