chapter 5

1412 Words
Sabay kaming nag-agahan ni Ate Sylene. Lihim kong hinahanap si Dominique nang hindi ito dumating nang magsimula na kaming kumain ni Ate pero pinigilan ko ang sariling magtanong. Nakaramdam ako nang konting disappointment pero agad ko itong binalewala. Mukha ngang hindi apektado si Ate Sylene na wala ang asawa niya kaya ano ba ang karapatan kong magpaapekto? Habang tumatagal ay medyo naririndi na ako sa pagkukwento ni Ate Sylene pero hindi ako nagrereklamo. Hinayaan ko lang siyang magkwento nang magkwento habang hinihintay na makaramdam siya ng pagod at kusang manahimik. Sanay naman akong may nag-iingay habang kumakain ako at ang kaibahan lang ay masayang-masaya iyong tono nang kasalukuyang nagsasalita kumpara sa laging galit na boses ni Papa tuwing pinapaalmusal ako ng sermon. "Gusto mo ba samahan kita sa bago mong school?" "Excuse me?" Hindi ko mapigilang magtaas ng kilay dahil sa biglang offer ni Ate Sylene. "Hindi na po ako bata, Ate. Kaya ko na pong pumasok mag-isa," paalala ko sa kanya. Kanina ko pa napapansin na itinuturing niya akong bata at mukhang nakakalimutan niya yatang nasa tamang edad na ako. "Sayang nga... hindi ko man lang naranasang ihatid ka noon." Bahagya akong napaisip sa naging sagot niya at sa nahihimigan kong paghihinayang sa kanyang tono. Pinag-aralan ko ang nakabukas na emosyon sa kanyang mukha upang matukoy kung seryoso ba siya sa gusto niyang ipahiwatig. Nakapagtataka lang kasi dahil naalala ko no'ng bata pa ako na ni minsan ay hindi ako naihatid ni Papa o maging ng madrasta ko sa paaralan, sa halip ay laging iyong yaya ko ang gumagawa niyon pero itong pinsan ko na hindi ko palaging nakikita at hindi ko naman gano'n ka-close ay pinanghihinayangan ang pagkakataong hindi niya ako naihatid. Resulta ba ito nang kawalan ng anak sa loob ng ilang taong pagsasama nila ng asawa niyang si Dominique? "Pero pwede naman sigurong ako iyong maghahatid sa'yo ngayon. Hanggang gate lang naman ako para na rin maituturo ko sa'yo iyong pasikot-sikot papunta roon," muli ay excited niyang pahayag. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyong lungkot na dumaan kanina sa mga mata niya dahil mabilis din naman agad bumalik ang masaya niyang disposisyon. "Sure," wala sa sarili kong sagot at agad na iniwas ang tingin sa kanyang mukha. Hindi ako komportable sa kakaibang saya na ipinapakita niya sa'kin. Hindi talaga siya nakakabuti sa maitim kong budhi! Ayokong mahawa sa pinapakita niyang kabaitan! "Good morning." Mabilis ang ginawa kong paglingon sa bagong dating. Worth it ang muntik nang pagkaka-sprain ng leeg ko sa pabigla kong ginawa dahil tumambad sa paningin ang kanina ko pa inasam-asam na masilayan. Pasimpleng pumasada ang mga mata ko sa katawan ni Dominique nang lumapit ito kay Ate Sylene at humalik sa pisngi ng huli. "Mabuti at nakaabot ka pa sa agahan," nakangiting sabi rito ni Ate Sylene. "Sinadya ko talaga para sabay tayo," tugon nito kay Ate bago umupo sa bakanteng upuang inilaan yata talaga para dito dahil kahit wala kaninang nakaupo roon ay may nakahandang plato at mga kubyertos. Pinanood kong inaasikaso ni Ate si Dominique. Hindi ko nagugustuhan ang eksena nilang mag-asawa sa harapan ko. Nabubuhay iyong inggit sa puso ko at lumalakas iyong paghahangad ko na pumalit sa posisyon ni Ate. Balak ko lang namang gamitin si Dominique upang gumawa ng eskandalong ikawiwindang ng pedestal na kinaroroonan ni Papa at ng babaeng ipinalit nito sa tunay kong ina kaya hindi ko nagugustuhan ang kasalukuyang pagkakagulo ng damdamin ko. Nang bahagya akong mag-angat nang tingin ay napahigpit ang kapit ko sa hawak na kubyertos dahil nakasalubong ko ang matiim na titig ni Dominique. Bakit gano'n siya makatingin sa'kin habang nasa paligid lang ang asawa niya? Hindi niya ako dapat tingnan sa kahit na anong paraan dahil nilalagyan ito ng malisya ng malikot kong imahenasyon. Wala namang mali sa ginagawa niyang pagtitig pero ang mali ay ang nararamdaman kong pag-iinit. Kakaibang init na gustong tumupok maging sa kakarampot kong pagtitimpi. "Wala ba kayong planong magpinsan sa araw na ito?" Napalunok ako sa sumunod na tanong ni Dominique. Nasa akin pa rin ang tingin niya pero alam kong hindi para sa'kin ang tanong. "Bilang unang araw ni Leziel dito sa atin ay isasama ko siyang mag-shopping at bibilhin namin lahat nang gusto niya!" masayang sagot ni Ate Sylene. Hindi ko alam kung kailan ako pumayag na sumama gayong wala naman kaming napag-usapang gano'n. Dahil ayaw ko namang mabawasan ang kasiyahan at pananabik na pinapakita ni Ate Sylene ay hindi na ako kumontra pa. Wala namang problema kahit pinapangunahan na niya ako. Ang mas inaalala ko pa nga ay ang asawa niya na wala yatang balak na lubayan ako nang tingin. Resulta ba ito nang ginawa kong panghahalik kagabi kaya gusto ako nitong tunawin ngayon gamit ang mga titig nito? Mukhang nagtagumpay nga siyang may matunaw dahil may nararamdaman akong pamamasa sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ako gano'n kainosente para hindi malaman na natu-turn-on ako sa mga titig niya. Ayoko namang magmukhang dehado sa lagay na ito kaya habang abala si Ate Sylene sa pagkukwento at pag-aasikaso sa asawa niyang tinutunaw ako nang titig ay nang-aakit kong nginitian ang huli. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagdidilim ng mga mata nito dahil sa pagdaan ng kakaibang emosyon. Kung hindi ako nagkakamali ay may kaakibat na kislap ng pagnanasa ang nahagip kong iyon. Sa isiping hindi immune sa pang-aakit ko ang isang Dominique Arizon ay kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ko... kasiyahang sinabayan nang mas natinding pagnanais na tuluyan itong tuksuin. Mukhang ako iyong nang-aakit na mas nauuna pang natukso sa gusto kong akitin pero hindi naman ako masisi dahil isang Dominique Arizon ang pinag-uusapan dito. Ang lalaking kahit may asawa na ay kinababaliwan pa rin ng ilang mga kababaihan. At ngayon ay alam ko na kung bakit... at sa kabila ng pagiging bawal ay gusto ko ring maranasan ang pakiramdam na mapasailailam sa matikas nitong katawan habang walang saplot na nakapagitan sa'min. "Sasamahan ko kayo." Pinilit kong huwag mapapikit dahil sa buong boses ni Dominique na parang nanunuot sa buo kong katawan at lalo ginagatungan ang nag-iinit kong imahenasyon. "Hindi ka ba busy sa opisina?" usisa ni Ate Sylene kay Dominique. "I hired reliable people, hindi babagsak ang kompanya kahit wala ako," nakangiting baling ni Dominique kay Ate Sylene. Mapakla akong napangiti habang pinagmamasdan silang mag-asawa. Maniniwala sana akong maayos ang pagsasama nilang dalawa kung wala akong nakukuhang reaksiyon mula kay Dominique sa bawat pasimple kong panunukso. Napako ang tingin ko sa nakangiting mukha ni Ate Sylene. Darating ang araw na ang mga ngiting iyon ay mapapalitan ng mga luha. Sa katayuan ng asawa niya ay hindi malabong mangyayari nga iyon. Bahagya kong niyuko ang ulo at itinuon ang pansin sa pagkaing nasa plato ko upang itago ang mapait na ngiting sumilay sa mga labi ko. Alam ko kasing ako iyong magiging dahilan ng paparating na gulo sa buhay nilang mag-asawa pero kahit alam kong mali iyon ay wala akong balak na umatras. Nakakalungkot na hahantong ako sa ganito upang ipamukha kay Papa ang nagawa niya sa tunay kong ina. Nang maalala ko kung gaano kasarap pantasyahan ang asawa ni Ate Sylene ay agad ding naglaho ang mga agam-agam ko. Ikasisira ko man sa harap ng ibang tao at sarili kong pamilya ang binabalak kong gawin ay nasisiguro ko namang masasarapan din ako. Darating din naman ang pagkakataon na may lalaking pag-aalayan ko ng katawan ko kaya mas maigi na sigurong sa taong kilala ko at palihim kong pinagnanasahan ko ito ibigay. Siguro ay iisipin ko na lang na magiging bayad ko ito sa gagawin kong pananalanta sa tahimik nilang relasyong mag-asawa. "Ma'am Sylene, may tawag po kayo." Nag-angat ako ng mukha nang marinig iyon mula sa isang katulong na hindi ko namalayang dumating. Nalunod kasi ako sa malalim na pag-iisip. "Excuse me, sasagutin ko lang ang tawag... kagabi ko pa iyan hinihintay," paalam ni Ate Sylene kay Dominique. "Damihan mo ang kain, Leziel, paborito mo lahat iyan," nakangiti nitong baling sa'kin habang papatayo na mula sa kinauupuan. Tanging ngiti ang sinagot ko sa kanya at walang imik na pinanood ang may pagmamadali niyang kilos pasunod sa katulong na dumating. Ilang saglit lang ay kaming dalawa na lamang ni Dominique ang naiwan. Parang katulad lang din nang nagdaang gabi. Hindi ko alam kung ramdam ba niya pero nakakalunod ang s****l tension sa pagitan naming dalawa. Ramdam ko ito sa bawat himaymay ng katawan ko lalo na tuwing tumutuon sa'kin ang matiim niyang mga titig. Iyong klase ng titig na para akong hinuhubaran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD