chapter 1 (Leziel)
"Pakabait ka rito kay Ate Sylene mo. Huwag mong pasakitin ulo ng pinsan mo at mag-aral kang mabuti," bilin sa'kin ni Mama habang inaayos ng mga katulong ang mga gamit ko sa magiging silid ko simula sa araw na ito.
"Sabi ko naman sa inyo ni Papa na okay lang na ako roon magkokolehiyo sa probinsya natin," pabalang kong sagot.
"Leziel!" may babalang tawag ni Mama sa pangalan ko. "Masyado ka na naming pinagbigyan ng Papa mo sa bawat kapritso mo kaya ngayon ay kami na ang masusunod."
"Paano ni'yo ako masasaway niyan ngayon eh ang layo ng Hacienda Zamora mula rito?" hindi nagpapatinag kong tanong.
Maldita ako since fetus kaya nakasanayan ko nang sagut-sagutin si Mama.
Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao nang maalala kung bakit nawalan ako ng paggalang sa babaeng kaharap.
Hindi siya ang totoo kong ina, she's my stepmother! Siya man ang nag-alaga sa'kin simula no'ng bata pa ako at siya ang namulatan kong ina ay magkaibang dugo pa rin ang nanalaytay sa mga ugat naming dalawa.
I'm not related to her in anyway other than our last name!
Zamora.
The most powerful clan in the southern part of the country. Kung ang norte ay pinaghaharian ng pamilya Arizon ay hawak naman ng pamilya ko ang katimugan.
At itong babaeng nasa harapan ko ay isang gold digger na gustong dumikit sa pamilya ko.
Dati ay kinikilala ko pa siyang ina, noong hindi ko natuklasang kerida siya ng sarili kong ama noong nabubuhay pa ang totoo kong ina.
At pinakasalan pa siya matapos mamatay ang ina ko kapanganak sa'kin. Hindi ako makapaniwala na hinayaan ng ama ko na arugain ako ng babaeng kinasusuklaman ng totoo kong ina.
Kung hindi ko lang nabasa ang naiwang diary ng mommy ko ay hindi ko matutuklasan ang lahat ng mga sekreto nila.
Oo at alam kong pangalawang asawa na siya ni Papa at hindi siya ng nagsilang sa'kin pero minahal ko siya rati bilang totoong ina. Gumuho ang mundo ko nang malaman ko ang totoo at noon ko lang napagtuunan ng pansin kung bakit walang larawan sa bahay namin ang namayapa kong ina gayong naging dekorasyon sa isang panig ng bahay ang mga portrait ng namayapa naming mga kamag-anak!
It's because of this w***e! Binura niya ang alaala ng ina ko sa mismong pamamahay namin!
Maging ang mga kapatid ko ay inilihim sa'kin ang totoo. Tanggap na tanggap nila ang babaeng ito gayong iyong totoo naming ina ay naging miserable noong nabubuhay pa ito dahil sa relasyon ng ama ko rito.
"Leziel, please... huwag mo nang pasakitin pa lalo ang ulo ng Papa mo," malumanay niyang pakiusap sa'kin.
Mataman ko siyang tinitigan. Hamak na mas bata siya sa ama ko at kaedad lang niya ang panganay kong kapatid na babae pero kakatwang wala silang anak sa loob ng ilang taon nilang pagsasama.
Karma na siguro sa kanya dahil sa ginawa niyang pakikiapid sa taong may asawa! I really hate her!
Hindi pa niya alam na alam ko na kung ano siya bago naging Mrs. Zamora. Wala pang nakakaalam na natuklasan ko na ang relasyon nila ni Papa noong nabubuhay pa ang unang asawa nito na siyang ina ko.
"Mama," mapaklang kong tawag sa kanya. Isang insulto sa namayapa kong ina na tawagin kong 'mama' ang kaharap at mismong ama ko pa ang may gusto niyon.
"Huwag kang mag-alala. Hindi lang naman ulo ni Papa ang balak kong pasasakitin."
"You're being difficult," nakukunsumi niyang bulalas.
"At least I'm still not whoring around," sarkastiko kong tugon na ikinapatda niya.
"Leziel Zamora, watch your mouth!" sindak niyang bulalas. "Oh my god! What's happening with you? Is this still a phase of growing up? You'll be turning twenty-four next month so you're far from being a rebellious teenager!"
"Don't lecture me, Mama, because you're not my real mother," mapang-uyam kong sagot.
Nakita ko ang pagkawala ng kulay sa fully made-up niyang mukha. Sa kabila nang maayos na pagkakalagay ng kolorete rito ay nahahalata pa rin iyon.
"L-Leziel..." hindi makapaniwala niyang usal.
Ito iyong unang beses na diretsahan kong ipinamukha sa kanya ang relasyon naming dalawa.
Bago pa siya makapagkomento ay taas-noo ko siyang iniwanan.
Ayokong magtagal sa iisang lugar kasama siya... lalo akong sinasapian ng kamalditahan.
Malaki ang bahay ng pinsan kong si Sylene hindi dahil isa itong Zamora kundi dahil isang Arizon ang asawa nito.
Mula sa south ay ipinadala ako ni Papa rito sa norte upang ilayo sa impluwensya ng mga nakakasama kong grupo roon.
Akala nila ay iyong mga barkada ko ang bad influence sa'kin, ayaw nilang tanggapin na ako iyong nag-iimpluwensya sa mga ito upang pumasok sa mga nasangkutan naming gulo.
Ilang eskandalo rin ang kinasasangkutan ko at iyong panghuli na nagtulak kay Papa na ipadala ako rito sa bahay ng pinsan ko ay iyong involvement ko sa isang governor ng probinsya namin.
Wala mang katotohanan ay hindi ko pinabulaanan ang kumakalat na intriga na may relasyon ako sa governor ng probinsya sa kabila nang pagiging may-asawa nitong tao.
My father was livid, and I'm loving every minute of it!
He's doing his best to protect my virtue while I'm trying to make the situation more scandalous.
Kung ang pagkasira ng imahe ko ang magiging daan upang makaladkad ko sa kahihiyan ang magaling kong ama ay wala akong pakialam!
Gusto kong ipatikim sa kanya ang kahihiyan at sakit na nararamdaman ng sarili kong ina!
Walang nagsasalita at walang kumondena sa ginawa niyang pagpapakasal sa kanyang kabit matapos mamatay ang asawa niya dahil sa kapangyarihan niya pero sinisiguro kong dadanas siya ng sakit at kahihiyan.
Totoo ngang ang taong pinakamamahal mo ay ang magbibigay sa'yo ng sobrang sakit at kabiguan dahil iyon ang nangyari sa ina ko.
Alam kong may espesyal akong lugar sa puso ni Papa at maging sa kerida niya kaya ibabalik ko sa kanila ang ipinaramdam nila sa namayapa kong ina.
Kung sana hindi nalulungkot iyong totoo kong ina no'ng pinagbubuntis ako ay sana hindi ito nahirapan no'ng ipinanganak ako at sana kasama ko pa rin ito ngayon.
Pinagkait sa'kin na maramdaman ko ang pag-aalaga ng tunay kong ina dahil sa kanilang pagiging makasarili!
Dinala ako ng mga paa ko sa balcony ng bahay na nakatunghay sa likurang bahagi nito.
Malawak na harden ang matatanaw mula roon kung saan ay karugtong ang malaking swimming pool.
Ipinapaalala sa'kin ng luntiang paligid ang Hacienda Zamora na kinalakihan ko... aaminin ko man o sa hindi ay nami-miss ko ang lugar na iyon ngayong nandito ako sa malaking syudad.
Babalik na sana ako sa loob nang mahagip ng tingin ko ang pares ng mga matang nakatingin sa direksiyon ko.
Dominique Arizon... ang seryoso at hindi marunong ngumiti na asawa ng pinsan ko.
Kahit malayo ito sa'kin ay ramdam ko ang nanunuot nitong mga titig na para bang binabasa niya ang pinakatago-tago kong lihim.
Marahas akong napabuga ng hangin at pilit na kinakalma ang nagkakagulo kong damdamin.
Hindi ako malapit sa pinsan ko kaya wala rin akong alam tungkol sa asawa nito maliban na lang sa pagiging kilalang tao nito sa larangan ng negosyo.
Maging ang ama ko ay hinahangaan ang isang Dominique Arizon at laging bukam-bibig kung gaano kaswerte si Ate Sylene upang piliin nitong pakasalan.
Kung pagbabasehan ang hitsura ni Dominique ay masasabi ko ngang naka-jackpot si Ate Sylene. Hula ko ay nasa thiry-three na ito at masasabi kong nag-uumapaw pa rin ang kakisigan kahit na hindi ko ito nakitang ngumiti kahit minsan.
Palagay ko ay nakadagdag sa appeal nito ang taglay na kaseryosohan na sa halip na panlamigan ako dahil sa mariin niyang titig ay kakaibang init ang ginigising nito sa loob ko.
Damn! Bakit may pakiramdam akong magiging kapana-panabik ang pananatili ko rito sa bahay nila ni Ate Sylene?
Malabo yatang dito ako titino dahil wala pa man ay nadedemonyo na ang utak ko.