chapter 6

1281 Words
Nang muling tumuon ang tingin ko sa direksiyon ni Dominique sa kabilang dulo ng mesa ay nahigit ko ang hininga dahil muling pagtatagpo ng mga tingin namin. Bakit gano'n? Titig pa lang niya ay ramdam ko na iyong panginginig ng mga tuhod ko sa excitement. Pasimple ko munang inilibot ang tingin sa paligid at nang masigurong walang ibang tao ay tumayo ako mula sa kinauupuan. Sinadya kong bagalan ang paglalakad palapit sa kinaroroonan niya dahil gustong-gusto ko iyong pakiramdam na nasa akin ang buong atensiyon niya. Nang tuluyan akong makalapit sa mismong harapan niya ay ramdam ko na iyong pamamasa ng suot kong panty. Sino ba naman ang hindi maaapektuhan gayong sa paraan nang pagkakatitig niya ay parang gusto na niya akong dakmain. "Good morning," malamyos kong bati sa kanya. Dumukwang pa ako upang ilapit ang mukha ko sa mukha niya. Hinintay kong pipigilan niya ako o iiwasan pero hindi niya iyon ginawa kaya tuluyan kong tinawid ang maliit na distansya sa pagitan ng mga labi namin. Ikalawang pagkakataon na naglapat ang mga labi namin. Hindi pa rin siguro ako masasanay sa pagsigid ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan na nagpawindang maging sa maligalig kong kaluluwa. Hindi katulad no'ng kagabi na pinipigilan ko ang sarili, ngayon ay nagpadala ako sa hatak ng tukso at sabik na sinimsim ang mga labi ni Dominique. Ako iyong nanghahalik pero ako pa iyong nahuhulog sa sarili kong pang-aakit. Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pa naranasan ang ganito kasidhing pagnanasa na lumukob sa buo kong katawan. I want more... Kahit na sa nagdedeliryo kong isip ay umabot pa sa pandinig ko ang papalapit na yabag sa bukana ng dining area. Sa tunog pa lang ng takong ng suot na sapatos ng taong paparating ay malakas ang kutob ko na si Ate Sylene ito. May panghihinayang na inihinto ko ang ginagawang pagpapakasasa sa mga labi ni Dominique at ipinasyang tapusin ang sinimulan ko. Ilang segundo lang na nagkahiwalay ang mga labi namin pero agad ding naglapat ang mga ito dahil si Dominique mismo ang kumabig sa batok ko upang siilin nang mas maalab na halik ang mga labi ko. Kasing lakas ng t***k ng puso ko ang naririnig kong tunog ng papalapit na yabag habang hindi nagpapatalong nakipagbuno ang mga labi ko sa kapusukan ng mga halik ni Dominique. Naranasan ko nang mahalikan pero lahat ng iyon ay walang binatbat sa halik na pinaparanas sa'kin ni Dominique. Siguro ay nakadagdag sa nararamdaman ko ang kakaibang thrill na ang lalaking hinahalikan ko ay pagmamay-ari ng iba at nanganganib na kaming mahuli ng tunay na nagmamay-ari sa kanya. Gano'n pa man ay mas naging mainit ang pagsasanib ng mga labi namin at kulang na lang ay kainin na ako nang buo ni Dominique dahil sa kasabikan at kapusukang pinapamalas ng mga halik niya. Kasabay nang tuluyang pagkarating ng mga tunog sa bukana ng dining area ay ang paghatak sa'kin ni Dominique sa ibaba ng kinauupuan niya. Mula sa kinaroroonan nito ay hindi ako makikita ni Ate Sylene at nang kahit na sino mula sa bukana ng dining area dahil sa mahabang tablecloth ng dining table. "Nasaan na si Leziel?" Wala akong nahimigang pagdududa sa boses ni Ate Sylene. Nakatingala ako sa mukha ni Dominique habang hinihintay ang sagot niya. "She excused herself," walang gatol niyang turan. Napaka-natural sa kanya ang magsinungaling at hindi talaga kakitaan ng kahit konting pag-aalinlangan. Siguro ay likas na talento talaga ng ilang mga kalalakihan ang pagsisinungaling! Nahinto ako sa ginagawang pagmamasaid sa gwapo niyang mukha nang pumasada sa buhok ko ang mga daliri niya. Mula sa buhok ko ay bumaba ang kamay niya sa mukha ko at lumapat sa nakaawang kong mga labi ang kanyang hintuturo. Pinigilan kong mapaungol dahil sa kakaibang intimacy na hatid ng sitwasyon. "Matutuloy ba ang lakad ni'yo ng pinsan mo mamaya?" tanong niya kay Ate Sylene na para bang wala siyang kababalaghang ginagawa. Narinig ko ang tunog nang hinilang upuan bago ang sagot ni Ate Sylene, "Iyon nga sana ang ipapakiusap ko sa'yo," simula nito. "Alam mo namang matagal kong hinihintay ang tawag ng CMD kaya hindi ko talaga maipagpapaliban ito. Kung pwede sana ay ikaw na muna ang sumama kay Leziel ngayon." Napabalik ang atensiyon ko sa mukha ni Dominique. Wala akong nakitang ekspresyon doon habang nasa asawang nagsasalita ang kanyang tingin. Bahagyang dumiin ang magaang pagpasada ng hintuturo niya sa ibabang labi ko at kaakibat niyon ay ang mas sumidhing pananabik ko. Pananabik na mapagsolo ulit kaming dalawa. Bigla ay may kapilyahang pumasok sa isip ko. Ngayon ko lang nabigyang pansin paluhod kong posisyon sa paanan niya habang nasa pagitan ako ng dalawa niyang mga hita. Wala sa sariling napadako ang tingin ko sa bagay na halos katapat lang ng mukha ko. Hindi ko mapigilang mapalunok habang napatutok doon at kung wala ang hintuturo niya ay tiyak na kanina ko pa nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa prominenteng umbok na pinagsisigawan kung gaano kaswerte ang asawa niya. Sabi nila ay masarap daw kapag malaki kaya siguradong sarap na sarap si Ate Sylene. Hindi ito ang unang beses na hahawak ako nang ganito pero ito iyong unang beses na gagawin ko ito dahil sa utos ng katawan ko. Noon kasi ay curiosity lang ang nagtulak sa'king sumubok ng mga bagay-bagay pero sa pagkakataong ito ay buong katawan at utak ko ang nagsusumigaw na kumilos ako. May kasabikang inilapat ko ang isang palad sa mismong umbok na nasa harapan ko. Naramdaman ko ang bahagyang pag-igtad ni Dominique mula sa pagkakaupo. "What's wrong?" tanong ni Ate Sylene. "Nothing," tumikhim na tugon ni Dominique. "Namali lang ako nang lunok." Gusto kong humagikhik mula sa kinaroroonan dahil sa naging sagot niya. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga niya nang bahagya kong idiin ang palad sa umbok niya. Sa pagkakataong ito ay lihim akong napaungol dahil ngayon ko lang lubusang nakapa kung gaano talaga siya kalaki. Bahagyang nanginginig ang kamay ko nang mapagpasyahan kong husgahan ang nakapa ko gamit ang sarili kong mga mata. Maingat kong ibinaba ang zipper ng suot niyang pantalon habang abot-abot ang kaba at nararamdamang antisipasyon. Nang tumambad sa'kin ang itim niyang boxers ay lalong tumindi ang nararamdaman kong pananabik. Akmang hahawakan ko ang waistband ng boxers niya pero maagap niyang napigilan ang kamay ko. "Don't start something, that you're not going to finish," kalmado niyang usal. Nang sulyapan ko ang mukha niya ay diretso ang tingin niya sa kinaroroonan ni Ate Sylene. Malakas ang kutob kong para sa akin ang mga sinabi niyang iyon. "Don't worry, Ique, sigurado na ako sa bagay na ito," masayang tugon ni Ate Sylene. Hindi ko na nasundan ang pinag-uusapan nila dahil abala ako sa ibang bagay. Inaakala siguro ni Ate Sylene na tungkol pa rin sa paksa nila ang tinutukoy ng asawa niya. "Just be careful," may kariinang wika ni Dominique. "Lahat ng aksiyon mo ay may kaakibat na reaksiyon o epekto sa personal nating buhay." "Don't worry, Ique," malumanay na sagot ni Ate. "Alam ko ang mga priority ko, family first... remember?" "I know, Sylene... and I trust you," magaang saad ni Dominique. May pumitlag sa loob ko nang makita ang bahagyang paglambot ng mukha niya habang nakatingin kay Ate Sylene. Agad kong isinantabi ang nararamdamang pamamanhid sa loob at idinikdik sa isipan ang una kong dahilan kung bakit dumating ako sa puntong ito. Gagamitin ko lang si Dominique upang bahiran ang pangalang inaalagaan ng ama ko! Katawan ko lang ang ilalaan ko sa plano kong ito at hindi ang puso ko. In the first place, kung talagang may puso ako ay hindi ko sana ito gagawin sa pinsan ko pero dahil pinangangatawanan ko na ang pagiging kontrabida ay masaktan na ang pwedeng masaktan, wala akong pakialam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD