Magkahawak-kamay kami ni Dominique na umalis sa bahay ni Romano. Mas nauna na yatang umalis iyong mga magulang nila kaysa aming dalawa ni Dominique dahil wala na kaming nadatnan sa loob no'ng kunin namin ang mga gamit ko sa pinagdalhang silid sa'kin ni Rocco kanina. Ilang metro lang ang nilakad namin bago kami nakarating sa isang three storey modern house. Katamtaman lang ang laki nito kumpara sa mga katabing mga bahay pero malaki pa rin itong maituturing. Tuluyan nang lubog ang araw kaya nagsisindihan na ang ilaw mula sa mga natatanaw kong mga bahay. Ilang dipa lang ang layo no'ng pinakamalapit sa aming bahay at mula sa kinaroroonan namin ay nakikita ko ang mga pinaggagawa ng ilang mga nakatira doon. "Dominique!" Sabay kaming napalingon nang mula sa bakuran nang tinitingnan kong bah