Parang sasabog ang sarili kong puso habang hinihintay ang sagot ni Dominique sa naging pahayag ko. "After I accept my feelings for you nothing will surprise me anymore," seryoso niyang panimula. "Kaya hindi ako basta-basta lang nabibigla sa mga pinagtatapat ko ngayon sa'yo. Mahirap mang paniwalaan pero iyon ang totoo... mahal kita." "Tama ka... ang hirap maniwala lalo na at isa kang may asawang tao," pabulong kong sagot. "Nagawa mo ngang lokohin ang babaeng iniharap mo sa altar at pinangakoan nang panghabangbuhay... Paano na lang kaya ako na patago mong kinakama?" Gumalaw ang panga niya pero nanatili ang masuyong tingin niya sa mukha ko. "Huwag mong maliitin ang sarili mo," matigas niyang sabi. "Handa kitang ipagsigawan sa buong mundo pero ayokong alipustahin ka ng ibang tao. You're so