Pagkarating namin ni Dominique sa hanggang dibdib ko na lalim ay agad na naglapat ang mga labi namin. Mapusok at mapag-angkin ang bawat halik niya at mas nakakalunod pa ito kaysa dagat. Iyong init sa katawan ko ay mas nagliyab, ni hindi man lang ito kayang agapan ng malamig na tubig. Saglit na naghiwalay ang mga labi namin habang patuloy na magkahinang ang aming mga mata. Bumaba ang tingin ko sa matigas niyang dibdib at kasabay niyon ay ang paglapat ng mga kamay ko sa bahaging iyon. Narinig ko ang nasasarapan niyang ungol habang naglalakbay naman sa katawan ko ang mainit niyang mga palad. Dumadama... pumipisil... at humahaplos na may kasamang gigil. Pino at sobrang puti ng buhangin at napakalinaw rin ng tubig kaya malinaw kong naaaninag ang katawan namin sa ilalim niyon. Agad dumau