"Bakit hindi ka pumasok sa unang araw ng klase mo?" agad na salubong na tanong sa'kin ni Papa sa unang pagkakataong magkaharap kami sa hapagkainan para sa hapunan dito sa bahay nina Ate Sylene at Dominique. Kaninang umaga pa sila dumating ni Maura pero nagawa kong iwasan ang presensya nila. Ngayon lang talaga hindi dahil kinakailangan kong sumabay ng hapunan sa kanila lalo na at lumipad si Ate Sylene papuntang ibang bansa at mukhang bukas pa uuwi. "Luiz," mahinahong tawag ni Maura kay papa. "Nakakahiya kay Dominique." Parang walang narinig na pinagpatuloy ko ang pagkain. Wala naman akong pakialam kahit na ano pang sabihin ni Papa sa harapn ni Dominique. Sa nangyari sa pagitan namin ni Dominique ay wala na yata akong ikakahiya pa. Hindi nga ako nahiyang pumatol sa kanya na asawa ng pin