Puno pa rin ng katanungan ang isip ko nang lumabas ako ng silid nina Ate Sylene at Dominique. Pagkatapos ng mga narinig ko ay wala na akong balak na manatili pa roon. Pagkabalik ko sa'king silid ay naabutan ko na roon si Papa na hinihintay ako. Balewala sa'kin ang pinapakita nitong galit at tumuon ang tingin ko sa kasama nitong si Maura. Nang magtagpo ang tingin namin ng madrasta ko ay masuyo itong ngumiti sa'kin. Kumunot ang noo ko dahil sa kung anong pumitlag sa loob ko. Bumalik sa'kin ang alaala no'ng mga panahong hindi ko pa nabasa ang naiwang diary ng tunay kong ina. Mga araw na hindi ko pa nalaman na hindi si Maura ang biological kung ina at dati itong kabit ni Papa no'ng nabubuhay pa ang una nitong asawa na siyang nagluwal sa'kin. Iyon iyong mga panahong hindi ko kinukwestiyo