chapter 15

2015 Words

Pagkatapos ng hapunan ay nag-aya si Ate Sylene sa pool area. Konting wine at kwentuhan para sa bago niyang na-close na deal. Wala naman doon ang buong atensiyon ko kundi ay kay Dominique. Paminsan-minsan lang itong sumasabat sa usapan kung saan ay bida-bida na naman si Rocco. Malamig ang hanging panggabi at masarap tumambay rito tabi ng swimming pool. Nakakadagdag sa nakaka-relax na pakiramdam ang init na hatid ng iniinom naming wine. Mas maigi sana kung hard ito pero mapagtitiyagaan ko naman lalo na at ang visuals ni Dominique ang nakahaing pulutan. Kailan pa kaya ako magsasawang pagmasdan ang aristikrato nitong mukha na kahit hindi ngumingiti ay para akong iniengganyong magkasala. Nakakapanghinyang talaga at huli na kaming pinagtagpo kung kailan ay mag-asawa na sila ni Ate Sylene.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD