chapter 20

1465 Words

Kinabukasan ay hindi na kami nagpang-abot pa ni Papa dahil maaga silang bumyahe ni Maura pauwi ng probinsya. Ayon kay Ate Sylene ay nakatanggap daw ng tawag si Papa at kinakailangan na ang presensya nito roon sa lalong madaling panahon. Pwede naman sanang mag-iwan ng text sa'kin bilang pamamaalam pero kay Ate Sylene ko pa malalaman na umuwi na pala sila. Mabuti na rin iyon dahil ayokong may masabi na naman akong hindi magugustuhan ni Papa at baka muli na naman niya akong pagbubuhatan ng kamay. Masyado pang sariwa ang mga pangyayari kagabi kaya hindi ko maipapangakong hindi ako makapagbitiw ng masasakit na mga salita 'pag tatangkain akong kausapin ni Papa. Nagpasya na akong paninindigan ang sinabi kong isang linggong extend ng bakasyon kaya hindi ako gumayak upang pumasok sa eskwela.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD