Pinaikot ko ang mga mata sabay ismid bago nagsimulang maglakad palayo sa kanila ni Viviane at Rocco. Kakapasok ko lang ng bahay matapos iwanan ang dalawa ay tumunog ang cellphone kong bitbit. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay nagtaka pa ako dahil hindi pamilyar ang numerong naka-display. Hinayaan ko muna itong mag-ring nang ilang ulit sa pagbabakasakaling hihinto ang sinumang tumatawag ngunit natigil lang saglit ang pag-ring nito at muli na namang tumawag iyong caller kaya nagpasya na akong sagutin ito. "Hello—" "I'll send someone to fetch you," sansala ng pamilyar na boses ni Dominique sa kabilang linya sa pambungad kong bati. "I'll be attending a business conference and you'll be coming with me." Wala man lang hello-hello at mukhang nababagot pa iyong boses niya. Kahit hi