chapter 22

1694 Words

Ilang hakbang na ang nagawa ko nang pasimple kong lingunin ang kinaroroonan nina Rocco at Viviane upang alamin kung naroon pa rin ba ang mga ito. Nang makitang wala na at mukhang tuluyan na silang pumasok sa loob ng bahay ay sinimulan ko nang bilisan ang mga hakbang, kulang na lang ay liparin ko na iyong papuntang gate. Mabuti na lang at hindi ako puro ganda lang dahil sanay ako sa mabilisang lakad at maging sa takbuhan dahil nahasa na ako sa probinsya namin lalo na tuwing tumatakas ako mula sa mga tauhan ni Papa kaya sisiw lang itong malawak na bakuran ng mansion ni Dominique. Hindi naman masyadong malayo iyong gate mula sa bahay 'pag nakasakay ka ng sasakyan pero 'pag ganitong nilalakad lang ay pagpapawisan ka rin bago makarating. Ang sarap magmura pero inisip ko na lang na sa ibang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD