chapter 26

1438 Words

Hinahalikan pa rin ako ni Dominique nang maalala ko kung nasaan kami at kung bakit isang malaking pagkakamali na nagpapadala ako sa bugso ng damdamin. Lumapat ang mga kamay ko sa dibdib niya upang itulak siya palayo pero humigpit lang ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang ko. Nang sinubukan kong ilayo ang mukha sa kanya ay pumigil ang isang kamay niyang dumako sa batok ko at bahagyang inanggulo ang ulo ko upang nas mapailaliman niya ang paghalik. Kahit darang na darang na ako ay pinilit kong labanan ito dahil nasa publikong lugar kami! Kahit sino ay pwedeng makakita sa'min at maaaring may nakakilala sa kanya rito! Napasinghap ako nang bumundol sa puson ko ang matigas niyang hinaharap. Ginamit naman niya ang pagkakataong iyon upang tuluyang salakayin ang bibig ko. Nawalan ng lakas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD