Kinabukasan ay nag half day lang ako sa aking trabaho para mag paalam sa manager na hindi muna ako makakapasok ng ilang araw sa trabaho.dahil nag kasakit si nanay martha at walang mag aalaga dito,dahil kung si loida naman ay tulog ito sa araw kaya walang nag aasikas kay nanay martha,simula kasi ng dumating kami galing sa pamamasyal kahapon ay hindi na maganda ang kanyang pakiramdam kinagabihan at lalo pang namaga ang kanyang rayuma sa tuhod dahil siguro sa matagal naming paglalakad lakad kahapon sa loob ng mall, mabuti nalang at pinayagan ako ng manager na umabsent muna ng ilang araw sa trabaho ko..kaya ito saktong 12 o'clock pauwi na ako ng bahay,dahil halos wala narin naman akong gagawin sa kusina dahil tinapos kuna ito bago mag alas dose..
Kristen uuwi kana? tanong ni len sa akin..oo len kailangan ko kasi alagaan muna ang nanay nanayan ko dahil may sakit siya ngayon,sige kristen mag iingat ka pauwi at kamusta mo nalang ako sa nanay nanayan mo at sana gumaling kaagad siya"salamat len sige alis na ako. kayo rin dito mag iingat din palagi..salamat,kristen sige alis kana at mag iingat ka sa mga pogi sa daan, pahabol pa niyang saad..kaya nangingiti nalang ako sa kanyang sinabi ..pareho silang dalawa ni loid na bukang bibig na yata palagi ang mga nakita nilang pogi lalo na yong mr de silva at mr Villaraza"
Pagdating ko sa bahay ay gising narin ang kaibigan kung si loida at nasa kusina ito at may ginagawa..anong ginagawa mo loid? tanong ko sa kanya, gagawa ako ng lugaw friend para kay nanay martha dahil hindi pa siya kumakain hanggang ngayon at ayaw naman niya kumain ng kanin dahil wala raw siyang panlasa"ganon ba..tulungan na kita, inilapag ko muna sa upuan ang dala dala kung bag at agad na pumunta sa harap ng ref para kumuha ng manok na ihahalo sa gagawing kung lugaw ng makakuha na ako ng manok ay agad kuna itong hinugasan at hiniwa hiwa ng malilit..ng matapos ko na itong hiwa hiwain ay agad ko naman itong iprinito sa kaserola hindi ko na ito nilagyan ng bawang at baka ayaw ni nanay martha ng may sahog na bawang kaya deretsong manok nalang ang iprinito ko at ng mag kulay brown na ito ay inilagay ko naman ang hinugasang bigas ni loida at nilagyan ko ito ng limang tasang tubig bago ko tinakpan para kumulo, naghiwa din ako ng carrots at celery para pag lumambot na ang lugaw ay tsaka ko naman ito ilalagay para dagdag pampalasa at healthy narin ang kakainin ni nanay martha..
Ang bango naman ng niluto mo friend sana magustuhan na ni nay martha at kumain na siya kahit kaunti lang, dahil simula yata ng pumasok ka sa iyong trabaho kaninang umaga ay hindi pa siya kumakain,dinalhan ko nga siya ng kanyang pagkain sa kanyang kwarto paggising ko kanina kaya lang ayaw naman niya dahil hindi pa raw siya nagugutom at tsaka wala rin daw siyang panlasa,kaya susubukan ko sanang magluto ng lugaw at baka sakali kumain ng kaunti..kaya lang sakto naman ang uwi mo kaya ito ikaw na tuloy ang nagluto ng kanyang kakainin hehehe..tsaka tama lang na ikaw ang nagluto ng kanyang kakainin friend, dahil baka kong ako ang nagluto mas lalong hindi kumain si nanay martha"mahabang saad ng kaibigan kong si loida na halatang kagigising nga lang dahil magulo pa ang kanyang buhok..
Agad akong naglagay ng niluto kung lugaw sa isang di kalakihang mangkok at inilagay ko ito sa tray kasama ng isang basong tubig at gamot para sa lagnat at tsaka sabay kaming naglakad ni loid papunta sa kwarto ni nanay martha,kumatok muna si loid bago niya binuksan ang pinto at tsaka sabay ulit kaming pumasok da'lwa medyo madilim ang kwarto ni nanay martha tanging liwanag lang na nag mumula pa sa kanyang bintana na halos natatakpan ng puting kurtina, ng makalapit na kami ni loid sa kanyang kama ay agad kong inilapag ang dala dala kung tray na may lamang pagkain sa may mini table na malapit sa kama..halos naka balot nang kumot ang buong katawan ni nanay martha siguro ay giniginaw ang kanyang pakiramdam..ng mailapag kuna ang dala dala kung pagkain para kay nanay martha ay agad kong hinipo ang kanyang nuo,sobrang init nito at mukhang kanina pa yatang umaga mataas ang kanyang lagnat,nay kain po muna kayo kahit kaunti para makainom po kayo ng gamot..saad ko sa kanya.
Kaya agad namin siyang tinulunga ni loida iupo sa kama para makakain,halatang nanghihina ito dahil sa taas ng kanyang lagnat..kaya agad kong kinuha ang niluto kong lugaw para subuan nalang ito.salamat sa inyong dalawa iha nag-abala pa kayo"nay hindi po ito abala,at wag niyo pong iisipin na nakaka-abala po kayo, salamat iha napakabait niyong mga bata..nay martha naman hindi na po kami mga bata panabay naming saad ni loid..kaya natawa na lang siya sa sinabi namin ng kaibigan ko..basta salamat parin sa inyong dalawa, walang anuman po nay at maraming maraming salamat din po sa inyo dahil itinuring niyo po kami ni loid na parang tunay na anak..saad ko sa kanya..salamat din sa inyong dalawa dahil dumating kayo sa buhay ko at meron na akong nakakasama dito, kaya niyakap na lang namin siya ni loida..oh wag niyo akong yayakapin at baka mahawa kayo ng lagnat ko. pero hindi namin siya pinakinggan ni loid at tuloy lang namin siyang niyakap,napaka swerte namin ni loid dahil simula ng dumating kami dito sa maynila sa kanya kami napunta"
Tatlong araw akong hindi nakapasok sa trabaho kaya ito papasok na ulit ako sa coffee shop dahil ok na ok na ang pakiramdam ni nanay martha at naka pagbukas narin ulit ito ng kanyang tindahan..dahil apat na araw din itong nakasarado,pati sila tatay antonio na kapitbahay lang namin at ng mrs nito ay nagpunta narin sa bahay dahil nakita nga daw nilang sarado ang tindahan ni nanay martha na ngayon lang daw nangyaring nagsara ng matagal,masarap din ang nilutong meryenda ng asawa ni tatay antonio ang ginataang bilo bilo na first time namin natikman ni loid, dahil sa probinsya namin ay walang nagluluto ng ganyan, napaka swerte ni tatay antonio sa kanyang mrs dahil napakabait nito at halatang love na love siya..at halatang sobrang close na close din silang tatlo nila nanay martha bilang magkakaibigan!
Pagdating ko sa coffee shop ay agad akong sinalubong nila len para kamustahin, kamusta kristen na miss ka namin dito tatlong araw ka din namin hindi nakita at kamusta narin ang nanay nanayan mo ok na ba siya? mahabang tanong ni len sa akin..ok naman ako at oo ok na ok na ang nanay nanayan ko sa awa ni lord, mabuti naman kung ganon at makaka pasok kana ulit dito sa work mo, alam mo kristen ng wala ka ng tatlong araw,grabe nag kukumahog kaming lahat dito dahil sa sobrang dami ng customer,may nag celebrate kasi ng birthday dito nong nakaraan,kaya natambakan kami ng hugasin sa kusina as usual ako ang inilagay muna doon para maghugas..ganon ba mabuti nakaya mo ang tumayo ng matagal sa harap ng lababo.saad ko sa kanya"oo naman kristen kaya lang pagdating ko sa bahay kinagabihan ang sakit sakit ng buo kung katawan grabe halos hindi na nga ako makabangon kina-umagahan dahil sa sobrang sakit ng tuhod at balakang ko dahil sa tagal nang pagkakatayo sa harap ng lababo.. kaya hanga na talaga ako sayo kristen dahil nakakaya mo ang ganon katagal na pag kakatayo araw araw sa harapan ng lababo"sanayan lang len yon kasi ang trabaho ko..
Habang naglalakad ako papunta sa may locker para mailagay ko muna ang dala dala kung bag na may lamang baon,ay nakasunod parin si len sa akin at tuloy tuloy pa din ang kanyang kwento,tungkol sa isang popular customer na kumain daw dito kahapon kasama ang isang gwapong lalaki na mukha raw bakla at isang babaeng mala mama mary daw ang itchura..naku kristen sayang at hindi mo nakita kahapon ang pinakasikat na modelo kasama ang mga kaibigan niya, narinig ko pa nga may asawa't mga anak na daw yon..pero kristen wala namang nabalita sa tv or any news sa social media kung may mga anak na nga si miss Elle Ohman. dahil girl kung may anak na yon dapat kahit papaano mababalita yon sa tv or any social media dahil alam muna sikat siyang modelo sa ibang bansa..at tsaka alam mo kristen ang ganda ganda nila sobra at ang hihinhin, parang ikaw lang din kristen mahinhin"siguro anak mayaman karin kristen..naku len paano ako magiging anak mayaman sa probinsya nga lang ako lumaki at ang lola luisa kulang ang nakakasama ko..malay mo kristen sa itchura mo kasi mukha kang ipinanganak na mayamang pamilya..kaya iiling-iling na lang ako sa kaibigan kung nagiging marites sa kadaldalan hehehe..
Tara na mag umpisa na tayong magtrabaho at baka mapagalitan pa tayo ng manager natin pag nahuli pa tayong nag kwe-kwentuhan, saad ko sa kanya na hindi parin maka-move on sa nakita niyang sikat na modelo"dahil sa kabubukas pa lamang nitong coffee shop kaya abala ang lahat ng mga kasamahan namin sa pag aayos ng mga mesa at upuan at ako ay tumulong na din muna sa kanila. ako na ang nag moped ng sahig habang si len naman ang nagpupunas ng mga salaming wall..abala ang lahat sa mga kanya kanya nilang gawain ng may pumasok na isang customer hindi ko na ito tiningnan dahil naka focus lang ako sa aking ginagawang pag ma moped sa sahig, pero narinig ko ang aking mga kasamahan na parang kinikilig na pigil na pigil pa ang kanilang pagtili kaya naman tiningnan ko ito,kung sinong customer ang pumasok pero nakatalikod na ito sa harapan ng counter,siguro ay mag oorder ng kakainin dito or bibili lang for take out"
Tuloy tuloy lang ako sa aking ginagawa habang ang mga kasamahan ko ay parang mga ewan na,nakatingin don sa taong umoorder sa harap ng counter, kaya ng matapos ko ang aking pagma moped ay agad na ako pumasok sa kusina at gawin naman ang ibang mga gagawin, hindi ako interesado kung sino man ang tinitingnan nila at baka mamaya mapagalitan pa ako ng manager, eh kakapasok ko palang sa trabaho tas nakiki marites na agad ako.mahirap na"
Kristen, kristen my god girl ang pogi ni mr de silva nakita mo ba yon kristen ang pogi niya ano"saad niya habang pumapasok dito sa kusina..ah si mr de silva pala yong pumasok dito kanina para mag order siguro.siya yong bukam-bibig ni len at loid palagi. hindi ko nakita eh busy ako mag moped sagot ko sa kanya..ano kaba naman kristen sana nakita mo sigurado kikiligin karin..kaya na iiling-iling na lang ako sa kanyang sinabi igaya pa ako sa kanya kikiligin, naku bagay sila pagsamahin ni loid sigurado mag kakasundo silang dalawa sa taong hinahangaan nila..ay naku len para kiligin ka magtrabaho nalang tayo para may sweldo sigurado kikiligin ka kasama ako pag bibiro ko sa kanya.kristen naman"lumabas kana don at baka may mga customer na saad ko sa kanya, kaya agad naman siyang tumalikod na nakasimangot habang papalabas ng kusina..hay naku magiipon muna ako para makabawi naman kami kay nanay martha kaysa humanga ng kung sino di naman ako magkakapera hehehe..