Chapter 6.

2208 Words
Halos anim na buwan na kami ni loid dito sa maynila at anim na buwan narin kaming nakatira kay nanay martha,marami narin kaming nakikilala sa mga kapitbahay namin dito sa lugar na ito at lahat naman sila ay mababait sa amin,sa trabaho ko naman ay nailipat ako ng manager sa counter bilang assistant dahil hindi na nakakayanan ng cashier mag access ng mga customer pag marami ang bumibili at umo-order,at may bago narin kinuhang dishwasher kaya inilagay ako dito sa counter ng manager namin, naging masaya para sa akin ang mga kasamahan ko sa trabaho at least daw hindi na pang kitchen ang beauty ko yan ang madalas sabihin nila len at jena sa akin,mga kasamahan ko dito sa coffee shop ,ok lang naman sa akin kahit taga hugas ng mga plato basta may trabaho at marangal.. Naging busy ang buong araw naming lahat sa trabaho at halos wala ng pahinga, kahit na nga ang kumain ng aming lunch break ay lagpas na sa oras dahil sa dami ng mga customer na kumakain ngayon dito, hindi ko na nga halos matingnan ang mga itchura ng customer na omo-order dahil nakatutok ang mata ko sa paglilista at pag hahanda ng kanilang mga order mas nakakapagod din pala dito sa harap ng counter ang trabaho mo kaysa sa kusina"dahil dito kailangan mong lakasan ang loob makiharap sa tao at kailangan lagi ka pang nakangiti sa kanila at kung paano mo rin sila aasikasuhin, hindi pa naman ako marunong kung paano magsalita ng english at tagalog dahil lumalamang ang pagiging bisaya accent ko hehehe.. Saktong mag 2 pm na ng makakain na kami nang aming tanghalian dahil halos wala ng customer na kumakain,sabi nga sa akin ni len dati raw ay hindi naman daw ganito karami ang mga pumapasok dito sa coffee shop para kumain,dahil karamihan daw noon na nagpupunta dito ay mag co-coffee lang or bibili para e take out, pero ang kakain daw dito ay bihira lang manggyari,pero ngayon daw grabe at halos ngayon lang daw sila hindi nakakain sa tamang oras dahil sa dami ng mga customer na kumakain dito" binibiro pa nga ako ni len kanina at baka ako nga daw ang may dalang swerte dito sa coffee shop.dahil simula daw ng dumating ako dito ay naging sunod sunod na nga daw ang mga kumakain,at pagiging abala na nila sa trabaho,dahil sa dami ng mga customer na kumakain at nag te take out,kaya hindi nalang ako kumibo sa sinabi niya at isa pa baka nagkataon lang din dahil ngayon palang nakikilala dito sa coffee shop ang masasarap nilang cake at cupcake na gawa pa daw ng isang kilalang baker dito sa bansa,ideni deliver lang kasi dito sa umaga ang mga gawa nilang cake at cupcake.. Alas shete ng gabi na ako nakauwi ng bahay dahil sa dami parin ng customer na nag hahabol kanina para bumili ng pampasalubong sa kanilang pamilya,at bago din ako mag time out sa aking trabaho ay bumili rin ako ng anim na pirasong cupcakes para kay loida at nanay martha, nandito kana pala tintin kamusta ang buong araw mo?ito sobrang pagod dahil sa maghapon trabaho kanina sa coffee shop andami kasing customer na kumakain sagot ko sa kaibigan ko..hindi ka ba papasok ngayon loid, tanong ko sa kanya dahil hindi parin kasi ito nakabihis..hindi muna friend masakit kasi ang puson ko kaya di muna ako papasok ngayon..ok maganda yan para may day off ka naman kahit papaano, halos sa anim na buwan simula ng pumasok ka sa trabaho mo ay hindi kapa nakakapag day off..oo nga friend kaya ito hindi muna ako ngayon papasok hindi naman siguro ako hahanapin ngayon doon dahil marami naman kaming waitress na taga serve.. Si nay martha nga pala nasaan? may pinuntahan sila kasama ang asawa ni tatay antonio sa maynila kanina pa sila umalis tanghali at baka maya maya lang nandito narin yon. kaya tumango na lang ako sa kanya, ito pasalubong ko sa inyong dalawa ni nanay martha, kaya agad naman niya kinuha sa akin at binuksan..wow cupcakes ang ganda naman ng mga character design nito tintin nakakahinayang kainin..sandali nga makuhaan nga muna ng picture bago kainin,kaya iiling-iling nalang akong naglakad papunta sa aking kwarto para mag bihis.. nakabili narin kasi kami ni loid ng cellphone nung nakaraan buwan,dahil sabi kasi ni nanay martha kailangan daw may sarili kaming mga cellphone para madali daw namin makuntak ang isa't isa pag may kailangan,kaya ayon sinamahan kami ng anak ni tatay antonio pagpunta ng mall para bumili ng cellphone na gagamitin dahil marami din daw kasing alam ang anak ni tatay antonio sa mga model ng cellphone kaya lang nakakalula naman ang presyo ng mga alam niyang model.. binigyan pa nga kami ni nanay martha ng pera pambili daw namin ng cp, pero tinanggihan na namin ito ni loid dahil sobra sobra na ang kanyang mga ibinigay sa amin ng kaibigan ko..at tsaka may pera naman na kami kaya yon ang ginamit namin pambili ng cellphone, mumurahing cp lang ang binili ko hindi ko naman kailangan ng mamahalin ang importante lang sa akin ay meron magamit,tawa nga ng tawa si loida sakin pati anak ni tatay antonio dahil masyado na raw lipas sa panahon yong cellphong nabili ko na di kepad hehehe.. Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso ako ng kusina para tingnan kung anong hapunan ang niluto ni loida, kahit papaano marunong na siya magsaing sa rice cooker nung una nga para pa kaming mga ignorante dalawa dahil di namin alam kung paano gumamit ng rice cooker,kaya nagtanong pa kami kay nanay martha.kaya ngayon marunong na kami gumamit ng mga appliances na de kuryente,kanin palang ang meron at yong natirang ulam na niluto ko pa kaninang umaga bago ako pumasok sa trabaho,ang ginisang sayote at pritong galunggong kaunti nalang ang natira, kaya dadagdagan ko pa ng isang lutong ulam dahil tatlo kaming kakain.. sinsya kana friend hindi kasi ako marunong magluto ng ulam kaya kanin palang ang nasaing ko..ok lang loid mag luluto nalang ako ng isa pang ulam natin..saad ko sa kanya..adobong manok nalang ang niluto ko para madali maluto,pagod narin kasi ako sa trabaho kaya sigurado maaga ako nito makakatulog mamaya dahil sa sobrang pagod sa maghapon trabaho! Good morning nay, good morning din sayo iha salamat nga pala sa pasalubong mong cupcakes kagabi..wala po yon"kamusta po ang lakad ninyo kahapon? okay lang naman iha. dinalaw lang namin ni hilda yong isa namin kaibigan na may sakit sa manila,sana po maging ok na po siya kaagad..sana nga iha dahil mag iisang linggo na nga daw maysakit ayaw naman mag padala sa doctor at baka lalo lang daw siya magkasakit doon..si nay hilda ay yong asawa ni tatay antonio na masarap mag luto ng bilo-bilo"baka takot po siguro sa doctor kaya ayaw po niya magpadala sa hospital,ganon na nga iha..good morning sa dalawang maganda sa umaga pasinsya na na late ako ng bangon sobrang sakit kasi ngayon ng puson ko..okay lang yon iha wala naman gagawin ngayon kaya pwede kana muna magpahinga.salamat po nanay martha napakabait niyo po talaga sa amin.kayo rin naman iha. sobra pa nga lalo na sa pag aalaga ninyo sa akin nong maysakit ako salamat sa inyong dalawa"wala po yon nanay, balik na sagot ni loid kay nanay martha.. Pag katapos namin kumain ng almusal ay agad na akong tumayo at pumasok sa aking silid para maghanda ng aking susuotin pagpasok sa trabaho bago maligo,si loid na ang naglipit ng aming pinagkainan dahil dito lang naman siya sa bahay at hindi parin siya papasok sa trabaho mamayang gabi dahil masakit parin ang kanyang puson..ganito ang routine naming tatlo araw araw, masaya dahil pag wala kaming pasok sa trabaho ang bonding naman namin ay ang pagtatanim ng mga gulay sa likod bahay at pag aayos ng mga halaman.ng matapos na ako maligo ay agad na akong nagpunas ng buo kung katawan at buhok bago nag bihis, first time kong isusuot ang mga pinamiling damit na binigay ni nanay martha para sa amin ni loida,isang legging pants at white t-shirts ang isusuot ko ngayon dahil nasa counter na ako naka pwesto kailangan maganda at kumportableng damit ang isusuot ko para hindi naman nakakahiya sa mga customer na kumakain at bumibili,at naglagay din ako ng kaunting face powder sa aking mukha at kaunting lipgloss para kahit papaano hindi na ako punain ng mga kasamahan kk sa trabaho na maputla, maputla daw kasi ako sabi nila len dahil siguro maputi ako kaya ang tingin nila sa akin ay maputla,namumula lang kasi ako pag na aarawan nang matagal pero hindi ako imiitim sobrang namumula lang ang balat ko noon sa probinsya dahil sa maghapon pagtatanim sa palayan.. Nang matapos na ako magbihis at mag lagay ng kaunting pampaganda sa aking mukha,ay agad na akong humarap sa malaking salamin para tingnan ang aking sarili,halos magulat pa ako sa aking ayos dahil malayong malayo ang itchura ko kapag may kaunting nakalagay na face powder at lipgloss sa aking mukha..wow ako ba to! ang ganda ko pala pag nakapag ayos na ah..daig ko pa ang ipinanganak na may pera hehehe..ano kaya ang masasabi ng kaibigan ko sa ayos ko ngayon..isang sulyap pa sa salamin bago ako lumabas ng aking kwarto at nakita ko ang aking kaibigan sa sala na busy na sa kanyang cellphone..kaya ng malapit na ako sa kanyang kinauupuan ay nag angat na siya ng kanyang mukha at agad ako tiningnan, oh napanganga siya pagkakita sa ayos ko at kumu-kurap kurap pa siya na parang hindi makapaniwala sa ayos ko..f-friend i-ikaw ba yan na uutal pa niyang tanong sa akin..my god tintin ang ganda ganda mo pag nakaayos ka para kang kana tingnan"pasigaw niyang saad sa akin.. loid naman magkaharap lang tayo kung makasigaw ka diyan..naman tintin ang ganda ganda mo kasi bat ngayon kalang nag ayos nang ganyan naku pag nakita ka ni nanay martha tiyak pati siya hahanga sa gandang ayos mo friend.. Sige aalis na ako at baka malate pa ako sa trabaho paalam ko sa kaibigan kung masyado maingay,wait lang tintin selfie muna tayo sandali at kuhaan narin kita ng solo picture mo para may ipopost ako sa bagong f*b**k account ko"kaya wala na akong nagawa kung hindi mag picture kaming dalawa, tama na yan ang dami dami munang kuha malelate na ako sa trabaho ko,oh ito tapos na thank you tintin at ingat kana rin sa pagpasok sa trabaho mo,kaya agad na akong lumabas ng bahay para pumunta sa tindahan ni nanay martha para mag paalam naman sa kanya..nay aalis na po ako, sandali lang iha ikaw ba iyan gulat niyang tanong sa akin, opo nay wala na pong iba hehehe..naku anak halos hindi kita makilala ang ganda gandang dalaga mo pala pag nakapag ayos kana,maganda kana kahit simpleng ayos lang,mas lalong gumanda ngayon saad niya pa sa akin.. salamat nay at maraming salamat po don sa mga ibinigay niyong pampaganda sa amin ni loid..ok lang yon anak bibilhan pa ulit kita.. naku nanay tama na po yong mga binigay ninyo noon ang dami na po nun..sige po aalis na po ako"sige mag iingat ka pagpasok mo sa trabaho.salamat nay" Paglabas ko ng gate nasa kalsada pala ang anak ni tatay antonio na si iza ate kristen kayo po ba yan? tanong niya sa akin, kaya tumango nalang ako sa kanya na nakangiti..wow ate ang ganda niyo po nagmukha po kayong foreigners saad niya pa sa akin..kaya ngumiti nalang ulit ako sa kanya,marami narin ang nakatingin sa akin ngayon na mga tambay dito sa lugar at mga kapitbahay, salamat iza, sige alis na ako. sige ate ganda ingat po kayo..salamat"dahil sa kaka-selfie ni loid malapit na ako malate sa trabaho kaya ito binibilisan kuna ang aking pag lalakad para makaabot sa oras,mabuti nalang naka rubber shoes ako kaya kahit tumakbo ako ay ok lang hindi sasakit ang paa ko.. pagdating ko sa coffee shop ay abala na ang lahat sa kani kanilang mga trabaho,good morning ma'am saad nila sa akin"good morning too everyone, napanganga din silang lahat tulad ni loid kanina..kristen ikaw ba talaga yan tanong ni len sa akin,tulad ng ginawa ko kay iza ay tumango din ako..guys kurutin niyo nga ako dahil parang hindi si kristen ang nakikita ko eh..kaya kinurot naman siya ni jena, aray ang sakit.sabi mo kurutin ka kaya kinurot naman kita saad ni jena..ang kurot mo kasi mukhang may galit ka sa akin..mukhang mag aaway pa siguro ang dalawa,kaya dumiretso nalang ako sa locker ko para ilagay ang dala kung baon.. Wow..Kristen napakaganda mo ngayon sobra,mukha kang anak mayaman talaga Kristen siguro naman yong kulay ng buhok mo ay hindi kinulayan anoh dahil maniwala ka o hindi kristen mukha kang anak mayaman..saad niya pa" naku len mukha lang pero malabo ako magiging anak mayaman dahil galing lang ako sa mahirap na probinsya,tara na nga mag trabaho na tayo at baka mahuli pa tayo ng manager mapagalitan pa tayo saad ko sa kanya..ah basta ang ganda mo talaga Kristen nakaka tomboy nga kung pwede lang maging jowa mo..kaya iiling-iling nalang akong naglakad papunta sa counter dahil mukhang hindi ako titigilan sa paghanga niya sa itchura ko ngayon.. Good evening my beautiful reader's if meron man mag basa nito :) comment naman po kung maganda or hindi para ma inspired naman po maipag patuloy itong story.. thank you ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD