Chapter 4.

2333 Words
Panibagong araw na naman at abala naman ako sa aking trabaho dito sa kusina at sunod sunod din ang labas pasok nila len para dalhin dito ang mga pinagkainan ng mga customer kaya tuloy tuloy din ang aking pag huhugas ng mga plato,baso, kutsara at tinidor.. pakiramdam ko para wala yatang katapusang hugasan ang nangyayari dahil walang tigil ang dating ng mga hugasin dito sa lababo..pero ok lang naman sa akin, kaya lang masakit din sa paa at binti ang matagal na pagkakatayo mukhang magkakaroon na yata ako ng maraming ugat nito sa aking hita dahil sa matagal na pagkakatayo sa harap ng lababo.. Biglang pumasok si Len dito sa kusina na parang lutang habang nakangiti" siguro ay nalipasan na ito ng gutom kaya naging ganyan na ang itchura nito,at maya maya lang ay bigla itong tumili na parang kinikilig.. anong nangyari sayo at para kang inasinan diyan na kiti-kiti?tanong ko sa kanya habang patuloy parin ako sa paghuhugas ng mga plato..my god kristen nakita ko na naman ang crush kong si mr De Silva kumain siya dito kasama ang kanyang mga gwapong kaibigang.. sayang nga at hindi ako ang nakatukang mag serve sa kanila kanina..saad niya sa akin habang patuloy parin kinikilig"hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya dahil hindi ko naman kilala ang sinasabi niyang mr De Silva.. Nang matapos ko ang aking paghuhugas ay agad ako pumunta sa aking locker para kunin ang dala dala kung baon na pagkain dahil medyo kumakalam narin ang aking sikmura,kape lang kasi ang ininom ko kaninang umaga bago ako pumasok dito sa trabaho kaya siguro nakalam na ang aking tiyan..at dito ko narin kinain para pagkatapos deretso lagay narin ng baunan sa locker at isa pa mas kumportable dito kumain dahil walang nakatingin habang sumusubo, hindi kasi ako sanay kumain ng may nakatingin sa akin habang kumakain pakiramdam ko kasi parang makakagat ko ang aking dila..tuloy tuloy lang ako sa pagsubo ng hindi ko namalayan nasa tabi kuna pala si len,kanina pa kita hinintay don sa kusina kristen para sabay sana ulit tayong kakain pero hindi kana bumalik kaya pinuntahan nalang kita dito para may kasama naman ako" saad niya..pasinsya kana len kung hindi na ako nakabalik don kaya dito nalang ako kumain medyo masakit na kasi ang paa ko ilakad kaya dito nalang ako kumain saad ko sa kanya" ang dilim dito kristen..hindi naman ah meron naman ilaw sagot ko sa kanya, ah basta madilim parin sagot ulit niya"kaya itinuloy ko nalang ulit ang aking pagkain para makabalik ulit sa trabaho.. Alam mo kristen ang sipag sipag mo kahit ang tagal mong nakatayo sa harap ng lababo tuloy tuloy lang ang ginagawa mo, kung ako yan naku panay siguro ang upo ko dahil hindi ko kaya ang matagal na pag kakatayo dahil hindi lang paa at binti ang sasakit sa akin pati balakang ko" sa pag seserve nga para na akong madadapa kakalakad papunta't paroon sa table ng mga customer para dalhin ang kanilang mga order..medyo nawala lang ang pagod ko kanina ng makita ko ang ultimate crush kong si mr de silva"lalo na si mr Villaraza at yong swedish grabe ang ga-gwapo nilang tatlo"saad niya pa..sino naman si mr de silva tanong ko sa kanya..siya yong may ari ng bar na katabi nitong coffee shop kristen yong casa de bar yon siya ang may ari "at nag iisang anak lang yan ng mag asawang parehong doctor at billionaryo..saad ulit niya, ang dami mo naman alam sa pamilya nila para kanang stalker sa lagay na yan.. pabirong sagot ko naman sa kanya"hindi kristen ah..sa magazine at dyaryo ko lang nababasa ang impormasyon na yan minsan napanood ko rin sila sa tv.. saad niyang sagot sa akin..kaya tumango nalang ako sa kanya dahil nakikita ko kung gaano nga niya hinahangaan yong de silva daw.. Pauwi na ako ngayon dahil maaga natapos ang aking trabaho, kaysa sa normal na talaga uwian ng mga nag tatrabaho dahil sa wala na akong gagawin ay maaga akong pinauwi ng manager nitong coffee shop,kaya makakapag laba pa ako mamaya pagdating sa bahay ng marurumi naming mga damit..halos isang linggo narin tambak ang lalabhan ko ngayon si loid naman ay hindi makapag laba dahil madalas hapon na kung gumising si nanay martha naman ay hindi pwede dahil busy din siya sa kanyang tindahan at pinagbawalan kuna din na hindi siya pwede mag laba or mag buhat ng mabigat dahil sa kanyang rayuma na ilang araw na niyang iniinda.. kaya ito pagdating sa bahay mag papahinga lang sandali at maglalaba na ng marurumi naming mga damit..halos ganito lang palagi ang ikot ng buhay namin ng kaibigan ko dito sa maynila,pero masaya dahil nandito na kami ni loid sa syudad at medyo nakakaraos na din..hindi katulad nong nasa probinsya pa kami na halos tipid na tipid sa pagkain at pag gastos para may matira pang pera para pambili ng pagkain kinabukasan, dito sa maynila makakain muna ang lahat ng magugustuhan mong kainin at makaka pag ipon kapa kaya napaka swerte namin ni loid ngayon dahil nakilala namin si nay martha kaya nakaka ipon kami ng pera.. Araw ng linggo ngayon kaya makakapag simba kaming tatlo para makapag pasalamat sa lahat ng biyaya at gabay na kanyang ibinibigay sa amin, first time namin ni loid makakapasok ng simbahan dahil sa probinsya sobrang layo kung lalakarin kaya hindi kami nakakapag simba dahil wala naman kaming sasakyan or kahit pambayad ng tricycle ay wala rin dahil kulang pa nga minsan pambili gamot ng lola ko ang aking kinikita, kaya ngayon lang talaga kami makakapunta sa kanyang tahanan at dito pa sa maynila..paglabas namin ng bahay ay meron nakaparadang sasakyan na SUV at agad kaming pinasakay ni nay martha dito,nong una ay nag alangan pa kami ni loid sumakay pero sinabi ni nay martha kanya daw ang sasakyan at kumukuha lang daw siya ng driver kapag siya'y lalabas or may mga lakad..ng makasakay na kami ay agad kami ni loid ipinakilala kay tatay Antonio na dating kababata daw ni nay martha, kamusta po tay. saad ko sa kanya, ok lang naman ako iha..salamat sa inyong dalawa mga iha dahil may nakaka sama na ang kaibigan kung si Martha sa kanya malaking bahay, ayaw kasi mag asawa para meron naman sana siya katuwang sa buhay..Antonio ikaw talaga oo ang tanda tanda na para mag hanap ng asawa saad ni nay martha kay tatay Antonio"naku martha sa pag-ibig walang matanda matanda basta ang puso tumibok, kaya na iiling-iling na lang si nay martha sa sinabi ni tatay Antonio..nakakatuwa silang tingnan kung mag usap parang mga teenagers lang..kaya nangingiti nalang kaming dalawa ni loid sa mga sinasabi ni tatay Antonio" Nang makapasok kami sa loob ng simbahan ay agad kami nag hanap ng mauupuan tatlo dahil halos puno ang loob nitong simbahan ng mga nagsisimba ngayong araw while linggo kaya talagang puno..ng makaupo na kami ay agad akong lumuhod at pikit matang nag pasalamat sa kanya sa lahat lahat ng biyayang ibinigay niya sa amin ni loida at ang pagbibigay niya sa amin na mapunta kay nanay martha.oh lord jesus christ thank you for everything po sa lahat ng biyayang ibinigay mo sa amin at salamat po dahil patuloy niyo parin po kaming hindi pinabayaan ng kaibigan ko..lord lagi niyo rin pong bigyan ng lakas at magandang kalusugan si nanay martha at kayo narin po ang magsukli sa kabutihang loob niyang ibinigay samin dalawa ng kaibigan ko.. amen.. i wait lang po jesus kung nasa tabi niyo rin po si lola luisa ngayon lord pakisabi narin po na sobrang miss na miss ko na po siya jesus thank you po amen.. bulong kong dasal sa kanya.. Nang matapos ang mesa ay inaya kami ni nanay martha pumunta ng mall para doon na daw kami manang-halian kasama na namin si tatay Antonio, first time din namin ni loid ang makapunta ng mall kaya naninibago kami dahil ang ganda at maraming paninda..grabe friend ang lamig dito at ang ganda ganda anoh"at maraming tao at mga paninda saad ng kaibigan kong si loida..oo nga loid halatang ngayon lang tayo nakapunta hehehe..oo nga friend, minsan mag paalam din tayo kay nanay martha para makapasyal din tayo dito paminsan minsan para hindi tayo mapagkamalan ignorante saad ng kaibigan ko..sige loid basta huwag kang pahalata ngayon na unang pasok natin ng mall bulong ko sa kanya..masyado kasi halatang unang pasok nakataas ang ulo sa itaas nitong mall at tinitingnan ang mga nakasabit doon..kaya naman yong mga nakaka-salubong namin nakasimangot dahil mabubunggo na ng kaibigan ko, kaya naman hinihila ko na siya patabi sa akin pag meron na naman siyang bubundulin kaya natatawa nalang si nanay martha at tatay Antonio sa kaibigan ko.. Gusto sana ni loid kumain sa jollibee kaso nahihiya siyang magsabi na sa jollibee nalang kami kakain kaya tiniis nalang muna niya,sa susunod nalang daw na balik namin dito saad niya sa akin, dahil si nanay martha ang nag-aya kaya sa kanya lang kami nakasunod..pwede naman tayo bumili pag uuwi na mamaya tapos sa bahay na natin kainin pabulong kung saad sa kanya.. parang bata na kasi ang itchura ng kaibigan ko ng hindi makuha ang gusto hehehe..hindi ko rin siya masisi dahil sa probinsya hindi pa kami nakatikim niyan,kaya gustong gusto niya talaga kumain ng jollibee ngayon"sa isang kilalang pilipino restaurant kami dinala ni nanay martha at agad niya kami tinanong tatlo kung anong gusto naming pagkain kaya sinabi nalang namin na siya nalang ang bahala at makikikain nalang kami kung ano ang inorder niya kaya napapa iling iling nalang siya sa amin tatlo nila tatay Antonio" Sandali lang ang hinintay namin ng dumating na ang mga inorder ni nanay martha na mga pagkain sa mesa namin at lahat mukhang masasarap sa mata, sinigang na hipon,chopsuey, inihaw na tilapia at barbequeng baboy..andami naman po saad ko.. kaunti lang yan iha at tsaka apat tayong kakain kaya siguradong mga gutom na tayo..saad ni nay martha sa sinabi ko" hala sige kain na tayo para makapag ikot-ikot pa tayo dito pagkatapos natin kumain..kaya agad naman kami tahimik nagsimulang kumaing apat.. Pagkatapos namin kumain ay nag ikot-ikot lang sandali dito sa loob ng mall binilhan pa nga kami ni nay martha ng mga dress at short dahil sale ang ibang tindahan ng mga damit, ayaw mag pagpigil ni nanay martha kakabili ng mga damit para sa amin ni loida. eh last month lang ang dami niya ng ibinigay sa amin ni loid na mga damit at sapatos may kasama pa ngang pampaganda..si loid lang kasi ang gumagamit nong mga make up na binili ni nanay martha para sa amin dahil sa kanyang trabaho kailangan daw may make up siya sa mukha,ako naman hindi ko na kailangan mag lagay pa dahil nasa kusina lang naman ako maghapon at hindi rin ako lumabas ng kusina.. kaya pagdating ng bahay ay agad kami naging busy sa mag aayos ng mga pinamili ni nay martha para sa amin ni loida as usual katakot takot na pasasa-lamat nalang ang nagawa namin ng kaibigan ko..binilhan din niya si tatay Antonio ng damit at pantalon kaya wala ring nagawa si tay antonio kung hindi tanggapin at mag pasalamat narin lang.. ngayon ko lang nalaman na kapitbahay lang pala namin si tatay Antonio kaya pala sa kanila naka-parada ang sasakyan ni nanay martha ngayon lang kasi namin nalaman ni loid na sila tay antonio pala ang isa sa kapitbahay namin dito sa lugar.. Nandito kami ngayon ni loid sa sala habang si nanay martha naman ay nasa kanyang kwarto nag papahinga dahil napagod daw siya sa aming pamamasyal kanina sa mall habang kami naman ni loid ito iniisa isa buklatin ang pinamili ni nanay martha para sa amin dalawa ni loid..grabe friend ang galante ni nanay martha sa atin kung ipag shopping tayo sobrang dami,oo nga loid kaya nakakahiya na sa kanya dahil sobra sobra na ang binibigay niya sa atin dalawa,sagot ko kay loida"alam mo friend para tayo nakakita ng nanay na ngayon lang bumabawi sa kanyang anak na matagal ng nawawala,ganon kasi ang pakiramdam ko ngayon napaka swerte talaga natin friend.. oo nga loid hayaan mo babawi tayo sa kanya pagtayo naman ang swenerte sa buhay saad ko kay loida.. ah oo friend ganon nga din ang naisip ko tas aalagaan natin siya bilang nanay natin..kaya tumango na lang ako sa pag sang-ayon sa kaibigan ko.. Habang patuloy kami sa pag aayos ng mga damit na pinamili ni nanay martha para sa amin dalawa ni loid ay tuloy tuloy din ang kanyang kwento tungkol sa kanyang trabaho sa bar, dahil nakita na nga daw niya ang kanyang boss at mga kaibigan nito..alam mo tintin nakita ko na ang may ari ng pinapasukan kung trabaho sa bar grabe ang popogi nilang lima walang itapon,kabigin sa kapugian nilang lima friend,mabuti nga nakapag kontrol pa ako sa kilig ng makita ko silang lima parang mga anghel na galing kung saan para silang model habang nag lalakad papunta sa VIP room mabuti nga hindi ko naibagsak ang bitbit kung alak na order ng ibang customer..mahabang saad niya pa sa akin..mukhang parehas sila ni len mahilig sa pogi"mabuti na lang loid hindi mo naibagsak ang dala dala momg alak,dahil malamang mahal ang mga alak na yon, naku baka kulang pa ang sasahurin mo don..kaya nga friend mabuti nakapag kontrol pa ako sa kilig ko sa kanila yong ibang kababaihan nga don halos himatayin na sa kilig tapos sumisigaw pa sila na ikama daw sila nong ellias, desmond,kyle Kendrick at dark, juice ko mabuti hindi ako napasigaw ng ganon tintin masyado nang nakakahiya yon..oo loid hindi na maganda yon, basta loid ingat mo palagi ang sarili mo don sa trabaho mo lalo na at bar yon maraming customer na bastos at hindi maganda ang ugali..oo friend salamat.. kaya agad na namin tinapos ang pag aayos ng mga damit na pinamili yong iba lalabahan ko muna bago isuot.. Hi good day everyone please ingat ingat po tayong lahat ngayon dahil sa madalas na ng pag ulan.. please you guys take care of yourselves always ♥️ God bless
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD