Chapter 7.

2261 Words
Nandito kami ngayon sa batangas kung saan ang probinsya nila nanay martha at tay antonio linggo ngayon kaya bumiyahe kami kanina madaling araw papunta dito para mag swimming outing,kasama ang pamilya ni tay antonio dalawang anak na babae at mrs niya, ako si loid at nanay martha at uuwi din kami mamayang hapon.. pagdating namin sa isang beach resort ay tuwang tuwa si loid at dalawang anak ni tatay antonio kaya agad silang tatlo tumakbo sa tabing dagat dahil kukuha daw sila ng picture at mag se-selfie kaya natawa na lang ang mrs ni tatay antonio.. Oh bakit ikaw iha hindi ka sumama sa tatlo para kumuha din ng mga picture saad ni tay antonio sakin,naku sila nalang po at isa pa yong cellphone ko ho hindi makakakuha ng picture..bakit naman hindi iha, aba'y lahat na ngayon ng cellphone nakakakuha na ng litrato at video at pwede ipost sa f*b**k account nila..kaya napakamot nalang ako sa aking ulo sa sinabi ni tatay antonio..ay naku antonio walang hilig sa mga ganyan si kristen kaya pabayaan mo nalang yong tatlo ang kumuha doon..kaya tumingin ako kay nanay martha at nag pasalamat gamit ang bibig, alam kasi ni nanay martha na ang cp ko ay de keypad lang kaya binara na niya si tatay antonio sa iba pa sanang sasabihin.. Tumulong nalang ako kala nanay martha at nanay hilda sa paglalabas ng mga dala dala namin pagkain at iihawin karne mamaya,maganda dito mag pahinga lalo na yong may mga problema sa buhay at yong mga busy na din sa trabaho na halos wala ng pahinga pwede sila dito pumunta dahil ang ganda ng tanawin at napaka peaceful na lugar,sana balang araw pag swenerte sa buhay makabili nga kahit maliit lang na lupa dito at tayuan ng vacation house ang ganda kasi ng lugar na ito malapit sa dagat mismo..mula dito sa akin kinatatayuan kitang kita kung gaano kaganda at kalinis ng lugar,ang puting buhangin at kulay asul na dagat na nakakaakit sa mata ang kagandahan"at marami na din ang mga bakasyunistang naliligo.. Naglakad lakad muna ako sandali dito sa tabing dagat habang nakapaa,ang sarap ng buhangin sa paa parang mina-masahe nito ang talampakan mo bawat tapak,tintin halika dito sigaw na tawag sa akin ni loida mukhang hindi parin sila tapos sa pagkuha ng mga picture sa sarili nila ah..kaya pumunta nalang ako kung nasaan silang tatlo,halika dito friend kunan kita sa may tubig dagat,halika dito dali paghila niya sa akin kung saan niya ako patatayuin para kunan ng picture.. kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod nalang sa gusto niya, yan diyan nga..posh ka na parang model tapos ngiti ka..anuh ba yan loid hindi naman ako marunong ng ganun,pag rereklamo ko sa kanya..kaya lumapit naman siya sa akin para turuan ako kung ano ang dapat kung gagawin"ganito lang ang gagawin mo tintin ipagkrus mo ang dalawang braso mo sa may dibdib tapos kunyari may iniisip ka pero kailangan nakangiti tapos, tapos ganito posing ka ganito.kailangan sexy nakapamiwang..pagkatapos nakatayo ka naman kunwari na parang nag mumuni muni ka naman,oh ganyan lang ang gagawin mo tintin kunwari hindi mo alam na kinukunan kita ng pictures ah" aba kailan ka pa naging photographer loid dami mong alam kung ano ang dapat gagawin.. ngayon lang friend nakangiti niyang sagot sa akin"kaya iiling-iling nalang akong sinunod ang gusto niyang ipagawa sa akin..nakailang kuha din siya at ilang posh din ang pinagawa niya sa akin, kaya hindi namin napansin madami na ang nakatingin sa amin lalo na sa akin at meron ding kumukuha ng totoong camera ang kanyang gamit..loid tama ang dami ng nakatingin sa atin oh..saad ko sa kanya kaya tiningnan naman niya ang paligid namin,oo nga tintin hali kana balik na tayo sa cottage natin saad niya..kaya nag mamadali naman akong naglakad para makaalis na sa lugar na iyon jusko kanina pa ako paposing posing ng hindi napapansin meron na palang nanonood sa amin tapos kung ano ano pa ang itinuturo ni loid sa akin kung ano ang gagawin.. Oh tamang tama ang balik ninyo at kakain na tayo saad ni nanay martha sa amin kasama ang dalawang anak ni tatay antonio..iniihaw na pala nila ang barbequing baboy, kaya agad na ako pumunta kung saan nakapwesto ang ibang mga naihandang pagkain para iayos sa kawayang lamesa at naghiwa na din ako ng limang pirasong manggang hinog para sa dessert namin, ng mailagay na namin sa mesa ang lahat ng pagkain ay saktong natapos na din ni tatay antonio ang pag iihaw ng barbeque.. at bago kami nag simulang kumain as usual kuha kuha na naman ng picture ang tatlo para daw may ipopost mamaya sa kanilang mga social account kaya natawa nalang si nanay martha at nanay hilda sa ginagawa nila loid at dalawang anak,masaya naming pinagsaluhan lahat ang mga pagkaing dala dala namin dito sa swimming outing..maliligo po ba kayo mamaya nay martha at nay hilda tanong ni loid sa kala nanay martha..hindi iha kayo nalang ang maligo,kayo po tay antonio tanong ulit ni loid"oo iha maliligo ako sandali para hindi naman sayang ang pagpunta natin dito, at tsaka matagal narin ako hindi nakaka ligo sa dagat simula ng tumira na kami sa maynila"kaya pagkatapos namin kumain ay nagpatunaw lang kami sandali ng amin mga kinain bago naligo habang hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.. Naka two-piece na ang dalawang anak ni tatay antonio habang kami ni loid ay hindi pa nakakapag bihis..parang halos kita na yata ang buong katawan sa suot suot nila, ang tingin ko nga ay parang private part nalang ang tinatakpan ng tela sa baba at n*****s nalang din sa dibdib"ok lang kaya kay nanay hilda at tay antonio ang ganon suotin ng dalawa nilang dalaga..tara na friend magbihis narin tayo,nabalik lang ako sa aking ulirat sa malalim kung pag iisip sa mga suot ng anak nila tatay antonio at nay hilda ng ayain na ako ni loid magbihis para sa susuotin naming pang swimming, isang kulay pula na swimsuit ang isinuot ni loida samantala ako naman ay isang short at puting sando na halos mapunit pa ng agawin ni loid sa akin kanina,dahil ang gusto niyang ipasuot sa akin ay yong kulay itim na swimsuit na binili pa daw nila ni nanay martha kahapon sa mall habang nasa trabaho ako. halos ipilit niya talaga ipasuot sa akin ang black swimsuit dahil iyon daw ang bagay sa akin at lalo na daw sa kulay ng balat ko" maputi kasi ako kaya siguro yon ang tingin niya sa akin bagay ang kulay itim na swimsuit.kaya lang talagang ayaw ko magsuot ng mga ganyan dahil nahihiya ako.. hindi naman kasi ako sanay magsuot ng mga ganyan kasuotan na halos kita na ang buong katawan mo, tama na sa akin itong suot suot kong short at sando at least ito kumportable ako at hindi nakaka hiya,dahil siguro lumaki ako sa lola luisa kung conservative kaya ganon,nakakahiya kasi magsuot ng mga bikini na halos kita na ang pwet..tara na tintin para makaligo na tayo kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa tubig dagat at nandoon narin ang dalawang anak ni tatay antonio na sina jing-jiing at jinky abala na ang mga ito sa paglalangoy"ang linaw ng tubig at kitang kita mo ang kaputian ng buhangin sa ilalim nito.grabe tintin ang sarap maglublob sa ilalim, kaya natawa nalang ako sa kanya"ate kristen ate loida dito po kayo medyo malalim po ng kaunti dito kaya masarap po lumangoy, tawag ni jinky ang sumama sa amin noon sa mall para bumili ng cp.kaya agad naman si loid lumangoy papunta sa dalawa. dito nalang ako sa hanggang bewang hindi naman ako marunong lumangoy eh hehehe" Nandito na kami sa bahay pagkatapos ng masayang outing namin sa batangas beach kanina halos inabot din kami ng dalawang oras kalahati sa byahe namin pauwi dahil sa traffic kaya ito pagkapasok na pagkapasok namin tatlo sa loob ng bahay ay agad na kaming pumasok sa kanya kanya naming mga kwarto, dahil sa sobrang pagod ay nag hilamos at nag toothbrush lang ako sandali ng akin ngipin at bagsak nahumiga kaagad sa kama.pakiramdam ko parang matagal ko na miss itong kama!! Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda ng almusal naming tatlo at sasabihin ko rin kay nay martha na baka abutin ako ng hating gabi ng uwi"dahil sa overnight duty naming lahat ngayon sa coffee shop dahil sa gaganapin 3 years anniversary ng pag bubukas nila ng Kemia Coffee Shop" hanggang ngayon hindi ko parin nakikita ang may ari ng coffee shop na pinag tatrabahuan ko.pero ang sabi nila len ang co-owner palang daw ang nakita nilang nagpunta noon at isang beses palang daw" at ang pagkakaalam din niya yong mga cake at cupcake na dine-deliver dito sa coffee shop araw araw ay sila rin daw ang may ari at may gawa yon daw ang pag kakaalam nilang lahat dito maliban sa akin.. Magandang umaga iha ang aga mo naman magising nakatulog kaba ng mabuti..opo nay dahil maaga po ngayon ang pasok ko dahil mag aayos pa ho kami mamaya sa coffee shop dahil sa gaganapin anniversary..at tsaka po baka abutin narin po ng hating gabi ang uwi ko,tamang tama friend yon din ang time out ko madalas sa work, puntahan mo nalang ako at sabay na tayong umuwi..biglang sagot ni loid na kakapasok lang dito sa kusina..good morning po pala sa dalawang maganda sa umaga biglang bati niya sa amin.. magandang umaga din sayo iha"ng matapos ko na ang mga niluto kong hotdogs,bacon,daing at sinangag na kanin ay tinulungan na akong maglagay ni loid sa lamesa at nag timpla narin ako ng kape namin tatlo,tahimik lang kaming nag aagahan hanggang sa natapos at si loid narin ang naglipit ng amin pinagkainan at ako naman ay pumasok na sa kwarto para maligo at maghanda para pumasok sa trabaho.. Nang matapos na akong maligo ay agad na akong nag bihis at nag-ayos ng aking sarili isang kulay peaches dress ang aking isinuot na binili pa ni nanay martha para sa akin noon at nag lagay ulit ako ng face powder sa aking mukha at kaunting lipgloss para kahit papaano hindi naman maputla ang aking labi..ng matapos na ang paglalagay ko ng face powder at lipgloss sa aking mukha ay agad ko naman iblinower ang basa kung buhok para matuyo,at ng matuyo na ito ay itinali ko naman ng ponytail style" isinuot ko rin ang maliit na hikaw na kulay gold na bigay pa sa akin ng lola luisa ko noong 18 debut ko itchurang pambata yong hikaw na halos hindi na makita kapag suot suot kuna ito ang sabi nga ni loid sakin parang hikaw daw ng sanggol hehehe.. Nang matapos na ako sa pag aayos sa aking sarili ay agad na akong humarap sa malaking salamin..wow iba pala talaga kapag naka-ayos ka nag mumukha kang may pera.at bagay na bagay din sa akin ang kulay peach na dressed na suot suot ko para nga akong itchurang anak mayaman na hahaha..isinuot ko na ang silver flat shoes at agad na lumabas ng aking silid para makaalis na. as usual pagkakita sa akin ni loid mas lalo siya nagulat sa itchura ko ngayon dahil para daw akong princessa sa ayos ko..grabe friend tao ka pa ba ang ganda ganda mo talaga ngayon tintin pwera biro ha..ang ganda ganda mo friend talaga bang apo ka ni lola luisa? oo naman loid sagot ko sa kanya..wait lang tintin selfie muna tayo at kunan kita ng solo, malelate na ako sa work ko pag mag pi-pictures pa tayo saad ko sa kanya"nope sandali lang ito friend.. Alam mo ba tintin pag nag popost ako ng pictures mo madami like ang share tapos dumadami follower's ko dahil sayo at ito pa tintin may kita daw pag nag post ng video sa r**ls sabi ni Jing Jing at jinky pag madami daw manonood ng video.. wait tintin kunan din kita video..malelate na ako loid..sandali lang ito friend,oh ito na magsalita kana dali..anuh naman ang sasabihin ko"kahit ano batiin mo sila jinky, Jing Jing sila nanay martha at nanay hilda at tay antonio basta magsalita kalang para may ipopost ako hehehe..kaya iiling-iling nalang ako sa pinapagawa sa akin ng kaibigan ko, hindi nga ako bumili ng hightech na phone pero ito kasali rin ako sa hilig ng kaibigan ko.. hello everyone good morning,and good morning din po kala tatay antonio at nanay hilda Jing Jing at jinky and most especially to our nanay martha na sobrang mabait nanay i love you po and thank you for everything..and hello din to my beloved beautiful besty loida gonzaga i love you loid muahh.. i love you too bestfriend tintin..oh bat ka umiiyak diyan..na touch lang po..sige alis na ako,nag yakapan na kami bago ako lumabas ng bahay para pumunta naman sa tindahan ni nanay martha para mag paalam narin" nay aalis na po ako mag iingat po kayo dito at wag po kayo mag papagod. kaya agad naman siya lumabas mula sa loob ng kanyang tindahan at gulat ng makita ako,anak ikaw ba iyan tanong niya sa akin..hehehe opo nay, wow napakagandang bata mo talaga iha.. salamat po nay dahil po sa mga ibinigay ninyo kaya ito nag mukhang po akong tao.. naku bata ka oo kahit hindi karin naman nag aayos ay napaganda mo parin naman na dagdagan lang ng sobra, kaya agad na akong lumapit sa kanya at humalik sa kanyang pisngi para mag paalam na dahil malelate na ako sa time in ko"sige po nay alis na po ako at maraming salamat po" sige iha mag iingat ka rin sa trabaho mo..opo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD