Isang buwan narin ang nakalipas at naging maganda naman ang takbo ng buhay namin ni loid dito sa maynila,pag wala kaming pasok ng kaibigan ko sa kanya kanya naming mga trabaho ay tumutulong din kami kay nanay martha sa pagtitinda sa kanyang tindahan at pag aayos ng mga tanim na halaman.. kahapon nga pag uwi ko galing ng trabaho ay may ibinigay siya sa akin ng mga shopping bag yon pala mga bagong bili niyang damit, sapatos at kung ano ano pang pam-paganda..para sa amin ng kaibigan ko!!
Kahit ayaw namin tanggapin ni loid ang kanyang mga binibigay ay nagagalit siya sa amin, dahil ngayon lang daw niya nagagawa ang mga ganitong bagay na hindi niya nagagawa noong dalaga pa daw siya dahil sa kanyang trabaho noon sa abroad, kaya sa amin nalang daw niya ito magagawa ni loid ang ipag shopping kami..kahit sobrang nakakahiya man ay tinanggap nalang namin ng kaibigan ko, kaysa magtampo pa sa amin" kaya naman katakot takot na pasasa-lamat nalang ang ginawa namin ni loid kay nanay martha..
Araw ng linggo ngayon kaya wala akong pasok sa coffee shop na aking pina pasukan dahil ito ang araw ng day off ko,kaya mag lalaba nalang muna ako ng mga marurumi naming damit tatlo, ako na ang nag lalaba ng mga damit nila nanay martha at loida para isang labahan nalang busy din kasi si nanay martha sa kanyang tindahan at si loid naman ay tulog sa araw dahil sa pang-gabi ang kanyang pasok sa trabaho na kanyang pinag tatrabahuan bilang isang waitress! iha gamitin mo ang washing machine para mabilis ka matapos..wag na po nay kukusutin ko nalang po ito mabilis din naman matapos kahit kusot lang ang gagawin ko at tsaka po hindi ako marunong gumamit ng washing machine hehehe..hali ka dito tuturuan muna kita bago pumunta sa tindahan..wag na po nay mas sanay po ako na kamay lang ang gamit sa pagkukusot ng damit kay sa i washing machine pa ho" ay naku ikaw talagang bata ka oo masisira ang kamay mo at mga kuko dahil sa pag kukusot ng mga damit natin! wag po kayo mag alala nay mas sanay po ako sa pagkukusot ng mga damit hehehe..kaya napapa iling iling nalang siya habang naglalakad papasok sa loob ng kusina upang pumunta sa kanyang tindahan..
Patapos na ako sa pag lalaba ng magising ang kaibigan ko" tulungan na kita diyan friend..huwag na loid last banlaw na ito at mag sasampay nalang ako..saad ko sa kanya nahalos kagigising pa lamang dahil magulo pa ang kanyang buhok na halatang pag kabangon ay dumiretso na kaagad dito sa likod bahay kung saan ako nag lalaba"kumain kana ba? tanong ko sa kanya" hindi pa friend mamaya na lang pagkatapos mo para may kasabay ako" ok wait mo lang ako, sandali nalang ito at matatapos na ako at mag sasampay na..kaya tumango na lang ito sa sinabi ko at umupo doon sa may gilid nitong laundry area.. kahit dito sa likod bahay ni nanay martha ay maganda rin at maraming puno na namumunga katulad ng kalamansi,at manggang,chico at kung ano aano pa at may mga tanim din siyang mga gulay tulad ng kamatis, pichay,sili,alugbati,malunggay at ilang puno ng papaya na medyo na mumunga narin..nakakatuwa nga dahil pag gusto mong mag gulay ng sariwa ay kukuha kana lang dito sa kanyang mga pananim sa likod bahay..
Nang matapos kuna mabanlawan lahat ng aking nilabhan ay tinulungan na ako ni loid sa pag sasampay para mabilis daw matapos,dahil medyo nagugutom na raw siya"hindi kasi sanay kumain mag isa ang kaibigan ko kaya kahit na busog na busog na ang pakiramdam ko ay napapakain parin ulit ako para masamahan lang siya,at kung minsan naman ay nag kakape nalang ako,malungkot daw kasi ang kumain mag isa pag walang kasabay sa mesa.yan ang madalas sabihin nilang dalawa ni nanay martha"kaya pag nandito kami ni loid sa bahay" ay sabay sabay kaming tatlo kakain sa hapag-kainan, minsan naman ay hindi lalo na pagtulog pa si loida sa umaga hanggang tanghali hindi sila nag kakasabay ni nanay martha sa pagkain kaya naiintindihan naman daw ni nay martha ang situation namin,basta ang mahalaga daw ay hindi na siya nag iisa ngayon dito sa kanyang bahay at meron na siyang nakakasama at nakaka usap lalo na sa gabi..kaya hindi na raw siya nalulungkot ngayon"hindi daw katulad noon na sobrang lungkot niya dahil nag-iisa nga lang siya at walang makausap, kaya ng dumating daw kami dito ni loid sa kanyang bahay ay naging maingay na daw at naging masaya..na dati ay tahimik lang daw" si loida kasi ang maingay at madaldal dito kaya natutuwa naman si nanay martha sa kaibigan ko :)
Pag naiisip ko nga minsan ang kalagayan noon ni nanay martha na mag isa lang siya dito sa kanyang bahay at walang kasama ay nalulungkot ako ng sobra"lalo na at may edad narin siya at walang kasama dito sa malaki niyang bahay at walang nag aalaga sa kanya pag nag kakasakit siya walang nag aasikaso sa kanya pagkain kung hindi ang sarili lang din niya sobrang nakakaawa kung iisipin,kaya nag papasalamat siya sa amin ni loida dahil sa kanya raw kami natapat magtanong "kung tutuusin kami nga dapat ni loida ang mag pasalamat sa kanya ng sobra sobra dahil para siyang guardian angel namin na biglang dumating para tulungan kami ng kaibigan ko.
Nay, alis na po ako mag iingat po kayo dito.. sige iha mag iingat ka din sa trabaho mo at wag kang mag papagutom doon, salamat po"kayo rin po dito ni loid nay at meron narin po akong niluto para sa inyong tanghalian ipainit niyo na lang po kay loida pag gising niya..sige iha salamat masyado mo kami ini spoiled ng kaibigan mo pwede naman na ako nalang ang mag luluto ng tanghalian namin dalawa"sus nanay martha talaga mabilis lang naman po gawin yon, sige po alis na po ako at nag mano na ako sa kanya bago umalis..sige mag iingat ka..opo salamat po"
Pag dating ko sa coffee shop ay dumiretso agad ako sa aking locker para mailagay ang dala dala kung maliit na bag na may laman baon para sa akin tanghalian mamaya,at nang matapos kunang mailagay sa locker ay agad akong lumabas para tumulong muna sa aking mga kasamahan sa pag aayos ng mga upuan at mesa dahil wala pa naman akong huhugasan, dahil halos kabubukas pa lamang nitong coffee shop" uy kristen ang sipag mo naman naku trabaho na namin ito kaya kami na dapat ang gagawa dito..umupo kana lang muna doon habang wala pa ang nakatuka mong trabaho..saad ng isa kung kasamahan dito sa coffee shop lahat sila mababait sa akin..ok lang len tutulungan ko na kayo para mabilis matapos..ok sige ikaw ang bahala basta sinabihan na kita ha.. oo na.kaya ok lang naman na tulungan ko na kayo" isa pa hindi ako sanay na walang ginagawa, dahil sanay ako na palaging kumikilos dahil yon ang naka-sanayan ng katawan ko sa probinsya namin araw araw ang palaging may ginagawa..
Saktong eight a.m na nang may pumasok na tatlong estudyante at agad na dumiretso ang isa,sa may counter para mag order habang ang dalawang kasamahan naman ay dumiretso sa may bandang dulo malapit sa glass wall at doon umupo..this coffee shop is simply outside but very elegant inside at maraming mga customer na mayayaman ang pumasok dito araw araw para mag kape"at hindi lang kape ang kanilang bina balik-balikan dito kundi ang masasarap na mga gawang cake at pasta nila..halatang may mga pera lang talaga ang nakaka afford at kayang bumili ng buong cake at kumain dito" dahil ang isang slice palang ng cake ay nagkaka-halaga na ito ng 350 pesos hindi pa kasama ang kape na gusto nilang flavor..magti three in one coffee nalang ako pag gusto kong mag kape para tipid juice ko butas ang bulsa ko non sa sobrang mahal ng kape nila baka sahod ko nga walang matira hehehe..
Naging abala na ako sa paghuhugas sa kusina dahil marami na akong tambak na hugasin, marami na kasi ang kumakain ngayon na mga nag opisina at ang iba naman ay mga estudyante"nakaka pagod pero kailangan tapusin ang trabaho.masakit nga lang sa paa at binti ang matagal na pagkakatayo pero kailangan talaga munang tapusin ang pag huhugas bago mag pahinga..dahil habang nag papahinga ka mas lalong dumadami ang hugasin dahil sa sunod sunod ang mga kumakain ngayon, it's almost lunch time na kaya marami na ang customer na kumakain dito sa coffee shop..
Ala una na nang matapos ko ang aking pag huhugas dahil kaunti nalang ang kumakain ngayon,kaya sasaglit muna kami kumain ng aming tanghalian, kasabay ko si len kumain dahil halos ngayon lang din natapos ang kanyang pag seserve sa mga customer kaya late narin siya kakain katulad ko, isa si len sa mga kasamahan ko dito sa coffee shop na nagiging ka close kuna dito sa trabaho dahil mabait siya sa akin"dito na kami kumain sa kusina para mabilis matapos at deretso hugas narin.. kristen ang ganda ganda mo bakit pag huhugas ang inaplayan mong trabaho! pwede ka pa naman mag hanap ng ibang magandang trabaho na malaki ang sahod hindi yong ganito na matagal kang nakatayo dito sa kusina at nakababad ang maganda mong kamay sa tubig at sabon"
Ok, naman sa akin itong trabaho ko len at isa pa mas maganda na ito ngayon kumpara noon sa dati kung trabaho sa probinsya namin na maghapon nakayuko at babad sa araw tapos ang sasahurin mo lang ay 150 pesos kumpara dito malaki na para sa akin at isa pa halos kararating lang din namin noong nakaraang buwan dito ng kaibigan ko sa maynila ng mag apply kami ng trabaho kinabukasan",alam muna kailangan din agad namin magka pera para may pang gastos kami sa pang araw araw namin kailangan, nakakahiya kasi kay nanay martha na hindi man lang kami magkusa sa sa pagbibigay ng gastusin sa bahay ng kaibigan ko, kaya ito ang nakita namin available noon at tsaka gusto ko narin dito dahil malapit lang sa inuuwian namin tirahan ng kaibigan ko at pwede lang lakarin" mahabang saad ko sa kanya.. kunsabagay, pero nag hihinayang lang kasi ako sa ganda mo kristen kung masisira lang ang kamay mo sa araw araw na paghuhugas dito ng mga plato, baso at mga kutsara, tinidor..naku wala sakin yon ang mahalaga may trabaho nakangiti kung saad sa kanya..
Saktong 7pm ng makauwi ako sa bahay at si loid naman ang papaalis para pumasok sa kanyang trabaho, 7:30 kasi ang start nang kanyang duty sa bar bilang waitress, kaya pahinga muna sandali at ihahatid ko naman siya maya maya sa kanyang pinapasukan"kung tutuusin ayaw na nga niyang inihahatid ko pa siya gabi gabi sa kanyang trabaho"dahil kaya naman daw niya ang kanyang sarili na pumasok mag isa..
Pero para sa akin ay hindi pwedeng hindi ko siya ihatid sa kanyang trabaho dahil baka mabastos siya sa kanyang suot na unipormy, mahirap na lalo na at hindi pa kami pamilyar sa lugar na ito, dahil bago palang kami dito sa maynila kaya hindi pa namin kilala ang mga tao dito sa lugar na ito. lalo na sa gabi na maglalakad lang siya mag isa na suot suot na ang kanyang unipormy papasok sa kanyang trabaho,at baka mabastos pa siya sa daan ng kung sino dahil sa maiksi niyang suot, hindi naman bastusin kung titingnan ang kanyang suot dahil nga sa matangkad si loid kaya halos umiksi ito sa kanya na halos nakikita na ang kanyang panty sa suot niyang unipormy..
at yon ang pinag aalala ko pag mag-isa lang siyang papasok at maglakad sa gilid ng kalsada sa gabi papuntang trabaho niya..mahirap na dahil hindi pa kami pamilyar sa lugar na ito kaya hindi pa namin kilala ang mga ugali ng tao dito"at para maka-siguradong ligtas siyang makakarating sa kanyang trabaho ay inihahatid ko talaga siya kahit na ayaw na ayaw niyang ihahatid ko siya, mahirap na hindi ako mapapanatag kakaisip kong nakarating ba siya ng ligtas sa kanyang pupuntahan" sa uwian naman niya ay walang problema dahil madalas umaga na natatapos ang kanyang duty sa trabaho dahil tumutulong pa daw siya minsan sa pag aayos ng mga mesa at upuan o kaya'y nag papalipas nalang daw siya mag umaga bago umuwi para hindi ko na raw siya susunduin..
Friend huwag muna akong ihahatid mag pahinga ka nalang dito at isa pa pagod kana rin sa maghapon mong trabaho sa coffee shop"saad ni loid sa akin. kaya ko pa loid saka hindi ako mapapanatag dito kung hindi ko nakikitang nakarating ka ng safe sa trabaho mo..ay naku masyado mo akong beni-baby, sempre ikaw na lang ang meron ako kayo ni nay martha kaya mahalaga kayo sa akin,kaya tara na ihahatid na kita dahil malapit na ang oras ng duty mo,at wag kang mag papa-bastos sa mga customer niyong mga lasing na..bakit naman kasi ang iiksi ng suot niyong uniform"mahabang saad ko kay loida.. ganito talaga friend lahat ang mga suot namin halos kita puwet hehehe.. kaya na iiling-iling na lang ako kung bakit pa kasi kailangan suot ng waitress maiksi..
Nang maihatid ko na si loid sa kanyang trabaho ay agad na akong umuwi,dahil marami narin customer ang pumapasok sa loob ng bar kung saan siya nag tatrabaho sa parking lot palang makikita muna na halos may kaya sa buhay ang mga pumapasok sa loob para mag relax at magsaya..wala yatang customer dito sa bar na mahirap na pumapasok dahil makikita mo agad sa kanilang mga kasuotan na may kaya sa buhay ang isang tao..dahil sa kanilang mga sasakyan palang na nakaparada sa parking lot kahit buhay mo siguro ay mas mahal pa ang kanilang mga sasakyan..hay mahirap talaga maging mahirap..
Nang makarating ako sa bahay saktong nagsasara narin si nanay martha ng kanya tindahan kaya agad ko na siyang tinulungan sa pagsasara para sabay na kaming papasok sa loob ng kanyang bahay.. kumain na po ba kayo ng hapunan nay? tanong ko sa kanya..hindi pa iha, hinintay kita para sabay nalang tayo, si loida lang muna ang naunang kumain dahil papasok pa siya sa kanyang trabaho..
sige po nay sabay na lang po tayo..ng matapos na namin maisara ang kanyang tindahan ay pumasok na kami sa loob ng bahay, at agad akong dumiretso sa kusina para maghanda ng aming hapunan, naging masaya ang hapunan namin ni nanay martha kamustahan sa naging araw namin maghapon sa trabaho..
After dinner nauna ng pumasok si nay martha sa kanyang kwarto para magpahinga ng maaga, at naiwan naman ako dito sa kusina para maghugas ng aming pinag kainan" ng matapos na ako sa aking paghuhugas chenik ko muna ang lahat ng pinto kung naka lock na ba ito bago ako pumasok sa aking silid,agad akong dumiretso sa banyo pag kapasok na pagkapasok ko sa aking silid para makapag shower dahil maghapon din ako nakababad sa kusina at nag halo halo na sa akin ang ibat ibang amoy at usok ng mga niluluto doon sa coffee shop.after ko mag shower nag patuyo lang ako sandali ng aking buhok at agad ng natulog dahil maaga na naman ang aking gising bukas para pumasok sa trabaho..
Hi loves i try to update my second story of Drick Kyle De Silva and Kristen Gonzaga sana po magustuhan niyo at nandyan pa rin po kayo:) thanks loves❤️