Nag paalam muna kami ni loid kay nanay martha dahil kailangan na namin maghanap ng trabaho ng aking kaibigan..nakakahiya naman kay nanay martha kung pati sa pagkain namin araw araw ay siya parin ang sasagot lebre na nga kami sa tirahan pati ba naman sa pagkain namin lebre parin masyado na kami ni loid non abusado at makapal ang mukha..kaya ito nag papaalam muna kami sa kanya na aalis.. mag iingat kayong dalawa iha at wag mag papagabi ng uwi dahil hindi niyo pa kabisado ang buong maynila at baka maligaw kayo dilikado pa naman lalo na paggabi bilin niya sa amin ng kaibigan ko"opo nanay martha panabay naming saad ni loid.. siya sige na alis na kayo at makauwi ng maaga mag iingat kayo"salamat po..
Nang makalabas kami ni loid sa bahay ni nanay martha ay nag lakad lakad lang muna kaming dalawa ng kaibigan ko at baka may makita kaming trabaho na malapit lang din dito sa lugar nila nanay martha,hanggang makarating kami ni loid sa pangatlong kanto ay may nakita kaming wanted dishwasher sa isang coffee shop na halos malapit lang din sa lugar nila nanay martha!kaya agad kaming pumasok ng kaibigan ko para mag tanong kung available pa ba ang pagiging dishwasher at kung pwede pa ba kami mag apply ng kaibigan ko..
Pag pasok namin ay agad kami nag tungo sa may counter para mag tanong,nung una napag kamalan pa kami ni loid na customer dahil nga daw wala sa mga itchura namin ang nag hahanap ng trabaho at bakit dishwasher daw ang aming inaaplayan hindi raw bagay sa maganda namin itchura saad sa amin ng manager nitong coffee shop.. kaya sinagot naman namin siya ni loid na kagagaling lang namin ng probinsya kaya ito lang ang kaya namin aplayan trabaho sa ngayon dahil high school lang ang tinapos namin ng aking kaibigan.. kaya tumango na lang sa amin ang manager..kaso isa lang ang kailangan namin taga hugas kaya isa lang din sa inyo ang kukunin namin sagot ng manager.. pero wag kayo mag alala dahil nag hahanap din ng waitress ang kaibigan ng boss ko pwede isa sa inyo kung gusto niyo.. kaya napag pasyahan namin ni loid na ako nalang dito bilang dishwasher nila at siya ang magiging waitress sa isang resto bar..na katabi lang din halos nitong coffee shop..
Ako ang natanggap na dishwasher dito sa coffee shop at bukas nang umaga ako mag sisimula sa unang trabaho ko masaya ako dahil may trabaho na agad" pag katapos ng kunting pag papaliwanag ng manager sa akin kung anong oras ang pasok ko bukas at kong ano ano ang dapat kung gawin ay lumabas na kami ni loid para samahan ko naman siya pag punta sa resto bar na halos katabi lang din nitong coffee shop.. friend masaya ako para sayo dahil may trabaho kana sana ako rin matanggap para dalawa tayo may trabaho saad niya.. wag kang mag alala loid sigurado matanggap ka dahil sabi ng manager kanina nag hahanap pa raw doon ng waitress kaya sigurado matanggap ka pag papalakas ko sa kanya..
Pag dating namin sa tapat ng resto bar tiningnan muna namin ni loid ang pangalan ng resto bar na ito..Casa De Bar kakaibang pangalan may gwardya pa sa may pintuan kaya lumapit na kami ni loid doon para mag tanong kay kuya gwardya..kuya good morning po nag hahanap daw po dito ng waitress saad ni loid kay kuya gwardya..bakit po ma'am mag aaplay po ba kayo? sagot naman ni kuya gwardya sa kaibigan ko..opo sana kuya! sige pasok nalang po kayo doon sa may counter nandoon po ang manager doon po kayo mag tanong ma'am.. salamat po kuya pasalamat ni loid kay kuya gwardya.. welcome po ma'am"mukhang mababait mga tao dito..
Nang makapasok kami ni loid ay dumiretso kami sa sinasabing counter ni kuya gwardya at may nakita kami isang babaeng nakaupo at mukhang busy ito sa kanyang ginagawa, kaya lumapit kami ni loid doon para mag tanong..good morning po ma'am mag tatanong po sana kami nag hahanap daw po kayo dito ng waitress! tanong ng kaibigan ko sa babae"ah oo mag aaplay ba kayo rito tanong ng babae sa kaibigan ko..ako lang po sana ma'am kung may bakante pa po kayo dito bilang waitress..oo kailangan pa namin ng tatlong waitress sagot naman ng babae, pwede po ba ako mag aplay ma'am kailangan ko po kasi ng trabaho galing pa po kami probinsya saad ng kaibigan ko..pwede may dala ka bang requirements mo? meron po ma'am.. kaya agad ni loid inilabas sa kanyang bag ang dala dala niyang requirements ako di ko na raw kailangan ng requirements dahil dishwasher lang naman ang trabaho ko sabi ng manager ng coffee shop"dito kailangan talaga ng requirements dahil hindi basta basta resto bar lang ito dahil isa itong high class bar at mukhang may mga kaya lang ang pumapasok dito..
Natanggap ang kaibigan ko bilang waitress kaya lang panggabi ang trabaho niya sa bar na yon at ako pang araw kaya hindi kami sabay na papasok ni loid sa trabaho.. pauwi na kami ngayon lakad lang din ang ginawa namin tulad kanina makakatipid kami ng kaibigan ko sa pamasahe dahil pwede na lakarin pag pasok sa trabaho at pauwi.. grabe friend ang swerte natin dalawa anoh..una nakilala natin si nanay martha at pinatira tayo ng lebre sa bahay niya, ngayon ito mabilis lang tayo nakakita ng mga trabaho natin"oh diba sobrang swerte natin friend! siguro si lola luisa ang nag gagabay sa atin kaya tayo sini swerte.. mahabang saad ng kaibigan ko.. siguro nga loid sagot ko nalang sa kanya" masaya kaming nag lalakad pauwi ng kaibigan ko dahil mabilis lang kami nakahanap ng trabaho tama nga siguro si loid baka si lola ang may gawa kaya mabilis kami makahanap ng trabaho.. salamat la dahil kahit wala na po kayo sa tabi ko ay patuloy niyo parin po kami ginagabayan ng kaibigan ko.. lola miss na miss na po kita tulad nga po ng bilin niyo sa akin wag akong malungkot yon po ang ginagawa ko la!! bulong ko sa hangin..
Pag dating namin sa bahay ni nanay martha ay nag mano kami sa kanya at sinabi rin namin na may mga trabaho na kami ng kaibigan ko, masaya naman siya para sa amin ni loid.. sobrang bait niya sa amin ng kaibigan ko kahit na hindi pa niya kami lubos na kilala pakiramdam ko nga hulog talaga siya ng langit para samin ni loid dahil bigla nalang kami nagkaroon ng instant nanay ng kaibigan ko..
Kinabukasan ay maaga ako nagising para mag luto ng almusal naming tatlo bago ako pumasok sa trabaho,sinangang ko yong natirang kanin kagabi at nag preto ng tuyo, itlog at bacon nang matapos ko na lutuin inihanda kuna lahat sa mesa para pag gising nila nanay martha ay kakain nalang kami, bumalik ulit ako sa kwarto ko para maligo para pag katapos kung kumain ay deretso na ako papasok sa trabaho sabi ni loid ihahatid daw niya ako sa aking trabaho pero sinabi ko sa kanya na kaya ko nang pumasok mag isa at tsaka malapit lang naman dito sa lugar ang aking papasukan..
Nang matapos na ako maligo at mag ayos ng aking sarili ay lumabas na ako ng silid at dumiretso sa kusina naabutan ko si nanay martha at loid na nakaupo na sa kani kanilang upuan pero hindi pa nag sisimulang kumain.. good morning po nanay martha and loid bati ko sa dalawa bago ako nag templa ng kape naming tatlo" good morning! friend,iha..panabay na bati nila sa akin.. good luck sa unang araw ng trabaho mo iha..salamat po nanay! ng matapos ako mag templa ay ibinigay kuna sa kay nanay martha at loid ang kanilang kape, iha sobrang ganda mo sa simpling ayos mo ngayon para nga kayong dalawa anak mayaman..
Naku nanay salamat po, pero malabo kami maging isang anak mayaman ng kaibigan ko! saad ko sa kanya"malay mo iha!! napaka swerte ko dahil bigla nalang ako nagkaroon ng dalawang anak na dalaga na sobrang bait at maganda pa"saad niya sa amin ng kaibigan ko.. maswerte rin po kami sa inyo nay dahil para kayong anghel na biglang dumating sa amin ng kaibigan ko"kahit kararating palang po namin dito sa maynila tinulungan niyo na po kami kaagad kahit na hindi niyo pa po kami lubos na kilala ng kaibigan ko..iha hindi na kailangan lubos na kilalanin ko pa kayo, dahil kitang kita naman sa mga itchura niyo ang kainosentihan at wala pang alam dito sa maynila kaya madali lang sa akin na tulungan kayo.. salamat po ng marami nay hayaan niyo po susuklian din po namin ng kaibigan ko ang inyong kabutihan samin..wag niyo na isipin yon iha basta ang mahalaga ay mag kakasama tayo ngayon"saad niya sa amin ni loida!!maganda si nanay martha kaya lang sempre nag kaka edad narin! siguro ng kanyang kabataan sobrang ganda niya kasi hahit nag kaka-edad na siya ngayon maganda parin at nag kakaroon narin ng mga puting buhok..kaya lang nakaka pagtaka kung bakit hindi man lang siya nagkaroon ng sariling niyang pamilya..
Nauna ako natapos kumain ng agahan dahil mag sisipilyo pa ako ng aking ngipin bago pumasok sa trabaho,kaya nag paalam na ako kala nanay martha at loid bago tumayo para pumasok sa aking kwarto para makapag sipilyo, pag katapos ko mag sipilyo ng aking ngipin tiningnan ko ulit ang aking sarili sa salamin.. wala akong pinahid na kahit na anong kulurete sa aking mukha dahil wala naman ako non kaunting ayos lang at suklay ng aking buhok ok na..yong damit ko naman ay medyo kupas kupas na dahil sa kalumaan pero maayos pa naman" dahil karamihan ng mga damit ko ay luma na at si lola luisa ko pa ang bumili ng mga ito.. siguro sa unang sahod ko bibili ako ng ilang piraso para naman kahit papaano ay may maayos ayos akong damit na pwedeng isuot pag pumasok ng trabaho..
Pag labas ko ng kwarto nakaabang na si loid at nanay martha sa sala.. iha mag iingat ka sa trabaho mo, opo nay salamat.. friend ihahatid na kita sa trabaho mo"wag na loid samahan mo nalang dito si nanay martha, tsaka kaya ko na ang sarili ko loid"sige friend basta mag iingat ka palagi at good luck sa unang araw mo..kaya tumango na lang ako sa kanya at nag mano kay nanay martha bago na lumabas ng bahay..
Masaya akong nag lalakad papasok sa aking trabaho dahil ito ang kauna unahang trabaho ko na malaki ang sahod kumpara sa mag hapon naming trabaho ni loid noon sa probinsya na one hundred fifty pesos lang tapos maghapon kapa sa initan"kaya sigurado dito sa bago naming mga trabaho ni loid ay makakaipon kami at pwede na namin ipag patuloy ang naudlot naming pag aaral ng college.. pangarap ko kasi maging isang pastry chef at makapag patayo ng sariling bakeshop in the future si loid naman pangarap maging isang nurse pero ewan ko lang ngayon kung iyon parin ba ang kursong kukunin niya!! marami rami din akong nakaka sabay sa pag lalakad papasok sa trabaho lahat ay nag mamadali, ako naman maaga lang pumasok pero 8:30 a.m pa ang call time ko sa trabaho mas maganda na ang maaga pumasok para hindi malate kung saka sakali at tsaka hindi ko rin alam kung stricta ba ang magiging boss ko..
Pag dating ko sa tapat ng coffee shop na pag tatrabahuan ko ay bukas na ito at meron narin naglilinis at nag aayos ng mga upuan at mesa kaya dali dali na ako pumasok para tumulong sa kanila..good morning po bati ko sa mga nanditong empleyado na abalang nag aayos at nag lilinis ng mga upuan at lamesa.. good morning din bagong empleyado ka dito dhay tanong sa akin ng isang babae na edad 30's na siguro.. opo..dishwasher po sagot ko sa kanila..anoh dishwasher ka.. panabay nilang saad na pasigaw.. opo..bakit po masama po ba maging dishwasher!! hindi naman masama ang pagiging dishwasher dhay hindi lang kami makapaniwala dahil sa ganda mong iyan bakit dishwasher ang napili mong trabaho.. yon lang po kasi ang available na trabaho dito eh..naku sayang ang magandang kamay mo dhay ang ganda pa naman tapos tagahugas lang ng mga baso, plato at kutsara.. ok lang po basta may trabaho lang po" saad ko sa kanila na halos sa akin na nakatingin..